Nanginginig ang mga kamay na napatakip siya sa bibig. Naalala niya ang araw na nakita niya ito na lumabas sa hotel ng mga Fortalejo kung saan ang opisina ng asawa. Nang araw din iyon ay nagkaroon sila ng pagtatalo at inakusahan siya sa pagpatay sa sarili nilang anak. Kung gayon pala ay sinadya ang pagkawala ng anak niya at ang abortion pill na sinasabi ni Dale ay totoong ginamit sa kanya. At marahil ay sinubukan siyang painumin ng gamot upang pigilan ang kakayahan niyang magkaanak kaya siguradong sigurado noon si Dale na hindi na siya maaaring magkaanak pa. Nagulat siya at nanlalaki ang mga mata nang biglang lumabas ang doctor na nagulat din nang makita siya. Bigla siyang nilukuban ng takot nang magtama ang kanilang mga mata. Umiling iling siya at napaatras. “Doc, please, please don’t hur