PROLOGUE: The Start
ANGELIA YVE'S P.O.V
"Mr. Primo baka naman pwede pa kaming humingi ng isa pang pagkakataon sa 'yo para makabayad kami sa utang namin?"
Nang makalabas ako ng kwarto ko ay narinig ko ang boses ni Daddy na may kinakausap at nang mapabaling ako sa may sala namin sa baba ay nakita ko ang isang lalaking naka corporate suit na itim at may kasama rin itong isa pang lalaki. Matangkad ito na sa tingin ko ay nasa 5'8 ang height, naka undercut ang buhok nito, matangos ang ilong nito at may pagka kulay tan ang balat pero masasabi mo pa rin na guwapo ito kahit hindi ito kaputian.
"I already gave you a deadline Mr. Morales and the deal is the deal, kapag hindi niyo binayaran ang inutang niyo sa 'kin na pera wala akong ibang magagawa pa kundi ang bilhin ang kumpanya niyo." sabi ng lalaki na sa palagay ko ay ang kausap ng Daddy ko.
"P-pero kapag kinuha niyo ang kumpanya namin w-wala ng matitira sa pamilya namin, b-bigyan niyo na lang kami ng isang pagkakataon para makabayad pangako sa susunod na pagbalik niyo rito ay may maiaabot na kaming pambayad sa 'yo." sabi ni Daddy at nakita ko namang napahawak si Mommy sa braso niya habang hinahagod ang likuran nito.
Kaya naman di na ako nakatiis pa at nagpasiya na akong bumaba kung nasaan sila at nang tuluyan na akong nakababa ay naglakad ako palakad palapit kila Mommy and Daddy.
"I already gave you a year to pay for your debt Mr. Morales so if you can't pay then I want your daughter as p*****t then, I want her to work for me as my house maid." sabi ng lalaki sa akin at nakita ko ang malalim nitong pagtitig sa akin kaya naman naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Mommy at nakita kong naiiyak na ang ina ko kaya naman magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Mommy.
"A-ako nalang Mr. Primo, a-ako na lang ang magkakatulong sa inyo... Please wag niyo ng idamay ang anak namin dahil b-bata pa siya at h-hindi siya sanay sa hirap..."
For the first time in my life ngayon ko lang nakita ng ina ko na maging ganun kaya naman parang dinudurog ang puso ko habang nakikita silang nagmamakaawa sa lalaking kausap nila.
"What did I say? I told you I want her to work for me," sabi niya saka ako tinuro, "and as p*****t for your debt."
Marahas na napailing ang Mommy ko at dun ko nakitang tumulo na ang luha niya kaya naman naikuyom ko na ang kamao ko.
"S-sino ka ba?" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nagsalita na ako habang nakataas ang isang kilay ko at nakatitig ng masama sa lalaki at nakita ko naman kung paano tumaas ang sulok ng labi niya at nakita kong napatingin din sa akin ang mga magulang ko pero agad din namang nawala ang atensyon nila sa akin ng magsalita ang lalaki sa harapan ko.
"You choose Mr. Morales," sabi nito habang nakatingin sa akin, "your daughter or your company?"
"Mr. P-primo parang awa niyo na..." sabi ng Daddy ko saka ito lumuhod sa harapan niya kaya naman napasinghap kami ni Mommy sa ginawa niya.
"Don't beg because it doesn't work on me." sabi nito na parang wala man lang pakialam sa ginawa ng ama ko pero nanatili lang din na tikom ang bibig ko at naguguluhan sa mga pangyayari sa paligid ko.
Tumayo si Daddy at nagulat ako ng hawakan ako sa braso ni Daddy saka ako hinila papuntang kusina at nakita ko namang nakasunod sa amin si Mommy at nang huminto kami ay humarap sa akin si Daddy at dun ko nakitang malungkot ang mga mata niya habang si Mommy naman ay umiiyak pa din.
"Lia a-anak p-patawarin m-mo ang Daddy a-ah kung hindi ko nasabi na nababaon na tayo sa u-utang... a-ayoko kasing lumaki sa hirap k-kaya naman n-napilitan na a-akong umutang ng isang daang milyon sa lalaki na y-yun k-kasi n-na bankrupt na din ang kumpanya natin... ginawa ko naman lahat ng makakaya ko anak p-para maisalba ang kumpanya natin p-pero nalulugi na talaga ang negosyo n-natin k-kaya napunta lang d-din sa wala ang i-inutang ko na p-pera kasi p-pinag-aral din k-kita abroad k-kaya naman nagpatong-patong na l-lahat." paliwanag sa akin ni Daddy dahilan para tumulo na ang luha ko.
"A-anak p-pumayag k-ka muna s-sanang magtrabaho s-sa kanya, kasi kapag pinagbenta k-ko ang kumpanya s-saan na lang t-tayo pupulutin?" mahinahong sabi ni Daddy sa akin at nakita kong naluluha na siya.
"H-hon, a-ano ka ba?! W-wag m-mo sabihing ipambabayad u-utang mo ang anak mo?" sabi naman ni Mommy na lalong napaiyak.
"Hon, h-hindi sa ganun okay? P-pansamantala lang naman h-habang di p-pa ako nakakadiskarte ng ipambabayad s-sa kanya d-dun muna si Lia, p-pero kapag nakadiskarte na ako ng pera susunduin n-natin si Lia doon sa kanila okay?" sabi ni Daddy kaya naman tumulo na naman ang luha ko.
"M-mommy... o-okay lang ako, t-tama si Daddy k-kung ibebenta niyo yung kumpanya w-wala ng matitira sa atin, wag ka mag-alala sa akin Mom m-magiging maayos lang a-ako dun." sabi ko kay Mommy kaya naman lalong mas napaiyak si Mommy.
"S-salamat a-anak at naiintindihan m-mo..." sabi ni Daddy sa akin saka ako niyakap ng mahigpit kaya naman napahagulgol na din ako.
Matapos nun ay inayos na namin ang sarili namin saka muling bumalik sa sala at saka ko umiwas ng tingin sa lalaki at saka ko narinig si Daddy na nagsalita.
"P-please Mr. Primo ingatan niyo sana ang anak namin... hindi namin siya pambayad utang sa inyo huh? Pansamantala lang siya sa inyong magtatrabaho k-kasi kapag nakahanap ako ng maipambabayad sa inyo babawiin namin ang anak namin." sabi ni Daddy.
"Whatever, but if you didn't make the p*****t your daughter will be the real p*****t then." sabi nito kila Daddy at nakita ko namang tumango si Daddy saka lumingon sa akin at saka ako sinabihang wag ako mag-alala dahil gagawa siya ng paraan.
Matapos ang usapin nilang iyon ay pinag-imapake na ako nila Mommy ng mga gamit at damit na dadalhin ko doon at dahil di naman masyadong marami ang bagaheng dadalhin ko ay nakababa rin ako agad.
"Let's go." sabi nung Mr. Primo saka naman ako niyakap ni Mommy at Daddy bago ako sumama sa lalaking iyon.
***
Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating kami sa tapat ng isang malaking mansiyon sa E.D Subdivision.
"Manang Elena this is the new housemaid and she will work with you from now on so teach her what she needs to know." sabi ng lalaki saka kami iniwan sa sala at nakita ko namang ngumiti sa akin ang matandang babae saka ito lumapit sa akin.
"Hello hija, ako nga pala si Elena mayordoma sa bahay na 'to habang ang dalawa namang ito ay kasambahay din dito." sabi naman ni Manang Elena sa 'kin kaya naman ngumiti ako pabalik at nang mapatingin ako sa dalawang babae na tinutukoy niyang kasambahay din ay nagsalita ang isa sa kanila.
"Hi, Ruth nga pala." pakilala sa akin ng babaeng medyo kulot ang buhok.
"Melissa." sabi naman ng babaeng hanggang balikat lang ang buhok kaya naman ngumiti lang ako at sumagot.
"Angelia Yve, pero Lia na lang itawag niyo sa akin para di kayo mahirapan."
"Halika ituturo ko sayo kung saan ang magiging kwarto mo." sabi ni Manang Helen sa akin saka ko hinila kaya naman naglakad kami ng sabay at nakita kong huminto kami sa tapat ng maids quarters at nakita kong maraming mga kwarto doon.
"Dito ka muna kasi ito pa lang ang bakanteng kwarto." sabi ni Manang Helen saka ako tinulungan na ipasok ang mga maleta ko sa loob.
"S-sino po pala yung dalawang lalaki kanina na kasama ko?" nahihiyang tanong ko at nakita ko namang napangiti siya sa 'kin.
"Yung boss natin si Sir Leizer Chrollo Primo 'yun, siya ang may-ari ng Estate Domain Company pati na rin ang mga E.D subdivisions sa iba't-ibang dako ng mundo ay pag-aari niya kaya naman natatawag siyang bilyonaryo dahil sa ubod ng yaman niya at yung kasama niya naman na lalaki 'yun naman si Liam sekretarya niya." paliwanag sa akin ni Manang Elena kaya naman natahimik ako sa tinuran niya.
Kaya naman pala ganun na lang sila Mommy at Daddy magmakaawa sa kanya dahil hindi lang pala siya basta ordinaryong tao kundi isa pala siyang bilyonaryo. Hindi rin naman maipagkakaila dahil halata naman ang yaman niya dahil sa ganda ng mansyon niya.
"Bakit nga pala pumasok ka ditong kasambahay?" tanong naman ni Manang Elena sa akin kaya naman napayuko ako. "K-kailangan ko kasi... Manang,"
"Osiya, magpahinga at magpalit ka muna ng damit at pagtapos mo ay puntahan mo ako sa kusina dahil ipaghahanda ko pa ng hapunan si Sir, at tutal inihabilin ka naman niya sa akin tuturuan na rin kita ng gawain sa kusina tapos bukas ko na lang ituturo sa 'yo ang iba mo pang gagawin para hindi ka masyadong mapagod ngayon ayos ba yun sa 'yo?" nakangiting sabi naman ni Manang Elena sa 'kin kaya naman marahan akong tumango at saka niya ako iniwan sa kwarto ko kaya naman nagpasiya ako na maligo muna at saka ako nahiga sa higaan saglit matapos kong maligo at magbihis.
In fairness malambot ang higaan at masasabi mong mapapasarap ang tulog mo dahil hindi ka sa papag matutulog kundi sa kutson.
Napansin ko rin may nakatuping maid uniform sa higaan at nang tingnan ko iyon ay nakita kong may namepin na nakalagay doon.
'Angelia Yve Morales'
Yun ang nakalagay sa pin kaya naman nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lang narealize na napaghandaan na pala ng lalaking iyon ang pagdating ko dito.
---