Chapter 4

1858 Words
“Hello, I’m looking for Mr. Dale Fortalejo. Pwede ko ba siyang makausap?” tanong ni Alison paglapit niya sa receptionist. Nandito siya ngayon sa opisina ng binata para kausapin at pakiusapan. “Your name, please,” nakangiting tugon nito. “Alison Escobar,” tipid niyang sagot. Tumango ito habang naghihintay nang sagot sa kabilang linya. Maya maya ay may kausap na ito sa kabilang linya. “Ok, Sir.” Binaba nito ang telepono at naiiling na tumingin sa kanya. “Wrong timing ka yata Miss nang punta," naiiling na sabi nito. Dismayado siyang tumingin dito. “Busy ba siya ngayon? Hindi ba pwede kahit sandali lang? Kailangang kailangan ko lang siyang makausap o kahit hihintayin ko na lang siya. Saan ba 'ko pwedeng maghintay dito?" tanong niya habang lumilinga sa paligid. “What I mean is, wrong timing kase mukhang badtrip si Sir Dale kase may babae rin nagpunta rito kanina kaso mainit na ang ulo ni Sir pag-alis ng babae. Actually, same surname kayo,” mahinang balita nito. “Pero pinapapasok ka na ni Sir Dale.” Itinuro nito kung saang floor ang opisina ng binata. 'Same surname? Si Ate Sab ba ang tinutukoy nito?' Tumango na lang siya at nagtungo sa elevator habang iniisip kung paano kakausapin ang binata. Lihim din siyang nagpapasalamat na nakaalis na kung sinuman ang bisita nito at hindi niya ma-imagine kung paano lulusutan kung sakaling si Sabrina nga ang tinutukoy nito kung makita siya nito rito. Walang tao sa isang cubicle sa labas ng opisina na tingin niya ay para sa secretary nito kaya't dumiretso na siya at kumatok. Pinihit niya ang doorknob nang marinig ang “come in” mula sa loob. Bumungad sa kanya ang isang malawak, malinis at maaliwalas na opisina ng binata. Pero wala siyang panahon na pagtuunan ng pansin kahit gaano pa ito kaganda, ang kailangan niya ay makausap ang binata. Nag-angat ito ng tingin. “What are you doing here?” tanong nito pagkatapos ay muling itinutok ang mga mata sa laptop. Napalunok siya at biglang kinabahan. “A..about sa nangyari…” Tumigil ito sa pagtipa sa laptop at sumandal sa swivel chair. “What about it?” tanong nito na nakatunghay na sa kanya at matamang naghihintay sa sasabihin niya. Tumingin siya rito saglit at bahagyang yumuko. Sobrang kaba ng dibdib niya at mas lalong nadagdagan ito nang matitigan ang kulay asul nitong mga mata na pinagmamasdan siya. “What? Bakit parang biglang umurong ang dila mo after obviously taking so much courage to meet me, huh?” She bit her lips saka muli itong saglit na sinulyapan. “A..alam ko na napag-usapan na natin ang tungkol doon pero kase… mukang hindi tayo nagkaintindihan…Alam natin pareho na hindi natin ginusto ang nangyari pero nangyari na--” “Yeah, maybe hindi natin ginusto pero hindi mo nga ba nagustuhan?” sarkastikong tanong nito. Biglang nagpanting ang tenga niya sa narinig at ramdam niya ang pag-init ng mukha niya. She glared at him angrily pero pinigilan niyang ipakita iyon. “Hindi ko alam kung paano tayo napunta sa sitwasyon na ‘yon. At kung anuman ang nangyari nang gabing ‘yon ay dapat lang na kalimutan na natin ‘di ba? And for once, nakikiusap ako na wala na sana makaalam kahit sino tungkol doon lalo na si Ate Sabrina.” He knitted his brows at mataman siyang tiningnan. “Paano kung hindi ako pumayag?” Nakakunot ang noong napatingin siya rito. “Ano bang gusto mo? Hindi ba dapat mas matuwa ka pa dahil sa’tin dalawa, ako ang dehado dahil ikaw ang nakauna..” Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang mapansin ang bahagyang pagkurba ng mga labi nito pataas. “Exactly what I mean, I’m gentleman enough to take responsibility for what I’ve done especially kapag alam kong ako ang nauna and I.. intend to keep it mine alone,” maawtoridad at makahulugan nitong turan habang nakatingin sa mga mata niya. Napalunok siya sa nakitang ekpresyon sa mukha nito. It seems like he’s saying it possessively. Ano daw? “Anong ibig mong sabihin?” Bumalik ito sa upuan at muling ibinaling ang tingin sa laptop. “Kuya Dale, please nakikiusap ako!” He clenched his jaw nang marinig iyon. ‘How dare she is still calling me that way!’ He thought. “Ayokong tuluyang magalit sa’kin si Ate Sabrina at siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya ‘yon at ayokong mangyari ‘yon.” “It has nothing to do with her,” he said expressionlessly. Nakakunot ang noong tinitigan niya ito. ‘Baliw ba ‘to? Si Ate Sabrina ang pinag-uusapan nila, ang babaeng kasama niya mula pa pagkabata, ang nag-iisang babae sa mga mata niya.’ “Kung ‘yan lang ang ipinunta mo rito makakaalis ka na," nakatungong sambit nito. “Hindi ako aalis dito kung hindi ka mangangako na kakalimutan mo ang nangyari,” determinado niyang sagot. Alam niya na hindi siya nito gustong makita tulad ng mga ipinaparamdam nito at ikinikilos dati tuwing nakikita siya na kasama ni Duke at ni Duncan o ng Mommy nila. Na ipinagtataka niya noong una pero kalaunan ay naintindihan niya dahil kasintahan nito ang kapatid niya na sinira nilang mag-ina ang pamilya. “Then, stay all you want,” aniya na sinulyapan siya saglit saka nagpatuloy sa ginagawa. Hindi na siya sumagot nang makitang seryoso ito sa ginagawa dahil natatakot siya na bigla itong magalit sa kanya. Lalo na nang bahagya pang kumunot ang noo nito habang titig na titig sa screen ng computer at maya-maya ay may kausap na sa telepono. Tinotoo niya ang sinabing hindi aalis hanggang hindi nakukuha ang gusto hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa couch sa paghihintay sa binata. Pupungas-pungas siya nang maalimpungatan nang may naramdaman siyang tumatapik-tapik sa braso niya. Dahan-dahan siyang tumingin pataas para tingnan kung sino ito. Napatayo siya bigla at nahihiyang inayos ang nalukot na damit dahilan ng pagkakahiga niya. “Sorry, Mam. Pauwi na po kasi ako kaya ginising ko na po kayo. Hindi ko po kasi pwedeng iwan itong opisina ni Sir Dale na bukas.” Tiningnan niya ang table ng binata kung saan niya huling nakita pero wala na ito. Inilibot niya ang mata sa paligid pero wala ito rito. Nahihiya siyang napatingin sa babaeng kaharap na mukang sekretarya ng binata. “Sorry Miss, hinihintay ko kase si..si Mr. Fortalejo.” “Naku Mam, kanina pa po siya umalis isang oras na po mahigit. Bilin po niya ay ‘wag daw kayo gisingin kaso Mam, naghihintay na po ang anak ko sa'kin.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ha? Isang oras na? Ibig sabihin, mahigit isang oras din akong nakatulog dito?” hindi makaniwalang tanong niya. Tinapik-tapik niya ang ulo sa inis. ‘Ano ba ‘yan? Kelan pa sumarap ang tulog mo kung saan-saan?’ Alanganing ngumiti ang sekretarya saka tumango. Sinundan niya ito sa meeting nito na pinilit pa niyang pakiusapan ang sekretarya na sabihin sa kanya kung saan. Habang matiyagang naghihintay ay um-order na rin siya ng pagkain dahil pagkagising pa lang ay kumakalam na ang sikmura niya sa gutom. Sa isang fine dining restaurant ang meeting ng binata na ipinagpasalamat niya dahil kumportable siyang magkapaghihintay kahit abutin pa siya ng ilang oras. Dahil wala siyang balak na tigilan ang binata hanggang hindi siya nakakasigurado na hindi ito gagawa ng kahit anong makakasira sa nag-uumpisa pa lang na magandang relasyon nila ng kapatid. Nangangalahati pa lang siya sa pagkain nang bumukas ang pinto ng exclusive room ng restaurant. Tanaw niya ito mula sa kinauupuan kaya’t inayos niya ang sarili nang makitang lumabas na mula roon si Dale kasunod ang assistant na si Joe. Tumayo siya nang malapit na ito sa kinaroroonan niya. “Mr. Fortalejo,” bati niya habang kumakaway. Kumunot ang noo nito saka napilitang lumapit sa kanya pagkatapos bigyan ng ilang instruction si Joe na lumabas din agad. “Hindi mo ba talaga ako titigilan tungkol d’yan?” agad na tanong nito. Ngumiti siya ng ubod tamis saka tumango. “No matter what you do, I’ll keep pestering you hanggang hindi ako nakakasigurado na mananatiling sekreto ang gabing ‘yon.” He smirked saka umupo sa tapat niya. “Fine, make sure to make a good deal at siguraduhin mong tatapusin natin ang usapan tungkol d’yan right here and right now. After this, don’t bother me again coz I can longer take this ridiculous thing.” She rolled her eyes. Siya itong mahirap kausap. Hindi niya alam kung sinasadya ba nito na torture-in siya o talagang pinagti-trip-an lang siya nito. Either way, wala siyang pakialam basta hindi nito ilalabas ang sikreto na gusto niyang ibaon na lang sa limot. “I..” panimula niya ngunit natigil nang may tumawag dito mula sa kanyang likuran. “Dale, you’re still here?" Napalingon siya bigla nang marinig ang pamilyar na boses. “Yes, Tito. It’s good that Alison is also here,” magalang na bati nito sa kanyang ama pagkatapos ay nakangising tiningnan siya. "Actually, she's inviting me to dine here, right Ali?" “Ali?” nagtatakang tawag ng Daddy niya sa kanya. Pilit ang ngiti at mabilis siyang lumapit sa ama pagkatapos ay ikinawit ang braso sa braso nito. “Daddy, nandito rin pala kayo. Actually po, may.. imi-meet akong friend dito..Si Duke. A..Akala ko kase si Duke si Kuya Dale, magkamukha po kase,” hindi magkaintindihang paliwanag niya. “Kayo po, bakit nandito kayo? May kasama po ba kayo?” Natatawa na naiinis siyang tiningnan ng binata. “It’s ok, anak. May pinag-usapan lang kami ni Dale.” “Ho? Ano po ang pinag-usapan niyo?” bigla niyang nilingon ang binata na nagkibit lang ng balikat. “Why would you join us, Tito? Since sumadya pa rito si Alison, sigurado ako na may mahalaga siyang sasabihin sa’kin. Ano nga ulit ‘yong sinasabi mo kanina, Ali?” Lumunok siya at pinagdikit ng mariin ang mga labi. Kung makakapaglabas lang ng kutsilyo ang masamang tingin, malamang ay kanina pa ito nakahandusay. Pilit siyang ngumiti. “Naku, wala ‘yon, Kuya. Gutom lang ako kanina kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko,” sabi niya sabay irap. Pagkatapos ay binalingan ang ama. “Tara na, Dad?” Walang lingon-likod na lumabas siya ng restaurant habang hindi binibitiwan ang braso ng ama dahilan para sumunod na lang ito sa kanya. Wala naman itong nagawa kundi ang mapilitang magpaalam sa binata. “Dad, pauwi ka na ba? Pwede ba ‘kong sumabay?” “I really love to, anak. Kaso ay may na oo-han na akong birthday party ng kliyente natin. Pero ipapahatid na kita kay Kanor. Magta-taxi na lang ako at malapit lang naman. Pasusunurin ko na lang siya kapag naihatid ka na sa bahay, ok?” malambing na sabi nito saka hinaplos ang buhok niya. Tumango-tango siya. “’Wag na Daddy, mas delikado kung magco-commute ka. Maaga pa naman, magta-taxi na lang ako.” Ayaw sanang pumayag ang Daddy niya pero hindi na ito nakatutol pa nang siya mismo ang magbukas ng pinto ng kotse at tuluyang pinapasok ang ama sa loob. “Ingat po, enjoy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD