Kabanata 10

2257 Words

Kabanata 10 Hindi na ako nagtagal pa. Kinausap ko lang saglit si Mang Ernesto at ang iba pa niyang kasamahan. Ako na ang humingi ng dispensa at gumawa na lang ng kwento na hindi sanay ang kambal sa maraming tao, lalo na kung hindi pa nila ito kilala; na laki sa siyudad ang mga ito at iba ang kinalakihan nilang kultura. Kahtit na gustong-gusto ko nang sabihin na masama talaga ang ugali ng mga ito ay hindi ko pa rin ginawa dahil ayoko namang masira ang imahe nila dahil sa akin. Gusto kong sila mismo ang sumira sa imahe nila. Gusto kong sila mismo ang magpakita ng tunay nilang kulay at nang kamuhian sila ng mga trabahador ng hacienda at pagkatapos ay parusahan sila ng mga magulang nila at turuan kung gaano kahirap ang buhay. Gano’n ang gusto ko at nang magtanda ang mga demonyong ‘yon. “Wha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD