Chapter 17

2901 Words
"Seryoso?! Hala, gaga! Lagot ka ngayon." "Huwag kang ano, kinakabahan ako!" "E sino ba naman kasing maysabi na maghalikan pa kayo—" napatampal si Kimmy sa noo, "ang landi naman kasi!" Pinagsisisihan ko nang sinabi ko sa kanya ang nangyari kahapon at ang sinabi ni tita sa akin na gusto niyang makausap si Asher. Wala na siyang ibang ginawa kun'di manakot lalo at husgahan ako sa nangyari. Buwisit. Katatapos lang naming mag-sign in at pinilit kami ng mga nakakita sa aming officers ng Geneva na i-support ang laban ng Geneva University at Vilican University sa basketball. Ito kasi ang unang game ngayong umaga. Naalala ko na naman si Benjie. Maybe we should really support them. "Tapos hindi mo pa nga jowa. At hindi naman puwedeng maging jowa, kasi hindi naman siya ang soul mate. Diyos ko talaga!" Inis akong pumadyak sa lupa. "My God, ayaw ko na! Manahimik ka nga! Lalo akong naguguluhan sa 'yo." Matalim niya akong tiningnan. "Kay talino mo kasing tao, ano, pero yung reyalidad hindi mo maintindihan?" "Naiintindihan ko naman! Mahirap lang pigilan ang nararamdaman." Hinarap niya ako at tinaasan ng kilay habang ang mga kamay ay pinag-krus sa kanyang dibdib. "Pinigilan mo ba?" Right. Hindi nga. "Whatever." "See? Hindi." Inismiran niya ako. "Panindigan mo 'yan." Sabi ko nga, si Kimmy talaga ang best kaibigan sa mundo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni tita kahapon. Nang um-oo ako ay iniba na niya ang usapan na parang walang nangyari. Sinabi ko na rin kay Asher kagabi through dm, and he doesn't seem to mind, or at least to pretend that he does. Hay nako. Ako lang yata ang napa-paranoid. My aunt being a villainess of my relationship with Asher is a cliche scenario. Pero kahit na ini-enjoy ko lang ang ganitong conflict sa mga binabasa kong nobela at pinapanood na teleserye ay hindi ito nakakatuwang mangyari sa totoong buhay. "Off ni tita ngayon at sinabi niyang ngayon na kami pumunta," I remembered while looking around as we head to the basketball court where the game of Benjie's team will be held. Magkahawak-kamay kami ni Kimmy habang naglalakad, bahagyang nagpapagewang-gewang na animo'y walang aabuting laro. "Hindi naman mukhang excited si tita Celia, 'no?" Kimmy sarcastically replied. "Darating naman na si Rad mamaya. Sabihan mo na lang ako pagbalik ninyo." Napatuwid ako ng tayo nang may mapagtanto. Mahina ko siyang siniko. "Pansin mo ba? Ang late nitong mga lalaki. Kaninang papunta ako rito, kakain pa lang si Asher." Nanlaki ang mata ni Kimmy at itinuro ako. "Sinabi mo pa! Iyong si Rad, nagbibihis na ako nang nag-send siya ng selfie niyang kababangon pa lang." Cringe. "Kung hindi lang seven-thirty ang time in, hindi rin ako ganito kaaga," urat kong wika. "Sabi ni Asher sa 'kin kahapon, pina-pirma naman daw siya ng mga may hawak ng attendance sheet kahit na late siya." Nagkibit-balikat si Kimmy at mukhang nandidiri ang mukha. "Ganyan din kay Rad. Mga babae naman kasi ang may hawak ng attendance. May special treatment sa mga guwapo. Pwe. Kadiri." I couldn't help but to sneer. Napaka-unfair at napakalandi. Though we can't blame them too. Asher is not someone you can say no to. Even if he doesn't usually smile, his black eyes that are darker than a midnight lure souls to be under his control. "Girl, baka kung tayo ang nasa posisyon nila, gan'on din ang gagawin natin. Huwag tayong hypocrite," I half-heartedly said as I felt an atom of disgust on that thought. "Bakla, baka ikaw? Idamay mo pa ako," ani Kimmy. "Ikaw lang naman ang malandi sa atin dito." Did I already say that Kimmy may be called as my best friend, but she's also the worst creature I've met so far? Mabilis akong nag-isip ng isasagot. "At least I didn't seduce my soul mate to meet me by telling that I'm gonna show my n*****s!" I exclaimed. Napatakip ako agad ng bibig nang mapagtantong medyo napalakas ang pagkakasabi ko n'on. Masamang tingin ang iginawad niya sa akin habang patuloy pa rin kami sa paglalakad papunta sa basketball court kung saan nagsisimula nang umingay. "At least akin." Muntik na akong nasamid sa sarili kong laway. "Felicity applied cold water to burned area," I bitterly uttered. Malakas na humalakhak ang demonyo kong kaibigan. "At saka ang over bastos mo naman sa n****e! Hindi ko naman ginawa talaga, duh! And I didn't say n****e, okay? Sabi ko, cherries. Cherries!" Napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Feeling ko mas malalim pa sa pakitaan ng n*****s ang ginawa nila, e. "Oo na," sang-ayon ko na lang. Itinulak ko ang mukha niya nang inilapit niya sa tainga ko ang bibig niya. "Para namang hindi rin n****e ang punta n'on." Hindi na lang siya sumagot at nagpatuloy kami sa paglalakad. Malapit na kami sa bukana ng court nang naagaw ng pansin ko ang babaeng may neon na highlights ang buhok na may kausap na lalaki sa entrance. Sobrang agaw-pansin naman niyan. "Tingnan mo iyan," siko sa akin ni Kimmy at itinuro ang kaparehong tao na nasa isip ko. "Sa dinami-rami ng puwedeng ikulay sa buhok, yung shining shimmering splendid pa talaga. Attention-seeker, 'te?" Natawa ako sa description na ibinigay niya. Kapag siguro naririnig kami ng babaeng iyan, mapapasabi na lang siya ng 'It's none of your business'. Patawad, mahabaging Ama, at sobra kaming mapanghusga. Saktong nasa entrance na kami nang tinalikuran ng babae ang kausap at nakita namin ang mukha niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Pareho kami ni Kimmy na halos mawalan ng balanse sa kinatatayuan lalo na nang muntik nang dumako sa amin ang paningin nito. "Gaga, si Camilla pala. My God!" she hysterically whispered. Siniko ko naman siya agad at ininguso ito. "Pinigilan siya ng lalaki sa pag-alis. Mukha silang nag-aaway." Napangisi bigla si Kimmy at tiningnan ako na parang may binabalak na masama. "Let's eavesdrop." "What? No— hoy!" Hinila niya ako hanggang sa makalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa. Medyo maraming estudyanteng naglalabas-masok dahil nasa gilid lang kami ng daan kung kaya't hindi kami masyadong napansin. Maingay din ang lugar dahil naririnig namin ang malakas na hiyawan sa court. Jesus, we are supposed to watch Geneva's match! And it's Benjie's team that's on the spot, nako naman. "You think we can eavesdrop? Ang ingay dito," mariin kong wika kay Kimmy na unti-unti ulit akong hinihila palapit pa. "Exactly. Maingay ang lugar. You think hindi nila lalakasan ang boses nila para magkarinigan sila?" "Get to your senses, Camilla! Seriously, we can't divorce!" Napako kami ni Kimmy sa kinatatayuan namin. We couldn't even manage to pretend on doing something for our eavesdropping not to be obvious because of shock. Nagkatinginan kami at parehong nanlalaki ang mga mata. At hindi man kami magbitaw ng salita, alam kong pareho kami ng iniiisip. Camilla is married! "Mag-usap na lang tayo mamaya, puwede ba? Cheerleader ako at nagsimula na ang game ng team ko!" "No, we talk!" "Harold naman! Stop being a pain in ass. Lalo akong nanggigigil na hiwalayan ka!" "Ano ba kasi ang problema? We just married a year ago and this is what you're telling me all of a sudden? Divorce?!" Oh my God! They married last year and . . . Oh my God! "Excuse me." Pareho kaming napatabi ni Kimmy nang may mga estudyanteng dumaan sa kinatatayuan namin. Ang lawak ng daan, dito pa talaga? Wala kaming nagawa kun'di tumulak na lang papasok sa court. Pakiramdam ko lumulutang ako sa sobrang pagkatulala. We've heard enough. Nakita naming pumasok na sa court si Camilla na parang walang nangyari. Nilingon ko ang lalaki sa pinanggalingan namin at nakitang naiiyak itong nakatayo roon. Suddenly, I felt a pain in my chest. Ang emotional ko talaga kapag nakakakita ng mga lalaking nasasaktan. Sobrang rare lang kasi to the point na masasaktan ka talaga kapag nakita mo na. "That girl," Kimmy hissed. "She's really a b***h. Kapag iyan nagpakasal sa hindi niya soul mate, magdurusa ang mga anak niya. Unless, hindi na siya magkaanak pa. But that's a shame in Geneva. Wala siyang takas sa kahihiyan at paghihirap." Nangunot ang noo ko. "Oy, Kimmy. Bakit parang ang lalim ng galit mo kay Camilla?" pansin ko. At hindi ko maipagkakailang tinamaan din ako sa sinabi niya. Hindi ako makailag, malas. "Gaga, e hindi nga talaga ako tinulungan sa pananaliksik, tapos she threatened me na sisirain niya ang buhay ko kapag hindi ko isali ang pangalan niya. Ang kapal ng mukha. Ang kapal ng buo niyang kaluluwa! If I know, takot lang din naman iyang mabagsak." Naiiling ko siyang tinapik sa balikat para pakalmahin. "Naks, hero ka pala, e. You saved her life." At saka ko siya tinawanan. Napalingon naman siya sa likuran kasabay ng pagpatong ng isang braso sa balikat ko. Agad nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pang-lalaking amoy ng isang Asher Santillan. "Sorry, I'm late. Shall we go?" aniya malapit sa aking tainga, ramdam ko pa ang mainit niyang hininga na tumatama rito. "Excited si lover boy na ma-meet ang tita ni lover girl. Yie, sana all," tukso sa amin ni Kimmy pero lasang-lasa ang sarcasm doon. "Walang aalis, wala akong kasama. Hindi pa nga dumating si Rad." "Says who?" Mula sa kung saan ay lumitaw ang boyfriend ni Kimmy at ipinalibot ang kamay sa baywang nito. Humalik ito sa pisngi ng aking kaibigan. "Saan tayo?" "So," tinanggal ni Asher ang braso niya sa balikat ko at hinawakan ako sa kamay, "aalis na kami." Tama nga si Kimmy. Excited masyado ang ating Asher na matusta at magisa kay tita. Tinanguan lang kami ng dalawa bago kami tumulak paalis doon. Ni hindi ko napanood ang laro ng basketball kahit kaunting portion man lang. "Nakatulog ka ba nang maayos?" kapagkuwan ay tanong ni Asher habang nasa daan kami. "Tinanong mo na naman iyan kaninang umaga." Saglit niya akong tiningnan. "And you did not reply, remember?" I slightly pouted. "Nagmamadali akong magbihis." Pinaglaruan ko ang kamay niya habang naglalakad kami. "Asher?" "Hmm?" Napansin ko ang keychain sa bag niya na partner ng ibinigay niya sa akin at lihim akong napangiti. "Aren't you scared of my aunt?" I heard him cracked a chuckle I would love to listen countless times. "If I am, you think I'll tell you?" Lumabi ako at pinisil ang hintuturo niya. "There's no need to hide it from me, you know. Hihi," udyok ko, may ngiting-aso sa aking mukha. Pinanggigilan niya bigla ang ilong ko. "Chill, 'm not scared. Though I am somewhat, uh, nervous?" Nagkibit-balikat siya. "Pero mas excited ako. I am glad that I have the chance to talk to my girl's guardian." Pigil ang ngiti kong inungusan siya. "My girl ka riyan. Makapag-angkin ka naman, wagas." "Let me. Kahit hanggang salita lang." Ah, what is this painful feeling? Of course, I want myself to be his, and I want him to be mine. We just can't have it . . . now. Nang marating namin ang mamahalin niyang sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makapasok ako ay umikot siya papunta sa driver's seat at doon ay bigla akong may naalaa. Ang unang kotseng nasakyan ko ay ang kotse ni Benjie. And like Asher, he was also gentleman. Nang nagsimula nang tumakbo ang sasakyan ay doon ko lang binanggit ang larong iniwan namin. "It's Benjie's match. Bakit pala hindi muna tayo nanood?" The expression in his face didn't change so I guess it's okay for me to mention Benjie, at least. "Sorry, I'm not aware. Gusto mo bang mapanood?" Umiling ako. "Ah, hindi. Okay lang. Ang ingay din naman doon." "But what about music?" "Ha?" Itinuro niya ang music player ng sasakyan. "What if we play a music?" Tumango ako. "Sure, go on." A minute have passed and Nina's song 'Don't say goodbye' filled the air. Nagkatinginan kami ni Asher at sabay na natawa. "Ang emotional naman ng kantang iyan," saad ko. "Pero ang linis ng boses, ang sarap pakinggan." "Yes, yes." Asher nodded his head. "Mas gusto kong makinig ng mga ganyan kaysa sa mga rap. I feel at ease." Pumikit ako at sumandal sa headrest. "Me too, Ash. I feel at ease." Tumahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ang malamyos na musika ang bumabalot sa katahimikang dala ng atmospera. Mayamaya, naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay kong nasa aking kandungan. Napamulat ako ng mata. Diretso lang siyang nakatingin sa daan. "I knew that Benjie likes you," out of the blue, he mumbled. "Alam din ni Benjie na gusto mo ako. How do you guys know?" Tumawa ako para pagtakpan ang pagkaasiwa ko. Knowing that these guys like me, it's too good to be true. Feeling ko maiinggit pati si Rapunzel sa haba ng buhok ko. "Guys have something in common, as well as with girls," aniya. "May something sa atin na madaling mapansin ng kapwa natin, dahil most probably ay ganoon din sila. And I knew. I knew that Benjie Iikes you the moment he looked at you the way I do." Bumaling ako sa labas ng bintana. Listening to what Asher is telling me makes my heart flutter. "And I envy him." Bumalik sa kanya ang mga mata ko. "Bakit?" Bahagyang humaplos ang kamay niyang nakahawak sa aking palad. "Because he's free. He has no soul mate anymore. He has the freedom to have you. No complications." Natahimik ako. I never knew that Asher has been keeping this insecurity in him. "Kaya naman sinabi ko noon sayo na iwasan mo siya, because that's the only card I can use in order to win you. Kasi, kahit saang anggulo tingnan, talong-talo ako. Hawak niya ang kalayaang pinapangarap ko. Naisip ko na baka kapag ikulong kita sa akin, magiging akin ka. But in the end, it didn't lessen the burden I have inside. It turned heavier instead." Nagkibit-balikat siya. "So I regretted afterwards. Kaya binawi ko ang sinabi kong umiwas ka sa mga lalaki. In order for me to have a peace in mind and to show the real essence of my love, I should let you do whatever you want as I pursue you by heart and not by force. Besides, I can't be possessive of something I do not own, can I?" That's quite an emotional confession. Mas nangingibabaw ang tunog ng t***k ng puso ko kaysa sa kantang lumalabas sa speaker. If I can only do something to give Asher the peace of mind and happiness he deserves. "But, Asher, you should not say those. You still have . . . Krisha." I almost chocked by the mere mention of his soulmate's name. "Krisha and I didn't feel the same feeling we have felt when we saw each other, Felicity." Napaayos ako ng upo. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Nang nag-eighteen si Krisha, wala kaming naramdaman na espesyal sa isa't isa. Di ba, sabi nila, when you and your soul mate reached eighteen, the moment you see each other, you just . . . fall in love. Krisha didn't feel anything special, maybe because she already likes me since we were kids. And what about me? I didn't feel anything. And yet . . . " "And yet?" "And yet I fell in love to you the very moment I saw you." And that was exactly my birthday. "That's . . . unexpected," bulong ko, nagsisimula na namang magulo ang aking isip sa dami ng impormasyong nalalaman ko. Why are these happening?! "But you know what? The more complicated it is, the more I am motivated to fight for it. You are worth the effort, Felicity." Nakitaan ko siya ng ngiti sa labi habang diretso pa rin ang tingin sa daan. At kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko, ang mahahaba niyang pilik-mata, ang matangos na kurba ng kanyang ilong, at ang may pagkanipis niyang labi, sapat na para masabi kong hindi siya tao. Isa siyang greek God. Joke. "Even if you ran out of possibilities?" I probed, hiding a smile. Tumawa siya at tinapunan ako ng tingin. "When the possibility is small, my determination is strong." Napangiti na nga ako nang tuluyan. "Thank you. But Asher, don't envy Benjie too much. Iba rin ang loss na mayroon sa mga taong namatayan ng soul mate. Kagaya ko. I still feel bad to know that your brother is dead." Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng bahay. Hindi agad bumaba si Asher, at nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ay pinigilan niya ako. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. "Hindi pa ba tayo bababa?" nagtataka kong tanong. "Dead, you say?" tanong niya pabalik na nagpatigil din sa akin. "Benjie's soul mate is dead?" "Uh." Nangunot ang noo ko. "Hindi ba dapat alam mo?" Asher's face turned into a total confusion. "Honey," tumawa siyang bigla, "the truth, Benjie's soul mate is alive. Classmate nga natin, e. But see, once that your soulmate have married someone else, the bond between you disappears. You're free as if the other person is dead." "A-and? Who . . . what?" Alive? But Benjie clearly told me before that she's dead! He tilted his head as he examined my expression. "Hindi patay ang soul mate ni Benjie. Buhay ito, kasal na nga lang sa iba." Oh no. Don't tell me . . . "Classmate natin,' wala sa sariling bulong ko. Dahan-dahan siyang tumango. "That famous cheerleader. I forgot her surname. If I'm not mistaken, her names is . . . ' saglit siyang nag-isip, "Camilla."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD