“Hon, pwede ba ‘kong mag-request?” tanong niya isang umaga bago ito pumasok sa trabaho. Iniikot niya ang kamay sa leeg nito at maayos na ibinubuhol ang necktie nito. “Hmmm?” tanging sagot nito na tinititigan siya habang maya’t maya ang halik sa labi niya kaya’t hindi niya matapos ang pagsusuot sa necktie nito. “Hon, ano ba? Ang kulit mo?” natatawang saway niya rito. Ngumiti naman ito at itinigil ang ginagawa saka ipinulupot ang braso sa baywang niya habang masuyong nakatingin sa kanya. “Sumama ka na lang kaya sa’kin sa office?” “Hmmm?” kunwari’y nag-iisip na sambit niya. “Pwede, pero may request nga ako.” “Ok, what is it?” Tinapos na muna niya ang pagsusuot ng necktie nito saka sumagot, “Gusto ko na sana mag-trabaho.” Nawala ang ngiti nito kaya’t agad siyang nagpaliwanag. “Hon, wala