Maaga siyang nagpaalam sa ama upang bumisita sa Doctor niya. Nagprisinta itong samahan siya pero tumanggi siya dahil marami itong trabaho kaya’t ipinahatid na lamang siya nito sa driver. Pagdating sa hospital ay dumiretso siya sa clinic ng OB-Gyne niya na si Dr. Reyes. Inabot niya rito ang record book na awtomatikong kinuha sa kanya ng Assistant nito pagkakita pa lang sa kanya. Nginitian niya ito at nagpasalamat pagkatapos siyang sabihan na maaari na siyang pumasok. “Good morning, Doc,” bati niya. May ilang segundo itong nakatingin lang sa kanya pagkuwa’y tumango at saka lang siya nginitian. Na saglit niyang ipinagtaka. “Good morning! Have a seat, Mrs. Fortalejo.” Umupo siya sa tapat nito. Habang binabasa ang record book ay nagtatanong ito tungkol sa mga nararamdaman niya. Pagkatapos