Chapter 11

2771 Words
For a starter, this newly built restaurant is quite crowded. Fortunately, we are able to settle in one of the tables for two person. Humahalimuyak sa lugar ang amoy ng iba't ibang recipe ng mga pagkaing-dagat. Nagkakaubusan na ang mga naka-serve na pagkain, buti na lang at nakabili na kami ng amin. There are three different recipes served in our table, and two kinds of dessert. Our meal composes of crabs, shrimps, and lobsters. The sweets are oreo cake and grapes. Napalunok ako nang dumaan sa aking ilong ang mga amoy nila. Gusto ko na agad lantakan lahat, pero halos kaka-serve lang nila kaya pinigilan ko ang aking sarili. Madalas akong mukhang patay-gutom pero ayaw ko namang masyadong magpahalata. "Kailangan nating magkamay sa mga ulam para makakain tayo nang maayos," ani Benjie habang may kung anong kinukuha sa dala niyang bag. Nang mailabas ay inilahad niya ito sa akin. "Here, sanitizer." Tinanggap ko naman ito agad. Grabe. I can't imagine na naisipan kong kumain nang hindi naglilinis ng kamay. I gave it back after use. "Thanks." Siya naman ang naglagay sa kamay niya bago ibinalik sa loob ng bag. "Let's eat," Benjie then uttered. Kontrolado ko ang galaw ko nang kumuha ako ng ulam. Naku, kung mag-isa lang ako sa bahay, dalawang kamay ko pa ang gamit ko sa pagkain habang nakataas pa ang isang paa sa upuan. But that would be inappropriate here. Nilulugar ang katakawan. As we started eating, I felt Benjie's stare at me. "May gusto kang sabihin?" tanong ko nang tumagal pa ito. Tipid siyang ngumiti. "Akala ko talaga hindi na tayo matutuloy," aniya. "At bakit?" "I thought you're mad. Sorry kung nagulat kita noon. Hindi ko dapat iyon sinabi." Ibinaba ko ang lobster na hawak ko at tiningnan siya. "Walang masama sa ginawa mo. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil iniwan kita noon d'on nang hindi nagsasalita. I was rude and I'm sorry." Yumuko ako sa aking pinggan. "Hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin." Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Sira, okay lang. Hindi naman kita pipiliting magustuhan din ako." I pouted to lessen the awkwardness in between us as I joked, "Baka marumi iyang kamay mo, a? Pinunas mo yata sa ulo ko." Umikot ang mata niya at sabay na lang kaming natawa. It was around 2 o'clock when Benjie came to our house. Personal niya akong kinausap, tinanong kung galit ba ako, at kung matutuloy pa ba ang pagpunta namin dito sa bagong restaurant na ito. Noong araw na sinabi niyang gusto niya ako, tinalikuran ko lang siya noon dahil hindi ko alam ang sasabihin o kung ano ang dapat gawin. Kahit ako ay hindi inakala na ganoon ang magiging reaksiyon ko. I liked Benjie since the first day of college. Knowing that my ultimate crush would confess to me, isn't that a fantasy? Pero nang marinig na iyon sa wakas, why did I feel nothing? Is it because of Asher? Is it because of the guy that is not destined to me as well? Pareho lang naman silang hindi para sa'kin, kaya bakit ako nagkaka-problema nang ganito? Yes, my mom was raped but she didn't marry other man. Bilang anak, hindi ako dapat maisumpa dahil wala siyang ginawang kasalanan. Dapat walang komplikasyon, dahil ang tanging paglabag sa batas ay ang pagpapakasal sa hindi sayo itinadhana. Ah, ang gulo-gulo! Sa dami ng frustrations ko sa isip ay walang pag-aalinlangang isinubo ko ang crabs na hawak ko. Wala rito ang atensiyon ko kung kaya't hindi ko agad na-realize na hindi pa pala natanggal ang shell nito. Agad ko itong ibinalik sa aking pinggan bago pa mapansin ni Benjie ang katangahang ginagawa ko rito. Kinuha ko ang isang baso ng tubig sa tabi ko. "Alam mo, may sinabi si Kimmy sa akin." I paused. Tiningnan ko si Benjie na ngayon ay may kaunting ngiti sa labi. "Ano 'yon?" Itinungga ko ang hawak ko. "Sabi niya, crush mo raw ako." Muntik na akong mabulunan nang marinig iyon. Buti na lang at hindi ako saktong lumunok kanina, kun'di baka kanina pa ako uubo-ubo. "S-seryoso?" hindi makapaniwalang tugon ko, kumurap-kurap pa habang pinapakalma ang sarili mula sa pagkabigla. Hindi nagbago ang ekspresyon niya. With a slight smile on his lips while having a lobster in between his fingers, he looks like a puppy. Diyos ko, puro na lang tuta nakikita ko. Mayamaya ay dahan-dahan siyang tumango. "Sabi niya, kinikilig ka raw nang akala mo ako ang soulmate mo." Punyeta?! I felt my face heated and my cheeks flushed red like a ripe tomato. Hindi ko nagawang mag-deny dahil magtutunog defensive lang ako. Isa pa, totoo naman iyon. Noon. "Akala ko kasi, e." I felt uneasy as his eyes seemed to be studying my face. "Paanong akala?" he asks, curiosity is all over his face. Isinubo ko ang binalatan kong hipon bago nagsalita. "Sabi mo kasi noon, pinapinturahan mo ang kuwarto mo kasi punong-puno na." I chose to skip the part kung saan tinarayan ako ni soulmate nang kulang ng E ang spelling ko sa Benjie. "Puno na rin kasi ang pader ko sa kuwarto dahil sa dami ng sulat ko. Masyado akong assuming. Coincidence lang pala 'yon." Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng emosyon sa mukha niya pero nakatingin pa rin sa akin ang mga mata niyang hindi ko mabasa. Hindi ako sanay na ganito si Benjie. May nasabi ba akong masama? "You really wanted to meet him, huh?" There's a ghost of pain crossed around his handsome face. Nagkibit-balikat ako at malungkot na ngumiti. "He almost didn't reply, though." Muling bumalik ang kuryosidad sa mukha niya. "Almost? You mean, he replied?" Tumango ako. "Gusto ko talaga noong malaman kung ikaw nga ba talaga, kaya nang time na pupunta ka sa barkada mong si Xandra, nagmamadali akong umalis sa bahay ninyo, 'di ba? Tinanong ko kung saan ka pupunta. Inakala ko na makikita mo agad dahil bagong pinta ang kuwarto mo, at may sumagot. Kaya akala ko talaga noon, ikaw." Lalong lumalim ang nakakunot niyang noo. "Ano ang sabi?" Saglit kong inalala ang sagot nito noon. "Inuman with friends daw." I tilted my head. "Were you perhaps going in the same event? Magkasama ba kayo noon, Benj?" Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang lobster at matagal na tumitig sa kanyang pinggan. He looks like he's confused and hurting at the same time. I was about to ask him again when he slowly shook his head. "No, Fe. Me and your soulmate weren't together that afternoon. And we can never be together ever." Confusion overtook my face. "What do you mean?" I felt like Benjie is not comfortable anymore. Lumikot ang mata niya at sunod-sunod ang pagbuntonghininga. "It was Asher." "W-what?" Sa wakas ay tiningnan na niya ako. "Si Asher ang sumagot sa'yo noon sa pader. Siya ang kasama ko noon, hindi ang soulmate mo. Hindi ko alam kung bakit niya pinapakialaman ang kuwarto ng kapatid niya. Hindi ko man nakita, pero sigurado akong siya iyon. Because if it's not him, then who?" Nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may bagay akong dapat malaman pero hindi ko alam kung maganda ba ito o masama. "Benjie, please enlighten me. What do you really mean?" He looked at me as if he himself doesn't know what's happening. "Fe, Priam Sullivan is your soulmate's name. Kuya siya ni Asher. He is two years older. And . . . and . . . " , Napagalaw ako sa kinauupuan dahil sa tension. "And?" Huminga siya nang malalim. "He's dead. Nabangga ng sasakyan, it was hit and run. Your soulmate died at the age of six, Felicity. Apat na taong gulang si Asher noon." The atmosphere dawned into a total silence. Pakiramdam ko ay nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. I tried to catch my breath as it seemed like I am running out of oxygen. "But, if he's dead . . . " Nabalot ng pagtataka ang mukha ni Benjie. "then why?" "Anong why?" Saglit siyang natahimik. Mayamaya ay umiling siya at napipilitang ngumiti. "Ah, never mind. It's not that important." But his eyes says otherwise. Parang may alam pa siya pero ayaw niyang sabihin. "So," mapakla akong tumawa, "my soul mate is dead all this time." I heard him released an exhale. "Yes, he's dead. It means you are free to be in a relationship or marry other man whose soulmate is also nowhere to be found." Umikot ang mata ko, nangingisi. "Jusmiyo, at sino naman ang ganyan?" I joked. "Ako." The smirk in my lips disappeared as I blinked my eyes slowly, trying to absorb his statement. "Ikaw?" Tumango siya. "Noong sinabi kong nagpa-repaint ako ng kuwarto dahil punong-puno na ng sulat, hindi iyon totoo. Gusto ko lang talagang magpabago ng pintura, sinabi ko lang iyon noon para itago ang katotohanang walang laman ni isang sulat ang pader ko." Mas lalo akong naguluhan. "Teka lang, bakit wala? How can you be sure? Mamaya bigla kayong magkita or what, edi kawawa ang mga anak ninyo ng magiging asawa mo. They will carry the curse as a consequence of what you did." Tuluyan na nga naming nakalimutan ang pagkain. This is the reason why we should not converse too much during meal, our appetite is at risk. "Hindi na, hindi na kami magkikita." "Benj, huwag kang magsalita nang patapo—" "Patay na rin siya." Tuluyan na nga'ng nalaglag ang panga ko. Just, what the hell is happening? "Seriously? How would you know?" "Kasi kapag patay na, everything you—" natigil siya na para bang may bigla siyang naalala, "never mind. I just know. Sigurado ako, Fe. Patay na talaga siya." I ran out of words to say. Hindi ko magawang igalaw ang mga bibig ko para magbitaw ng salita. Nanatili lang akong nakatitig sa mga ulam namin na mistulang nawalan na ng lasa para sakin. "My mind can't take it all," wala sa sariling sambit ko. "I can't take it all." Muli kong narinig ang pagbuntonghininga niya. "Fe, how much do you know about this soul mate thing?" he asked out of the blue. I stared into our distance. "Everything?" patanong kong sagot. Ano pa ba ang dapat kong malaman? Alam ko naman na ang lahat. Or . . . do I? Do I really know everything? Hindi na umimik si Benjie pagkatapos n'on. Pinilit kong ituloy ang pagkain. Sayang ang mga ito kung hindi ako magpakabusog. Ibuhos ko na lang muna sa pagkain ang mga katanungan ko sa isip. I don't want to spoil the moment, though it's numb for me to say that it's not ruined already. Itinuloy na rin ni Benjie ang pagkain. I had no idea how were we able to finish them all despite the awkward silence. Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan niya para sa pagbalik. I looked at him when he didn't yet rev the engine as if he has something to say or do. Naghintay lang ako, hanggang sa tiningnan niya ako nang diretso sa mata. Unlike the usual Benjie I used to see, his eyes weigh hundreds of emotions, yet I couldn't name even one. "Nang sinabi ni Kimmy na crush mo ako, nadagdagan ang rason ko para i-pursue ka. Felicity, gusto kitang ligawan." What . . . ? I was caught off guard. Kumurap-kurap ako at baka nag-ha-hallucinate lang ako, but I'm afraid I'm not. Benjie is still as handsome in my eyes as before. Pero yung kilig, hindi ko na maramdaman. It was taken away by unknown, I didn't even notice it. "May pag-asa ba ako?" Nanuyo ang aking lalamunan at hindi alam ang isasagot. Ang lakas ng t***k ng puso ko pero alam kong dahil ito sa kaba na baka masaktan ko siya sa isasagot ko. Ayaw ko siyang saktan. Benjie is a friend, and if he's still my crush, maybe just because he's handsome and kind. Iyon lang. But at the same time, I don't want to hurt him with lies and drown him with expectations. As a friend, I won't hurt him in a way that I'll shower him with lies that disguised as happiness. "Benjie . . . " I looked at him with compassion. "The reason why I came here with you is because I promised I will do so. Hindi na sana ako sasama dahil nangako ako sa isang tao na hindi ako lalapit sa ibang lalaki hanggang sa hindi ko mahahanap ang sagot ng nararamdaman kong ito." Nakitaan ko ng lungkot at sakit ang mata niya kaya yumuko ako para maiwasang tingnan iyon. "I'm so sorry." Silence ruled. I can hear nothing but the beating of my heart and the slight sound of rushing cars and people outside. "I see." Bumalik sa kanya ang mata ko nang magsalita siya. "Nakita ko na iyon noon," pagpapatuloy niya. "Ano ang ibig mong sabihin?" Ngumiti siya nang mapait. "It's Asher, right?" I didn't answer, and so he laughed shallowly. "Noong una kayong nagkita, naramdaman ko na noon. Nakita ko na noon. It was your first time to see each other pero kakaiba na ang tinginan ninyo. Napansin ko ulit iyon sa sumunod na mga araw, pero pinilit kong ignorahin. Pinilit kong huwag pansinin." Nahulog sa kandungan ko ang paningin ko, pinipilit na labanan ang sarili na maluha. I'm sad for Benjie. He's not crying, alright, but I can feel the pain etched in between his words. "I-I . . . I like him, Benjie," pag-amin ko, halos pumiyok na ang aking boses. "And it seems like he likes me too. Nangako siyang aalamin niya kung bakit namin ito nararamdaman sa isa't isa. At willing akong maghintay." "That's bullshit." Nagpantig ang tainga ko nang marinig siyang magmura, pero hindi ako nagsalita. "Fe, kaibigan ko si Asher pero hindi ako magdadalawang-isip na komprontahin siya. Mali iyang ginagawa niya. He already knew the truth! You are his brother's soulmate, not his! Besides, Fe, he is just manipulating you because he found you interesting. Huwag kang magpapa-kontrol!" "He's not manipulating me," I defended. "Choice ko ring huwag bigyan ng motibo ang iba dahil may gusto na ako." "Fe . . . " hinilot niya ang kanyang sentido, "Asher is just curious about this glitch. Curious lang siya kung bakit ito nangyayari, trust me!" "D-don't say that. He likes me." "Let's say he really do. Pero, Fe, gusto ka lang niya. Gusto lang, okay?" Naluluha ang mata kong bumaling sa kanya. "You are just saying that because you want to win me over!" "Hindi," matigas niyang sambit. "I'm saying this because I know more than you do." "Sige nga!" singhal ko. "Ano ang alam mo?" Umangat ang sulok ng labi niya pero nanatili ang galit sa mata niya. "Sigurado kang gusto mong malaman?" "Oo!" "Asher has a soul mate." Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ng puso ko. "S-soul mate?" Now that I think about it, why did I neglect about that important information? Of course, how come that Asher has no soul mate? "Oo, soul mate. At alam mo sa sarili mo ang mangyayari kapag ikinasal ka sa kanya. Sige, sabihin nating maging kayo. Pero ano ang point, kung sa huli hindi rin naman ikaw ang wakas? Felicity, he can't marry you. And if he will, you are just giving your future children a curse. Maliban doon, gusto mo bang sirain ang itinadhana? Would you dare to go against the rule? Fe, you can do more than this." Hindi ko namalayang sunod-sunod na pala ang pagtulo ng luha ko. Thinking that Asher will be marrying another woman, it rips my heart into pieces, leaving me barely breathing. "At, Felicity . . . " Benjie reached for my hands and squeezed them. "Asher loves his soul mate very much." Mariin akong napapikit, umiling-iling. "He loves me more." Benjie's expression turned cold. "Really? Then say that after you look outside the window." Malakas ang tahip ng dibdib ko nang sinunod ko ang sinabi niya. At sa segundong dumapo ang paningin ko sa lalaking makikilala at makikilala ko kahit sa gitna ng lupon ng mga tao ay naramdaman ko ang unti-unting pagguho ng mundo ko. He is smiling, his face looks euphoric. It's the best picturesque ever, only if I am the reason of such bliss. But I'm not. Sa tabi niya ay may pamilyar na mukha ng babae na naka-abrisete sa kanyang braso, at masaya silang naglalakad papasok sa restaurant kung saan din kami nanggaling ni Benjie. I let my heart feel the unbearable throb until they vanished from my sight. Napasandal ako sa balikat ni Benjie na mukhang naghihintay sa akin, at tahimik na umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD