Chapter 12

3226 Words
I just cried my heart out. When it seemed that I already ran out of tears, Benjie and I went home without talking to each other. We properly parted, though. Nagpasalamat ako at nagpaalam nang maayos. When I got home and opened my i********:, I received several messages from Asher, asking how I am, why am I sad, or what's the reason of this pain. Of course, he knew. Kung bakit ba kasi kailangan naming malaman ang nararamdaman ng isa't isa. There are some things that I learned and proven about this awareness of each other's emotions. Una, hindi namin mararamdaman ang isa't isa. Malalaman lang namin. Kusa itong papasok sa aming isipan, sinasabing nasasaktan siya, masaya, takot, o naguguluhan. Because if we also share the same feelings, there would be emotional disturbances and chaos. What if my soul mate is calm right now, and I am feeling an extreme sadness, is it not too bad to inflict it to him? I myself doesn't want that. Of course, if I'm supposed to be patient at this moment, but my soul mate is fuming with anger, I would not want to feel his emotion or else I'll be triggered to feel the same in my current situation. I'm glad that this is how it works. Pangalawa, hindi namin palaging alam ang nararamdaman ng isa't isa. We can't see faint emotions. We can only know what the other one's feeling if it is extreme or more evident than usual. Kagaya na lang kay Asher. I only knew what he's feeling when it was extreme, like the confusion he has in head when we're in the café. Kapag kaunting lungkot lang o takot, hindi na malalaman pa ng isa. Pangatlo, hindi rin por que nakakaramdam ng sobrang emosyon ang aming soul mate ay malalaman at malalaman namin ito. Yes, we can't feel faint emotions and we only have access to those that are extreme, but not all extreme can be felt still. Sabi ni tita nang minsang nagtanong ako, may mga mag-soul mate daw na hindi binibigyan ng halaga ang tadhana. They may feel the love in between, but due to different circumstances, they neglect this soul mate thing as they ignore each other's existence. Sa ganoong sitwasyon, kahit sobrang masaya o nasasaktan ang aming soul mate kung wala siya sa isipan namin, hindi rin namin malalaman. To be clear, we can only see our soul mate's feelings if we care enough . . . if we care to that person. And yes, we have the choice to care or not, so we have the ability to know their feelings, or to choose not to know it. And lastly, there are people who are good in hiding their emotions, those who deny what they truly feel even to themselves. For example, if my heart is aching but my mind is trying to ignore or supress it, I myself won't be aware that I'm actually hurting. Ganoon naman ang tao minsan. Pinipilit nila sa sarili nila na okay sila, na masaya sila, na wala lang iyon. And the heart shuts up as the mind forces to forget. In that case, they are stopping themselves to be aware of their own emotions as they also stop their soul mates to have an access to them. Yes, if we force to stop ourselves from feeling a certain emotion, our soul mate may not be able to know it. Pero iyong mga may pusong-bato at sobra nang babad sa sakit at paghihirap ang nakakayanang itago ang nararamdaman nila, kahit sa sarili nila. In my case, I can't hide what I'm feeling, but that doesn't mean I'll admit it. So when Asher showered me questions in i********:, I didn't reply at all. Kung sasagot ako, magsisinungaling lang ako. What am I supposed to say? Should I tell him that I got jealous on his soul mate? Should have I told him that I'm hurting and mad because he showered me sweet words and a promise, that he forbids me to get close to other guy, when in fact he has the freedom to be with other girl? Yes, she's the soul mate, alright! Ano ang laban ko sa itinadhana? Ano ang laban ko sa babaeng sa simula pa lang ay pag-aari siya? Pero sana naman, punyeta, nilinaw niya! At sana naman hindi niya ako pinagbawalang makisama sa ibang lalaki kung siya mismo ay nakikisama sa iba. Buwisit siya. Galit ako sa kanya. "Fe, tahan na. Kailangan na nating pumunta sa pila. Okay lang naman kung hindi na, pero mamaya narito na ang nga officers ng clubs. Baka maabutan kang umiiyak." Hindi ko alam kung gaano na katagal simula nang nagsimula akong umiyak. Buti na lang at narito si Kimmy para sa akin, may masasandalan ako at mapagbubuhusan ng hinanakit. Hinayaan niya lang akong humikbi sa tabi niya habang ang kamay niya ay nasa likod ko at humahaplos. Alam kong mayamaya na ay may mga officers nang makakakita sa amin. Ginagawa nila iyon every time na may program o activity sa university para masigurong lahat kami ay makikipag-participate. Dapat ay walang estudyanteng matitira sa mga classroom o kahit saang parte ng campus. Hindi uso ang multa rito. Kapag nasa loob ng university, dapat um-attend. Kapag absent at walang valid reason with a reliable proof kung bakit, community service ang kapalit. Minsan lang may maganap na program or activity na involved ang buong university, kaya kapag mayroon ay dapat bigyan ito ng halaga. This time, we are going to have a week-long activity, and it doesn't only involve the whole university, but all the universities in Geneva. Yes, the most awaited moment in the entire school year has come—University Games. What I love about it is not the competitions, but the different booths and food trades outside the venue. Ang ending naman palagi, sa first day morning lang maraming excited sa pagsisimula ng games, pero sa afternoon onwards, halos mga players at coaches na lang ang natitira sa venue, ultimo mga cheer leaders ay pawala-wala. Ninety-eight percent of the population is scattered around the area, going to the booths and spending money with foods, and I'm one of those. May napakalawak na lupa sa likurang bahagi ng munisipyo ng Geneva, at dito ay may mga pasadyang gusali na gagamitin tuwing university games. There are several courts, a wide land for track and field as well as for other outdoor games, a pool for swimming racing sport, and gymnasiums for the indoors. Who wouldn't feel excited? It only happens once a year. May ganito rin noong high school kaya hindi na siya bago sa akin, pero first time ito sa college, and I've waited for this. Doon din ginaganap pero iba ang date. But why do I have this feeling that my body literally feels heavy and I prefer doing nothing and just lay in bed? Kung madali lang sana ang community service, I better do it. Tiningnan ko si Kimmy at mukhang naghihintay siya sa susunod kong gagawin. Worry and sympathy is evident in her eyes, pero ayaw ko siyang idamay at gambalain sa kadramahan ko. Huminga ako nang malalim at pilit pinatahan ang sarili saka ako tumayo. Nasa likuran kami ngayon ng building ng engineering. Kailangan ng lahat ng estudyante sa Geneva University ang magtipon-tipon bago kami sabay-sabay na lumabas. May parade kasi na gaganapin, iikutin namin ang municipal hall at saka kami tutungo sa palaruang nasa likuran lang nito. The other universities will do the same, magpapang-abot na lang kaming lahat sa sentro dahil medyo magkakalayo ang mga universities dito sa Geneva. Pinagpag at inayos ko ang P.E. uniform ko. Lahat kami ay required na ito ang gamitin para mas komportable kami and at the same time ay makilala kung saang university ang aming kinabibilangan. "Tara na. Sorry, ang drama ko." Pinilit kong tumawa. Umabrisete sa braso ko si Kimmy. "Oo, madrama ka nga." Napatingin ako sa kanya pero seryoso nga siya sa sinabi niya. "But so what? What are friends for?" Sa huli ay napangiti na lang ako. Kung sa bagay, ganyan din ang sasabihin ko kung ako ang nasa sitwasyon niya. Hindi lahat maiintindihan ka, at hindi ka nanghihingi ng taong iintindihin ka lagi. Sapat nang may makinig. "Thank you, Kimmy." Kinurot niya ako. "Sira. Libre kitang graham shake mamaya." Kinilig ako sa narinig. Iyon ang paborito ko. Kahit noong high school, iyan ang pinakauna kong binibili, at magkaibigan na kami ni Kimmy noon. She really is a good friend. "I hope your soulmate will take care of you. Kapag pinaiyak ka niya, papatay talaga ako ng isang Rad Marquez." Bumungisngis siya at bahagyang sumandal sa akin habang naglalakad kami. "Ganyan din ang feels ko ngayon, girl. Gusto kong gripuhan sa leeg ang isang Asher Sullivan." Nagtawanan na lang kami pareho. This is our friendship goals. * * * The venue of the university games is wide, but for the first day, it is crowded. Unti-unting lalawak ang area sa pagdaan ng mga araw, mas mapupuno at magsisiksikan sa labas na para bang hindi isang university games ang nagaganap. Students from different universities can be seen everywhere, and for the first three freaking hours, wala kaming ginawa kun'di makinig sa mga introduction whatsoever sa harap. May program kasi bago magsimula ang laro. It's not supposed to be quick but not this long. Hindi pa nga natatapos ang program ay may mga estudyante nang nagsisilabasan. Ang tagal naman kasi! When the competitions had already started, nagkanya-kanyang punta na ang mga estudyante sa iba't ibang laro para manood at suportahan ang gusto nilang suportahang team. It's already ten, there's only two hours left before lunch. "Labas na tayo, dali." Hinigit na ni Kimmy ang kamay ko mula sa pagkakaupo sa bleacher. Tumayo naman ako at nagpatianod. Nasa pila kami pababa nang parehas kaming napatigil dahil sa hindi ko kilalang lalaki na bigla na lang sumulpot. He covered Kimmy's eyes by his hands from behind. Nagulat ako pero mukhang hindi man lang natinag ang kaibigan ko. "Ugali mo talagang mantakip ng mata, 'no? Wala na bang ibang style?" maarteng saad niya at tinanggal ang kamay nito. Hinarap niya ang lalaking nakangiti nang matamis at pinitik ito sa noo. "Humiwalay ka na naman agad sa mga classmates mo, Rad." Napataas ang aking kilay nang marinig iyon. Pinagmasdan ko ang lalaki. He's tall, handsome. Tumugma ang description ni Kimmy sa kanya. Matamis ang ngiti, pareho sila ng vibe ni Benjie na masayahin at palakaibigan. Makapal ang kilay nito at malalim ang mga mata. He looks thin, though. Matangkad na payat, pero pasado na maging cosplayer ng isang yaoi character. What am I saying? Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya nagtatanong ang mga mata niyang bumaling sa'kin. Mukhang natauhan din si Kimmy kaya agad niya itong ipinaharap sa akin. "Ah, Rad, siya si Felicity. In short, Fe. Pero kung hindi pa kayo close, you should struggle to say her full name which is Felicity Blissful Blessed Reyes." Natulala si Rad, nag-ngiting aso naman si Kimmy. "My best friend." Lihim na lang akong napaikot ng mata. Ang daming problema sa mundo, dumagdag pa si Kimmy. "Hi, I'm Rad Marquez," saad niya habang nakalahad ang kamay. "I am Kimmy's—" "Soul mate." Ako na ang tumapos. Tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. "Bukambibig ka, kaya alam ko." Parang may dumaang tuwa sa mukha nito habang proud namang nag-thumbs up sa akin si Kimmy. Akala niya siguro natutuwa ako? Naalala ko pa ang pambubuko niya sa akin kay Benjie, hindi ko iyon palalampasin. "Ah, ganoon ba? Mabuti naman." Ngumisi pa ang loko. "It's nice to meet you, Felicity Blissful Blessed Reyes." Muntik na akong napabuga ng malakas na tawa sa itinawag niya sa akin. Little did he know, my name is just Felicity. Siraulo talaga itong si Kimmy. Kita mo't halos mamula na ang mukha niya sa tabi kakapigil ng tawa. "It's nice to meet you too," sagot ko. "Gumamit ka ba ng deodorant ngayong araw? Wala akong naaamoy na kakaiba so far." "Ha?" maang niyang tanong. Itinuro ko si Kimmy. "Sabi niya may putok ka raw sa kilikili, halos himatayin daw siya nang una kayong magkita." Napakurap-kurap si Rad. I suddenly have this urge to say sorry, but I stopped myself as I remembered what Kimmy did to me. Napatingin ako sa kaibigan ko at nakita kung paano magsalubong ang kanyang kilay. Pasimple kong hinawi ang buhok ko. "Meron pa siyang sinabi. Ano, yung ngiti mo raw bigay na bigay. Pero hininga mo amoy patay." "I'm sorry?" gulantang na react ni Rad habang nangungunot ang noo. Napatingin ito kay Kimmy at wala siyang nagawa kun'di umiling nang umiling. "W-wala akong sinabing ganoon! Promise, wala!" "Weh," ngisi ko. "Hindi nga lang yun ang sinabi— ay ano ba?!" Nangigigil niya akong sinugod at hinila palayo. "What the hell are you doing? Bawiin mo ang mga yun, Fe! Bawiin mo!" Halos lumuwa ang mga mata niya sa galit. I just shrugged. "Sinabi mo kay Benjie na crush ko siya. Kung paanong hindi mo na 'yun mababawi, hindi ko na rin babawiin ang sinabi ko." Saka ko nilabas ang dila ko na parang bata. "Uh! Nakakainis ka!" Nag-martsa na siya paalis at hinabol si Rad na ngayon ay nakalayo na sa amin. Oops. I hope I didn't ruin a relationship. Napalabi ako nang wala sa oras. Ngayon, mag-isa na ako. Nagpatuloy ako sa pagbaba sa bleachers. Sa exit ng arena ay nakasalubong ko ang basketball team na pambato ng Geneva, suot-suot na nila ang mga uniform nila sa paglalaro. Natigilan ako nang makitang isa si Benjie sa kanila. Of course, he's the Team Captain of one of the teams in our university. Nang magtama ang paningin namin ay hindi ko na alam ang gagawin. Kung ngingiti ba ako o mag-iiwas ng tingin. "Oy, schoolmate," tawag sa akin ng isa sa kanila, may pinapaikot itong bola sa hintuturo. "Isang good luck naman diyan." "Good luck," I said hesitantly. "Ano? Di namin narinig!" anang isa sa kanila. Ano bang trip ng mga ito? "Good luck! Galingan niyo! Fighting" Nilakasan ko ang boses ko na sinabayan ko pa ng pagtaas ng dalawa kong kamao habang nakangiti. What the hell am I doing? Nag-init ang pisngi ko nang nahuli ng paningin ko si Benjie na nakayuko at ginugulo ang buhok, halata sa bibig niyang nagpipigil siya ng ngiti. "Ayun! Thanks!" hyper na sagot nung may hawak na bola saka ito biglang ibinato sa ulo ng kasama. Ngayon ay naghahabulan na sila sa daan papunta sa court. Napakamot na lang ako ng batok. Mga siraulo. Pinanood ko ang likuran ni Benjie hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. I still feel bad about how everything changed. Kung maibabalik ko lang sana ang moment na kinikilig pa ako nang husto sa kanya at sa mga sweet gestures niya, baka hindi ako masasaktan nang ganito. Yes, knowing Asher and spending time with him is bliss. Pero kung sakaling hindi ko siya nakilala, hindi naman ako malulungkot. Kasi nga, we can't miss what we never had. Ngayon, hindi lang ako nasasaktan dahil sa ginawa niya. Nasasaktan din ako kasi miss ko na siya, pero wala siya. I headed to the food trades. Nagalit ko si Kimmy, nakalimutan kong ililibre niya sana ako ng graham shake. Sayang. Sa dami ng estudyante ay halos makipagsiksikan ako papasok. Kung hindi lang ako gutom at naglalaway sa graham shake, naghahanap na sana ako ng something na puwedeng tulugan na lang. Nang sa wakas ay nakalaya na ako sa parteng may maraming tao, tumigil muna ako at napahawak sa aking mga tuhod, hinahabol ang hininga. When I raised my head as sweat are dripping on the sides of my face, I saw a familiar group of people not too far from where I am. Nasa lamesa sila sa harapan ng bilihan ng shawarma at siomai. And even if it's a little crowded, my eyes didn't fail to bring me to the man that seemed to be shining in the middle of them all. Baka dahil iba ang pagiging guwapo niya. Baka dahil siya ang pinakamatangkad. Baka dahil siya ang pinakama-appeal. O baka dahil siya lang naman ang nag-iisang lalaki na kaya akong saktan . . . at pasayahin. Kasama niya ngayon ang mga barkada niya sa Vilican. God knows how bad I want to run towards him, hug him, and be proud of myself because he's mine, that he's my soulmate. But God also knows how much it hurts me to think that he's already destined to someone else, that he's not my soulmate, and even if we have something special in between us, everything will just remain in the dark. Dahil sa liwanag, sa mata ng mga tao, isa lang akong kasalanan. At wala akong ibang magawa kun'di magkagusto na lang sa kanya sa malayo. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I can't get closer, because I'm just his little secret. Hanggang dito lang ako. May pader sa pagitan namin, at hindi ako dapat lumampas pa roon. Asher is not for me. Pinagmasdan ko lang kung paano siya makipag-kuwentuhan sa mga kaibigan. His serious face is still intact, and that's who really is. But whoever can make him smile, I bet that person is not me. I was about to take my way away when I saw again a familiar girl walking towards their direction. Naramdaman ko na naman ang pakiramdam na parang hinihiwa ang puso ko't binababad sa suka, lalo na nang tumabi siya kay Asher at masaya siyang kinausap ng mga barkada nito. A traitor tear escaped from my eye. Pinunasan ko ito agad para walang makakita, pero huli na. I saw Asher looking at me, his eyes are unreadable, but I can say that there's a lot in there to express. Lalong bumigat ang dibdib ko nang makita nang diretso ang guwapo niyang mukha, pero pinili kong tumalikod at tumakbo palayo, nakipagsiksikan muli sa mga tao. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang walang-tigil sa pag-agos, pero hindi ako tumigil. I succeeded to get out from the cramming crowd, but I felt something in my feet that stumbled me from walking. Nawalan ako ng balanse. At sa taon na labing-walo, hindi ko inakalang madadapa pa rin ako at masusugatan sa tuhod. Maybe, I'm still a kid. And there's a lot in this world that I don't know. And maybe, I'm still a kid, and it is normal to cry over the things that hurt me. Napayuko ako at nakarinig ng bulungan. It's embarrassing, but I don't have the strength to stand up. Muling nabalot ng luha ang paningin ko na hindi ko na makita ang sinumang biglang bumuhat sa akin na parang bagong kasal at inilayo mula roon. My heart felt something bizarre, the same feeling when I'm with him. Lalong lumakas ang paghikbi ko at tuluyan nang kinalimutan ang maaaring isipin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin. "I hate you. I hate you. I hate you." Paulit-ulit ko lang iyong binigkas habang ang mga mata ay luhaan pa rin at walang ibang naaaninag kun'di ang liwanag mula sa kalangitan. "I'm sorry, I'll explain later. I'm not doing it again, hmm? Don't you cry anymore. I'm so sorry." He is like a burning sun. He exposes me to pain, but in the end, I need him. I want him. And I'm willing to get burned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD