Chapter 5

1650 Words
Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-survive ng kalahating araw nang hindi nalulupasay sa sahig. Hindi ko alam kung ilang beses nang nagtagpo ang aming mga mata, at sa tuwing nangyayari iyon ay para akong tinatakasan ng kulay sa katawan. The intensity is hard to bare. Ano ba talaga ang pakiramdam na ito? Hindi ko maintindihan. May mga pagkakataon na parang hinihigop ng mga mata niya ang aking sistema. May mga pagkakataong pilit kong iniiwasan ang kanyang paningin pero kusang umiikot ang ulo ko paharap sa kinaroroonan niya. May kung anong humihila sa akin papunta sa kanya, parang may nagtutulak na ewan, hindi ko na alam! Ang nakapagtataka pa't nakakagulat, sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay laging nagtatama ang mga mata namin na para bang lagi siyang nakatingin sa akin. Sa pinakaunang pagkakataon, pakiramdam ko ay hindi ako nag-a-assume lang. Lagi siyang nakatingin sa akin. Imposible namang sa tuwing mapapatingin ako ay saka lang din siya titingin. Coincidence doesn't happen countless times in the same moment and same situation. I highly doubt that! "Hoy!" Nagulantang ako nang biglang kinalampag ni Kimmy ang kahoy na lamesang kinaroonan namin. Sa lakas n'on ay natumba pa ang tumbler kong nasa tabi ng aking pinggan. Nawala sa isip kong nananaghalian pala kami. At nang bumaba ang tingin ko sa kinakain ko ay napailing na lang ako. "Tine-take advantage mo ang kalutangan ko," masama ang tingin na asik ko sa kanya. "Inubos mo na ang ulam ko, may gana ka pang istorbohin ako?" Nag-peace sign siya at ngumiti nang malaki, kita gilagid. "Nag-chat sa'kin si Benjie mo kasi hindi mo raw sinasagot ang tawag niya. Naka-silent ba phone mo?" Naalarma ako nang marinig ang pangalan ng crush ko. "Siyempre, naka-silent! Ano'ng sabi?" "Tinatanong kung nasaan tayo. Sabi niya, dadalhan niya tayo ng chicken joy pagbalik nila." Pakiramdam ko ay pinamulaan ako agad ng pisngi. "Tambay yata iyon sa Jollibee kapag tanghalian, e Tingnan mo ang feed niya sa IG, puro chicken joy. Favorite niya siguro." "Oh?" labas sa ilong na react niya. "Chicken joy . . . " Nagtinginan kami't sabay na natawa. "Chicken joy lang malakas," maluha-luha niyang wika hahang tumatawa saka kami nag-apir sa isa't isa. Kung magkatabi lang kami ay siguradong naghahampasan na rin kami kakatawa. "Pero ang cute, ha? Mister Chicken Joy!" hyper niyang sabi. "Ta's ikaw, Miss Gravy. Oh, di ba, perfect match." "Sino ang perfect match?" Halos mapaigtad ako nang may biglang nagsalita malapit sa aking tainga at ang braso ay nakaakbay sa akin. "Benjie!" Napalakas ang pagtawag ko sa pangalan niya nang makilala siya. "Yes? Did I shock you?" Matamis ang ngiting tiningnan niya ako kasabay ng paglapag niya ng paper bag sa lamesa na may tatak na Jollibee. Umupo siya sa tabi ko. "Galing kang Jollibee?" tanong ko na lang dahil nawawalan na naman ako ng salita sa isip. "Nope. Bigay iyan ng isa sa mga fans, alam mo na." Nagkibit-balikat siya. "Kumain na kayo." Ah, galing sa fans. Akala ko binili talaga niya para sa amin. "Madalas ka ba nilang bigyan? Bakit, favorite mo?" usisa ko habang pinagmamasdan si Kimmy na walang hiya-hiyang binuksan agad ang pagkain. "Yep. Favorite ko. Minsan, sa dami nilang sabay-sabay na nagbibigay, hindi ko na alam kung paano ko uubusin. Kaya pinamimigay ko rin kasi sayang naman." Tumango-tango ako. Kumuha ako ng isang piraso at inilagay sa pinggan ko. "Wala yata ang mga tropa mo ngayon?" pansin ni Kimmy, may laman pa ang bibig. "Yung nga members ng dance troupe? O yung mga kasama ko sa basketball team?" "Wow ang dami, ha," nakataas ang mga kilay na sambit ng kaibigan ko. Mahinang tumawa si Benjie. "Hindi sila sumasana sa'kin, unless tawagin ko sila. Ang mga tropa ko talaga ay nasa Vilican. Lahat sila doon nag-aaral, ako lang talaga ang humiwalay dahil mas malapit dito sa bahay." Napatigil si Kimmy sa pagsubo. "Vilican? Doon din ang boyfriend ko. Daming guwapo r'on." Natawa si Benjie. "Nakulangan na nga sila. Ngayong araw, lumipat dito ang isa sa mga kaibigan ko. Biglaan nga, ni hindi siya nagsabi sa amin. Nagkita lang kami kanina sa parking lot nang pinuntahan namin ang sasakyan namin." "Sino?" tanong ulit ng huli. Is he talking about Asher? "Nasa klase n'yo siya, e. Si Asher Sullivan." Natigil ako sa pagnguya. Sa simpleng pagbanggit sa pangalan nito, iba na naman ang nararamdaman ko. Nakakainis. Bakit ganito?! I picked the whole chicken joy and frustratedly took it in my mouth. Bumaon ang mga ngipin ko rito, nanggigigil. "Kaibigan mo pala iyong transferee? Para siyang artista kung tingnan ng mga kaklase namin. Talaga namang guwapo at ang hot tingnan. Kaso napaka-seryoso ang mukha, tipong hindi mo malalapitan dahil baka bigla kang suntukin. Pero kasi ang guwapo talaga. Oh, shoot. Speaking of the devil." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi ni Kimmy. Nakatingin siya sa likuran ko at ganoon din si Benjie. Kagat-kagat ko pa rin ang paa ng manok sa bibig ko nang nabaling din dito ang mga mata ko. Muntik ko na iyong pinagsisihan dahil halos malaglag ang panga ko nang makita siyang prenteng naglalakad palapit sa amin, nakapamulsa ang mga kamay. At kahit suot-suot ang kanyang sunglass ay pakiramdam ko, nakatingin siya sa akin. "Oy, Abo! Saan ka pumunta? Bigla kang nawala." Mabilis kong ibinalik sa pinggan ko ang aking tingin at parang napapasong tinanggal ang manok sa bibig ko. Nakakahiya! "Ang guwapo," dinig kong bulong ni Kimmy, ramdam ang pagpipigil niya ng kilig. Sira talaga ito. Kala mo wala siyang boyfriend kung kiligin sa iba. "Sumaglit ako sa CR." Mahigpit akong napahawak sa aking kutsara't tinidor nang marinig ang boses niyang napakalamig. Pakiramdam ko nga ay nasa likuran ko lang siya at malapit sa akin. "Kilala mo na sila, diba?" tukoy ni Benjie sa amin. "Kilala mo ba si Rad?" "Sinong Rad?" "Ano ba ulit surname n'on?" "Marquez," sabi ni Kimmy. "Ayun, Rad Marquez," segunda ni Bejie. "Boyfriend ni Kimmy." Hindi agad sumagot ang lalaki sa likuran ko. "Oo, siya na ang Team Captain ngayon at umalis ako." "Wow, mga basketball players pala kayong lahat," ani Kimmy. "E 'di sasali ka na ngayon sa team ni Benjie?" "Hindi raw." Si Benjie na ang sumagot. "Sinabi ko nga rin kanina, pero ayaw niya raw sumali sa kahit ano, focus daw siya sa acads." Ngumisi siya. "Naks naman, mukhang may balak itong mag-Dean's Lister. Pero 'di ba nga nasa Dean's List ka na last sem sa Vilican?" "Brainy ka rin?" singit ni Kimmy, mukhang gulat na gulat. "Iyan ang pinakamatalino sa tropa, sa totoo lang. Tahimik pero mapanganib," ani Benjie at mala-demonyong tumawa. "Siya nga pala," bigla siyang humarap sa akin, "ano'ng nangyari sa'yo kahapon, Fe? Bakit biglang sumama ang pakiramdam mo?" Para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig nang marinig ang tanong ni Benjie sa akin. Nagtatanong naman ang mga matang tumingin si Kimmy sa akin, samantalang ako ay hindi makapa ang sasabihin. Bubuka ang bibig ko pero walang salitang lalabas dito. Why does he need to bring that up? Paano ko masasagot kung ako mismo ay hindi alam? Isa pa, nariyan si Asher! Nahihiya ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Nahihiya ako at kinakabahan. I'm not quite sure, and it's not something we should be discussing now. "A-ang sarap ng manok," I stupidly said instead. Ngiting-aso ang iginawad ko sa kanila at itinaas ang pagkaing nasa kamay ko. "Masarap," ulit ko at inilapit ito sa aking bibig para bigyan ng kagat. Saka ko lang napagtanto kung gaano ako katanga at gaano kalaki ang kahihiyang idinulot ko sa sarili ko nang matigas na buto ng manok na pala ang nasa pagitan ng bibig ko. Napabitaw ako agad dito at hiyang-hiya na pinagdikit nang mariin ang mga labi. Malakas na napahagalpak ng tawa si Kimmy habang si Benjie nama'y pigil-pigil ang ngiti. "Aso ka, girl? Pati buto kakainin?" At muli na namang humalakhak. Benjie is grinning from ear to ear as he reaches the another piece of friend chicken and put it in my plate. "May dalawa pa namang natitira, Fe. Huwag mong nang pagtiisan iyan dahil buto na lang iyan." Diyos ko! Kainin mo na ako, lupa! Kung puwede na lang maglaho bigla sa sobrang hiya! Ngayon, kailangan kong magpanggap na gusto ko pa talaga ang manok kahit na busog na ako. Napipilitan akong kinain ang ibinigay ni Benjie at pekeng ngumiti. "Thanks, he he." Natatawa pa rin ang dalawa, sina Benjie at Kimmy, samantalang ako ay wala sa sariling nabaling sa kinaroroonan ng tahimik na lalaking kasama namin. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko o hindi ang paglingon ko sa kanya. Hindi na niya suot ang sunglass niya at kitang-kita ko na ang malamig niyang mga matang diretsong kakatitig sa akin. Ang daliri niya'y kasalukuyang pinaglalaruan ang pang-ibabang labi ng bibig niyang walang kahit anong bahid ng ngiti. Seryoso pa rin. Pero sa pagkakataong ito, hindi na lang guwapo ang depinisyon ko sa kanya kun'di . . . nakakaakit. * * * Another day came, and we are in our first subject—Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Naatasan kaming pumunta na sa mga kapareha namin at mag-brainstorm sa aming gagawing pananaliksik. Hindi ko alam na kasali na pala si Asher sa mga bubunot kaya may natirang isang piraso ng papel sa kahon ni Ma'am Torres. Hindi naman sa umaasa akong tuluyan ko siyang maiiwasan. May parte sa akin na ayaw siyang nariyan dahil lagi akong kinakabahan, pero kapag hindi siya nakikita ay lagi naman siya sa aking isipan. Ang kaso, mukhang nananadya ang tadhana. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko nang malakas na sinabi ng professor namin ang numerong nabunot ni Asher. Nanlalamig ang mga kamay kong nakahawak sa piraso ng papel na binunot ko noong nakaraang araw, at halos manlabo ang aking paningin dahil sa lakas ng t***k ng aking puso, nakatutok ang mga mata sa numerong nakasulat dito na kapareho ng numerong binanggit ng aming guro. "Eight!" Syet, partner kami sa Pananaliksik!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD