Magdamag na naghintay si Alison sa asawa ngunit hindi ito umuwi. Ilang beses din niya itong tinawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kinabukasan ay nagpunta siya sa opisina nito pero hindi siya pinapasok ng secretary nito dahil may conference daw ito na hindi pwedeng distorbuhin. Malungkot na bumalik siya ng bahay at isinubsob ang sarili sa pagluluto. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya nito pinagbibintangan na ipinalaglag niya ang sariling anak gayong nasa sinapupunan pa lang ay mahal na mahal na niya ito at saksi ang asawa kung paano siya iginupo ng kalungkutan sa pagkawala ng kanilang anak. Hindi siya mapakali. Gusto niyang kausapin ang asawa at liwanagin ang ibinibintang nito sa kanya na wala naman katotohanan. Ayaw niyang tumagal na hindi nila napag-uusapan ang bag