Maaga siyang umalis para dalawin ang puntod ng Mommy niya. Doon niya inubos ang halos maghapon niya at papadilim na nang maisipan niyang umuwi ng bahay. Habang daan ay naisip niyang dumaan sa grocery at mamili ng ilang mga kailangan niya sa bahay. Hindi pa niya alam kung hanggang kailan siya mananatili doon pero hindi rin naman niya pwedeng pabayaan ang sarili. Ayaw din niyang mag-alala ang Daddy niya sa kanya. Dahil tulad ng sinabi ni Aling Marta ay ipinakiusap nito dito na samahan at bantayan siya habang malayo sa ama. Hindi man tahasang ipakita sa kanya ng Daddy niya ang nararamdamang awa para sa kanya ay ramdam niya ang pakikisimpatya nito kahit hindi nito direktang usisain sa kanya ang lagay ng pagsasama nila ni Dale na kahit papaano ay lihim niyang ipinagpapasalamat. Alam niyang