Itinigil ni Dale ang kotse sa harap ng isang malaking bahay. Mukhang bagong gawa lang ito. Dumungaw siya sa bintana ng kotse saka nilingon ang asawa. “Kaninong bahay 'to?” “You’ll see,” nakangiting sagot nito saka muling iniabante ang sasakyan at tuloy tuloy na pumasok sa malaking automatic gate. Nauna itong lumabas at umikot sa sasakyan saka pinagbuksan siya ng pinto. Nakangiti itong inalalayan siya papasok sa loob ng malaking bahay. Bumungad sa paningin niya ang malawak na living room at tiningala ang mataas na ceiling na may eleganteng chandelier sa gitna. Sa bandang kanan ay ang malaking hagdan na animo’y pamaymay. Napaganda at napakapresko ng bahay. Wala pa itong mga kagamitan bukod sa eleganteng chandelier. Nakamaang na nilingon niya ang asawa nang bigla siya nitong niyakap mul