Mabilis na lumipas ang tatlong araw ng honeymoon nila. They were both reluctant to leave the place where they find it like a paradise. Pero si Alison na rin ang nagpumilit sa asawa na bumalik na ng Manila dahil alam niya kung gaano karami ang trabahong naghihintay dito Sa Penthouse sila dumiretso at nagpasyang doon muna mananatili hanggang sa matapos ang bahay na ipinapagawa ni Dale. Pero ilang araw pa rin ang ginugol nila rito at hindi niya mapilit na bumalik agad sa trabaho kaya't si Joe ang pabalik-balik sa pagbibigay dito ng mga dokumentong kailangan nitong pirmahan. Nang sa wakas ay kinailangan na talaga nitong bumalik sa trabaho ay hindi siya tumanggi nang yayain siya ng asawa na sumama sa opisina nito tutal ay wala naman siyang gagawin at maiinip lang sa loob ng bahay. Buong mag