Halos araw-araw dumadalaw si Brylle sa kanya pagkatapos ng trabaho nito. Minsan ay pinagbabawalan na niya ito dahil sigurado siya na maaari na naman itong pagsimulan ng usap-usapan tungkol sa kanya. Na hindi na rin bago sa kanya, dahil noong nabubuhay pa ang Mommy niya ay hindi miminsang laman sila ng tsismisan ng mga kapitbahay at kahit sa mga kaklase niya ay walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil anak siya sa labas. At laging tinatawag ang Mommy niya na kung hindi malandi ay home wrecker. Ayaw din niyang pati si Brylle ay masira ang reputasyon nang dahil sa kanya. Pero katwiran nito ay wala naman silang ginagawang masama at dati pa ay magkaibigan na sila. Kaya’t hinahayaan na lang niya ito. “Ali,” sigaw ni Brylle habang nasa tabing dagat sila isang hapon. Biglang kumislap ang