CHAPTER 1

1643 Words
CHAPTER 1: Embarrassment ANGELIA YVE'S P.O.V Matapos ang isang linggo mula ng ipasok ako bilang kasambahay sa mansyon ni Mr. Primo ay hindi rin naging madali sa akin ang lahat. Hindi naman kasi ako marunong gumawa ng kahit anong gawaing bahay noong una akong dinala dito dahil may katulong naman kami dati pero hindi ko pa rin matanggap na hindi ko manlang agad nalaman na unti-unti na palang naghihirap ang pamilya namin at ngayon ay nagsisisi na ako dahil nasanay kasi akong umaasa sa ibang tao kaya nahihirapan ako kung paano maging kasambahay. "Lia pagtapos mo maghugas diyan pwede bang linisan mo naman ang kwarto ni Sir Leizer?" sabi sa akin ni Melissa habang inaayos nito ang mga ingredients dahil siya ang nakatoka sa pagluluto ngayon.  "S-sige..." maiksing sagot ko na lang sa kanya at saka ko tinuloy ang paghuhugas sa mga hugasin at sa di ko inaasahan ay bigla ko na namang nabitawan ang basong kasalukuyan kong sinasabunan at dahil dumulas sa kamay ko ang baso ay laglag ito sa sahig dahilan para mapatingin sa akin ang mga kasama ko. "S-sorry..." nahihiyang paumanhin ko saka ko akmang dadamputin ang mga bubog sa sahig ng lapitan ako ni Manang Elena. "Ikaw talagang bata ka nakakailang basag ka na nang baso sa isang linggong nandito ka wala yatang araw na hindi ka nakakabasag e, oh siya tumayo ka na diyan mabuti pa sigurong ibang gawaing bahay na lang ang gawin mo kasi baka maubos na ang kagamitan nila Sir sa kusina." seryosong sabi ni Manang Elena sa akin kaya naman napaagat na lang ako sa ibabang labi ko. "P-pasensya na manang pagbubutihan ko na talaga pangako." sabi ko at nakita ko namang humarap sa akin si Manang saka siya ngumiti at saka ako hinawakan sa kamay. "Alam mo hija naiintindihan ko naman na hindi ka sanay gawin ang mga bagay na 'to pero kailangan mo na matutong tumayo sa sariling mong mga paa kasi hindi naman habang buhay kung ano lang yung nakasanayan mo yun lang gagawin mo tulad na lang ngayon paano ka makakapagtrabaho ng maigi kung palagi kang sumasablay? Pero sana sa susunod hindi ka na pumalpak." nakangiting turan niya sa akin kaya naman tumango na lang ako saka pinunasan ang kamay ko. "Maglinis ka na lang sa taas mas mabuti pa kaysa naman may mabasag ka pa dito, pero mag-iingat ka din sa paglilinis mo sa taas ha? Kasi lahat ng mga kagamitan sa kwarto ni Sir Leizer ay mamahalin baka mahirapan kang magbayad kapag may nasira ka." paalala sa akin ni Manang Elena. Agad naman akong naglakad at nagdala ng feather duster at nang vacuum para malinis ang kwarto ni Mr. Primo. Nang makarating ako dun sa loob ng kwarto niya ay namangha ako kasi ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya ito kasi ang unang beses na inutusan nila akong maglinis ng kwarto niya kaya naman parang luluwa na ang mga mata ko. Black and white ang theme ng kwarto niya kaya hindi masakit sa mata tingnan at amoy na amoy ko ang pabango niya sa loob ng kwarto kaya naman napangiti ako saka inilapag ang feather duster na hawak ko saka ko sinaksak ang vacuum para makapagsimula nang mag-ikot sa kwarto niya at dahil master bedroom yun ay malawak talaga at idagdag mo pa ang napakalaki nitong T.V na akala mo ay nanonood ka lang din ng sine dahil sa laki nito. At dahil nakavacuum naman ako ay hindi na ako nahirapang walisan ang mga dumi sa sahig ng kwarto niya saka ako pinatay ang vacuum pagkatapos saka kinuha ang feather duster at saka ko naman nilinisan ang mga sulok-sulok ng kwarto niya at nakita ko namang maraming nakadisplay na paintings sa dingding ng kwarto niya kaya naman pati ang mga yun ay nilinis ko gamit ang feather duster na hawak ko. Matapos yun ay pinunasan ko naman ang vase na may alikabok na rin sa may side table ng kama ni Mr. Primo kaya naman agad ko yung pinunasan ng marinig kong may pintuang bumukas sara kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan nun at nakita ko ang isang bulto ng lalaking kakalabas lang ng banyo at wala itong suot na damit bukod sa tuwalyang nakasabit sa bewang nito habang nagpupunas naman ito ng tuwalya sa ulo nito para sa basa nitong buhok kaya naman agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung gaano kaganda ang katawan niya isama mo na rin pati ang six pack abs nito, agad akong napalunok at dahil sa pagpapanic ay nabitawan ko ang vase na hawak ko dahilan para lumikha iyon ng ingay at mas nanlaki ang mata ko at parang gustong lumabas ng puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "What the hell are you doing here?" rinig kong sabi ng isang malamig na tinig sa likuran ko dahilan para mapaharap ako sa kanya at napatingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya sa 'kin at nakita ko kung paano niya ako tinitigang maigi. "S-sir I'm sorry n-napag-utusan lang akong m-maglinis." sabi ko at dahil kinakabahan ako sa presensya niya ay umatras ako ng umatras sa kanya. "A-aww!" agad akong napa aray sa sakit ng maramdaman kong may matulis na tumusok sa talampakan ko at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pabridal style dahilan para mas lalong nagwala ang puso ko at saka niya ako pinaupo sa kama niya at saka siya lumuhod sa akin at saka itinaas ang paa ko. Naramdaman kong umaapoy ang pisngi ko sa hiya dahil naramdaman ko ang pagdampi ng hangin sa binti ko lalo na't wala akong panloob ng cycling shorts at tanging underwear lang ang suot kong panloob sa suot kong maid uniform na black and white kaya naman napabaling ako sa kanya ng makita kong sa paa ko siya nakatingin at napangiwi ako ng tanggalin niya ang naapakan kong bubog ng vase at dahil malaki iyong natapakan ko ay dumugo ng sobra ang paa ko. "I'll go get the first aid kit wait for me here..." sabi niya sa akin kaya naman tumango lang ako bilang sagot saka siya nagsimulang tumayo at saka siya may kinuha sa walk in closet niya isang medical kit at muling lumapit sa akin. Kumuha siya ng betadine, hydrogen peroxide saka bulak at saka iyon in-apply sa sugat ko at saka niya iyon tinakpan ng bandage para matigil na sa pagdugo saka siya tumayo at saka siya nagsimulang magbihis sa harapan ko at dahil sa kahihiyan at yumuko na lang ako para di ko siya makitang magbihis matapos nun ay naramdaman kong lumubog ang kama sa tabi ko ng mapansin ko siyang umupo sa tabi ko at saka tumitig sa akin kaya naman muli na namang nagwala ang puso ko at saka ko napahawak sa dibdib ko dahil para akong kakapusin ng hininga. Ngayon ko lang din narealize kung gaano siya kagwapo sa malapitan at kahit pa na hindi siya maputi at kulay tan ang kulay ng balat niya ay di nun nabawasan ang kagwapuhang taglay niya. "You know what? Manang Elena always told me that you can't do your job properly, either you broke some plates while washing or sometimes like this you broke my vase. Bakit ba ang clumsy mo?" seryosong sabi niya sa akin habang kunot-noong nakatingin sa akin kaya naman napabuntong-hininga ako at napaiwas ng tingin sa kanya. "S-sorry, I'm trying my best... h-hindi na mauulit." sabi ko nakita ko namang napangisi siya at dahan-dahang napailing. "You're a little bit cute, but sometimes I want to bring you back to your family because you're so useless as a housemaid." sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya at nakaramdam ng inis sa sinabi niya na wala akong silbi. "Akala ko pa naman ang bait yun pala may kayabangan pa din sa katawan." bulong ko at nakita ko namang nakatingin siya sa 'kin ng seryoso. "Pardon? Are you saying something?" sabi niya sa akin kaya naman napairap lang ako at nag-iwas ng tingin. "Wala!" Nagulat na lang ako ng maramdaman kong hawakan niya ako sa dalawang balikat ko dahilan para mapahiga ako sa kama niya ng itulak niya ako pahiga at saka niya hinawakan ang magkabilang braso ko. "I'm not deaf okay? I can hear you and by the way, paano mo babayaran ang nasira mong gamit ko?" seryosong tanong niya sa akin at sa pagkakataong yun ay wala na akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Bumuka ang bibig ko pero wala akong masabi kaya naman muli ko na lang tinikom ang bibig ko at saka ko kinagat ang ibabang labi ko at napansin ko ang paglunok niya saka ako binitawan at umiwas ng tingin sa akin matapos niyang umayos ng upo kaya naman nakabalik ako sa pag-upo sa tabi niya. "D-di ko alam kung paano ko babayaran yung nasira k-ko pero gagawin ko na ang best ko para di na 'ko makasira pa ulit ng gamit mo dito sa bahay mo." sabi ko lang sa kanya at saka ako tumayo kahit na nahihirapan ako dahil sa sakit ng paa ko. Nagulat ako ng buhatin niya akong ulit ng pa bridal style at saka ako binuhat papunta sa maid quarters at nakita ko kung paano nagulat sila Manang Elena ng makita akong buhat ni Mr. Primo. Nang makarating kami sa kwarto ko ay nilapag niya ako sa higaan ko. "You can't work like that, mas mabuti pa sigurong magpahinga ka muna habang di pa humihilom yung sugat sa paa mo dahil mahihirapan ka lang din na magtrabaho kung ganyan ang lagay ng paa mo." sabi niya sa akin at akmang lalabas na nang kwarto ko magsalita ako. "T-thank you Mr. Primo." sabi ko at nakita ko namang napalingon siya sa akin. "Sir Leizer, just call me Sir Leizer." sabi niya saka tuluyang lumabas ng kwarto ko kaya naman napangiti ako ang marahan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD