“Hija, why don’t you stay here muna hanggang sa bumalik si Dale? Para makapag-bonding na rin tayo nang matagal,” suhestyon ng mother in-law niya. Napatingin siya kay Dale na busy sa pagkain. Kasalukuyan silang nagla-lunch sa bahay ng mga in-laws niya sa kahilingan na rin ng mga ito bago raw umalis si Dale para sa business trip nito. “Gusto ko rin po sana kaso nakapag-promise na ako kay Daddy na doon muna ako uuwi,” magalang niyang pagtanggi. “Ganun ba?” disappointed na sagot nito. Nahihiya siyang tumingin dito saka bumaling sa asawa na nagkibit lang ng balikat. Sanay kasi ito na madalas niyang pagbigyan noon tuwing hihilingin na samahan ito lalo na kapag may inimbento itong putahe. Siya ang ginagawa nitong judge bago ipatikim sa asawa at mga anak ang pumasang putahe sa kanya na nakaga