Chapter 16

2454 Words
"Bye! Thanks sa ride, Asher. Ingat kayo both!" Kumaway si Kimmy sa amin hanggang sa nagpatakbo na paalis si Asher. Nahuli ko pa ang pagkindat niya akin bago kami tuluyang nakaalis. Luh, parang adik. Katatapos lang ng unang araw ng university games. After signing out in our attendance sheet, Asher presented to take us home. Sumabay na rin si Kimmy kahit na gusto sana siyang ihatid ni Rad. Baka raw i-sabotage ako ni Asher at ihulog sa tulay. Napaka-OA. "That friend of yours, she's kinda protective, huh? I'm happy you have a friend like her." "Si Kimmy?" tanong ko kay Asher habang nakatutok ang mga mata ko sa mga kamay niyang nasa manibela. "Yes, yes. At protective din naman ako sa kanya." I never had a best friend before her, to be honest. Walang nagtatagal sa akin na kaibigan. O siguro hindi naman talaga sila naging kaibigan sa una pa lang, at hindi rin nila ramdam na naging kaibigan ako sa kanila. Even in friendship, it took me so long to find who I am compatible with. Grade ten kami ni Kimmy nang magkakilala kami. She's a transfer student. In a sea of strangers, they say that the first person to become your friend is the one sitting next to you. Ako ang katabi niya noon, at kahit sa ibang subject ay sa akin na siya bumuntot. She's the one who chased me actually. She was pretty persistent. Hinayaan ko na lang din. Kung sakaling ma-buryo siya sa company ko, she's always free to find other friend. Sanay naman akong iniiwan. Ganyan lang naman kasi ang buhay. May darating, at aalis. It's just that . . . some people leave when you're already used to them being around, when they already begun to play a big part in your heart, and when living is already impossible without them. So, even if we know that people come and go, we will never be ready of the pain of being left behind. "Felicity?" And I'm afraid Asher would go. Someday. "Felicity, we're here. Oy!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang mahinang pagyugyog ni Asher sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa harapan na kami ng bahay. Nakasara pa ang pinto, mukhang hindi pa nakauwi si tita. Humarap ako sa kanya. "Salamat. Pero paanong alam mo na dito ako nakatira? I never told you." Nginisian niya ako. "Hindi nga ba?" I looked at the roof of his car, trying to remember when did I possibly tell him. "Hindi pa talaga." I glared at him. "You asked Kimmy." "Sira." Pinitik niya bigla ang noo ko. "Hindi nga ba ay akala mo si Benjie ang soulmate mo? You confessed to him through your wall, you mentioned your location so I knew." "You mean . . . " "Uh-huh." Tumango siya. "Nabasa ko sa kuwarto ni kuya. You were even sick that time so I came to give you a medicine." Whoa. That's quite shocking. Hindi pa kami nakapag-usap noon nang maayos, distant pa kami sa isa't isa. Knowing that he still came as if he cares for me all those times, the feels in my stomach is tingling. "Thank you. Hindi ko alam," wika ko na pigil-pigil ang ngiti. "You're such a thoughtful person." "Hah, thoughtful, you say?" Nakalabi siyang umiling-iling, may bahid na ngiti sa labi. "I was born in a selfish family, I don't think I am as good as what you perceived me to be. I just happened to promise kuya Priam that I'll take care of you so," binitin niya ang linya at nagkibit-balikat na lang. "Ibig sabihin, from the very beginning, I am the reason why you transferred?" Nagsisimula na namang magharumentado ang puso ko. He looks embarrassed, but he didn't deny. Natawa na lang ako sa reaksiyon niyang hindi makatingin sa akin. "Kung bakit kasi napadpad ako sa kuwarto niya," he murmured. Lalong lumakas ang tawa ko. "So, nagsisisi ka na ngayon?" Lumabi siya at umiling, tawang-tawa pa rin ako. Earlier, he told me about that particular day when he entered his brother's room. Tinanong ko kasi kung bakit alam niyang mahilig ako sa graham shake, at doon na niya naisipang mag-kuwento. I can clearly visualize his irritated face as he remembers what I wrote on my wall, the reason why I received a reply from the very first time. Kaya pala ganoon ang naging sagot niya. Hindi siya arogante o masungit, talaga palang nainis siya sa sinabi kong crush ko si Benjie. "Ang sabi ko lang kay kuya nang binisita ko siya sa puntod niya, 'Big bro, I'm going to your soulmate's school. I'm taking care of her for you.'" Bumaling siya sa akin na may halong guilt sa mukha. "I have sinned. Para ko nang pinagtaksilan si kuya at si Krisha. Who knew that you are this beautiful, Felicity?" That made me lost my words. Napipi ako't nag-iwas ng tingin. Nakakatuwa ang compliment niya, pero hindi tunog realistic. "Siguro nasasabi mo lang iyan dahil kusang tumitibok ang puso natin sa isa't isa kahit hindi tayo ang nakatakda. See, Benjie is handsome for me. He was the most handsome, to be exact. Pero nang nakita kita at may naramdaman akong kakaiba, ikaw na ang nanguna. Everything is just because . . . because of the bond we share with each other." Naghari ang katahimikan pagkatapos ng sinabi ko. Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi siya agad nagsalita. Mayamaya ay narinig ko siyang nagpakawala ng hangin. "Anuman ang rason, we are feeling this kind of connection that can only be felt when we're soulmates. It happened naturally." Kung papakiramdaman, hindi siya mali. Kung iisipin, hindi siya tama. As of now, we are letting our hearts rule us. And though we know that heart is treacherous, we don't seem to mind. Kasi kung may isang bagay na sigurado ako, 'yun ay ang katotohanang masaya kami. At gusto namin itong maramdaman pa, kahit saglit lang. Is that too much to ask? "Nga pala, paano ka makakahanap ng sagot?" bigla kong naalala. "Have you started?" He shook his head. "I am planning to ask my parents, but I still didn't have the chance to. They are . . . uh, busy." Napansin kong hindi naging maganda ang timpla ng mukha niya nang binanggit ang magulang. Hindi ko naman na kinulit ang tungkol doon. Hihintayin kong kusa siyang magsasabi. "Oo nga, ano? I almost forgot that I can also ask tita about it." "Oh, now I remember." Humarap siya sa akin at tiningnan ang bahay. "You mentioned that your mom is dead. Who's with you now?" "Si tita lang," maikli kong tugon. Kagaya niya, hindi rin ako palagay sa usapang ganito. "What about your father?" I knew he would ask. Umayos ako ng upo at pagak na natawa. "Dear, I don't even know if he's alive. He actually-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumunog ang phone niya. "Hold on." He took the call. "Dad?" he said, his voice is plain like he doesn't care at all about the person in the other line. "Alright. Pauwi na rin naman ako. Sige." He ended the call and looked at me. Tumango naman ako. "Kailangan ka yata sa bahay ninyo. Bababa na ako." He smiled at me and tapped my head. "May bisita raw. The only chance of us eating together is when there's a special occasion." I was about to speak when he took something inside his pocket and handed it to me. It's a green keychain. May illustrated na babaeng nakatalikod, and he has his name printed in it. Tiningnan ko siya na may gulat sa mukha. "It's personalized for you. Bakit mo binibigay sa akin?" Inilabas niya ang isa pang nasa bulsa at ipinakita ito sa akin. Keychain din na berde, may illustration na lalaki, at pangalan ko ang naroon. My lips parted as I felt my cheeks heated. "It's a couple keychain," he said, grinning from ear to ear. Oh, Asher. What should I do to you? "Thank you," bulong ko, ang mga mata ay nasa keychain na hawak ko. "Ayaw." Naramdaman kong inangat niya ang baba ko para magtama ang aming paningin. "Say it with a kiss." Gosh! Asher and his tricks! Nagsisimula nang magkabuhol-buhol ang mga intestines ko sa simple niyang galawan. Nakakaasar! Napalunok muna ako bago ko inilapit ang mukha ko para sana dampihan siya ng mabilis na halik sa labi. But as soon as our lips met, he held the back of my neck to deepen the kiss. Kagat-kagat niya ang labi nang matapos ang halik. "Right. Ano pa bang i-e-expect ko? You're a good kisser," amin ko habang abot-abot ang hininga. "Oh yeah?" he teased. "Gusto mo pa?" Lalong nag-init ang mukha ko. "Whatever! Kung nauubos lang ang labi, nakain mo na ang akin!" His baritone voice as he cracked a laughter sent tingles in my body. Mayamaya ay tiningnan niya ako nang mapanloko. "Labi saan?" Saglit pa akong napaisip, hanggang sa nahampas ko na lang siya nang mapagtanto ang ibig sabihin ng tanong niya. "Bastos! Bababa na ako!" Dali-dali akong umibis ng sasakyan, dinig na dinig ang halakhak niya. "Honey, your face is so red. Pati iyang leeg mo." At tumawa na naman siya. Aaahhh Asheeerr! "Sana hindi ka makatulog buong magdamag!" I yelled at him upon stepping out from his car. "Posible lang iyan kung ikaw ang katabi ko," wika niya sa nanlolokong tono. Isinara ko ang pinto ng sasakyan at tiningnan siya sa bukas na bintana. "Bakit? Hindi naman ako maingay at magalaw sa pagtulog. Duh!" Lumapit siya nang kaunti, may kurba ng ngisi sa kanyang labi. "My point exactly. Kapag magkatabi na tayo, magiging maingay at magalaw ka na, gising nga lang." "What . . . " Napamaang ako sa kinatatayuan nang bigla ulit siyang tumawa nang malakas. