Imbes na sa bahay dumiretso nang uwi ay pumayag siya na sumama sa opisina ni Dale. Napangiti ang receptionist nang makita siya na kasama ng Boss nila at magalang itong bumati.
Pagpasok sa opisina ay tinawag ng binata ang secretary nito at inutusang dalhan siya ng juice.
Para siyang de-susing manika na sumusunod lang sa kung anong sabihin nito sa kanya.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dale nang hindi pa rin siya nagsasalita habang tinititigan lang ang baso ng juice na nakahain sa center table na nasa harapan niya.
“Nakausap ko na si Tito Philip and we’re going to talk about the wedding,” panimula nito. “Dinner, tomorrow night.”
Mahigpit niyang hinawakan ang damit niya at kinagat ang labi. “Ayokong magpakasal,” nakatungong sagot niya at masama ang tingin na saglit na ipinukol dito.
“And what do you want, iluwal ang bata na walang ama sa tabi niya?” galit na tanong ito.
“And is it enough reason para magpakasal tayo? Naiintindihan mo ba ang gusto mong mangyari, ha? Kasal ‘yon, Dale! Lifetime commitment. At para lang sa dalawang taong nagmamahalan!”
“Then, love me!” sigaw nito na hindi napigilan ang pagtaas ng boses. At kita niya ang galit na biglang nabuhay sa mga mata nito.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Kung ganoon lang kadali iutos na mahalin ang isang tao e di sana siya na mismo ang nag-utos dito na mahalin din siya noon pa. “Huh? Kung magsalita ka parang wala kang commitment sa iba.” Napapailing na lang na sambit niya.
“Hindi kita yayayain magpakasal kung committed na ako sa ibang babae," sagot nito na bahagyang huminahon ang boses.
Bigla siyang napatingin dito na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa kanya.
“Si.. si Ate Sabrina..”
Binitawan nito ang hawak na ballpen habang nakatingin sa kanya at naglakad papunta sa kinauupuan niya.
“Do you really think na girlfriend ko ang Ate mo? Am I that jerk to you, ha, Alison?” sabi nito while holding her chin.
She suddenly felt some butterflies invading her stomach at para siyang nahihipnotismo sa mga mata nito na hindi inaalis sa kanya. She wanted to say something pero nawala iyon nang bigla siya nitong hinalikan.
Napakapit siya sa braso nito at halos mawalan siya nang hininga ng pakawalan nito. “We never had any intimate relationship.”
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Ngayon lang nag-sink in ang sinabi nito. ‘Hindi sila ni Ate?’
Nakakunot ang noo na sinalubong niya ang tingin nito. “What do you mean? You were childhood sweetheart at alam ng lahat ‘yon. Hanggang ngayon..”
“There are some misunderstandings na kailangan nang itama. Yes, we were childhood friends and maybe best of friends but nothing beyond that. We need to keep close to each other for some significant reasons that I can’t tell you now but one thing’s I can assure you, I’m not committed to anyone especially sa kapatid mo." Nakatitig ito sa kanya habang sinasabi iyon na lalong nagpabilis ng t***k ng puso niya.
Napatungo na lang siya dahil parang napapaso siya sa mga titig nito. “But I know she likes you. At masasaktan siya kapag nala..”
“But I like you!” bulalas nito.
Bigla siyang nag-angat nang tingin and she swallowed nang masalubong ang mga mata nitong parang nangungusap. “Anong sabi mo?” kinakabahan niyang tanong at pakiramdam niya ay konti na lang at maririnig na nito ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos-haplos ito. “I like you, matagal na," nakangiting sagot nito.
Para siyang nahahalina sa pungay ng mata nito habang tinititigan siya at sinasambit ang mga salitang iyon na tila musika sa pandinig niya.
Napayuko siya at hindi makakilos sa kinauupuan. At hindi rin siya makapaniwala sa sinasabi nito ngayon. Muli siyang tumingin dito saka tumawa. “April fool’s day ba ngayon? Ang galing mo pala mag-joke ‘no? Medyo nakalimutan ko ang prob…lema ko.” Bigla siyang kinabahan nang magbago ang ekpresyon ng mukha nito at makita ang galit sa mga mata niyon.
She was frightened at tiningnan niya ang mga kamay nito na nakatuon sa magkabilang gilid niya. Hindi niya magawang kumilos at para siyang isang sisiw na takot na takot sa kaharap na predator.
“Do you think I have time to make a joke for this serious matter?” he said while gritting his teeth.
Napalunok siya at pilit na pinalis ang kamay nito. “And do you think na maniniwala ako sa sinasabi mong gusto mo ako?" tapang-tapangang balik tanong niya. "For all we know, mula nang makilala mo ako ay mainit na ang dugo mo sa’kin like Ate Sabrina. Na naiintindihan ko naman dahil girlfriend mo siya at natural lang na kampihan mo siya.”
Tumayo rin ito nang pilit siyang tumayo sabay hapit sa baywang niya at mapangahas na hinalikan siya. Pilit niyang itinutulak ito ngunit wala siyang magawa sa lakas nito hanggang hindi na niya mapigilan ang sarili at unti-unti ay tinutugon na rin niya ang mga halik nito. Hanggang sa isandal siya muli nito sa sofa na kinauupuan niya kanina.
The arrogant kiss suddenly became passionate na lalo niyang nagustuhan. Then he trailed his kisses down to her neck then to her mountains. She let a soft moaned habang hinahaplos nito ang katawan niya. She can't help herself but responds to it. Sandali niyang nakalimutan ang mga agam-agam sa isipan niya na hindi mawala sa utak niya. And her body suddenly seems to be asking for more.
Muling bumalik sa mga labi niya ang mga halik nito nang bigla itong tumigil at tinitigan siya. “I’m sorry to disappoint you, honey, but I’m afraid I might hurt our little one,” masuyong sabi nito saka siya hinalikan nang matagal sa labi. Para siyang kinikiliti nang marinig niya iyon habang tinititigan ang nakangiting labi nito na umabot sa mga mata ang saya. Kahit pa halata rin dito ang pagpipigil sa gusto ng katawan.
Sandali silang nasa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang isa’t isa. Napakagat labi siya dahil sa pinipigilang kilig habang naghihinang ang mga mata nila. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpasya itong tumayo nang biglang bumukas ang pinto.
“Kuya, we’re here--" Naputol ang sasabihin ni Duke nang makita ang kapatid na bukas ang ilang butones ng suot na polo habang tinatakpan ang babaeng nasa likod nito.
“Wooooh, I’m sorry! Better put a warning sign next time in front of your door,” nakangisi nitong komento habang sumusulyap sa likuran niya na tila gustong makita kung sino ang kasama niya.
“Get out!” utos nito pagkatapos itong tapunan nang masamang tingin.
“Chill, just call me when you’re done,” tatawa-tawa nitong pahabol bago tuluyang lumabas.
Nang marinig ang paglapat ng pinto at masiguradong nakalabas na ang bisita ay biglang tumayo si Alison at di sinasadyang naitulak niya ang binata dahilan para mahulog ito.
“What the heck?”
“Sorry, sorry!” hinging pasensya niya na saglit lang ito sinulyapan saka ipinagpatuloy ang pag-aayos nang nagusot na damit pati na ang buhok.
Amused na pinapanood ni Dale ang dalaga habang hindi ito magkamayaw sa pag-aayos sa sarili. “Why are you so nervous? Si Duke lang ‘yon.”
Inirapan niya ito habang itinatali ang buhok. “I have to go.”
Tumango-tango ito habang nakangising bumalik sa table niya. Naiinis siyang lumapit dito at siya na mismo ang nagbalik ng butones ng polo nito na wala yatang balak na ayusin iyon. "Haharap ka sa kapatid mo na ganyan ang hitsura mo?"
He just shrugged his shoulder habang tila mas nagugustuhan ang ginagawa niya rito. "Who cares? Kapatid ko lang naman 'yong nakakita sa'tin," tila nag-iinis pa na sagot nito habang nakatitig sa kanya habang inaayos niya ang damit nito.
Lalong nalukot ang mukha niya at muli niyang inirapan ito at hindi na pinansin ang sinabi nito saka naglakad palabas ng silid. Pagbukas niya ng pinto ay halos himatayin siya sa gulat nang makita si Duke na naghihintay kasama ang Mommy nito na nakikipagkwentuhan sa secretary ni Dale.
Sabay-sabay pa ang mga ito na napalingon sa gawi niya at napangiwi siya na halos sabay sabay din silang sandaling natulala at nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa kanya.
Pigil ang hiningang pilit siyang ngumiti at binati ang mga ito habang si Duke naman ay nakakunot ang noo habang sinusuri siya.
“Alison? What are you doing here?” takang tanong ng Mommy nito habang nagbeso sa kanya.
"Boo, ikaw ang kasama ni Kuya sa loob?" tila hindi makapaniwala at nagkukumpirmang tanong ng kaibigan.
Ang sekretarya naman ni Dale ay tahimik na nagmamasid sa kanila at nagtataka naman sa pagkagulat na reaksyon ng mga amo.
Sa mga sandaling iyon, ay hiniling niya na sana ay bumuka ang lupa at lamunin na lang siya nito. “Ah, ummm… may.. pinag-usapan lang po kami," nauutal niyang sagot. "Sige po…Mauna na po ako sa inyo,” natatarantang paalam niya.
Hindi niya na hinintay pa’ng sumagot ang mga ito at nagmadali na siyang lumabas. Hindi rin niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Duke.
Hindi mapakali at mariin niyang ipinapadyak ang mga paa habang nasa loob ng elevator. Kagat-kagat ang isang daliri habang hindi maipinta ang mukha niya. ‘Kapag minamalas nga naman oh! Bakit kase pumayag ako na pumunta rito? Ang tanga-tanga mo, Alison. Ano na lang ang iisipin nila sa’yo, na inakit mo si Dale? Oh, gosh!’
Napahawak siya sa labi at muling naalala ang mainit na tagpo kanina. Napangiti siya nang maalala ang sinabi nito na gusto siya nito. Pakiramdam niya ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya ngunit unti-unti rin nawala ang ngiti nang maalala si Sabrina.
Paano niya sasabihin dito at sa Daddy niya ang tungkol sa kanila ni Dale pati na rin ang ipinagbubuntis niya? At kung totoo man ang sinabi nito na walang namamagitan sa kanila ng Ate niya, sigurado naman siya na may pagtingin ito para sa binata.