Chapter 6

2503 Words
"Ma'am . . . " My voice cracked as I hesitantly raised my hand. Napatingin sa direksiyon ko si Mrs. Torres. Inilahad niya ang kamay niya sa kinaroroonan ko at saka bumaling kay Asher. "Ayan na ang kapareha mo, Mr. Sullivan. Mangyaring tumabi ka na sa kanya at simulan niyo nang magplano ng pamagat ng inyong pananaliksik." Nakita kong naglakad na nga si Asher palapit sa kinauupuan ko at halos mapudpod na ang labi ko kakakagat habang pinapakiramdaman ang mistulang enerhiyang sumisibol na naman sa dibdib ko. Bakit ako nahihirapang huminga? Walang sinabi si Kimmy tungkol dito, pero mukhang hindi naman ganito ang dapat maramdaman, kaya nagtataka ako kung bakit ang sakit sa dibdib. Ang mas nakapagtataka pa, hindi ko magawang mainis kun'di may kung anong kakaibang sensasyon na dulot nito sa akin. It's painful . . . but I couldn't seem to hate it. Nang maramdaman ko siyang umupo sa tabi ko ay hindi ko napigilang mapaigtad. Nagkabuhol-buhol na yata lahat ng internal organs ko sa simpleng pagkakalapit lang sa kanya. Lalong sumikip ang dibdib ko. May kung anong pumipiga sa puso ko at pumipigil sa aking paghinga. Napayuko ako, ang isang kamay ay mahigpit na nakakapit sa lamesa habang ang isa ay nilalamukos ang damit kong nasa parteng ng aking dibdib, pinipilit indain ang kirot sa aking kaibuturan. Pinigilan ko ang sariling mapadaing. Ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng malamig na pawis sa aking balat at pag-iinit ng sulok ng aking mata. Everything feels hot and torturing. It's good that my classmates are busy with their businesses and our teacher is out for a while. Basically, it is just me . . . and him. Nag-angat ako ng tingin at humihingal na bumaling sa kanya. May namumuo nang luha sa mga mata ko dahil sa sakit, at sa segundong nagtagpo ang aming paningin ay tuluyan na nga'ng tumulo ang mga luhang kanina pa nais lumabas. Hindi ako nakagalaw. Ayaw na ayaw kong nakikita ng iba ang aking luha ko pero sa harapan niya, bakit hindi ko kayang pigilan? At bakit wala akong pakialam? I saw his jaw hardened. May kung anong galit at awa sa mata niya na hindi ko mawari kung para saan. Muling kumirot ang dibdib ko at hindi ko na napigilang mapadaing kasabay ng pagtakas ng isang hikbi. Parang kidlat na tumayo si Asher at lumabas ng kuwarto, at sa minutong hindi ko na ramdam ang kanyang presensiya ay unti-unting humupa ang sakit. Nanghihina akong napayuko sa aking lamesa at patagong hinayaan ang mga luha kong bumuhos. Why . . . why is this happening? Why does it need to happen? Just why?! "Fe?" Nag-angat ako ng tingin at agad nanlaki ang mga mata ni Kimmy nang makita ang luhaan kong mukha. "Ano'ng nangyari? May ginawa bang masama si Asher? Ha? Sabihin mo!" Tumutulo pa rin ang mga luha ko habang umiiling. "Kung ganoon, bakit ka umiiyak?" she asked once more, concern is evident in her voice. Now that I think about it, it's the first time that my best friend saw me cry. Humugot ako ng malalim na hininga. "Kimmy, what did you do when you first met your soulmate?" Natigilan siya. Hindi agad siya nakasagot, pero nang marinig ko ang tugon niya, nagsisi akong nagtanong pa ako. *** As usual in our favorite spot, Kimmy and I took our lunch together. Nang malapit na kaming matapos ay dumating ulit si Benjie na may dala na namang chicken joy. We are about to finish our foods already, so we decided to eat it later when we get hungry. "Kimmy, payag ka bang maging kami ni Fe?" Kumalabog ang dibdib ko sa biglaang naging tanong ni Benjie. Katatapos lang naming kumain at kasalukuyang nagku-kuwentuhan bago magsimula ang una naming klase. Nakakagulat din dahil nakisalo si Benjie sa amin ngayong tanghalian gayong puwede naman siyang kumain sa restaurant o sa cafeteria ng school. Ang sama na ng tingin sa amin ng mga babaeng laging bumubuntot sa kanya. Sino ba naman kasi kami para bigyan ng atensiyon ng isang Benjie Verano? Isinara ni Kimmy ang liptint pagkatapos nitong magpahid sa bibig at tiningnan si Benjie. "Mukha bang ako ang nanay niya?" Hindi ko napigilang matawa. Kimmy and her bluntness, really. Benjie tilted his head and looked at me with those squinty eyes of his. Nginitian ko naman siya. I'm now slowly grasping the fact that Benjie and I are finally sharing this kind of closeness. Pangarap ko lang ito noon. "Ikaw, Fe, payag ka bang maging tayo?" tanong niya sa akin, napaka-gentle ng boses at wagas kung tumitig. Napalunok ako. Nagkukulay kamatis na naman siguro ngayon ang mukha ko sa kilig, napaka-expert niya talaga sa ganyan. Effortless niyang mapapahulog ang loob ng sinumang babae. Minsan tuloy, pakiramdam ko ay ganyan iyong mga lalaking dapat iwasan dahil baka saktan ka lang. But for some reason, I feel comfortable and I trust him. "Makukulong na raw ang mga paasa," pagbibigay-alam ko. Malakas siyang natawa bago ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko. "And I won't be proven guilty." Umawang ang bibig ko. What could I possibly react? My crush is sending me motives that he likes me, isn't it too good to be true? Most of our crushes remain as our crushes, there's a one percent probability na makatuluyan sila. Kadalasan nga ay hindi pa sila aware sa existence ng mga nagkakagusto sa kanila, kagaya ko noon kay Benjie. So now, it is justifiable to react this way. This is too sudden, the coincidence of our paths crossing that day is too good to be happen. But it happened, so I don't know what to do. Ngumisi si Benjie habang tulala pa rin ako. Si Kimmy naman ay nanunukso ang mga matang nakatingin sa akin. "You're cute when you blush. Pakurot ng pisngi." At ginawa nga niya ang sinabi niya. Nabigla ako nang dumako sa puno malapit sa kinaroroonan namin ang mata ko. Mula roon ay kitang-kita ko ang malinaw na pigura ni Asher na naglalakad palayo. My eyes stuck in him that I almost forgot about Benjie. "Ops, may tawag," ani kaharap ko at inilabas ang kanyang phone. "Oh, Abo?" I flinched in just a single mention of his nickname. "Felicity?" Nagkatinginan kami ni Benjie nang binanggit niya ang pangalan ko. "Oo, kasama ko. Bakit?" Huminto siya saglit, mayamaya ay iniabot niya sa akin ang phone. "Kausapin ka raw." "A-ako?" gulat kong tanong. "Why... w-wait, wait." Inilayo ko ang phone sa pagkataranta. "Bakit daw?" Nagkibit-balikat lang siya. "Ask him." Nanginginig ang kamay kong inilapit ang phone sa aking tainga. Kung nakatapat lang 'to sa dibdib ko ay siguradong dinig na dinig na niya ang pitik ng aking puso. Why am I so nervous? There's nothing to be terrified of. Nakakainis na! "You." Kumunot ang noo ko sa bungad niya. Grabe, 'you' talaga? Pero himala, a? Hindi ako kinakapos ng hininga. Posible bang nararamdaman lang iyon kapag malapit siya? "I'm gonna do the research by my own." Natigilan ako nang marinig ang sumunod niyang sinabi. "Ha?" "It's not something that should be done by pair. I can do it alone." My lips pressed together as I gathered my courage to speak. "Bakit?" "I don't need a nuisance like you. Istorbo ka lang." Halos mabitawan ko ang phone nang marinig iyon. Wala man lang siyang pag-aatubiling sinabi iyon sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ulit ako ng pagkirot sa dibdib. Masakit. Iyan ang eksaktong depinisyon ng nararamdaman ko. Hindi pa nga kami nag-uusap o nagkaroon ng matinong interaksiyon, iyon na ang turing niya sa akin. A nuisance. Humigpit ang hawak ko sa phone. I didn't respond until I heard him speak again. "Hey." Nag-init ang gilid ng aking mga mata at ibinalik na kay Benjie ang phone na hindi siya sinasagot. I took my bag and left the two. I didn't bother to look back even when they called my name. Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan alam kong maitatago ko ang luha ko—sa hindi masyadong ginagamit na library. I almost didn't make it, though. Walang patawad na bumuhos sila na para bang pinagtaksilan ako ng boyfriend ko, o di kaya'y trinaydor ako ng taong mahal na mahal ko. Ganoon kasakit . . . at hindi ko alam kung bakit. Dumiretso ako sa pinakadulo at nanatili roon nang ilang minuto. I tried my best to stop my tears and to calm myself. Hindi ako dapat pumasok sa unang klase na ganito ang hitsura, lalo pa at makikita ko na naman siya. Of course, I can do the research alone! He would have just said that he wants to do it alone without telling that I'm a nuisance. Istorbo ba ako? Ka-buwisit-buwisit ba ako? Bakit ganoon siya sa akin? Noong una pa lang na magkita kami ay hindi na maganda ang impresyon ko sa kanya. Bakit? Muli na namang tumulo ang luha ko. I can't help it. Even if I console myself, cheer myself, and think of silly things, my heart still aches. Mabuti na lang at wala pang napapadpad na estudyante rito, kung hindi ay mapipilitan akong lumabas ng librarya na luhaan. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod, hinayaang ilabas ang lahat sa pag-iyak. Hindi masyadong nagtagal ay nakarinig ako ng mga yabag na halos hindi na umabot sa aking tainga. Naalarma ako bigla na ultimo ang mga luha ko ay kusang tumigil sa pagtulo. Mayamaya ay nakakita ako ng pares ng sapatos sa aking harapan kasabay ng muling pagsikip ng dibdib ko na para bang ninanakawan ako ng hangin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, at halos mapugto ang aking hininga nang sumalubong sa akin ang mga matang kaya kang dalhin sa dilim, at balutin ng lamig. His eyes have always been the coldest and most mysterious thing I've ever seen. And though I know myself that he hurt me . . . why can't I feel any anger towards him? My initial reaction was to stand up and runaway. Hindi ko alam kung bakit at paanong narito siya, pero hindi ko na matagalan pa ang presensiya niya. Gamit ang nanghihinang mga tuhod ay inipon ko ang lakas ko para tumakbo. I was about to take a step away when he grabbed my right arm, and in just a swift, he pinned me on the bookshelf. Napasinghap ako. Medyo madilim ang parteng ito ng librarya dahil marami ang nagtataasang bookshelves. Gayunpaman, malinaw sa aking paningin ang nanlulunod niyang mga mata, matangos na ilong, at mala-rosas na labi na bahagya pang namamasa't nakaawang, ilang pulgada na lang ang layo mula sa akin. "A-anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa boses na halos ako na lang ang nakakarinig. Hindi siya nagsalita. Bagkus, umangat ang kamay niya at marahang pinunasan ang mukha kong basa pa sa luha. Napaigik ako sa simpleng pagdapo ng palad niya sa balat ko. Ang paninikip ng dibdib ko ay lalong nadagdagan. Nakita ko siyang naninigas ang mga panga at dinig ko rin ang maraming beses niyang paghugot ng hininga na para bang iisa ang nararamdaman naming dalawa. "Let the nuisance go, Asher!" diin kong utos kasabay ng pagtulak ko sa kanya, pero hindi siya halos gumalaw man lang at nanatili ang pagkakahawak niya sa isang kong braso na nakaangat pa sa aking ulunan. Muli na namang tumulo ang luha ko, unti-unti nang nawawalan ng lakas para magmatigas. "Pakiusap . . . " bulong ko, nakayuko. "H-hindi . . . hindi ko na kaya." At kumawala na ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya. "You're a nuisance because you're giving me a chest pain whenever you're around." Ang luhaan kong mukha ay umangat muli para tingnan siya. Kita ko ang sakit sa mata niya at ang pagpipigil sa anumang nararamdaman niya. "I already hate you since the day I laid my eyes on you, you know that?" Ramdam na ramdam ko ang pagdapo ng mainit niyang hininga sa balat ko, at kahit hindi ko kita ay alam kong nananayo na ang aking mga balahibo. His eyes are looking at me as if I have something that he desires, and he's already plotting on how to get it. He looks at me . . . with desire. "I should've done it the first time I see you. Too bad, there were many people." He tilted his head and sniffed my sensitive neck. "Now, no one's looking, finally. So say goodbye to everything you're about to leave before I do it." Napapikit ako ng mata at kusang bumalik sa aking alaala ang usapan namin ni Kimmy kaninang umaga. "Kimmy, what did you do when you first met your soulmate?" "I kissed him." Napamulat ako ng mata, and in just a blink of an eye, Asher snaked his left arm around my waist, pulled me closer to his body, and pressed his luscious lips against mine. His right palm is on the curve of my neck, caressing, sending me chills and making me shiver. At sa segundong lumapat ang labi niya sa akin ay naramdaman ko ang unti-unting pagkaipong muli ng lakas sa aking katawan. Napahawak ako sa dibdib niya at mahigpit na napahawak sa polo niyang nakabukas ang dalawang pinakamataas na botones. I felt his lips going deeper. At sa bawat pagdiin at paggalugad ng malambot niyang labi ay nawawala ang sakit sa dibdib ko, hanggang sa napalitan na ito ng kakaibang sensasyon. Ang mga tuhod ko ay nanghihina pa rin, nanginginig. Pero sa pagkakataong ito, alam kong iba na ang dahilan. His kisses are venom to my innocence, taking me to the verge of asking for more, demanding for something that only him can give. Nakakalasing. Nakakawala ng katinuan. At higit sa lahat, nagdadala ng kakaibang takot at tuwa, dahil naalala ko ang panghuling usapan namin ni Kimmy kanina. "The kiss, is it something that you need to do?" "Hindi mo alam, girl? Sabi ni mama sa akin, the moment na magkita kayo at alam niyo nang soulmates kayo, you have to kiss! If not, siguradong hindi maganda ang epekto n'on sa inyong dalawa, lalo na kapag nagkakalapit kayo. It's like neglecting the rule of love, ignoring the proper process para sa pansariling interes. Kasi bakit hindi iyon dapat gawin? Bakit hindi dapat maghalikan? Knowing na nasa rule iyon, bakit ipinagpapaliban?" "Teka nga, teka nga. Why is it in the rule? Ano ang silbi ng halik?" A tear out of unexplainable joy escaped from my right eye as Asher's kiss continue to bring me bliss and comfort. "It's like a seal, Fe, that you're already accepting each other as soulmates . . . as future wife and husband in the future." Asher slowly stopped, moved away, and turned his back. Napatitig ako sa nakatalikod niyang pigura, lutang pa rin at hindi halos ma-proseso ang nangyari. "The pain in our chest will no longer occur even when we get physically close." Bahagya siyang lumingon sa akin. "Tomorrow in the afternoon, we don't have classes." "And?" I managed to react. "Let's do our research. Together."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD