Pagbaba ng taxi ay humahangos na sinalubong siya ng kasambahay nila na si Yaya Minda. Nginitian niya ito at napilitang ibigay ang plastic bags ng mga pinamili niya na pilit nitong kinuha mula sa mga kamay niya. “Ako na ang mag-aakyat ng mga ito sa kwarto mo. Dumiretso ka na sa kusina at kanina pa naghihintay ang Daddy mo sa’yo,” sabi nito na bakas ang pag-aalala sa mga mata. Gusto pa sana niyang tanungin ito pero sinenyasan na siya nito na pumasok na at nauna na itong naglakad papasok. Napalingon siya sa dalawang sasakyang hindi pamilyar sa kanya na nakaparada sa garahe nila. Dumiretso siya sa kusina tulad ng sinabi ni Yaya Minda. Nadatnan niya roon ang Daddy niya na tahimik na nakaupo na bakas sa mukha ang pag-aalinlangan at mabilis na lumingon nang marinig ang paglapit niya at tila