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa pasmado niyang bibig. "Ang sarap mong sabunutan. Umuwi ka na nga!" He smiled widely. "Sasabunutan mo rin ako balang-araw. Pero hindi dahil sa inis, kun'di dahil sa sar—" "Shut up!" nanggagalaiti kong putol sa kanya. "Bastos!" "Really? Did I say something bad?" he innocently asked that made me look at him sternly. "Or perhaps our little Felicity has something in mind that I don't know?" Argh! "Umalis ka na nga! Hindi ba kailangan ka sa bahay ninyo? Bye na. Ingat!" Tumalikod ako. "Felicity!" tawag niya. "Ano?!" Magkasalubong ang kilay kong hinarap siyang muli. "Love you," kindat niya na siyang nagpa-laglag sa panga ko. "Bukas ulit. After pala nating mag-sign in sa attendance, can we come here in your house?" Tumikhim ako para tanggalin ang anumang nakabara sa aking lalamunan. "At bakit?" "I wanna see your room," sambit niya, ang kilay ay nagtataas-baba. "And I wanna make an acquaintance with my future tita-in-law." He's . . . insane. "You, Asher . . . " I hissed, my eyebrows are still arched. "Ewan ko sa 'yo." Muli siyang ngumiti, pero sa pagkakataong ito, matino itong tingnan. "Usap tayo sa i********:, ha? Bye." Tumango na lang ako at kinawayan siya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan hanggang sa makaalis na siya. Nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang sasakyan niya ay tumalikod na ako't naglakad papasok ng bahay. Siraulo talaga ang Asher na iyon, pero bakit ako nakangiti? Abot-tainga ang ngisi ko pagkapasok ko. Saka ko na lang napagtantong hindi pala ito naka-lock nang naisara ko na ito. It means . . . "Sino siya?" I almost jumped upon hearing my aunt's voice from the window that faces the road. Nakauwi na pala siya?! Nakita niya ba kami ni Asher? I couldn't talk. Hindi ko maramdaman kung galit ba si tita o ano. Wala namang kahit anong bahid ng emosyon sa tono niya, pero kinakabahan ako. Humarap siya sa akin nang hindi ako sumagot. Nakahalukipkip siyang lumapit sa akin. I've known tita for being that kind of maldita person. Sanay naman na ako. Hindi siya ang tipong makikipagbiruan at makikipagtawanan. She gives me my needs, but she never became sweet. But still, she's a good person. Pero sa pagkakataong ito, wala akong ibang maramdaman kun'di takot. "Siya na ba?" mayamaya ay tanong niya. "Po?" "Ang soulmate mo." Nanglumbaba ako. Hindi ko ulit magawang magsalita. What am I supposed to say? Oo, sa pagdaan ng panahon, naging normal na sa syudad ng Geneva ang pakikipag-relasyon sa hindi nila soulmate. Long time ago, it is considered as a taboo. Kagaya ng panganganak nang wala pa sa legal na edad, pakikipagtalik nang hindi pa kasal, o pagkakaroon ng kabit. Lahat ng ito ay kinamumuhian noon. But as time passes by, it became normal to people. It became natural. Asher and I are not soulmates. It's not actually a big problem for other people. Pero ang mga taong malapit sa amin, siguradong hindi sila matutuwa dahil alam nila ang maari nitong idulot. And they care for us. They do. So whatever my aunt will say, I understand. "Hindi ka malandi." Napaangat ako ng tingin kay tita nang marinig ang sinabi niya. Her voice is cold I feel like freezing. "Tita . . . " "Hindi ka masamang babae," dagdag niya at tiningnan ako sa wakas. "Kaya sabihin mo sa akin. Bakit?" Napayuko ako para itago ang mukha ko. Matagal ko na iyang tinatanong. Maraming pagtutol na ang naramdaman at narinig ko, pero bakit ang sakit at ang hirap pakinggan kung galing kay tita? Dahil ba siya ang nagpalaki sa akin? Dahil ba malaki ang utang na loob ko sa kanya, tapos heto ang ibabalik ko? I felt hot tears forming around my eyes, so I didn't raise my head for her not to see them. "Patawad, Tita." That's the only phrase I was able to voice out. "Felicity, umayos ka. Bakit kita papatawarin, gayong wala ka namang kasalanan sa akin?" Napaangat akong muli ng tingin, hindi na alintana ang mga luhang dumausdos na pala sa mukha ko. "A-anong ibig mong sabihin, Tita?" Tinaas-kilayan niya ako. "Mukha mo, bakit ka iiyak-iyak? Ano ba'ng ginawa ko?" Eh? "Tinatanong ko lang kung sino siya at kung bakit kayo magkasama. Naghahalikan pa kayo, e hindi naman kayo soul mates. Paliwanag ang gusto kong marinig, hindi patawad. Hay nako, Fe." Naiiling niya akong tinalikuran. Pinanood ko lang ang likuran niya habang naglalakad papunta sa kusina. "Felicity!" "Po!" Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan niya. Nasa may lutuan na siya nang nilingon ako. "Iyang lalaki mo, dalhin mo rito sa bahay as soon as possible. We have to talk." Na-estatwa ako sa kinatatayuan. Maybe because I am shocked that she wants to meet Asher, maybe because she called him as 'lalaki ko', or maybe because . . . it's the first time that I heard my tita speak in English. Syet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD