Naghihintay siya ng taxi nang may tumigil na itim na kotse sa tapat niya. Bumaba ang bintana nito at bumangad ang seryoso pero gwapo pa rin mukha ng binata.
“Hop in,” sabi nito.
“No, thanks!” Patalikod na sana siya nang maalala na hindi pala sila nakapag-usap. Tumigil siya saglit at muling humarap nang bigla nitong pinaharurot ang sasakyan.
Nanggigigil na nagpapadyak siya habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng binata. “Grabe, gano'n ba ang interpretasyon niya sa gentleman?”
Samantala, nangingiting pinagmamasdan ni Dale ang dalaga sa rearview mirror nito. ‘Not now, Alison. I can’t give you what you want?’
Napatingin siya sa relo nang mapansin na mabigat na naman ang traffic. Muli itong napatingin sa kinaroroonan ng dalaga na medyo may kalayuan na sa kanya. He gritted his teeth at mabilis na kinabig ang manibela para mag-u turn.
Mula sa pagkakasimangot ay napangiti si Alison nang muling tumigil sa harap niya ang itim na kotse. Nakilala agad niya ito. Hindi pa man naibaba ng binata ang bintana ng sasakyan ay mabilis na siyang nakapasok dito.
Masigla siyang pumasok at dire-diretsong naupo sa passenger seat at isinuot ang seatbelt. Nginitian pa niya ang binata na bahagyang nakaharap sa kanya bago sumandal nang maayos.
“You don’t even bother to look who’s inside the car at bigla ka na lang pumapasok. Paano kung nagkamali ka--”
“Nope, I’m pretty sure who’s the owner of this car at alam ko na hindi mo ito ipinapa-drive sa iba, ‘di ba?”
“So, you’re very familiar with my things and habits, aren't you?” he said teasingly.
Napangiwi siya at iniwas ang tingin sa binata. “Not exactly, nabanggit lang sa’kin ni Duke na may pagka-neat freak ka raw sa mga favorite stuff mo lalo na sa car,” palusot niya.
While the truth is matagal na niyang inalam ang mga ayaw at gusto nito pati na ang mga favorite at lahat ng bagay ng may kaugnayan sa binata. Kaya maliit na bagay lang sa kanya kung ang mga sasakyan nito ang pag-uusapan.
“You say so..” Sinulyapan lang siya nito sandali saka muling ibinalik ang paningin sa kalsada.
Ilang sandali na tahimik silang dalawa. Tumikhim muna si Alison saka bumaling sa kaliwa. “Ummm..Binalikan mo ‘ko, means willing ka ng pag-usapan ang..”
“Bumalik ako dahil mukhang hindi mo alam na hindi ka makakasakay ng taxi kung doon ka maghihintay. Hindi kita maihahatid sa inyo, so get out of the car now. Marami ng taxi d’yan,” sabi nito habang inihihinto ang sasakyan sa tabi.
Kumunot ang noo niya at ngumuso rito. “No, nakalimutan mo na yata ang sinabi ko kanina. I will stick to you no matter what,” determinadong sagot niya.
Tila namamanghang tiningnan siya nito saka bahagyang umiling. “Fine! Sigurado ka ba?”
She rolled her eyes saka pinagmasdan ang seryosong mukha ng binata. Alam niya na nakukulitan na ito sa kanya at siguro ay naiinis na pero kung iniisip nito na nagbibiro lang siya ay nagkakamali ito.
Tumingin siya sa suot na relo pagkatapos ay nagpalinga-linga sa daan pagkatapos ng ilang minutong pakikipag-usap ng binata sa telepono. Hindi man niya narinig ang kausap nito sa kabilang linya ay nahihimigan niya na humihingi ito ng pasensya sa hindi naituloy na transaction, bagay na hindi niya pinansin dahil wala naman siyang alam pagdating sa negosyo.
“Wait, bakit palabas na tayo ng Alabang? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya.
“I have an appointment tonight. Kung gusto mo, pwede ka pa bumaba rito at mag-taxi ka na pauwi.”
‘Ang workaholic naman nito, dapat nagpapahinga na siya ngayon pero trabaho pa rin ang pupuntahan.’ She thought.
“Hindi na, hihintayin na lang kita na matapos. And don’t worry, hindi ako makakasagabal sa’yo. I can stay here inside your car if you want. Hindi ka naman siguro aabutin ng madaling araw, ‘di ba?”
Wala siyang narinig na sagot mula rito kundi ang pagkunot lang ng noo nito. Mukha importante yata ang lakad nito pero wala naman siyang balak mang-istorbo at totoo ang sinabi niya na willing siya maghintay hanggang matapos ito sa dapat nitong gawin.
Wala siyang idea kung saan sila pupunta kaya’t nang lingunin niya ito na seryoso pa rin ang mukha ay hindi na siya muling nagsalita pa at nilibang na lang ang sarili sa tanawin sa labas.
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Alison. Inaantok na bahagyang kinusot niya ang mata nang masilaw sa liwanag mula sa labas. Napakunot ang noo niya nang mabasa ang nakasulat sa puting building na nasa harapan nila.
“We’re here. May dadalawin lang ako sa loob, you stay here and lock the door,” utos nito saka lumabas ng kotse.
Tumingin siya sa labas at bago pa tuluyang makaalis si Dale ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at diretsong lumabas.
“What?” naiinis na tanong nito nang humarang siya sa daraanan nito.
“Ummm, hindi ko kase alam kung gaano ka katagal sa loob. Pwede ba ‘kong sumama? Promise, I will zipper my mouth,” pakiusap niya at itinaas pa niya ang kamay na parang nanunumpa. Pakiramdam niya kasi ay napakahalaga para sa binata ng lakad na ito para bumyahe pa hanggang Batangas. At kung sikreto ito ay makakaasa ito na mananatili iyong lihim kung iyon ang gugustuhin nito.
Itinaas nito ang braso upang tingnan ang oras pagkatapos ay naunang naglakad na hindi siya tiningnan. “Ok, just be quiet and don’t talk nonsense in front of her.”
Nagmamadali siyang sumunod dito. Mahinang ‘ok’ lang ang sagot niya sa sinabi nito. Curious siya kung sino ang tinutukoy nitong ‘her’ and she felt slightly bitter realizing na babae ang ipinunta nito rito sa hospital sa alanganing oras sa malayong lugar.
Pagkatapos alamin ang kwarto ng pasyente ay tahimik siyang sumunod lang sa binata hanggang sa pumasok sila sa isang private room. Nadatnan nila ang isang dalagita na nakaupo malapit sa nakahigang pasyente. Medyo may katandaan na ito batay sa kanyang itsura na kung hindi siya nagkakamali ay lampas sixty years old na ito.
Tumayo ang dalagita at nahihiyang tumangin sa kanila at binati ang binata. “Hello po, Kuya Dale.”
“Kumusta si Nana Celia?” seryosong tanong nito habang papalapit sa natutulog na matanda.
“Ok naman na po siya, Kuya. Sabi po ng Doctor ay pwede na raw siya ilabas bukas. Ordinaryong lagnat lang naman daw po ang sakit niya,” paliwanag ng dalagita pagkatapos isenyas sa kanya ang sofa at paupuin siya.
Maraming tanong si Dale sa dalagita na nakilala niya sa pangalang Allena. Puro tungkol sa matanda ang laman ng usapan nilang dalawa na hindi niya nagawang sumingit o mag-usisa base na rin sa utos ng binata sa kanya bago sila pumasok sa hospital.
Inuutusan ni Dale si Allena na bumili ng pagkain nang magising ang matanda. “Dale, iho ikaw ba yan?”
Mabilis na lumapit si Dale sa matanda at naupo sa tabi nito. Masuyo nitong hinaplos ang noo ng matanda. “Yes, Nana Celia. Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Naku, ikaw na bata ka. Kahit kailan napaka-OA mo sa’kin. Sabi ko sa’yo’t lagnat lang are, ako nama’y ipinadala mo pa rito sa ospital eh at private pa.”
Ngumiti ito at masuyong tiningnan ang matanda. “Sabi ko naman sa’yo, bumalik ka na sa’min para hindi na ako nag-aalala sa’yo.”
“Hamo’t pag-iisipan ko ‘yan at ako ang nag-aalala sa’yo kahit gabi ay pumupunta ka rito. Isusumpa ako ni Daniel kapag may nangyaring masama sa’yo pagpunta-punta mo rine ng alanganing oras,” sabi nito na napatingin sa kinauupuan ni Alison. Bumangon ito upang umupo at sumandal sa kama.
Napatayo naman si Dale at ipinakilala siya sa matanda. “Nana Celia, siya ang best friend ni Duke.”
Tumayo siya at lumapit sa matanda upang magmano. Lihim siyang nagpasalamat at sa wakas ay makakapagsalita na siya. "Hello po, ako po si Alison. Kumusta po kayo?"
“Susme ang batang ire, hindi mo sinabi na may kasama ka pala,” may halong sermon na tiningnan nito si Dale saka bumaling sa kanya at iniabot ang kamay. “Aba’y kagandang bata. Alison ba 'kamo?”
Tumango siya at muling nginitian ito.
Sumilay ang ngiti nito at makahulugang tumingin sa binata. “Alison? Aba’y buti’t ipinakilala ka na sa’kin nit..”
“Nana, tikman mo ‘tong binili kong ubas. Kainin mo na habang fresh pa.” Walang nagawa ang matanda kundi nguyain ang dalawang piraso ng ubas na isinubo ni Dale sa matanda. At natatawang tiningnan ang binata.
“Ano po ‘yong sinasabi n’yo..?” curious na tanong niya.
“Kailangan na niyang magpahinga, Ali,” sabi nito na halatang ayaw pag-usapan ang sasabihin sana ng matanda.
“Oh,” tanging sagot niya habang tumango-tango. Nagdududa man ay natatalo iyon ng 'di maipaliwanag na kilig lalo na nang tawagin na naman siya nito sa palayaw niya.
“Sige po, Nay, mauuna na po kami.”
“Nana Celia na lang din, iha,” pagtatama nito. “Siya, umuwi na kayo at delikado sa daan kapag masyado ng gabi.”
Saglit na nagpaalaman ang dalawa at doon niya nalaman na mawawala pala ng mahigit isang buwan ang binata dahil sa naka-schedule na business trip nito sa ibang bansa. Iyon din ang dahilan kung bakit kahit gabi na ay pinilit nito na dalawin ang matanda dahil kinabukasan ang flight nito.
Niyaya siya nito na kumain sa nadaanang restaurant. Hindi na siya tumanggi dahil gutom na rin siya at hindi na rin nila nakain ang pagkaing ipinabili ni Dale kay Allena dahil nagmadali na itong nagpaalam.
“Try this, masarap ang bulalo rito,” alok nito habang naglalagay ng umuusok pang bulalo pagkatapos ay iniabot sa kanya.
Marami itong in-order na specialty daw doon na halos hindi nila naubos. Halos hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga nakaupo sa mga katabing table na okupado ng mga couple na mukhang nagde-date doon. Sa sobrang sweet kasi ng mga ito ay lihim siyang nainggit dahil sa napaka-romantic na lugar at mukang sinadya talaga para sa mga magkasintahan o mag-asawa.
Kung isa lang sana sila sa mga couple na iyon, mas lalong magiging masarap siguro ang mga pagkaing nakahain sa harap niya. Napangiwi siya at napabuntong-hininga.
“Why? Ayaw mo ba?”
Nasalubong niya ang mata nito na kanina pa siya pinagmamasdan. ‘Kung sana hindi na lang ikaw ang minahal ni Ate Sabrina, sana..sana?’ Ipinilig niya ang ulo nang matauhan. Ano na naman ba’ng pumapasok sa utak niya?
“Ah, hindi.. I mean masarap nga.”
Nakatitig ito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa paligid. “The place is so romantic, right? Kung alam ko lang, hindi sana tayo rito kumain.”
Inirapan niya ito. “Ewan ko sa’yo, pwede naman ako sa Jollibee or Mcdo lang,” naiinis niyang sagot.
He chuckled. “Kung naiinggit ka sa kanila, bakit hindi mo i-consider ang proposal ko? We can be sweeter than those couple.”
Napalunok siya habang hindi niya alam kung matatawa o matutuwa sa proposal na sinasabi nito. Hindi niya mapigilan ang mamangha sa binata. Sa kabila ng seryoso at pormal nitong imahe bilang presidente ng multi-million business ay mag-aalok ng kasal sa kanya na para bang negosyo lang ang pinag-uusapan.
Nagkibit-balikat na lang siya at hindi pinatulan ang sinabi nito. Maya-maya pa ay kusa na itong nagyayang umuwi dahil maaga pa raw ang flight nito kinabukasan.