Chapter 3

1747 Words
“Sis, ok ka lang ba?” Nagulat siya nang biglang pumasok si Sabrina sa kwarto niya. Mabilis niyang tinakpan ang leeg gamit ang tuwalyang pangtuyo niya sa buhok. At pasimple niyang ikinubli sa buhok ang mga hickeys sa leeg at dibdib. “Ate, bakit? May kailangan ka ba?” nakayukong tanong niya na hindi makatingin nang diretso rito. Umupo ito sa gilid ng kama at mataman siyang tiningnan. “Anong nangyari sa ’yo kagabi? Hinintay kita pero hindi ka dumating.” Nakamaang na napatingin siya rito. Hindi ba’t siya ang wala sa kwarto ng hotel na sinabi niya? “Hinintay mo ‘ko? Hinanap kita sa room na sinabi mo pero..” Tumigil ito sa pagbuklat ng magazine na hawak. “What?! Oh my, ano nga ba’ng room number ang sinabi ko sa’yo? Medyo naparami kase ako nang nainom kagabi.” Napakagat siya ng labi. Sasabihin ba niya ang totoo sa kanya? Pero ngayon lang sila nagkakasundo at malamang na lampas langit ang magiging galit nito sa kanya kapag nalaman niya ang nangyari sa kanila ng nobyo nito. Bakit ngayon pa nangyari ang katangahang nagawa niya kung kelan mukhang natutupad na ang matagal niyang inasam na tanggapin siya nito bilang kapatid. “Hey, what’s wrong?” untag nito na pilit sinisipat ang mukha niya. “Ha? Ah, ‘di ba sabi mo sa room..room 408,” nauutal niyang sagot. Natigilan ito sandali at biglang natampal ang sariling noo. “My gosh, kaya naman pala hindi tayo nagkita. Sorry sis, ha? It should be room 508, hilo na nga siguro ako kagabi. I planned to call you again kaso nawala na sa isip ko dahil sinundan ko si Dale. Bigla kase siyang nawala.” sabi nito na biglang tumalim ang mata na nakatitig sa likuran niya na bigla rin binawi nang napalingon siya agad dahil sa narinig. “Si..sinundan mo si.. si Kuya Dale,” kabadong tanong niya. Her face turned white at nag-alalang baka mapansin iyon ng Ate niya kaya’t nagkunwari siyang kumukuha ng damit sa cabinet. “Yup, but Tito Daniel told me that he was with their foreign investors, alam mo na, bilang bagong Presidente I know he would get as busy as hell from now on.” Napalunok siya at lihim na nagpasalamat. Nakahinga siya nang maayos at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Pero alam mo, I have this bad feeling. Pakiramdam ko, may hindi magandang nangyari kagabi,” dugtong nito na lihim siyang sinulyapan. “It’s a girl instinct and I wonder who is that brave b***h trying to steal my man.” Napalunok siya at sandaling natigil sa paghahalungkat ng damit. “Baka naman nag-o-overthink ka lang, Ate. Mahal na mahal ka ni Kuya Dale at tingin ko hindi ka niya kayang lokohin,” nakatalikod pa ring sagot niya na tila may bumara sa lalamunan nang sambitin iyon. Dahil alam niyang hindi ginusto ni Dale ang namagitan sa kanila kagabi. Masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya habang nakatalikod dito at abala sa pamimili ng damit. “I know how much he loves me pero may mga babae talaga na walang delicadeza. Alam na pag-aari na ng iba, sinusulot pa.” Lihim itong suminghal pagkatapos ay nagkunwaring nabigla nang matigilan siya. “Oh I’m sorry, sis! I’m not referring to your…you know. I just got carried away by that b***h!” She keeps blinking her eyes para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Oo, guilty siya sa mga sinabi nito. Dahil una sa ginawa ng Mommy niya, pangalawa ay sa nangyari sa kanila ng nobyo nito. Pilit man niyang isipin kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon ay hindi niya talaga maalala at sumasakit lang ang kanyang ulo. Galit siya sa sariling ina dahil sa pakikiapid nito sa kanyang ama na may legal na asawa pero anong ginawa niya? Bakit kailangang ulitin niya ang pagkakamaling ‘yon? Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa nangyari. Dapat pinigilan niya ang sarili. Pero bakit hindi niya nagawa? Dahil ginusto rin niya? Dahil naging marupok din siya at nagpadala sa idinidikta ng puso. “I’m sorry, Sis! I really didn’t mean that to your mother,” hinging pasensya nito. “Anyway, enough for the bitches! As part of my peace offering to you, gusto kong lumabas tayo ngayon para makapag-bonding naman tayo.” Mula sa pagkakatungo ay nakamaang na napatingin siya rito. “Si…sigurado ka ba, Ate? Isasama mo ‘ko sa labas?” hindi makapaniwalang tanong niya. Sa loob ng ilang taong paninirahan niya kase sa mansyon ay alam niyang ikinahihiya siya nito bilang kapatid at kahit minsan ay hindi siya nito isinama sa anumang lakad nito at sa mga okasyon naman ay para siyang may sakit na nakakahawa kung malayuan nito. “Of course, from now on, I will always have your back,” sabi nito saka naglakad palabas. “Go and get dress. Magpapaalam lang ako kay Dad.” Kinagat-kagat niya ang labi at hindi mapigilan ang mapangiti habang sinusundan ito palabas ng kwarto niya. Muntik pa siyang mapatili nang tuluyan itong lumabas at isara ang pinto. Parang bula na biglang nawala ang sama ng loob niya kanina dahil sa napag-usapan nila at pati ang pag-alala tungkol sa nangyari sa kanila ni Dale ay natabunan ng excitement na makakapag-bonding silang magkapatid. Excited siyang nagpaalam sa Daddy nila na bakas sa mukha ang pagkagulat. Pagkuwa'y tumango na lang ito at ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Halos maghapon silang namasyal at namili nang kung anu-ano. Hindi niya malaman kung paano dadalhin ang mga pinimili nila kaya’t palihim niyang tinawagan ang driver nila para ihatid sa sasakyan ang mga ito. Hindi niya sana alintana ang pagod sa kasusunod sa kapatid pero hindi na talaga kaya ng mga braso niya ang ilang bags ng pinamili nila na patuloy pa rin nitong dinaragdagan. At dahil malapit na ang Christmas ay dagdag sa stress niya ang dami ng tao. Dati-rati ay hindi ito personal na namimili ng mga gamit at damit niya kaya't nagtataka siya kung bakit naisipan nitong mamimili ng sangkatutak ngayon kung kelan pa holiday rush. Nilingon siya nito saka ibinalik ang isang red dress na isusukat sana. “Hindi ka ba nag-i-enjoy? Mukang pagod ka na at tinawag mo na si Manong,” medyo nakasimangot na komento nito nang makita ang papaalis na driver bitbit ang mga pinamili nila. “Ha? Hindi, Ate. Worried lang ako kase baka may maiwan or ma-misplace ako sa mga bags mo,” tila napahiyang sagot niya. Bahagya itong ngumiti at nagpatuloy sa pamimili. Pagkatapos nang another two hours, ay natapos din ito at nagyayang kumain na ipinagpasalamat niya dahil makakapagpahinga rin siya sa wakas. She was enjoying the food nang biglang tumayo ang Ate niya. Kumaway muna ito bago naglakad lampas sa kanya. Nakatalikod siya sa entrance ng restaurant kaya’t hindi niya kita ang mga pumapasok dito. Hindi niya ito pinansin dahil masyado siyang napagod at nagutom sa halos maghapon nilang pag-iikot sa Mall. Na kung pagbabasehan ang trato sa kanya nito dati ay malamang sinadya nitong pahirapan siya at gawing alalay buong maghapon, mantakin ba naman na gawin siyang taga-bitbit at sumusunod lang dito habang enjoy na enjoy ito sa pag-abot sa kanya ng kahit ano ang magustuhan nito. Pero mabilis niyang pinalis sa utak ang isiping ‘yon dahil naniniwala siya na totoong tanggap na siya nito. Halos mabulunan siya nang biglang sumulpot sa harap niya ang sinalubong ng Ate niya. Mabilis niyang nilunok ang laman ng bibig saka uminom. “Dale, why are you here? ‘Kaw ha? Gusto mong bumawi dahil sa pang-iiwan mo sa'kin kagabi?” maarteng sabi nito. “But would you mind if kasama ko si Alison?” Bumaling ang tingin nito sa kanya at saglit na tinitigan siya. Pagkatapos ay walang emosyon na umupo sa tapat niya. “No, I won’t mind. Mabuti nga at nandito siya to make things clear…” Nanlaki ang mga mata niya habang bahagyang lumingon sa kaliwa upang hindi makita ng Ate niya ang pagkabalisa nang marinig ang sinabi ng binata. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malagkit at halos magwala ang dibdib niya sa sobrang kaba. “What do you mean?” seryosong tanong ni Sabrina pagkuwa’y tumingin sa kanya na nakakunot na ang noo. Nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya at ramdam na rin niya ang sakit nang pagkakabaon ng mga kuko niya sa palad. ‘No Dale, please!’ She prayed silently. “About last night..” “Mr. President, good to see you here this early. Mr. Lim is actually also waiting for you right there,” sabi ng isang lalaking biglang lumapit sa table nila na nakasuot ng formal business attire dahilan upang hindi nito naituloy ang gustong sabihin. Tumayo naman ito para makipagkamay sa lalaking bumati. “Yes, Mr. Santos. I know how precious every minute of time is, for Mr. Lim so might as well be here before the appointment,” he glanced at her with a smirk on his face. “Well, I’m sorry I didn’t notice that you are with these two beautiful girls,” sabi nito nang mapatingin sa kanilang dalawa na parehong nakamasid sa mga ito. Alison with a sign of relief written on her face while Sabrina with a disappointed and annoyed look.. “We’re not done yet with our food. Can’t..” “Stop it, Sabrina. I have an appointment with Mr. Lim,” seryosong sabi nito dahilan para hindi nito matapos ang gustong sabihin. “I have to go.” She gritted her teeth at padabog na kinuha ang bag. “Let’s go!” Mabilis siyang tumayo nang makita ang galit na ekpresyon ng kapatid. Halos matapilok siya sa paghabol dito dahil nagpunta pa siya sa counter para siya na mismo ang kumuha at magbayad ng bill nila na nakalimutan na yata ng kapatid. Na hindi na niya ipinagtataka pa dahil kilala na niya ang ugali nito kapag nagalit o na-disappoint sa isang bagay. At ang harapang pambabalewala rito ni Dale ay sigurado siyang hindi nito nagustuhan. At dahil natatakot siya na baka sa kanya na naman mabaling ang galit nito na karaniwang nangyayari kapag napapagalitan ng Daddy nila ay mabilis ang kanyang kilos na sinundan agad ito. Habang nasa byahe ay tahimik lang siyang nakikiramdam sa kapatid. Nakasimangot ito at bakas ang pagkadismasya samantalang siya ay lihim na nagpapasalamat sa lalaking dumating dahil malakas ang hinila niya na may kinalaman sa nangyari sa kanila ang hindi naituloy na sasabihin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD