Chapter 18

2679 Words
No, that's impossible. "You must be kidding me . . . " I whispered as if I'm just talking to the air. "I'm afraid not," Asher answers, unlocking his seatbelt. "Bakit parang affected ka?" Pilit kong iwinaglit ang mga nasa isip ko at umiling. "Hindi lang ako makapaniwala. Anyway," tumingin ako sa labas ng sasakyan, "tara na?" Asher took a deep inhale. "Hooh," he released. "Now I'm nervous." Pinili kong tawanan siya sa reaksiyon niya kahit na kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari, wala akong nakitang reaksiyon sa mukha ni tita kahapon. Her face was casual and her words were plain. Ewan ko na lang. "Whatever she asks, let's not lie. That's the best thing we can do." Tinapik ko si Asher sa balikat. "Baba na tayo. She must be waiting inside." Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako at dumiretso na sa bahay. Saglit ko siyang nilingon nang mapansing hindi siya nakasunod. Sinenyasan ko siyang lumapit na pero pinauna niya ako. I now then stood in front of the door, taking breath one after another. Nang pinihit ko na ang seradura at dahan-dahang itinulak ang pinto, bumungad agad sa akin ang nakaupong si tita Celia na kasalukuyang sumisimsim sa hawak na tasa. Hindi ko na kailanga'ng hulaan ang laman niyan. Buhay niya ang kape. Alam kong napansin na niya ako pero nanatili ang atensiyon niya sa kanyang iniinom. "Tita." Saka lang siya nag-angat ng tingin nang magsalita ako. Iminuwestra niya agad na umupo ako, and so I went to the chair across her and sat. "Nasaan ang lalaki mo? Masyado niya akong pinaghihintay," nabu-buryo niyang wika habang ang mga mata ay nasa kape ulit nakatingin. Lalaki ko na naman. "May ginawa lang yata saglit," 'ka ko na lang at pilit tinitingnan sa labas kung nasaan na nga ba siya. Mayamaya ay umikot siya ng sasakyan na may hawak na bouquet ng bulaklak. Napataas ako ng kilay lalo na nang makalapit na siya sa may pintuan at nakita ko kung anong klase ng bulaklak ang naroon. Eh? Of all flowers . . . It amazes me and annoys me at the same time that Asher brought a bouquet of flowers for my aunt, but he never gave me a single stem ever since we have met. But, well . . . I don't like flowers too much, anyway. Malalanta lang 'yan. Hindi siya gumalaw sa pintuan. Nanatili siyang nakatayo roon habang si tita naman ay sumisimsim pa rin sa kanyang kape. "Good morning po," sa wakas ay bati ni Asher habang nasa kinatatayuan pa rin. Tita didn't stop taking a sip from her coffee. Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang umangat ang mga mata niya para tingnan ang kanyang bisita. And the very moment she laid her eyes on him, her reaction was too clear for me to see. She was more than shocked. Nanlaki ang mga mata niya at sa gulat ay napaso ang kanyang dila mula sa iniinom. "Ah!" she painfully exclaimed. And the next thing I knew, the cup of coffee slipped from her hands, and it hit the floor with a loud sound as it breaks into pieces. Napatayo ako agad. "Tita! Napaso ka ba? Nasugatan?" I examined her and it relieved me that she's not hurt anywhere. Hindi siya napaso o natalsikan ng bubog. "Lilinisan ko muna." Nilingon ko si Asher na nasa pintuan pa rin at halatang hindi alam ang gagawin. "Ah . . . " What should I say? "Umupo ka na. Ako na ang bahala." Tahimik na tumayo si tita at pumunta sa kusina para kumuha ng basahan. Hindi ako agad nakagalaw. Para akong tumakbo nang mabilis sa lakas ng t***k ng puso ko. I looked again at Asher, and when I saw his uneasy expression, I couldn't help but to feel guilt. Pinilit kong tumayo at nilapitan siya. Hinila ko muna siya palabas. Saka na kami pumasok kapag handa na si tita. "I don't know what happened. I'm sorry," agad kong hingi ng paumanhin sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang halos nakayakap na sa bouquet at halatang nanginginig. Hinawakan ko ang mga iyon para pakalmahin siya. Nanatili siyang tahimik, mukhang nabigla rin siya sa mga pangyayari. It's making me feel so bad. Ultimo ako ay walang ideya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni tita nang makita si Asher. It would be ridiculous to tell that tita was shocked because he's handsome. No, that's not it. There's a big 'why' in my head. I better ask her if chance permits, because I can't think of any possible answer. It's not that Asher have done her bad or something, right? Or maybe? "Felicity." I gasped when aunt finally called me. Nagtama ang mga mata namin ni Asher and I gave him a reassuring smile. "It's going to be okay." Sa wakas ay nagpakita siya ng reaksiyon. He forced himself to smile as he pats my head. "Tara na." Sabay kaming pumasok. Kagaya kanina, nakaupo si tita sa dati niyang upuan, may tasa ng kape ulit sa kanyang kamay, at kasalukuyan siyang sumisimsim dito. "Upo," aniya sa malamig na boses na sobrang nakasanayan ko na. Tumungo ulit ako sa kaharap na upuan, pero si Asher ay bahagyang lumapit kay tita. "Bulaklak po, para sa inyo," saad nito habang nakalahad ang kanina pa niya hawak na pumpon ng rosas sa harapan ni tita. My aunt's eyes moved to the bouquet as if she cares nothing about it. Nanatili doon ang mga mata niya habang palakas naman nang palakas ang t***k ng aking puso. "Ah, tita, kung ayaw mo sa bulaklak, akin na l—" "Matagal na akong walang natanggap na bulaklak, aagawin mo pa?" putol niya sa sinasabi ko. Masungit ang dating pero parang natanggalan ng tinik ang dibdib ko dahil doon. Dahan-dahan niyang inilapag ang kape sa lamesang pumapagitna sa amin at kinuha ang bulaklak na nasa kamay ni Asher. Hindi siya nagsalita habang si Asher naman ay lumapit na sa kinaroroonan ko at umupo sa tabi ko. Naghari ulit ang katahimikan habang si tita nama'y hinahaplos ang mga bulaklak na para bang may alaala siya sa mga ito. "Bakit puting rosas?" Alam kong iyan ang tatanungin niya. Iyan din sana ang tatanungin ko kanina kay Asher pero pinili kong huwag na lang. Umangat ang tingin ko sa mukha ni Asher na nasa tabi ko. Halos magkapantay lang ang ulo ko at balikat niya kung kaya't tinitingala ko siya. "White is my favorite color. Sabi ni daddy, whenever we give someone a present, we should always offer something that we ourselves want, and love," kaswal niyang tugon, walang nababakas na kaba o pagkaasiwa sa kanyang tono. Malayong-malayo na ang hitsura niya kumpara kaninang hindi pa kami nakaharap kay tita. I couldn't help but to feel an amusement as he smiled gently yet with authority. Parang kontrol niya ang emosyon mo at kaya niyang manipulahin ang magiging impresyon mo. Needless to say, Asher has the ability to decide whether you must hate him, or like him. "Salamat," tipid na tugon ni tita bago umangat ang mata niya sa aming dalawa. I immediately avoided her gaze. She's my aunt and we've been living here together for many years, yet I can't help but to feel uncomfortable in this moment. "Pasensiya na sa nangyari kanina," saad niyang muli, ang atensiyon ay kay Asher na. "Mukhang nagulat ko ang bisita." Again, Asher chuckled casually. "You really did startle me, tita." Nagtaas siya ng kilay. "Kailan ko sinabing tawagin mo akong tita?" Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Akmang sasagutin ko na siya nang muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Asher. "I apologize. Dapat po bang 'mommy'?" Muntik na akong mapaubo nang marinig ito, habang si tita naman ay mukhang napamaang dahil sa hindi inaasahang sagot. Umiling-iling siya at muling kinuha ang kape para sumimsim dito. Nakatago man pero pansin ko ang ngiti sa kanyang labi na ngayo'y nakadampi sa tasa. I silently looked at Asher and we both smiled as if we just won something that only us know. "What a deja vu we have