Halos mapaiyak si Alison habang malakas na umiire at sinusunod ang bawat sabihin ng doctor. “Another push!.. One more, Alison.. Alright, alright, very good! Here she comes..” sambit ng doctor sa pangalawang pagkakataon. Nakahinga siya nang malalim nang maramdaman ang paglabas sa kanya ng pangalawang sanggol kasabay nang tuloy tuloy din na paglabas ng mga luha niya nang makita itong itinaas ng doctor at bahagyang tinapik dahilan para ito ay malakas na umiyak. Parang musika sa kanyang pandinig ang mga iyak na iyon at hindi niya mapigilan ang mapangiti habang umiiyak dahil sa sobrang kaligayahang hatid ng dalawang buhay na iniluwal niya. Dahil sa sobrang pagod ay agad nakatulog si Alison. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nagising siyang unang hinanap ng mga mata ay ang kanyang mga anak