Chapter 20

2321 Words
Nag-isip ako ng excuse sa mga barkada ni Asher para makaalis ako. As soon as nakaalis na ako roon, tumakbo ako palabas ng café, umaasang maabutan ko pa si Asher, but it's too late. Inilabas ko agad ang phone ko para tawagan siya, pero hindi niya sinagot. Of course, I did not really expect that he'll answer it. Pagkatapos ba naman ng nangyari. Bumalik na lang ako sa kung saan ako naghihintay kanina. Hindi ko alam kung nasaan si Asher, hindi ko siya masusundan para sana magpaliwanag. But . . . what am I going to explain? What I did is clearer than a crystal—I denied him. I hesitated, but in the end, I still did. Nagseselos akong magkasama sila ng soulmate niya, e ni hindi ko siya kayang ipaglaban. The hypocrisy. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko. Kimmy arrived and I told her what happened. Nakatanggap na naman ako ng hampas mula sa kanya, at mangilan-ilang sermon. At dahil nga wala akong kasama, napipilitan silang isinama ako. Like, hello? It's their monthsary, tapos may asungot. Yet they pity me—which I don't actually need—so they let me tag along. Chaperone ako buong araw, thank you very much. Sa hapon, nakatanggap ako ng text mula kay Asher. He said that he can't come due to a particular circumstance. The message made me feel relieved. Here I am, not expecting him to message me at all because I thought he's mad and disappointed. Ngayon at kinausap niya pa rin ako, na-realize ko kung gaano ako ka-childish. I see that Asher is even more mature than me. It makes me feel more guilty that I am hurting such kind of man. Halos lutang ako buong araw. Dumaan ang buong maghapon na parang wala lang. Normal lang naman ang ganitong pakiramdam doon. The shallowness, the boredom. Pero ngayon, ang dull sa pakiramdam. Maybe because I already felt how to be alive, how to have someone as a reason to wake up every day, someone I always look forward to see. Growing up is really tough, huh? We have to let go, and accept. Sometimes they make us happy, most of the time they teach us lessons. Kimmy and I are not the same anymore. She already has Rad. Though magkaibigan pa rin kami, nadagdagan na ang mga responsibilities namin, mga taong kailangan naming i-prioritize minsan. She was actually a playgirl. Papalit-palit ng boyfriend noong high school. When she met Rad, it's like everything changed. On my part, when I met Asher, I felt the pain and happiness of risking something I am not sure of, something that I myself has no idea about. When I met Asher, I learned to prioritize my heart, my happiness. Thinking about how our lives have changed, it brings a joyful sorrow, and a lonely bliss. Ironic. We are happy, and sad. But what matters the most is we're alive, and there's still more tomorrows, more chances to seek for happiness we wish we would've had. 'Cause I know, it's not yet late to be happy. Anyway, hindi ko alam kung bakit ang emotional ko ngayon. Siguro dahil ang lungkot ko. Siguro dahil may na-mi-miss ako. I wish I can see Asher. Funny, though. Isa akong malaking tanga. Tanga sa kakaasa sa taong alam kong hindi para sa akin. Hindi kami pwede, at hindi rin kami dapat. But love is really powerful that it blinds us for what we know is right. I love Asher, and if this love makes me stupid, then the hell I care? My consciousness brought back to the present when my phone beeped again. It's a message from tita Cecil, telling me to take my exit for I am scheduled to go to the Ob-Gyn this afternoon. When I checked the time, it's four. Five o'clock pa ang time out, pero ma-e-excuse naman kapag may medical certificate akong ipapakita sa clearance day. Nagpaalam ako kina Kimmy bago pumunta sa hospital. Buti na lang at magkakilala sina tita at ang Ob-Gyne, madalas ay hindi ito mahagilap. Marami namang Ob-Gyn sa Geneva, pero private na silang lahat, mahal ang consultation. By the way, kaya ako pupunta roon ay para ipa-check up ang problema ko sa menstruation. Thirteen years old ako nang nagsimula akong magka-regla, bilang pa lang ng daliri kung ilang beses akong dinatnan. I've been irregular ever since, like two to four months delay. Ngayon ko lang naisipang magpatingin sa doctor. Well, marami namang kagaya ko na irregular din. I just want to make sure, baka may something na na nangyayari sa ovary ko or whatever, mabuti nang maagapan. Pagdating ko sa hospital ay nakita ko na agad si tita na naghihintay sa may gate. She's looking at me as I headed towards her. "Yung niregalo kong damit sa yo, di mo pa yata sinusuot," bungad niya nang makalapit ko. "Kapag may special occasion, tita. Masyado iyong maganda para gamitin ko lang sa school." Naglakad na kami papasok. I silently observed my aunt's outfit. Malayong mas maganda nga siyang tingnan, mas dalaga pang pumorma kaysa sa akin. "Hindi naman iyon masyadong espesyal. Isa pa, hindi naman masamang magpaganda kahit sa school ninyo. Kaya wala kang boyfriend, e." I sniffed. "Tita naman." Pagkaliko namin paakyat sa hagdanan ay saglit niya akong tiningnan. "Anong balita sa inyo ng lalaki mo?" Hindi ko lalaki si Asher, pero alam kong siya ang tinutukoy niya. "Busy siya, tita. Something happened yata." I did not tell about what happened earlier in the café. Hindi lahat kailanga'ng sabihin. Isa pa, masyado akong tanga sa lagay na iyon. "Nakakaapekto rin ang masyadong pagpupuyat sa menstruation. Kapag may period ka, agahan ang tulog. Kinokontra mo naman yata kasi, e alam mong sensitive ang menstruation mo." Muntik ko nang nakagat ang dila ko sa sinabi ni tita. "Hindi ako nagpupuyat," pagsisinungaling ko. Tita, comics and novels are life. At hindi ba nga, mas nagpupuyat pa ang mga single? Hindi na rin naman nagsalita pa si tita lalo pa at narating na namin ang kinalalagyan ng department ng Ob-Gyne na kakilala niya. As we entered, he's already waiting inside. Mukhang kami na lang ang hinihintay, at saka na uuwi. Ob-Gyn na lalaki. Wow. "Good afternoon, Doctor Marco Santiago!" tita cheerfully beamed. Nagulat ako sa tono niya, mukhang mas close sila sa inaasahan ko. "Gumaganda ka lalo, Cecil. Tagal na nating hindi nagkita," nakangiting tugon ng lalaking doktor na matikas naman ang pangangatawan at . . . guwapo. Nag-usap pa sila saglit bago ako nito hinarap. Magka-batch pala silang dalawa, akala ko basta magkakilala lang. At kung titingnan, tama nga ang sinabi niya. Tita Cecil is beautiful, she's even more beautiful than ny mom. Ang pinagkaibagan lang, mabait ang mukha ni mama, siya ay mataray. But I like it. "So, ito na ang anak ng kapatid mo. Ang laki na," sa wakas ay pansin sa akin ng doktor. "Oo nga, magkasingtangkad na kami halos." "Felicity, right?" Sinuri ng doktor ang mukha ko. "Ilang taon ka na?" "Eighteen, Doc." "Irregular menstruation, is it?" Tumango ako. "Kailan nang huli?" Saglit kong inalala. "Last two months po yata." "Wala kang boyfriend?" "Po?" Natulala akong bigla sa naging tanong niya. What's the connection? "Boyfriend. Do you have a boyfriend?" Umiling na lang ako. "Wala, Doc." Parang may mali. Kasunod niyon ay ang dami niya pang tinanong. He even asked the exact date of my last menstruation period, which I couldn't remember so I just made things up. Bahala na. Nang tumayo siya, he motioned me to enter to the room covered with curtain. "Wala ka ba talagang boyfriend?" tanong niya ulit that made me look confused again. "Baka kasi buntis ka lang, iha." Tita Celia, who is sitting next to me, didn't hide her laugh. Pati tuloy ang doktor ay natawa na rin, pero hindi ako maka-relate. First of all, kapag sinabi ng pasyente na hindi, hindi. Nakaka-offend iyan. Hindi por que close sila ni tita— my God. Pumasok na kami sa loob at may kama roon at mga apparatus. "Check natin ang loob mo. Due to some circumstances, transvaginal scanning is not feasible so we're doing transrectal scanning." Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig sabihin ng mga narinig ko. We are, what?! Lalong nagulantang ang sistema ko nang makita ang hawak niyang probe. It's long, not too thick but not too thin either. I know what is this! The rectal probe will be covered with the customary plastic sheath and richly lubricated with KY gel. The probe will be then slowly advanced into the rectum, since it is transrectal. The scanning technique was similar to that of TVS, but OH MY FREAKING— "DOC! NEED BA TALAGANG GAWIN IYAN?!" I reacted hysterically. Mukhang nagulat din siya sa naging reaksiyon ko. "Yes," he answered without blinking. "Don't worry, madulas naman siya. Huwag kang matakot." No, that's not it! Kanina, nagulat ako nang nalamang lalaki siya. Yet I am okay since I did not expect for this to happen. Pero ngayon, no way! "E, Doc, ayaw ko yatang gawin iyan." His forehead creases. "I promise this is not painful. I'll . . . I'll be gentle." Napamura ako nang pagkalutong-lutong sa isip. "Doc, I'm not scared of the pain or whatever. I don't want to . . . " Napakamot ako sa leeg ko. This is awkward. Natahimik ang doktor, mukhang hindi ma-gets ang sinasabi ko. Mayamaya ay bigla itong natawa nang malutong. "Ah, okay. I get it." Nagpipigil ito ng tawa na humarap sa akin at namaywang. "Felicity, I'm a doctor. It's my job ang I've seen countless female's private parts already. Yours is not the first one, okay? Isa pa, consider me as your father, because I'm seeing you as a kid." That . . . kills. "Right," I plainly replied. "Pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Baka makasuhan pa ako nito," nagkakamot ng batok na saad niya. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang humiga. "Doc, let's do it." This is for my health, for my safety. Bahala na! * * * "At least, wala namang nakitang problema. Mapapanatag ka kahit papaano." Kanina pa ako kino-console ni tita tungkol sa check up. She half expected this to happen, ni hindi niya man lang sinabi sa akin. But at the same time, nothing is wrong about it. It's just purely embarrassing on my part. Iwinaglit ko na lang iyon sa aking isipan at pinagmasdan ang paligid. Pagkababa namin sa hagdan malapit sa department ng dentistry, napasundot ako sa baywang ni tita. "Oh?" "Tita, kung papililiin ka ng profession, ano ang mas gusto mo, pediatric or dentistry?" "Urology." Gulantang akong napatingin sa kanya. "Hah!" Napahalakhak siya at napapalakpak pa. "At least, single. Hindi iyon puwede sa iyo, may lalaki ka." Nangasim ang mukha ko sa sinabi niya. "Para sa single lang siya?" "Well, toxic girlfriend ako. Kung ako ang jowa at kumukuha ng urology ang boyfriend ko, hihiwalayan ko na." Tinaas-kilayan niya ako. "Wala namang masama. Kaya nga lang, hindi ko matigilang isipin kung ano na ang ginagawa niya ngayon, ano ang tinitingnan niya ngayon, mga hinahawakan niya, mga iniiisip niya. Tao pa rin naman siya, lalaki pa rin siya, kahit pa sabihin mong doktor siya at trabaho niya iyon. Ganoon ako ka-toxic, so what? May kalayaan akong pumili at umayaw." So far, iyan ang pinakamahabang linya na narinig ko mula kay tita. At ngayon ko napatunayang may sense din siyang kausap minsan. I want to know her more, I want to spend more time with her. Ang dami ko yatang matutuhan. "Sa bagay, tita, tama ka. Anyway, huwag mo namang tawagin na lalaki ko si Asher. May pangalan naman siya, tita," nakalabi kong saad, dahilan para umingos siya. "Pakipot ka. Pero huwag kang masyadong magpadala riyan. May panahon pa diyan sa future. Mag-aral kang mabuti." "Oo naman ti— ow, sorry." Hindi ako nakatingin sa daan, hindi ko nakitang may makakasalubong ako. "Felicity." Nag-angat ako ng tingin at nagulat nang makitang si Asher ito. Wait, what is he doing here? "Asher, a-anong . . . bakit ka narito?" Now that I remember, I thought he really was in the hospital this morning, bago ko siya nakita sa coffee shop. "Something happened," he replied, examining my face. "Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Are you sick?" Umiling-iling ako at agad na napayakap sa kanya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "I'm so sorry for what happened this morning. I'm so sorry." Naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko. "It's okay. I did not mind it. I understand." "No, I denied you! Hindi kita nagawang—" "Sshhh." Iniharap niya sa akin ang mukha ko at pinakatitigan, may tipid na ngiti sa labi. "There's an extent to what you can fight for. It is not you being coward, but you being considerate. Naiintindihan ko, Felicity. Now," he looked at me and my tita who is now rolling her eyes beside me, "bakit nga kayo narito?" "I had a check up. Ll regarding sa menstruation ko. Ah, anyway, akala ko hindi ka makakapunta kaninang umaga. Why did you come, and how did you know we were going to the café?" Kumibot ang labi niya sa tanong ko. "Sasaglit lang sana ako to make sure you and Krisha are fine. Wala akong tiwala sa kanya," nakangisi niyang tugon. "At alam kong doon ka niya dadalhin, paborito niyang tumambay roon." "Asher!" Napahiwalay kami agad nang makarinig kami ng medyo malakas na boses ng babae, halata ang galit na nakakubli roon. Nang tingnan ko ang ginang na nasa likuran ni Asher at papalapit sa amin, nagtama ang aming paningin. Sa unang tingin pa lang, alam kong siya na ang nanay ni Asher. They have the same eyes, and the same aura. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakabenda, bago bumalik sa kanyang mga mata na nakatingin pa rin sa akin. Nagkatinginan kami ni Asher, parehong hindi alam ang gagawin at sasabihin. Patay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD