Chapter 4

1887 Words
"Fe, hindi ka pa kakain? Lalamig 'yung ininit kong ulam!" Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni tita. Hindi gaanong malawak ang bahay namin at wala rin itong kisame, kaya anumang ingay ay malinaw na umaalingawngaw sa buong bahay. Nakadapa ako sa kama, suot-suot pa rin ang aking uniporme. Mula nang dumating ako rito ay agad na akong dumiretso sa kama. Hindi ko pa nagawang gumalaw hanggang ngayon sa sobrang bigat ng katawan ko. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagpiga sa'king dibdib. Kahit siguro ilang oras akong mananatili sa posisyon ko ngayon ay hindi ko magagawang gumalaw. At wala rin akong lakas na magsalita. "Fe!" tawag muli ni tita sa mas malakas ba boses. Sinamahan na niya rin iyon ng bahagyang paghampas sa pinto. Huminga ako nang malalim. Inipon ko ang kakarampot na lakas sa aking katawan at tinulak ang sariling bumangon. Lulugo-lugo akong binuksan ito. "Hindi ka pa nakakapagpalit ng damit hanggang ngayon? Ano bang ginagawa mo?" Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumalikod siya at dumiretso na sa kusina. "Kain na." Tumalima lang ako. Nakahanda na sa lamesa ang kanin at ulam, ganoon din ang mga kailangan sa pagkain. Ako ang gumagawa ng mga ito madalas. Hindi ko alam kung bakit hindi ako inutusan ni tita ngayon at siya na lang ang gumawa. I wonder if she's in the mood today. Nang makaupo ay ipinagsandok na niya rin ako ng kanin. Napaangat pa ako ng tingin sa kanya dahil dito. Nakakagulat, ngayon lang siya naging ganito. Ano ang mayr'on? "Salamat, Tita." Panay pa rin ang pagsulyap ko sa kanya habang inaayos ko ang pinggan ko. Tumango lang siya. Pareho kaming walang-imik habang kumakain. Mayamaya, sa kalagitnaan ng katahimikan, tumayo siya at punasok sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang kanyang pinggan at nakitang hindi pa naman niya nakalahati ang laman nito. Akmang itutuloy ko na ang pagkain nang biglang natakpan ang paningin ko dahil sa telang biglang naisampay sa aking ulo. "Anong—" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang makita kung ano ito. Halos lumuwa ang mga mata ko at malaglag ang panga ko sa gulat at tuwa. It is a blouse! At pamilyar sa'kin dahil madalas ko itong ituro kay tita kapag nadadanan namin ito papunta sa palengke. Suot ito ng isang seksing mannequin na nakatayo sa harapang bahagi ng The Crystal Mall, natatakpan ng salamin kasama ang iba pang for sale na damit. Noon, ini-imagine ko lang na nakaharap ako sa salamin at suot-suot ito, ngayon ay nasa mga kamay ko na for real! "Tita, ang mahal nito, a?" Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko nang bumaling ako sa kanya. Gaya ng inaasahan ko sa medyo maldita kong tita, tinaasan niya lang ako ng kilay. "Babawiin ko na? Ibalik natin sa mall, gusto mo?" Lumabi ako habang nangingiti. Umiling ako. "Hindi po." "Iyon naman pala." Bumalik siya sa kinauupuan. "Nilabhan ko na 'yan. Free day ninyo bukas, di ba? Gamitin mo na agad." Excited akong tumango. "Oo tita, gagamitin ko agad bukas. Salamat so so much!" Napansin ko siyang ngumiti nang matipid. "Eighteen ka na. Nasa legal na edad na ang batang inaalagaan ko," aniya at itinuloy ang pagkain. Napangiti ako habang pinagmamasdan pa rin siya. So she remembers. Akala ko ay ako lang ang nakakaalam na birthday ko ngayon. Ultimo si Kimmy ay hindi alam. Sa bagay, muntik ko na nga ring nakalimutan. Hindi ko rin naman ito maaalala kung hindi dahil sa... Natigilan ako sa isip. Muli na namang bumalik sa akin ang nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Seriously, ayaw rumehistro sa isip ko kung ano iyon. Iyon na kaya iyon? Teka, ano kaya kung tanungin ko kay tita? Alam kong wala siyang experience sa ganito dahil hindi naman niya nakita ang soulmate niya, pero baka may ideya naman siya kahit papaano. "Tita-" "Kung eighteen ka na, baka mamaya makita mo na rin ang soulmate mo. Aral muna, ha? Huwag papa-distract sa lalaki, huwag papabuntis." Nahigit ko ang hininga ko nang marinig iyon mula sa kanya. Bigla ay umurong ang lahat ng gusto kong itanong. "Opo." Sinulyapan niya ako saglit. "May sasabihin ka yata kanina?" "Ah, wala tita. Sabi ko, masarap itong ulam." Wala sa sariling humigop ako ng sabaw. "Matamis." I am too drowned in my thoughts that I almost didn't hear tita Celia murmured, "Kailan pa naging matamis ang sinigang?" * * * Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng mga school activities ko. Ultimo ang mga kakabigay lang kanina na sa susunod na linggo pa ang deadline ay tinapos ko na. Ngayon, inisa-isa kong kinuha ang mga photocopies ko sa subject na Understanding the Self para mag-advance reading. I often do this whenever I have to take my disturbances away. My thoughts are suffocating me, and so I want to divert my attention into something productive. Pero hindi pa man ako nakaka-dalawang talata sa binabasa kong lesson nang parang biglang lumitaw ang mukha ng lalaking iyon sa isip ko. Ang nakakalunod niyang paningin, ang arogante niyang tindig at pananalita, at ang epekto niya sa akin nang magtagpo ang aming mga mata, bakit parang unti-unting nagkakakonekta? At iyong naramdaman ko kanina na pagtibok ng puso at ang pakiramdam na hirap akong iwan ang kanyang mga mata, ano ang mga iyon? Is he my soulmate? Palatandaan ba ang mga iyon na siya talaga? Teka nga, siya ba talaga?! Seryoso?! Nadako ang atensiyon ko sa aking pader nang napansin kong may mga salita na namang lumilitaw roon. Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ako kapag nakakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya dahil hindi ako sanay. Ang dami ko nang naging assumption tungkol sa kanya. Baka wala silang bahay kaya hindi niya natatanggap ang mga sulat ko. Baka may iba siyang pinagkakaabalahang babae. O baka patay na siya. Tapos ngayon, kung makapagsalita pa siya ay akala mo hindi niya ako pinaghintay ng ilang taon! Naibaba ko ang photocopies na hawak ko nang napansing isang linya lang pababa ang isinulat niya. Pinag-ti-trip-an niya ba ako? Noon, excited na excited akong makatanggap ng response mula sa kanya. Pero ngayon, kung hindi kaba ay iritasyon ang nararamdaman ko. Napaka-arogante niya naman kasi. Kung si Benjie siya, matutuwa akong sobra. Pero kung hindi, ewan ko na lang. Tamad kong ibinalik sa folder ko ang mga photocopies ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Tiningnan ko ang oras sa aking phone at bumungad sa akin ang malalaking '10:30 pm' sa screen. Wala, hindi ko na naman napanindigan yung curfew ko sa sarili ko na matulog before 10. Bukas na naman ulit. I turned on the flashlight of my phone before I turn off the lights. Pero bago ko pa man mapatay ang ilaw ay napansin ko ang malalaking letra na kulay pula sa aking pader kung saan nagsulat kanina si soulmate ng linya. Humakbang ako papalapit dito para makita ito nang maigi. Halos mapudpod ang labi ko kakakagat nang mabasa ito. "HAPPY EIGHTEENTH YEAR OF EXISTENCE, FELICITY." Sulat lang naman ito, pero bakit parang naririnig ko ang boses niya? Pero paano naman kaya nalaman ng soulmate ko ang pangalan ko? Partida, pati birthday. It's only possible if we're friends on f*******:. Iyong naramdaman ko kanina, iyon na talaga, hindi ba? Ang hudyat na nakita ko na ang soulmate ko. It was the link that binds us together. It is how it felt. Or is it, really? There's one way to find out. Bukas, tatanungin ko si Kimmy tungkol dito. Kapag klaro na ang lahat, saka ko na pag-iisipan ang susunod na gagawin. * * * Gaya ng inaasahan ko, wala akong natanggap na matinong sagot mula kay Kimmy. Magsa-sampung minuto na akong nangungulit na sabihin niya sa'kin kung ano ang naramdaman niya nang magkita sila ni Rad sa unang pagkakataon, pero puro 'secret' lang ang isinasagot niya. Kating-kati na akong sabunutan siya sa lagay na 'to. "Bakit mo ba kasi tinatanong?" kulit na naman niya. Ako yung nagtanong, ang isinagot niya tanong din. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin?" "Eh!" May pag-aatubiling nagkamot siya ng batok. "Ano kasi iyon, Fe, paano ba . . . uhm . . . " Umikot na naman ang mata ko dahil pa-suspense siya masyado. "Sabihin mo lang sakin kung ano ang pakiramdam!" "Oo na, oo na! High blood ka, girl?" Umayos siya ng upo at bahagyang tinatapik ang baba gamit ang daliri. "Noong nakita ko siya, para ako na-starstruck. Kahit noong likod niya pa lang ang nakikita ko, kinakabahan na ako. Tapos nang humarap siya at nag-eye to eye kami, girl! Muntik na akong nabuwal, girl! 'Tsaka alam mo, yung feeling na-" Kinain na ng ingay ang mga sumunod na sinabi ni Kimmy nang dumating si Mr. Asuncion, ang professor namin sa Purposive Communication, at nagsimulang bumati ng 'good morning' ang mga most of the most hyper kong classmates. Pero hindi nagtagal ay tumahimik ang classroom. At nang madako sa may pintuan ang aking mga mata, doon ko napagtanto kung bakit. Oh . . . My . . . God. "There you are, Mr. Sullivan. Finally," halata ang tuwa at pag-respeto sa tinig ng aming guro nang kinausap ang kadarating lang. "Find the seat where you feel comfortable." Iginala niya ang paningin sa paligid. Pigil-pigil ang hininga ko habang nakatitig sa kanya. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. He is just too captivating. Those eyebrows and eyes, those luscious lips! "Mas guwapo pa pala siya sa personal, sis!" "Tropa siya ni Benjie Valencia. Malayong mas pogi siya OMG." "Siya yung team captain ng basketball sa Vilican, diba? Ang hot!" Mahigpit akong kumapit sa lamesa ng upuan ko para pakalmahin ang aking sarili. Ang puso ko, naghaharumentado na mula nang makita siyang muli. Kailan ba ito kakalma? Besides, why is he here? "Galing si pogi sa Vilican University. Civil Engineering din. Dinig ko, mag-ta-transfer daw dito," bulong sa akin ni Kimmy. "Okay ba 'yun? Makakapasok lang dito ang mga pumasa noon sa entrance exam." "Family friend yata nila ang Dean." Hindi ko alam kung kaninong kaluluwa nakuha ni Kimmy ang mga balitang iyan, pero isa lang ang alam ko: pinagtatagpo kami ng tadhana. Of all places, why here? And of all moments, why now? Ang dami kong katanungan, pero nanigas ang anumang dumadaloy sa aking isipan nang nadako sa akin ang pares ng nanlalamig niyang mga mata. Napalunok ako. I have waited for this for so long. I have wished to see my soulmate for countless times already, but why do I feel like I was never ready? Na parang biglaan at nakakagulat. Hindi ako nakapaghanda gayong matagal ko itong hiningi. Dahil ba hindi siya si Benjie? O dahil masyado siyang lampas sa inaasahan ko? Kung si Benjie ay isang pangarap, siya ay isang . . . panaginip. "I will just sit on the empty chair at the back," he said to our professor, voice is cold and eyes are too deep. "Okay lang ba talaga sa 'yo, Mr. Sullivan?" He simply nodded. Unti-unti siyang naglakad papunta sa likuran. Pero bago pa man siya lumampas sa aking paningin, nahagip ko ang mga mata niyang tinapunan ako ng tingin. Oh syet. I hate to admit, but this arrogant guy is really beyond handsome. Nothing can perfectly describe him except his name itself, Asher Sullivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD