“Boo, congrats! Hindi mo man lang sinabi sa’kin na nagta-trabaho ka na pala sa Culinary Science,” bati ni Lara habang inilalapag ang food tray sa mesa niya. Pinuntahan niya ito sa Manila Hotel pagkatapos ng trabaho niya. Halos isang linggo na ang nakalipas ng huli silang magkita ng asawa. Sabi ng assistant nito na si Joe ay nagpunta ito ng Palawan para sa isang Charity Gala at tuloy asikaso na rin ng itatayong branch doon. Hindi pa rin niya ito nakakausap mula nang huli niya itong puntahan sa opisina nito. Tanging si Joe lang ang nag-a-update sa kanya araw araw ng mga ginagawa at pinupuntahan nito. Bagay na ipinagpapasalamat na rin niya dahil kahit papaano ay hindi siya nag-aalala na baka may kung anong nangyayaring hindi maganda sa asawa. “Sorry, masyado lang akong occupied. Alam mo