Halos hindi siya makahakbang papasok ng opisina. Alam niyang wala nang bawian once na ituloy niya ang binabalak pero but this is the easiest way she thought could free themselves from the heartache and troubles. Nagsimula lang naman ang lahat ng kalbaryo nila nang may mangyari sa kanila ni Dale at magpakasal dito. Masakit man ang paraan pero ito lang din ang nakikita niyang solusyon para matahimik na sila pareho pati na rin ang taong naiisip niyang gustong sumira sa kanila. “Mrs. Fortalejo?” gulat na bati ni Atty. Belleza pagkatapos siyang papasukin ng sekretarya nito. “I thought, it was Madam Martina. Have a seat!” Naupo siya sa harap ng table nito. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang laman nito. Pagkatapos ay iniabot niya rito ang isang brown envelop. “Napadaan lang ako, Atty.