Chapter 3

2715 Words
He's not... He's not the one who gave me the medicine? Kung hindi, e sino?! It's been a day since that particular night happened. Nagpadalos-dalos pa man din akong nagsabi ng kung ano-ano sa pader ko, ayun at hindi naman pala siya. But then, why did my real soulmate didn't say anything? Hindi man lang ba siya nagtaka? Hindi man lang ba siya magrereklamo? Alam niyang hindi si Benjie and soulmate ko, alam niyang mali ako, pero mula nang gabing iyon ay hindi pa ako nakatanggap ng mensahe mula sa kanya. Sigurado akong kilala niya si Benjie. Kung hindi, hindi niya rin malalaman kung saan ako nakatira. Ang kaso, hindi ko rin naman alam kung siya nga ba talaga ang nagbigay ng mga gamot. Hindi por que alam niyang may sakit ako ay magpapaka-good Samaritan na siya at mag-aabala pa talagang pumunta rito para bigyan ako ng gamot. Pero kung hindi siya, sino? At paano kung si Benjie naman talaga pero sinusubukan pa rin niyang i-deny? Pero bakit naman niya i-de-deny, ano? Nakakainis! Bakit kailangan kong manghula nang ganito? "Hoy, babae!" Parang nakulog ang buo kong kaluluwa sa lakas ng pagyugyog sa akin ni Kimmy. Sinamaan ko siya ng tingin pero pinantayan iyon ng nakataas niyang kilay. "Iirap ka pa diyan! Halos nakabunot na kaming lahat ng number para sa Pananaliksik, nakaupo ka pa rin." Nataranta ako bigla. "Anong pananaliksik?" "Hala, ang shunga?!" Hindi makapaniwalang nasapo niya ang noo. "Hanggang saan ba ang narating mo kakatunganga mo? Kanina pa sinasabi ni Mrs. Torres ang tungkol sa thesis natin." Tinulak-tulak niya ako sa braso. "Sige na, tayo ka na riyan at bumunot ka na ng number mo." "Anong number nga?" "Bumunot ka ng number, at kung sino ang kapareho mo ay yun ang magiging partner mo!" Lutang akong pumunta sa may lamesa kung nasaan ang isang kahon ng mga papel na itinupi sa maraming piraso. Sa kakaisip ko sa nangyari noong nakaraang gabi ay hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa kasalukuyan. Diyos ko. Pagbalik ko ay isinilid ko sa aking bag ang papel na nabunot ko. "Ano ba kasing iniisip mo?" tanong ni Kimmy pagkaupo ko. Umiling lang ako. This time, I have no intention in telling her. Masyado nang problematic ang love life ko, nakakahiya naman sa kanyang may date na naman mamaya. Tungkol naman kay Benjie, hindi ko na ni-reply-an noon. I deactivated my social media accounts for him not to message me. Not that I'm expecting him to message me, though. Hindi rin naman siya nag-abalang kumatok sa bahay kahit magkaharap lang ang tinitirhan namin despite knowing that I'm sick. Siguro nga nag-a-assume lang ako. Never mind. Hindi ko sisirain ang araw ko dahil lang diyan. Vacant namin sa nine o'clock to ten. Napagdesisyunan namin ni Kimmy na mamayang 9:30 na kami pumunta sa cafeteria. Umupo na lang muna kami sa isa sa mga pinakamalapit sa building na bench at pinakiusapan siyang sabihin niya sa'kin ang recap ng buong discussion ni Mrs. Torres. Wala talagang pumasok sa isip ko ni isa. "Sino ang partner mo?" tanong ko kapagkuwan. Pinagtatanungan na niya kasi ako kung ano magandang topic sa pananaliksik dahil nailagay silang mag-partner sa ilalim ng topiko tungkol sa imprastraktura. Nagtatanong na siya, e ako nga hindi pa nagtanong sa mga kaklase ko kung sino ang nakabunot ng eight gaya ko. Basta tungkol sa ekonimiya ang sa amin. "Someone na sigurado akong wala ring ambag." Natawa ako bigla. I remember so many people. 'Yung by-group ang activity pero mag-isa kang gagawa, legit yung frustration. "Sino nga?" kulit ko sa kanya. "Camilla Sarmiento." "Yun ba yung..." "Oo, yung laging wala sa klase. Pumapasok naman, nakikita ko naman sa gate sa umaga. Pero mamaya, wala, nag-cutting class na kasama ang mga kapwa cheerleader. Ano ang aasahan ko ngayon doon?" Halatang-halata sa mukha ni Kimmy ang labis na disgusto. Ganyan din ako noong araw, pero immune na ako sa ganyang senaryo. Tadtad ako noon sa mga by-group activities, at laging ako ang nagsho-shoulder sa lahat, ultimo gastos. And because I'm exposed to this, I tend not to complain anymore. I find it normal already, to do everything for the sake of grades than to wait for something that will never happen and receive nothing in the end. Kung gagawin ko ang lahat, mapapagod ako, pero may aanihin ako. On the other hand, kung pare-pareho kaming tutunganga, hindi nga ako napagod, pero wala rin akong mapapala. Ipagdarasal ko na lang ang mga group leader na may mga walangkuwentang member. "Aside from the irresponsibility, ayos lang ba na lagi siyang nag-ka-cutting? Dapat iyong ma-report sa Guidance Counselor." Biglang may humalakhak sa likuran namin. Sabay kaming napalingon ni Kimmy at agaran ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang paksa ng aming usapan—Camilla Sarmiento, anak-mayaman, at ang tinatawag nilang pinakabatidong cheerleader dito sa Geneva University. "Okay lang naman na i-report niyo ako, filthy commoners," nang-uuyam na udyok nito habang nakatingin sa amin na para bang isa lang kaming basahan. Kung makatawag naman ito ng 'commoner' kala mo anak siya ng hari. "Kaso, the Guidance Counselor is my aunt. Mag-chi-chikahan lang kami roon." Hindi pa rin kami makapagsalita ni Kimmy. Pero taliwas sa akin ay nandidilim na ang mga mata niyang nakatitig dito. "Oh, partner. Why so talim naman your eyes?" conyo nitong puna sa kaibigan ko. "I'd like to tusok your malalaking eyeballs but you still need them in doing our pananaliksik, 'no? So next time na lang. You need money ba in doing it? Magkano ang need mo?" Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mata ko. May mga tao naman na bagay ang pagko-conyo, pero hindi siya isa sa mga 'yon. Nagtutunog siyang bakya, sa totoo lang. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Mas mabuti pang hindi na lang kita isali sa research na ito. Gumawa ka ng sa'yo," nanliliit ang mga matang turan ni Kimmy. "I think that's a good idea," sang-ayon ko naman. Obvious na nagbago ang mood ng mayabang na si Camilla nang marinig iyon. "My, my. Let's see about that!" Humalukipkip siya. "By the way, we're here kasi this bench is our spot. Umalis kayo. Tsupi!" Kumulo bigla ang dugo ko sa inasal niya. Akmang magsasalita na ako nang agad siyang sininghalan ni Kimmy. "Boba. Pare-pareho lang tayong estudyante rito. Saan ka kumuha ng kapal ng mukha na mag-reyna-reynahan?" "How dare you?!" Nakitaan ko ng galit ang mukha nito. Sinenyasan nito ang mga kasamahan. "Paalisin niyo ang dalawang basurang iyan diyan. Uh, dirty vermin." Nabahala kaming pareho ni Kimmy nang nagsilapitan sila at hinawakan kami sa braso. Hindi nila puwedeng gawin ito! This is bullying! "Bitaw! Aalis naman kami, e. Mga bruhang ito!" Nagsisisigaw si Kimmy. "Push them," dinig kong utos pa ni Camilla na parang napaka-normal lang na gawin iyon—ang pantutulak ng kahit na sino. This couldn't be. I'm wearing white. We're wearing our uniforms! Nakapalda kami pareho ni Kimmy at marami pang taong nanonood na. Nagpumiglas ako sa hawak ng babaeng pilit na nagtutulak sa'kin sa sahig. Akala ko ay rumor lang noon na mga bully ang karamihan sa mga sikat dito sa university na ito, hindi pala. And I am not going to be a victim. "Push them to the ground, sabi e!" she exclaimed. Nanlaki ang mata ko nang dalawang babae na ang humawak sa akin. They are about to do what is ordered when one of them suddenly looked shocked while looking at a particular direction. "Hindi ako nananakit ng babae, pero kung hindi niyo bitawan ang dalawa, baka magawa ko." Bumitaw agad sila sa amin. Malakas ang t***k ng puso kong bumaling sa pinanggalingan ng boses at nakita ang nag-iisang lalaking gusto ko sa balat ng lupa. "Benj..." Agad itong lumapit sa'kin. "Are you hurt?" Sinuri niya ang mga braso ko at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko. Umiling ako at ngumiti, hindi pinansin ang iba't ibang uri ng tingin sa aming paligid. "Thank you." Ngumisi siya. "Ayoko sa 'thank you'. Gusto ko date." "Ha?" maang kong tanong. "Date. Let's date. After classes, sama tayo." Para akong tinakasan ng katinuan na hindi na alam ang gagawin. I don't even know what to react. Napatitig lang ako sa kanya habang nakaawang pa ang bibig. I heard him chuckled. "You owe me a date after classes, okay? Pero as of now, let's go to the cafeteria. I bet hindi pa kayo nag-meryenda." Dahan-dahan akong umiling ulit. "We're about to." "Let's go, then." Umabrisete ako sa braso ni Kimmy at hinila ito nang akmang susugod na sa isa sa mga alipores ni Camilla na masama pa rin ang tingin sa amin. "Hayaan mo na iyan." "Akala mo kung sino ang mga yan. Yabang, mga mukha namang palaka!" Napaismid na lang ako. Tiningnan ko si Benjie na tahimik lang na sumasabay sa amin. Sa likuran ay maraming nakabuntot. Sa tingin ko ay sila ang mga kasamahan ni Benjie sa dance troupe, ang Black Nazarene Group. Medyo nakakagulat ang nangyari sa bench, hindi ko pa masyadong magawang magsalita. Gayunpaman, sa takot na baka magtanong si Benjie tungkol sa nangyari noong nakaraan ay pinili kong magsalita. "Thank you ulit, ah? Pahiya kami ni Kimmy roon kung hindi kayo dumating." He shrugged his shoulders. "Walang anuman. Sumosobra na minsan si Camilla, masyado kasing lumolobo ang ulo dahil sa kasikatan. Ang pangit ng mga ganyang babae." Lihim akong napangiti. Ano nga ba ang gusto mo sa isang babae, Benj? "May date kayo mamaya? Nice, hindi ka na rin mapag-iiwanan sa wakas," natatawang siko sa akin ni Kimmy. "Mapag-iiwanan?" pansin ni Benjie. "May date din kasi kami mamaya ni Rad, yung soulmate ko," ani Kimmy sa kanya. "Soulmate..." he said in a low voice. "I hope you're doing well with your soulmate," saad niya habang bahagyang inaayos ang kuwelyo ng suot na polo. "Ikaw ba, sino ang soulm— aw!" Napadaing si Kimmy nang palihim ko itong kinurot sa braso. Kung anu-anong tinatanong, pahamak talaga kahit kailan! Hindi na lang ito umimik hanggang sa makarating kami sa cafeteria pero kitang-kita ko ang masama nitong tingin sa akin. Hay nako. --- Pagkatapos ng klase ay nasa gate na ng university si Benjie, halatang hinihintay ako. Nang makita akong papunta sa direksiyon niya ay agad siyang kumaway. He obviously looks oblivious of the stares around him. Sa bagay, innate siyang guwapo, sanay na siya sa atensiyon. Si Kimmy naman ay kaaalis lang din, sinundo ng boyfriend niyang si Rad. Ngayon ay mag-isa na ako kasama si Benjie. "Saan ba tayo? Ayos bang ganito na ang suot ko?" nag-aalangan kong tanong pagkalapit ko. Hinagod niya ako ng tingin at agad naman akong pinamulaan ng pisngi roon. He's effortlessly making me blush, holy mother! "You look good in your uniform, Fe. Pero sinabihan ko pa rin si Xandra, yung isa kong kaibigan, na magdala ng damit para sayo. Mukhang pareho naman kayo ng katawan." Saglit na nag-load ang sinabi niya sa isip ko. "Magdala? What do you mean? Wait, saan ba talaga tayo, Benjie?" Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. "We're attending a house party. Gusto kitang ipakilala sa mga kaibigan ko, Fe. Sakto namang nagyaya yung isa sa kanila so I think this is the best chance." "H-house party..." He grinned. "Yes, I'm sure you'll enjoy. Pinabantayan ko muna sa guard ng school iyong sasakyan ko sa loob dahil sa kotse ng isa sa mga kaibgan ko tayo sasakay." What?! "Ah, Benjie, this isn't what I expec—" "Benjie, the moron!" "Hoy, unggoy!" Gulat na napasunod ang tingin ko sa kotseng marahas na tumigil sa harapan ng gate ng university at mula sa mga bintana nito ay dumungaw ang mga hindi pamilyar na mukha ng mga kalalakihang sa tingin ko ay ka-edad namin. "Ayan na pala sila!" Benjie held my hand and carefully pulled me. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Parang ayaw kong sumama. Hindi talaga ako yung tao na pumupunta sa mga ganitong okasyon, lalo pa at puro sila mga estranghero. "Unggoy, gf mo ba iyan?" "Sa likod, gago!" Ang ingay nila. Hindi ako sanay sa maingay na atmosphere. Hindi ako mapakali. Bumaling sa'kin si Benjie. "Huwag mo silang pansinin. Ganyan lagi ang mga iyan." Umikot kami papunta sa kabilang parte ng sasakyan at tumigil kami sa tapat ng shotgun seat. Kinatok niya ang bintana at bumaba naman ito. Napalinga-linga ako sa paligid. I should be able to escape as early as possible. "Abo, sa likod ka na, bro. Dito na lang si Felicity, baka hindi siya komportableng makatabi ang mga unggoy diyan." Oh, dear. Ang sweet talaga ni Benjie pero hindi ko magawang kiligin ngayon. Kinakabahan ako sa maaaring mapuntahan ko. Diyos ko. "You think I care? She's not my girlfriend anyway." My eyes slowly drifted to the guy who just spoke. He didn't bother to look at us and just continuously scrolled on his screen. He's arrogant. I don't like the way he talks, but I feel so strange. He's just sitting there, he's even wearing sunglasses, but why am I feeling more nervous? The guy on the driver's seat slightly punched the arrogant guy's arm. "Pagbigyan mo na si Benjie, Asher. At kawawa naman si Felicity, oh. Sige na." Kumindat ito sa akin pagkatapos ng sinabi. Ngumiti na lang ako nang tipid. "Bilis na, Asher! Gawin kitang abo diyan kung babagal-bagal ka!" malakas na wika ng babaeng nasa loob din ng sasakyan. "Fine," tipid na saad ng huli. Binuksan nito ang pinto at umibis. Kasabay ng paghaharap namin ay ang pagyuko nito sa akin upang tingnan ako. Dahil matangkad, bahagya pa akong napatingala para makita ang kanyang mukha. It is like a slow motion that he removed his sunglasses. I am not sick anymore, but the moment that our eyes met, my knees weakened, and my heart seemed to stop beating. Parang may kung anong kuryenteng dumaan sa aking mga ugat, at isang hindi maipaliwanag na enerhiyang sumibol sa kaibuturan ng aking kaluluwa. His cold eyes that look as deep as an ocean, as dark as an abyss, and as mysterious as a midnight pierced through my soul. Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin ang imahe nitong lantad sa aking harapan dahil sa parang panlalabo ng aking paningin. Sa lakas ng t***k ng aking puso at ang halatang panginginig ng aking katawan, parang nawala ko bigla ang aking sarili. Nanlambot ang aking mga tuhod. Nang matutumba na ako ay agad nito akong sinuportahan sa likod. Dahil doon, nagdikit ang aming katawan at mas lalong nagkalapit ang aming mukha. I saw his lips parted. His eyes are full of amusement as he looked at me in the eye as if he's going inside my soul, shaking my sanity and taking me away from my world. "Felicity, okay ka lang? Ano'ng nangyayari?" Napaayos kami pareho ng tayo nang biglang magsalita si Benjie. Parang napapaso na lumayo sa akin ang tinawag nilang Asher o Abo, at pansin kong parang nawala rin ito sa sarili. Napasandal ito sa hood ng sasakyan habang ang mga mata'y hindi makapaniwalang nakatingin pa rin sa akin. "I... I'm... I, uh..." I was startled. Hindi ko makapa ang sasabihin hanggang sa pinilit kong humakbang paurong. "I'm sorry, Benjie. Masama ang pakiramdam ko. I'm going home." "T-teka. Ihahatid na kita!" "Don't bother!" Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Kung saan ma'y hindi ko na rin mawari. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko, wala na akong ibang naririnig, at nakakabingi ito. Napaupo ako sa kung saan ako tumigil sa pagtakbo at abot-abot ang hiningang napahawak ako sa mukha ko. I closed my eyes as my body's still shaking. Gamit ang namamawis na mga daliri, binuksan ko ang phone ko. Halos manlamig ako nang may mapagtanto ako. Halos nakalimutan ko na ang petsang ito dahil para sa'kin ay hindi ito kasing-halaga gaya ng kung paano ito pahalagahan ng iba. Hindi ko ipinagdiriwang ang araw na ito kaya madalas ko itong makalimutan. September fifteen. Today is September fifteen. Today... is my eighteenth birthday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD