“Dale, nasasaktan ako,” naiiyak niyang bulong. Hindi niya alam kung saan siya nasasaktan, kung sa diin ng hawak nito sa braso niya o sa matinding galit na nakikita niya sa mga mata nito. Mga matang dati’y puno ng pagmamahal para sa kanya pero ngayon ay tila puno na nang poot at galit. Tiim bagang na binitawan siya ni Dale. Pagkatapos ay kinuha nito ang ilang papeles sa loob ng cabinet. Pero bago pa ito tuluyang lumabas ay hinabol niya ito. “Hon, please mag-usap muna tayo,” aniya na nagmamakaawa. Pero hindi siya nito nilingon at dumiretso sa paglabas kaya’t humarang siya sa daraanan nito. Hindi na siya mapapalagay kung hahayaan na naman niya itong umalis at maghihintay na naman kung kailan ito babalik. At balewalain na naman. She wanted to be at peace. “Dale, please pag-usapan naman nati