Rinig niya ang mga bulung-bulungan habang papasok siya sa building ng hotel habang pasimple siyang tinitingnan ng ilan sa mga taong nadaraanan. “’Di ba s’ya ‘yong wife ni Dale Fortalejo? ‘Yong nag-utos na sunugin ang mukha nun sikat na model?” Narinig niyang bulong ng isang guest na mukhang matrona. “Oo, s’ya nga. Di ba’t kumalat ‘yong mga pictures ni Dale at nun model na si Denise na magkasama?” sagot ng babaeng katabi nito. “Nakita lang na magkasama ‘yon, ha? Gano’n na agad ang ginawa. Tsk, tsk! Nakakatakot pala lumapit sa asawa niya!” dagdag nito na biglang yumuko nang lingunin niya ang mga ito. Pinigilan niya ang sarili na kumprontahin ang mga ito. Wala naman mangyayari kung papatulan niya ang lahat ng mga naririnig niya at alam niya na hindi lang ang mga ito ang pinag-uusapan s