Chapter 19

2868 Words
Tita Celia apologized for what happened. She told us that it was because of a bad memory she had in the past. Aside from that, she never said any. Aniya ay hindi naman daw mahalaga na malaman namin ang rason niya, pero darating ang araw na kusa naming malalaman. Kung hindi man mula sa kanya, maaaring sa tadhana. And though we do have an abundant of questions left unanswered, we chose to let these go. It is taking so long for us to find out the truth, but patience is virtue. For the meantime, tita suggested na huwag muna kami masyadong magsasama ni Asher sa mga publikong lugar, sa mga ma-tao, lalo na kung marami kaming kakilala na nakakakita. Kabilin-bilin talaga niya na gawin namin ang lahat para huwag umabot sa mga magulang ni Asher ang tungkol sa amin. Seeing that tita strictly forbids us, perhaps they have the answers we are looking for. If not, then what's with Asher's parents? Who are they? Do they have something to do with this? And by the freaking way, what's taking Kimmy so long? Pinauna na niya akong pumunta rito sa palaruan dahil ma-le-late siya. Ayaw niya akong madamay na magbayad ng multa dahil hindi naka-sign in sa umaga. She indeed tell me that she's going to be late, but I didn't expect it to be in this extent. Si Asher naman ay siguradong nasa bahay rin. Lagi naman iyong late, kahit sa klase. Pero kahit pa man narito siya, napag-usapan naming sa hapon lang kami magsasama, kapag uwian na. We chose to heed tita's advice. Surely, she knows better than we do. At may tiwala ako sa kanya. Ayaw kong magsisi sa huli dahil hindi ako nakinig. But now . . . what am I going to do? Naririnig hanggang dito ang announcement tungkol sa mga nagaganap sa laro. The speakers are loud enough for me to hear that for the past two days, Geneva University is on top. Maaari pa itong magbago sa susunod pang mga araw, but I doubt that. Geneva University have been the University Games champion for ten years straight. Our basketball team also won the match yesterday. I would like to congratulate Benjie when I see him. Oh, speaking of which, I never forgot about what I found out. Si Camilla pala ang soul mate niya, pero malinaw na sinabi niya noon sa akin na patay na ito, na wala na siyang soul mate. I don't care what's real or not. I don't care who, or what have truly happened. But there's one thing I want to know—why did he lie? Whatever his reason is, I can't invalidate it anyway. Bakit niya pa sasabihin sa akin, kung ayaw talaga niya? He doesn't need to fabricate it. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, tumunog ang phone ko. Kinalkal ko ang loob ng bag ko at tiningnan ang caller. Pangalan ni Kimmy ang nasa screen kaya sinagot ko ito agad. "Dzai, matatagalan pa ako. Makisama ka na muna sa ibang classmate kung bored ka na riyan," aniya agad. "May magagawa pa ba ako? Ano ba kasing ginagawa mo?" "Monthsary namin ni Rad, binabalot ko pa itong regalo ko sa kanya." Napaingos akong bigla. "Edi wow. Mukhang araw-araw naman kayong nag-ce-celebrate, e." "Heh. Inggit ka lang. O siya sige, bye na nang matapos ko na rin ito agad. Mwah!" Hindi ko na siya sinagot. Pinatay ko ang tawag. Nakakatuwa silang dalawa, sa totoo lang. At oo, inggit ako. Hindi dahil ang sweet nila pareho, kun'di dahil hindi nila kailanga'ng pigilan ang sarili nila na mapalapit pa sa isa't isa. If it's about sweetness, no one can beat Asher Sullivan. From his actions, words, and even the way he look at me, it's full of affection. Iyon nga lang, laging may 'pero' sa aming pagitan. Laging may 'kaso'. I hope someday, we'll get through this pain and confusion. Akmang ibabalik ko na sa bag ko ang phone ko nang tumunog ito ulit. Sa pag-aakalang si Kimmy na naman ito, sinagot ko ito nang hindi tinitingnan ang pangalan. "Ano na naman?" bagot kong bungad. "That's quite harsh." Napatingin ako agad sa screen ko nang hindi boses ni Kimmy ang narinig ko, bagkus, ang baritonong boses ng lalaking kasalukuyang nasa isip ko. Right. His number is unregistered. Kailan ulit niya nakuha ang number ko? Hindi ko na maalala. Muli ko itong inilapit sa aking tainga. "Good morning, Asher!" I cheerfully greeted him. Tunog pasipsip na empleyadong nanghihingi ng advance payment. "Sorry, akala ko si Kimmy. Tumawag kasi siya kanina." "I see." "So, what is it that you want to tell me?" Hindi agad siya nakaimik. "Oy, Abo." "Ah, right. Sorry." Napatigil siyang muli at doon ko narinig ang maingay na background. "I just want to inform you that I can't come this morning. Something happened in the house, it's too sudden. Hopefully makaabot ako mamayang hapon." How thoughtful he is to let me know. Para na talaga siyang boyfriend kung umasta. "Not a problem. Pero okay ka lang ba riyan? Are you not hurt or something?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. "Naks, Felicity is worried." Napaikot ako ng mata kahit hindi niya nakikita. "Siyempre naman. Masama bang magpakatao?" Muli na naman siyang tumawa pero ngayon ay mas malakas na. "Why don't you just tell me that you're worried because I am someone you hold dear?" Mariing nagdikit ang labi ko, nagpipigil ng ngiti. Of course, he is special. I value him more than any other man on Earth. "Kung diyan ka sasaya," ingos ko. "Sige na, baka kailangan ka na riyan. Magkita na lang tayo mamaya kung sakali." "Hmm, don't hang up," tugon niya sa boses na parang inaantok. "I love listening to your voice." Napalabi ako at napasandal sa likuran ng upuang kinaroroonan ko. "You should just record me as I speak." He groaned. "No need to tell. I already did, countless times." Gulat akong napaayos ng upo. "You must be kidding me! Kailan?" His chuckle assaulted my ears, but ironically, it sounded like a loud melody. "You know, when you—" "Sir?" Naputol ang sinasabi niya nang may kumausap sa kanya na malinaw ko namang naririnig. "Doctor Felipe wants to—" Biglang nawala ang kabilang linya kaya hindi ko na narinig ang kasunod ng usapan nila. It seems like Asher ended it so I couldn't hear. Kung hindi ako nagkakamali, may narinig akong salitang 'Doctor'. Nasa hospital ba siya? Medyo maingay nga roon, at mukhang nurse iyong kumausap sa kanya. What the hell did really happen? Nakatitig pa rin ako sa screen ko nang muli itong tumunog at lumitaw ang unregistered na numero, mukhang siya ulit ito. "Asher." "I'm sorry, napatay ko. Ah, I still want to talk to you but I'm afraid I can't. May gagawin pa ako." Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nangyayari, pero siguro mamaya na lang. "Ayos lang. Mas mahalaga iyang gagawin mo." "Anyway, are you alone? Kung tinawagan ka ni Kimmy kanina, it means you're not with her. Nasaan ka ngayon?" "Nasa labas ng arena. I'm sitting in one of the benches here. I . . . " Biglang umurong ang dila ko nang mapansin ang babaeng nakatayo sa gilid ko, nakatingin siya sakin at mukhang kanina pa nakikinig. Hindi ko siya napansin! Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa gulat, lalo na nang mapagtanto kung sino ba ang babaeng ito. "Felicity?" "Hi," nakangiting wika ng babae. Ang babae kung saan nakatakda ang lalaking gusto ko. Ang babaeng pinapangarap kong sana ay ako—Krisha Vargas. "I heard that's Asher on the other line," dagdag niya pa. Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong kausapin, o kung ano ba ang sasabihin ko sa kahit sino sa kanila. What the hell? With all coincidences! "If you're alone, I'll try my best to get there as soon as possible," dinig kong sabi ni Asher. "Can I talk to him?" wika naman ng babaeng kaharap ko, hindi yata alam ang salitang privacy at walang sentido komun. Ni hindi pa kami close. Dahil wala rin naman akong makapang sasabihin, I just handed over the phone to her. Kung iisipin din naman, sa aming dalawa, ako ang walang delikadesa. It's her soul mate that I'm talking to. At mukhang alam na rin niya kung ano ang namamagitan sa amin ni Asher. I wasn't able to do anything when she spoke on the phone. "Ey, Asher. Si Krisha 'to." Lumitaw ang ngiti sa mabait nitong mukha habang nakikinig sa kabilang linya. "Nakita ko kasi si . . . " she looked at me, "I don't know her name. Ayun, nakita ko siyang mag-isa, at mag-isa rin ako. So I thought of asking her out. Tamang-tama, naabutan ko kayong nag-uusap. I want to take permission." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. She's . . . she's asking me out? At bakit naman siya magpapaalam kay Asher? What's with her? "Ahuh? Okay lang? Sige, salamat! Ano?" Tumigil siya at tiningnan ako, halatang pilit niyang pinapanatili ang ngiti sa kanyang labi. "Don't worry. I'll take care of her." Hindi niya agad ibinaba ang phone, marahil may sinabi pa muna si Asher sa kanya. "Okay, okay. We're going. Huwag ka nang tumawag." Wow. Baka ako ang tatawagan at hindi siya? But, well, she's the soul mate alright. What a victory card she has. Nang ibinalik niya sa akin ang phone ko, nakatingin na siya sa akin nang diretso. "Pasensiya na sa ginawa ko. Gusto lang kitang ipagpaalam din sa kanya. Matagal na kitang gustong makausap. I thought of a good place that serves delicious coffees. I hope you will take my invitation." The gentleness in her voice is something I can't resist. Wala naman akong makitang masama sa paanyaya, though hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Tumayo ako at nginitian din siya. "Sure, my pleasure." "Right!" She clapped her hands. "Dala ko ang car ko. I will go and get it, just wait for me here." Tango lang ang isinagot ko bago siya tumalikod at umalis. Nanghihina akong napaupo. I tried to compose myself earlier, but my toes are shaking. How am I supposed to act in front of her? Nahihiya ako na natatakot. Para akong kabit na niyaya ng legal na asawa sa isang kape. Diyos ko. Ano ba ang iniisip niya? Bahala na. * * * Good Taste Café. We are in front of Good Taste Café, the same place where Asher took me when we had to do our project in Filipino. Hindi agad pumasok ang kasama ko kaya naman hindi rin ako gumalaw sa tabi niya. I saw her eyes looking at the name of the café with a curve on her lips. Bumaling siya sakin nang marahil napansin na nakatingin ako. Itinuro niya ang gusali. "This is the best Café here in Geneva." Napatango ako. "Nakapunta na ako rito noon." "Oh. With who?" Natigilan ako nang tinanong niya iyon. "A-alone. I came here alone." "I see." Nagsimula na siyang maglakad at sumunod naman ako. "Alam mo ba, ang café na 'to ay pag-aari nina Asher." Hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko sa narinig. I didn't expect this! Hindi pa ito kailanman nabanggit sa akin ni Asher. Mali, wala pa talaga siyang binanggit ni isang bagay tungkol sa pamilya niya. Now, I remember. Kaya pala kilala siya noon ng guard. Sa kanila ang café na ito. Needless to say, Asher Sullivan's family is rich. Maybe, richer than I can imagine. Thinking about the gap of our life status, I couldn't help but to feel like an outcast, like someone who should not even dare to dream of someone like him. Sumunod lang ako kay Krisha hanggang sa tinatahak na namin ang kaparehong daan papunta sa inupuan namin ni Asher noon. Pagkarating namin sa pinakadulo, agad kong nakita ang mga barkada ni Asher na nagkumpulan sa lamesa. Lahat ng mga nakasalubong namin noon sa mall, narito sila. At mas lalo akong nagulat nang pati si Benjie ay kasama. They all looked shocked upon seeing me, pabalik-balik na tiningnan kami ng kasama ko. "Y-yo," bati ni Aro. "Felicity, right?" Tinanguan ko lang siya, akward na napalinga-linga sa paligid. "Have a seat." Napipilitan akong umupo nang umusod sila para bigyan ako ng espasyo. Dalawang lamesa ito na napagdikit, ganundin ang mga upuan para magkasya silang magkakaibigan. Now, I feel so out of place in between them. And I don't know. I've never felt more uncomfortable than now. Should I just go? I don't belong here. Akala ko, kami lang ni Krisha. Thought hesitant ako nang una, mas mabuti pa sana kung kaming dalawa lang. One of them ordered something for us. Nang nakapag-settle na kaming lahat, nagsimula na silang mag-ingay. They are talking about random topics, and I can see that Krisha really goes along with them. Mukhang lahat sila ay matagal nang magkakakilala. "Oy, kausapin niyo naman si Felicity. Kanina pa siya tahimik," biglang singit ng isa sa kanila. I remember him. He was the driver. Uh, di ko sila kilalang lahat. "Ayos lang," I uttered politely. "Sige lang." "Sage," sabi ng driver noon. "Sage ang pangalan ko." As with that, they all started to introduce themselves including Krisha. Si Benjie lang ang hindi nagsalita sa kanila. "Oy, Benjie, magpakilala ka na. Ang feeling nito," sabi ng lalaking may pula sa buhok. "Gago, magkakilala na sila. Magkasama nga sila noon one time, di mo nakita?" sambit ng isa pang lalaki, si Eugene. "Kaya nga akala ko girlfriend mo noon," natatawang singit ni Aro. "Pero mukhang si Asher ang boyfriend, hindi ikaw." At saka ito malakas na tumawa, hindi napansin ang biglaang pagtahimik ng mundo pagkatapos ng sinabi niya. Tiningnan niya kami isa isa, hanggang sa napagtanto kung gaano siya ka-shunga. "Oops." He covered his lips, yet the damage is done. Nakita ko kung paano nasira ang mga ngiti sa mabait at masayahing mukha ni Krisha. As I tried to ignore it, she suddenly stood up and crossed her arms. "Asher has no girlfriend, guys." Bagaman malumanay ang boses, bilang babaeng kagaya niya, ramdam ko ang gigil doon. Bumaling siya sa akin. "Hindi ba, Felicity? Don't tell me, kayo na ng soul mate ko?" Diniinan niya pa ang salitang 'ko' na para bang hindi ko iyon alam. "H-hindi. Hindi kami," mahina kong tugon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. The atmosphere is now starting to suffocate me. "Alangan naman kasi," entra ni Xandra, may ngisi sa labi. "Kami ni Aro, hindi namin kilala ang mga soul mate namin. Pero kung sakaling may isa na sa amin ang nakakakilala na, siguradong hindi kami aabot sa ganito. We still have shame, 'no!" Naikuyom ko ang aking kamao na nasa ilalim ng lamesa. Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko, umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Mula pa noon, hindi na maganda ang tingin ni Xandra sa akin. Now, I finally confirmed my assumption. She hates me. Or maybe, all of them. Mas magaling lang magtago ng nararamdaman ang mga lalaki. Sa sinabi niya, para niya na rin sinasabing wala akong hiya. Okay, tama nga naman siya. Wala akong hiya. But I think it would be better if they just directly tell me what they want to say. No one is entitled to disrespect me. "Mukha namang mabuting tao si Felicity," saad ng nasa gilid na nagpakilalang Sam. "You and Asher are not for each other and you're aware of that, no?" Napalunok ako sa sinabi niya. Lahat sila ay nabaling sa akin ang atensiyon at mukhang naghihintay ng sagot. Halos mapunit ko na ang damit kong kanina pa nalukot sa ilalim ng mga kamay ko. Yes, what's the use of telling what I truly feel? I would just tell them what I think that they want to hear. Kahit kasinungalingan lang. Kahit labag sa aking kalooban. "Oo naman!" Pilit kong pinasigla ang boses ko. "Kaibigan ko lang si Asher. Imposibleng maging kami, may soul mate na siya at . . . at . . . " Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. "At hindi ko naman siya gusto." I smiled at them. "Chill, he is for Krisha. I support that." They all looked relieved after what I said. "Ayun naman pala!" masiglang wika ni Sage, nakataas pa ang mga kamay na akala mo ay nanalo sa loto. "Wala naman palang problema. Kumain na tayo!" Muli na namang umingay ang kinaroroonan namin na parang walang nangyari. Napangiti ako at nabunutan ng tinik. That was close. A smile is still in my face when my eyes drifted to the figure standing not too far from our table, his face looks like he never felt this painful, he never felt more betrayed than now. Nanlamig ang buo kong katawan kasabay ng pagkawala ng ngiti sa aking labi. Napalitan ng takot ang mukha ko nang magtama ang paningin namin at malinaw kong nakita ang sakit at disappointment na nasa pares ng itim niyang mga mata. Before I could even stand, he turned his back and left. Why . . . Why is he . . . What is he doing here? I never knew he's coming. And most importantly, he heard everything. Asher heard everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD