Pagmulat ng mga mata ni Alison ay si Dale agad ang hinanap niya ngunit wala ito sa loob. She felt uncomfortable and empty at the same time. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha niya. Mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon pati ang takot na baka tuluyan na siyang iniwan ng asawa dahil sa pagkawala ng anak nila. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Wala siyang kasama sa malaking kwartong iyon. Nakaramdam siya muli ng kahungkagan. Kung hindi sana nawala ang anak niya ay sigurado siyang hinding-hindi niya mararamdaman ang mag-isa. Pinahid niya ang mga luha. Napatingin siya sa nakasaradong bintana. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga sa loob ng silid na iyon. Tumayo siya at nagpasyang lumabas sandali suot ang hospital gown n