here," dinig naming bulong ni tita na para bang kinakausap niya ang tasang nasa kamay. Tiningnan niyang muli si Asher. "Tita na lang. Tita rin ang tawag ni Fe sa akin." "Sige po, tita," agad na sagot ng katabi ko, tunog batang napagbigyang kumain ng chocolate. "Alam kong marami kayong tanong, pero hindi ko kayo pinapunta rito para sa mga iyan." She took another sip on her coffee. "Sino ang magulang mo?" kapagkuwan ay tanong niya. I felt Asher flinched by the mention of his parents. "Divina at Diego Sullivan, Tita," he answered anyways. Napansin ko ang pagkibot ng labi niya. "I see." Inilapag niya ang tasa sa lamesa at nakita kong wala na itong laman. She crossed her legs, and that's when I realized that the terrifying moment will now begin. "Now, how did this happen? Tell me . . . everything." Nagkatinginan kami ni Asher na para bang nagtuturuan kami kung sino ang mag-ku-kuwento. Sa huli, ako rin ang nagpaliwanag sa lahat. Minsan nagsasalita rin siya, pero karamihan ay galing sakin, since hindi siya pala-salita masyado. I told tita everything. The wall, how did we meet and what happened between us that day, the feeling when we see each other, who our real soul mates are, everything. I even told her about our kiss in the library and how it changed our relationship since that moment forward. Isang mahabang katahimikan ang naghari pagkatapos naming sabihin ang lahat. Napahilot si tita sa kanyang sentido na para bang ito ang pinaka-komplikadong bagay na narinig niya sa tanang buhay niya. "Mukhang kailangan ko ulit ng isang tasang kape," aniya habang ang kamay ay nasa noo pa rin. Asher and I awkwardly laughed. "Siguro, sumpa ito?" patanong kong saad. "Surely!" biglang naisigaw ni tita. Napatayo pa siya mula sa pagkakaupo. "Sigurado iyan, Fe. Hindi ito mangyayari kung hindi." "Pero paano?" naguguluhan kong tanong. "Namatay si mama na hindi ikinakasal sa kahit sino. Paanong . . . " Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Humarap ako kay Asher. "What about your parents?" Parang wala siyang pakialam doon at nagkibit-balikat lang. "Baka? Siguro? Wala akong masyadong alam tungkol sa kanila. But I can ask them—" "Hindi mo gagawin iyan." Natigilan kami nang marinig ang nakakapaso sa lamig na boses ni tita. "That's an offensive question to ask. At kahit pa man malaman ninyo, wala nang magbabago. Nagawa na ang kasalanan. At wala kayong ibang magagawa kun'di tanggapin ito." "Really." I silently agreed. "At Fe, mukhang may nakakalimutan ka." I looked back at tita, and though her eyes are not in me, I can see there a canopy of emotions. "Walang kasalanan ang mama mo, oo." Dumako sa akin ang kanyang mga mata. "But have you ever thought about your father? Wala kang ideya kung saang lupalop na siya ng Geneva, kung nakipag-bargain na rin ba siya sa mga santo at lumipad papuntang Alliora o Sahara, hindi mo alam. At hindi mo rin alam kung ikinasal ba siya sa soul mate niya o hindi. Baka siya ang may kasalanan." My sight dropped on the floor, glued and teary. Something in me is trying to explode, but I gathered my thoughts together before I could even kill someone who is not even here. Right, I totally forgot about my father. Yuck. The term father makes me gag. For me, he does not deserve to live, not here, or in other cities that we should never step on such as Alliora and Sahara, not even in hell. I loathe him very much I want to die. Halos mapakislot ako nang biglang hawakan ni Asher ang nanginginig kong mga kamay na ngayon ay nakakuyom na pala pareho. "Tama nga, wala na ring magbabago," mapait kong saad. "But does that mean, we really are soul mates?" There's a hope in my eyes as I looked at Asher who's now gently stroking my hair. "Wala akong sinabing kayo nga," kontra ni tita. "It's either kayo nga, o hindi. Maaaring kayo nga, pero pinaglalaruan kayo't pinaglalayo ng sumpa. Sa kabilang dako, maaari ding hindi, pero pinaglalapit kayo ng tadhana para mahulog kayo sa isa't isa kahit na alam ninyong mali." Wala sa sariling napasandal ako sa balikat ni Asher dahil pakiramdam ko biglang bumigat ang buo kong katawan. Sunod-sunod ang paghugot ko ng aking hininga habang si Asher naman ay kalmado lang na nakasuporta ang isang kamay sa aking likod at tahimik na pinagmamasdan ako. "Wala pa akong masyadong alam tungkol sa bagay na ito since hindi ko naman masyadong binibigyan noon ng atensiyon ang love life ko," ismid ng katabi ko. "Hindi rin ako nag-abalang magtanong. But if ever I want to know, I guess my parents are the best ones that can help me." Pareho kaming napatingin kay tita nang bigla itong tumawa nang mapakla. Nakatayo na ito sa harapan ng bintana at sa labas nakatingin. "Oh, kids," she silently uttered. Asher and I cluelessly looked at each other. My aunt has been acting really weird since Asher and I came. Parang ang daming naglalaro sa kanyang isipan na hindi niya balak sabihin o ipaalam. The more I think about her, the more mysterious she looks in my eyes. We've been living together, pero kilala ko nga ba talaga si tita? Tumikhim ako. "Kapag nakausap mo na sila, balitaan mo ako," basag ko sa katahimikan. "Paano mo nakilala ang soul mate mo?" biglang tanong ni tita. "Ako po, tita?" Asher asks to confirm. Tumango lang siya bilang sagot. "Sinabi nina daddy." Mula sa labas ng bintana ay agad na bumalik sa amin ang atensiyon ni tita, particularly kay Asher. Unti-unting may nabubuong tension sa paligid, at iyon ay galing sa mga mata niyang hindi mabasa kung ano ang ibig ipakahulugan. "Asher Sullivan . . . " naisatinig niya. "Po?" agad naman na tugon ni Asher. My eyes as well as my tita's widened in shock, but the reason may vary. Hindi ko alam kung bakit nagulat si tita, pero sa parte ko, nagulat ako dahil sa pagkakatanda ko . . . hindi ko pa nabanggit ang pangalan ni Asher ni minsan. Kaninang nagku-kuwento ako, I addressed him as Abo. But my aunt, how come that she knows his exact real name? "Y-you're Asher—" "Tita?" Naalarma ako agad nang napahawak si tita sa bintana para kumuha roon ng suporta. Napatakbo ako para alalayan siya dahil mukhang bigla siyang nanghina. "Are you okay, tita? What's wrong?" Asher also approached, looking worried and hesitant at the same time. Malalakas na paghinga ni tita ang bumalot sa katahimikan. Namumula ang kanyang mga mata at halos nakikita ang bahagyang panginginig ng kanyang labi. Para siyang hinabol, or di kaya'y inilublob sa tubig. Seriously, what's happening to her?! "W-who is your soul mate?" she managed to ask even if her breathing already sounds uneven. "Krisha po. Krisha Vergas. Her family owns a hospital and two pharmacies— tita?!" Asher and I were both frightened in shock when my aunt fell on the floor, crying, sobbing painfully. "Tita, b-bakit . . . " Hindi ko nagawang magsalita nang lalong lumakas ang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung para saan, kung ano ang dahilan, pero napaluha akong bigla. This is the first time that I see my aunt cry, and it feels like she's been trying to stop herself to do so for many years. "Bakit . . . " sambit niya sa gitna ng pag-iyak, "bakit kailanga'ng maulit?!" Paulit-ulit iyon na lumabas sa kanyang bibig hanggang sa halos hindi na namin ito maintindihan. "Y-you!" Inangat niya ang mukha niyang puno ng luha at tiningnan si Asher nang diretso. "Huwag na huwag mong sasabihin ito sa magulang mo. Huwag kang magtanong ng kahit ano. At mas lalong huwag mong babanggitin ang pangalan ng pamangkin ko." The power she holds in her eyes hypnotized even the most emotionless person I've met—Asher. "Hindi ito pakiusap. Utos ito. And you better not forget it, Asher Sullivan. Never."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD