Chapter 9

2617 Words
Morning came and I'm standing beside the road, in front of Benjie's house. Asher and I chose to talk about other stuff yesterday. I came to know that he's a month older than me. Kahit kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, lasang-lasa pa rin ang kaseryosohan sa kanya. Hindi siya palangiti. Ang totoo, hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Hanggang ngisi lang. Nakakaloka. Tinanong ko sa kanya kung bakit niya nasabing hindi siya o si Benjie ang soulmate ko. Ang sabi, kilala niya raw kung sino. Hindi ko na inalam pa kung sino. Parang ayaw kong malaman, at pakiramdam ko hindi ako interesado. I've been wanting to know who my soulmate is, for many freaking years already. Now, I don't want to know anymore. The fact that it's not Benjie . . . or maybe because it's not Asher, I no longer have the excitement to find who. Hindi ko na tuloy alam kung tama bang nakilala ko si Asher. Ayaw kong mambintang, pero mukhang siya ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Maybe because I expected too much? I didn't feel this disappointment before when I had the confusion between him and Benjie. Akala ko noon ay si Benjie na, pero nang dumating siya at naligalig ako, hindi ko naramdamang nalungkot akong baka hindi si Benjie. Pero ngayon, ngayon at akala ko ay siya na pero hindi rin pala, parang mas mabuti nang hindi ko na lang makilala kung sino talaga. Like, I totally lost my interest. It's frustrating. I'm not starting to hate this soulmate thingy. Masaya ako noong una kong nalaman ang tungkol dito, siguro limang taong gulang ako noon. Hindi ko inakalang darating ang panahong isusumpa ko ito. Pero siguro, kailangan ko pa ring makita ang soulmate ko. Gaya ng kung paano awtomatikong nahuhulog ang mag-soulmate sa isa't isa, baka ganoon din ang maramdaman ko kapag nakita ko na siya. Hah. Whatever. Saka na siguro. And as for Benjie, I just made an alibi for him not to wait anymore because I can no longer guarantee if I can catch up. Masyado nang late, at marami pa namang time para sa sinasabi niya. I feel sorry about it, though. Pero mas hindi ko kayang iwan si Asher. Ewan ko ba. Nakakainis. Kaya naman kagabi, sinabi niya sa aking sabay kaming pumasok ngayong umaga. That's why I'm here, waiting for him to come out. Buti na lang maaga pa dahil kung hindi ay mapipilitan akong mauna na sa school. Nagsisimula nang mangawit ang mga paa ko nang makita siyang papalabas na sa gate nila. Ngayon ang free day namin kung kaya't hindi siya nakasuot ng uniporme. He is wearing a white polo, there's a black lining in the hem, in the armhole, and in the collar. Itim din ang suot niyang pantalon. His shoes are Adidas, black and white as well. Ang cool niyang tingnan, lalo pa at may kulay pilak siyang kuwintas at relo. May nakakabit ding headphone sa kanyang leeg, at dahil may kaputian siya litaw na litaw ang maliit na itim na hikaw sa kanyang kaliwang tainga. "Sorry, kanina ka pa?" He apologetically smiled as he saw me. Umiling lang ako, saglit na natulala sa kung gaano siya ka-guwapo. Guwapong-guwapo pa rin naman talaga siya sa paningin ko, may mas guwapo na nga lang ngayon para sa'kin. I wonder how Asher looks today. Ipinilig ko ang aking ulo nang pumasok na naman siya sa isipan ko. Hindi ito puwede, kailangan kong iwasan ang pag-iisip sa kanya. Hindi siya ang itinadhana sa'kin. Baka pagsisisihan ko 'to. Pinanood kong ilabas ni Benjie ang sasakyan niya. Nang maisara ang gate nila ay umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan sa backseat. Ano ako, pasahero? Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Biro lang!" tumatawa niyang sambit nang makita ang reaksiyon ko. He moved to the shotgun seat and opened its door. Iminuwestra pa niya ang kamay niya na parang driver ng isang prinsesa. "You may now get in, my lady." Pigil ang ngiti kong pumasok sa sasakyan niya. Until now, it's still a mystery to as why Benjie suddenly involved in my life. Seeing me hurriedly running on the sidewalk and choosing to take me as an act of courtesy is normal. Pero 'yung umabot kami sa ganito, nakapagtataka at hindi pa rin kapani-paniwala. Kaya naman nang nagsimula na siyang magpatakbo, tinanong ko na agad. "Benj, I know this is so out of the blue, pero of all ladies, why me?" Nanatili sa daan ang paningin niya. "What do you mean 'why me'?" "Diba kasi, noong nakita mo ako sa daan. Kala ko hanggang doon na lang. I mean, sikat ka. At guwapo. At ang daming magaganda—" "Talaga? Guwapo ako?" putol niya sa sinasabi ko, ngiting-ngiti. Tumikhim ako. "Benjie, hindi ko pa tapos ang sinasabi ko." "Ang mahalaga sinabi mong guwapo ako." Tinapunan niya ako ng tingin, tipid na lang ang ngiti sa kanyang labi. "Iyon lang ang gusto kong pakinggan." Nag-iwas ako ng tingin. Pinagmasdan ko na lang ang daan sa labas ng bintana at hindi na nagsalita. Benjie is also unexplainable. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman at paniniwalaan ko. "How's your research?" kapagkuwan ay tanong niya. "Hindi pa tapos." Tumahimik muli sa loob ng sasakyan. "Parating na ang weekend, don't forget about our date, ha?" I looked at him. "Date?" He jokingly looked as if he's in pain. "Nakalimutan mo agad. Hindi ba ako worth to be remembered?" I pursed my lips. "Sorry na. Naaalala ko naman, e. Sure, sa hapon ng linggo." "Yes! I'm looking forward." Hindi na ulit ako sumagot. Parang ang saya-saya niyang makasama ako, samantalang heto ako't gulong-gulo. "Fe, are you sick?" Benjie asked in a low voice after a couple of minutes of silence. Umiling lang ako, ang mga mata ay sa labas pa rin ng bintana nakatingin. Iyon na lang din ang huli niyang sinabi hanggang sa nakita ko na ang mahabang pader ng Geneva University. Nakabukas ang mataas na gate nito at dumiretso ang sasakyan sa parking lot. Malayo pa man ay nakikita ko na ang mga kababaihang nasa isang partikular na parte ng paradahan. Sa tingin ko ay doon ang laging puwesto ng sasakyan ni Benjie at hinihintay na siya ng mga fans niya para salubungin. Sana all sikat at kamahal-mahal. "Poor Abo. Mapa-Vilican o dito, pinagkakaguluhan." Parang may kung anong nagalaw sa akin nang marinig ang palayaw na iyon. Teka. Anong Abo? Narito siya? Nang mas lumapit na kami sa kinaroroonan ng mga kababaihan ay mas nakita ko kung ano talaga ang ganap. Pinapalibutan nila ang isang sasakyan. Beside it is a space where Benjie plans to park his car. There's no one in there, but as soon as they saw his car, some of them started to gather to welcome him. Grabe din ang mga ganitong babae, ano? Fan girl din ako pero hindi to the extent na nagmumukha akong . . . aso. As soon as his car stopped, I didn't wait for him to open the door anymore. Umibis ako ng sasakyan, at sumalubong sa akin ang gulat na mukha ng mangilan-ilang kababaihang nasa gilid ng sasakyan. Ang ibang nakapalibot sa sasakyang nasa tabi namin ay napatingin din sa direksiyon ko. Nagsimula silang magbulungan, at may mga nakita akong hindi maganda ang timpla ng mukha marahil dahil sa 'kin. I ignored them. Hinanap ng mata ko si Benjie at nakitang kinuha niya ang susi at inilagay ito sa bag niya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at nginitian ko lang siya nang kaunti. "Thanks for the ride," I said, waving my hand as I started to take my steps away. "Teka lang, saglit, Fe. Saglit—" Kinain na ng ingay ng mga kababaihan ang kasunod ng anumang nais niyang sabihin. Hindi ko siya nilingon. Naguguluhan ako, ayaw ko nang makaramdam ng ganito sa mga taong hindi para sa'kin. Unfortunately, hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay niya sa palapulsuhan ko. I tried to pull it, but he's too strong. "Benj, mag-usap na lang tayo sa susunod. "Felicity—" "Next time na, please. Bitawan mo ako." "I just want to say something." "Let go!" putol ko. "Benj, ma-le-late na ak—" "I like you!" Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo sa pag-ikot. Natulos ako sa kinatatayuan at hindi ko nagawang i-proseso agad sa isipan ko ang narinig ko. I have misheard it, haven't I? Though matagal na siyang umaaktong gusto niya ako, nakakayanig pa rin ng pagkatao na marinig ito mula sa kanya sa seryosong tono. When it sunk in, I slowly turned around to face him. The image of the girls at the background who seemed shocked as I do turned blurry as my eyes focused on Benjie's handsome face. Napansin ko ang paglunok niya. "Gusto kita, Felicity," ulit niya. Hindi ako sanay na seryoso siya, kaya hindi mapakali ang dibdib ko. Ang lakas ng t***k nito, hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa, o dahil gulat lang talaga ako. Now that I quickly assessed my feelings, it felt like I'm more on surprised than gratified. Hindi ba dapat natutuwa ako? Benjie — even if he's not my soulmate — likes me! He's my long-time crush! Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok kong tumatabing sa kalahati ng mukha ko. "At nang tinanong mo kung bakit ikaw, samantalang maraming magaganda riyan . . . " he leaned closer to me, "sweetheart, you're the prettiest." Halos matakpan ko ang bibig ko sa gulat. My ultimate crush is actually telling me that he likes me, and that I'm the prettiest! Isn't it a dream come true? "Wow, what a sight." Nabaling ang atensiyon ko sa pamilyar na boses na iyon. Siya ang partner ni Kimmy sa pananaliksik, ang pamangkin ng guidance counselor, at ang pinakasikat sa mga cheerleaders. Nasa tabi siya ng sasakyang pinagkakaguluhan kanina pa, pero hindi sa kanya napako ang tingin ko, kun'di sa lalaking nakatayo sa nakabukas na pintuan ng driver's seat. He is looking at us, particularly at me, in his emotionless face and blank stare. Wala naman siyang ginawa, pero sa kanya kumalabog ang dibdib ko. Asher Sullivan. *** Saturday came and I spent a half day cleaning around the house. Si tita Cecil ay nasa trabaho ngayon. Supposedly ay walang pasok sa weekend, pero may catering sila sa isang event sa munisipyo kaya pumasok siya. Dagdag na rin daw 'yon sa buwanang sweldo nila. Nang makakain ako ng tanghalian ay naisipan kong magbukas ng mobile data para mag-browse sa aking i********: app. Sa gitna ng pagtingin-tingin sa magagandang litrato ng mga artistang f-in-ollow ko ay bigla akong dinala ng mga daliri ko sa profile ni Asher. Hindi naman mahirap hanapin ang account niya. His username is AshSullivan. Nakatalikod siya sa profile niya, at mukhang nasa gitna siya ng kagubatan. His account is public so I can freely see his posts. There's nothing too much to see here, he doesn't post as often as Benjie. Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato niya, at napapangiti ako kahit na puro seryosong mukha ang nakikita ko. May picture din siya kasama ang mga barkada niya, kabilang na roon si Benjie. At kung titingnan, siya lang ang hindi nakangiti. His seriousness is making me smile. I continued to scroll and my smile faded as I saw a picture of him with a girl. Morena ito at kulot ang buhok. Hindi natatangi ang hitsura, pero maganda ang ngiti at mabait ang mukha. Asher is not smiling, but his face is not as serious as in his other shots. Last month lamang ito at mukhang nasa loob sila ng isang bahay. Strangely, I felt a pain in my chest. Pinatay ko agad ang phone ko at niyakap ang aking unan. My heart is throbbing as I tried to cheer myself with random things. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito sa kanya. Bakit, bakit kailangan kong masaktan gayong hindi ako para sa kanya? Gusto kong magwala, pero sigurado akong hindi pa rin iyon magiging sapat para mapanatag ako. My weary heart seemed to cease a bit when I noticed red letters starting to from on the small space on my wall. Wala sa sariling napatayo ako at lumapit dito. Saktong tumigil ito nang malinaw ko na itong nakikita. "I'm worried. Nasasaktan ka na naman." Napapikit ako nang mariin. Asher, if it's not you, then who? Kumuha ako ng ballpen at nagsulat. "I hate you." I hate you because I'm hurting. Kung nakilala na sana kita noon pa, baka hindi ako nasasaktan nang ganito. Mayamaya ay may sagot na siya. "Where are you?" I replied, "Home." "With who?" Hirap kong pinaikli at pinaliit ang sulat ko. Mukhang pati siya ay pinapaliit na rin ang sulat para magkasya ang space para sa usapan naming dalawa. Nakapagtataka. Hindi ba niya pinapinturahan ang pader niya kaya punong-puno ito? "Mag-isa ako." Matagal bago siya sumagot. Pero nang mabasa ito ay halos manlaki ang mata ko. "Can your soulmate pay a visit?" My hand is shaking as I wrote, "Yes." After that, hindi na ako mapakali. Inayos ko ang lahat-lahat sa loob ng bahay, at nag-ayos na rin ako ng sarili. Mukhang aware na nga siya kung taga-saan ako. Malalaman ko mamaya kung sino siya. Ewan, kinakabahan ako. Nakaupo lang ako sa parihabang upuan sa munti naming sala nang makarinig ako ng pagkatok. Pinagpapawisan ako ng malamig pero nilabanan ko ang kaba ko. Malalaman ko na rin sa wakas kung sino. It's now or never. Lumapit ako sa pintuan at dahan-dahang pinihit ang seradura. Nang sa wakas ay nabuksan ko na ito, bumungad sa aking harapan ang lalaking hindi ko inakala, pero gustong-gusto ko nang makita. Hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko para magsalita nang bigla niya akong itulak papasok kasabay ng pagsara niya sa pinto. In a swift he grabbed my waist, and before I could even ready myself, I already felt his lips crushing against mine. Napasinghap ako nang ekspertong ipinasok niya ang dila sa bibig ko na animo'y may hinahanap na gantimpala sa loob nito. Ang mainit niyang labing siyang gumagalugad sa bawat parte ng aking bibig ay nagdala ng bolta-boltaheng elektrisidad sa aking katawan. I felt my body heated. I felt drunk by his kisses as if my mind isn't in chaos. Iniwan ng labi niya ang labi ko. Mamasa-masa itong dumaan sa aking panga, papunta sa sensitibo kong leeg. Marahan niyang kinagat ang balat ko na siyang nagdala ng init at kiliti sa akin. Pumisil ang mga daliri niyang nasa aking baywang at humahaplos ang isa niyang kamay na sumusuporta sa aking likod. Nang maramdamang muli ang paggalaw ng kanyang labi sa aking leeg ay hindi ko na napigilang tawagin ang pangalan niyang isinisigaw ko kahit sa panaginip. "Asher . . . " Umangat ang bibig niya sa aking tainga at bahagya itong kinagat. "Ah, I'm craving," bulong niya, dahilan para mapakapit ako sa damit niya. "B-bakit . . . bakit ikaw?" halos humihingal kong tanong. "Did you lie?" Naramdaman ko siyang umiling, ang mukha ay nakasiksik na ulit sa aking leeg. "I'm not really your soulmate." Kahit siya ay ramdam ko ring mabilis ang paghinga. "I'm just here in his behalf." Sinubukan ko siyang ilayo sa akin at hindi naman ako nabigo. "Who is he?" Sa wakas ay nag-lakas-loob akong tanungin ito. Nakita ko ang pag-aatubili sa mga mata niya, pero mukhang hindi naman niya ito balak itago. He looked at me and revealed the truth that is more disturbing than an atomic bomb, more threatening than a volcanic eruption, and more shocking when I found out that I'm a daughter of a rapist. "Your soul mate . . . is my brother. My one and only brother, Priam Sullivan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD