Satisfied niyang pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Binago niya ang ilang pwesto ng mga gamit at naglinis na rin siya. Tingin niya ay mas mare-relax ang asawa niya sa bagong anyo ng kabahayan. Katatapos lang niyang maligo nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Napakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa wall clock, gabi pa ang dating ng asawa niya kaya’t nagtataka siya sa kung sino ang posibleng bisita niya. Sumilip siya sa peephole pagkatapos ay binuksan ang pinto. “Good morning, Mam!” magalang na bati ng isang babae na naka-uniform. Isa ito sa mga housekeeper base sa suot nito. “Pinapunta po ako rito para linisin ang penthouse ni Sir Dale.” “Good morning din po! Salamat po pero hindi na po kailangan. Nalinis ko na po ito kanina,” nakangiti niyang sagot. “Naku Mam, bakit po kayo a