“Boo, kumusta? Ready ka na ba for our first job? Super excited na ‘ko,” masayang bati ni Lara paglapit sa kanya.
Nasa restaurant sila na isa sa pag-aari ng Daddy niya at dito nila napagkasunduang magkita ng kaibigan bago mag-shopping ng ilang gamit na kailangan nila para sa trabaho. Nasa loob kasi ito ng isa sa pinakamalaking mall sa Metro Manila. At ito ang pangalawa sa pinakamalaking branch ng restaurant na pag-aari nila.
Ang pinakamalaki nilang branch ay nasa Batangas at ito ang pinakamahalaga para sa kanyang Daddy dahil dito ito nagsimula at ito ang nagbigay ng maraming oportunidad dito para mas mapalawig at mapaunlad ang pinaghirapang negosyo. At dahil rin sa ang lupang pinagtatayuan ng restaurant na iyon ang nag-iisang ari-ariang pamana ng mga magulang nito rito.
Mahigit isang buwan din ang ipinaghintay nila at sa wakas ay makakapag-umpisa na sila sa trabaho.
“Hoy, ano’t tulala ka riyan!” Tinapik siya nito sa balikat.
Gulat siyang napatingin sa nakakunot na noo ng kaibigan. “Ha? Ah, wala. Medyo puyat lang. Tatawagan nga sana kita na bukas na lang sana tayo lumabas. Antok na antok pa kase ako," sabi niya na sakto naman na napahikab.
Tumaas ang kilay nito habang hinahatak ang kamay niya. “Aba’t kelan ka pa nanamlay? Dati kaya mo kahit three hours lang ang tulog mo basta may kinalaman sa culinary ang pag-uusapan. Tara na! Tayo na riyan para makapamili na tayo at maihanda na ang mga kailangan.”
Wala siyang nagawa kundi tumayo na rin at sumunod sa kaibigan. Papalabas na sila nang maalala na naiwan niya ang bag sa kitchen nang sumilip siya rito kanina pagkarating niya at nakipag-kwentuhan sandali sa ilang staff ng restaurant.
“Wait lang, Boo. ‘Yong bag ko pala, naiwan ko sa kitchen. Hintayin mo na lang ako rito," paalam niya habang papalayo.
Tumango naman si Lara at muling umupo.
Pagpasok niya sa kusina ay kinuha niya agad ang bag na nakapatong sa isang maliit na table kung saan niya ito iniwan. Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig ang ang tunog ng sandok sa kawali. Napatingin siya sa pinagmumulan ng tunog at napasimangot nang maamoy ang nakasalang dito.
Biglang sumikdo ang sikmura niya at napatakip sa bibig dahil pakiramdam niya ay nasusuka siya. Ngunit hindi niya akalain na tuloy tuloy na ang pag-asim ng sikmura niya. Napatakbo siya sa restroom at doon nagduduwal. Halos lahat yata ng nakain niyang agahan ay naisuka niya at patuloy pa rin ito kahit wala nang lumalabas sa bibig niya.
Napapaluha na siya nang sa wakas ay umayos na ang pakiramdam at parang tumigil na rin ang pagwawala ng kanyang tiyan. Naghilamos siya at nag-retouch ng konting make-up pagkatapos makapahinga saglit.
Paglabas sa restroom ay mabilis niyang tinakpan ng panyo ang kanyang ilong dahil muling nanoot ang amoy na nakapagpasama ng pakiramdam niya kanina. Dali-dali siyang lumabas kaya’t hindi niya napansin ang kasalubong kung kaya’t nabunggo niya ito.
“Sorry po,” nakatungong hinging pasensya niya na hindi ito tiningnan. Wala siyang narinig na sagot mula rito na hindi naman niya pinansin kaya't lalampasan na sana niya ito nang hawakan nito ang kanyang palapulsuhan.
“What’s wrong with you?” tanong nito.
Bigla siyang nag-angat ng tingin nang makilala ang boses nito. Napalunok siya nang matitigan ang malamlam na kulay asul na mga mata nito.
“Sorry, Kuya Dale, nagmamadali kase ako.”
Kumunot ang noo nito at titigan siyang mabuti. “How many times do I have to tell you not to call me that way? You’re not my sister, neither my..”
“Sorry po, Mr. Fortalejo. Hindi na mauulit,” napipikon niyang sagot. ‘Ang aga-aga ang sungit! At bakit ba nandito ‘to?’ “Sige po, mauna na ko.”
“Wait,” pigil nito na muling hinawakan ang braso niya. “Aren’t you feeling well?”
Natigilan siya nang marinig ang tanong nito na may halong pag-aalala. Sinalubong niya ang mga mga mata nito. Tama ba ang narinig niya? O dala lang ito ng antok at biglang pagsama ng pakiramdam niya?
Nag-angat siya nang tingin upang sagutin ito ngunit napahawak siya nang mahigpit sa braso nito nang biglang umikot at dumilim ang paningin niya.
Napamura si Dale nang biglang nawalan ng malay ang dalaga. Malakas ang boses na tinawag niya ang assistant para ipahanda ang sasakyan. Naging mabilis ang bawat kilos niya at hindi niya maintindihan ang kabang narararamdam habang buhat ang dalaga na walang malay.
Inutusan niya ang kanyang assistant na ipagmaneho sila habang inaalalayan ang dalaga sa likod ng sasakyan. Halos masigawan na niya ito upang pagmadaliin ito sa pagmamaneho.
Pagdating sa hospital ay idineretso na agad ang dalaga sa emergency room habang kasunod nito ang binata na hindi maitago ang iritasyon at pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Wala siyang magawa kundi ang magpabalik-balik sa paglalakad habang hinihintay ang doctor na tumitingin sa dalaga.
Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto ay nagising si Alison at nakakunot ang noong iginala niya ang mga mata sa paligid at inalala ang nangyari. Bigla siyang bumangon nang makita ang binata na matamang nakatingin sa kanya habang bahagyang nakasandal sa wall.
“Ah, pasensya na. Ikaw ba ang nagdala sa’kin dito? Salamat pero ok na ‘ko. Ako na’ng bahala rito,” aniya na naiilang na salubungin ang titig nito. Aalamin na lang niya sa doctor kung ano ang kalagayan niya.
“We need to talk,” seryosong sagot nito.
She pursed her lips saka tumango. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong pag-usapan nila pero wala siya sa mood para makipag-diskusyon ngayon kaya’t pakikinggan na lang muna niya ang sasabihin nito. Pagkatapos nito ay uuwi na siya para magpahinga dahil pakiramdam niya ay iyon lang ang kailangan niya sa mga sandaling ‘yon.
Inalis nito ang mga kamay sa bulsa saka lumapit sa kanya at umupo sa tapat niya. “We need to get married asap.”
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito. “Mr. Fortalejo, hindi ka ba nagsasawa sa pag-aalok ng kasal na parang nagyayaya ka lang mamasyal o magtayo ng negosyo?” aniya na hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito. Iiling-iling na tumayo siya para uminom. Gusto na niyang mapikon dito. Minsan naman niya talagang pinangarap na makasal dito pagdating ng panahon kung kailan ready na siya at sa panahon na maghimala na hindi na ito ang mahal ng Ate niya at gayon din ito sa Ate Sabrina niya at 'yon ay kung mamahalin din siya nito. Pero ang ikasal na walang pagmamahal na nag-uugnay sa dalawang tao, mas gugustuhin pa niya ang tumandang dalaga.
Kung pagbabasehan ang itsura nito ngayon ay masasabi niya na hindi talaga ito nagbibiro. Pero ipinagtataka niya kung bakit ipinagpipilitan nito na pakasalan siya gayong hindi naman siya naghahabol dito para panagutan ang isang gabing nangyari sa kanila. Noong una ay inakala niya na sinusubukan lang siya nito at nakalimutan na ito pagkalipas ng mahigit isang buwan na wala siyang narinig mula sa binata. Pero ang ulitin muli ngayon ay hindi niya alam kung matatawa ba siya o mapipikon.
“I don’t want my child to be fatherless ,” kalmadong sagot nito.
Muntik na niyang maibuga ang tubig sa bibig niya at nakamaang na nilingon ito.
“Wh..What did you say?” kabadong tanong niya.
Biglang bumukas ang nakasaradong pinto at pumasok mula roon ang isang babaeng doctor na nakangiti habang papalapit sa kanya.
“Mabuti naman at gising ka na. How do you feel?”
Lumipat ang tingin niya rito habang malakas pa rin ang kaba sa dibdib niya.
Nakasuksok ang mga kamay nito sa suot na white gown at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Well, have you heard the good news? Normal lang ang mga nararamdaman mo and expect to experience that for your first trimester..” natigil ito sa pagsasalita nang mahalata ang pagkagulat sa mukha niya. “You are six-week pregnant, hija.”
Napalunok siya at kumurap-kurap upang pigilin ang luhang gustong sumungaw sa mga mata niya. ‘No,hindi pwede ‘to!’
Mataman siyang tiningnan ng Doctor pagkatapos ay tumingin kay Dale na bahagyang tumango senyales na nag-uutos na ipagtuloy nito ang mga sasabihin.
“Sa ngayon, wala naman akong nakikitang irregularity sa pagbubuntis mo and it’s also a good sign na malakas ang heartbeat ng bata. For the meantime, take all the prescribed vitamins and come after a month for a follow up check up or if you feel something bad or unusual."
Marami pa itong ipinaliwanag sa kanila na halos wala siyang naintindihan. Paminsan-minsan siyang napapasulyap sa binata na seryosong pinakikinggan ang mga sinasabi ng Doctor at panaka-nakang nagtatanong.
Paglabas ng Doctor ay nagpaalam rin ito upang i-settle ang bill nila habang siya ay tulala pa rin at hindi makapaniwala sa sitwasyon niya ngayon.
Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang sinapupunan. Hindi niya maintindihan ang sari-saring emosyon na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Pangarap niya na magkaroon ng sariling pamilya. Ang ikasal sa lalaking mahal niya at mahal siya at magkaroon ng mga anak. Ang pamilyang masasabi niyang kanya at tanging kanya lang.
At ngayon ay halos natutupad na. Pero ang lalaking nag-aalok ng kasal sa kanya ay pag-aari ng iba at higit sa lahat ay hindi siya mahal. Pero paano ang sanggol na nasa sinapupunan niya? At paano niya ito ipapaalam sa kapatid? Paano niya ito matatanggap?
Marami siyang tanong at alinlangan. Sa isang iglap ay parang gusto niyang himatayin o hilingin na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito mula ng gabing nagkasama sila.
Kung sana ay mas pinili niya ang sumama na lang kay Lara imbes na kay Duke nang gabing iyon ay wala sana siya sa sitwasyon niya ngayon.
Pero kahit kailan ay hindi na maibabalik ang nangyari na. Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang harapin ang consequence ng isang gabing pagkakamali nila ni Dale. Pero kung paano at anong gagawin niya ay hindi niya alam.