Kabanata 11 Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi dahil sinadya ko kundi dahil sa labis na lamig. Hindi ko pala naisara ang bintana sa sala kaya pumasok ang malamig na hangin. Sobrang hapdi pa ng mga mata ko at maluha-luha pa. Pagod na pagod din ang katawan ko dahil kulang na kulang ang pahinga ko. Sa totoo lang ay gusto ko pang humilata. Gusto ko pang umidlip at magpahinga pero hindi pwede. Kailangan kong kumilos kahit na ayaw ko. Kailangan ko nang simulan ang araw ko kahit na labag sa loob ko. Ganoon talaga kapag mahirap. Wala ka talagang magagawa kundi ang lumaban nang lumaban hanggang sa ikaw naman ang paburan ng panahon. Nag-unat na ako ng katawan bago inayos ang higaan ko. Kinuha ko ang unan at kumot ko at itinabi na muna at dumiretso na sa kusina para simulan ang paghahanda