Chapter 8

2203 Words
After the quick ruckus, Asher and I went back to our seats. Siya na ang kumuha ng mga kakainin namin, pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa sila nagagalaw. Wala rin ni isa sa amin ang nagsalita. Both of us stayed silent, and his face looks like he's lost in an abyss. Nakatunganga lang siya, wala ang kaseryosohan sa mata niya, para lang siyang estatwang natulos sa harapan ko habang ang mga mata ay nakatingin sa walang partikular na direksiyon. Halos mag-iisang oras na rin, at kahit nang kunin ko ang laptop niya at piniling ituloy ang anumang nasimulan na niya ay hindi siya nagreklamo. He just . . . remained silent like a sitting corpse, like an actual statue. Gusto ko siyang kausapin but even I have no idea what to say. Palipat-lipat ang mata ko sa kanya at sa screen. What happened earlier is like a flash, too quick, almost didn't happen. Thinking that Asher got mad because of it, I couldn't help but to feel a strange tingle in my belly and endless loud thumps in my chest. Niligtas niya ako! At kahit brutal man at eskandaloso kung tingnan, hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa nakita ko. His clenched fists, hardened jaw, sharp eyes, and seemingly gritting teeth, everything is so manly and protective, I can't! And he reacted that way just because I'm harassed. Kyah! Napatikhim ako at napagalaw sa upuan nang mapagtantong halos mapunit na ang bibig ko kakapigil ng ngiti. Bahagya kong itinago ang mukha ko sa screen ng laptop para pagtakpan nang kaunti ang mukha kong parang namumula na. Halos wala pang nasimulan si Asher sa pananaliksik namin, pero may nailagay na siyang title at list ng mga references. Ginawa ko na ang introduction, at nasa kalagitnaan na ako ng pagtatala ng iba pang sangguniang nagamit maliban sa mga inilagay na niya. Sampung references daw sabi ni Ma'am Torres, e. Hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha ang ideya na iyon. We are told that this is just a simple research, since it can only be done for a week. May mas komplikado kaming pananaliksik na siyang proyekto namin sa buong semestro. It is not for our teacher to decide about this matter, she will only guide and correct us. Di ba? Walang ingay na inilabas ko ang phone ko mula sa sling bag na dala ko. Tiningnan ko ang oras, quarter to four na. Dapat nasa bahay na ako sa alas-cinco y media dahil ganoong oras ako nagsisimulang magluto ng panghapunan. Sa may kahoy kasi ako nagluluto madalas para tipid sa gas. Pinakiramdaman ko si Asher. Wala pa rin akong marinig na galaw niya, kaya palihim ko siyang sinilip. He still looks the same like the last time. Ano'ng nangyayari sa kanya? I can't even sense him breathing. Akmang maglalakas-loob na akong kunin ang atensiyon niya nang biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. I'm not putting my phone in silent mode kasi wala namang tumatawag o nagti-text sa akin. I don't usually use it either. Kapag umiikot na ang mata ko kakabasa, saka lang ako nagbubukas ng mobile data. Pero kahit naka-connect ako sa internet ay madalang lang din tumunog ang phone ko dahil hindi naman ako gaanong nakakatanggap ng notifications. Tumitig pa ako saglit sa unregistered number na tumatawag bago ito sinagot. "Hello. Sino 'to?" bungad ko agad. "Hulaan mo," the caller answered. The humor in his voice is enough to tell me who he is. Napangiti ako, ang mga mata ay nakatingin kay Asher na ngayon ay parang wala pa ring pakialam. "Saan mo nakuha ang number ko? At bakit ka napatawag, Benjie?" Parang nagising mula sa panaginip si Asher dahil sa wakas ay gumalaw siya. He looked at me as I mentioned Benjie's name. Nagulat pa ako sa biglaang pagtatama ng aming paningin, tuloy ay hindi ko na nasundan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Ano, ano? Sorry, di ko naintindihan." "Si Kimmy kako ang nagbigay ng number mo. At kung bakit ako tumawag, I just want to know if my future girlfriend is fine." Umawang ang labi ko sa narinig. Napaiwas ako ng tingin kay Asher na walang reaksiyon sa mukha na nakatingin lang sa'kin. "Oy, Fe. Huwag kang masyadong kiligin, kaunti pa lang 'yan." "Sira!" Napalakas ang pagsagot ko, dahilan para magsalubong ang mga kilay ng guwapong kaharap ko. Kahit ngiting-ngiti na ako ay hindi ko magawa dahil sa tindi ng intensidad na dulot ng paninitig niya sa akin. "Sabi ni Kimmy lumabas ka raw dahil gagawa kayo ni Abo ng activity. Hindi pa ba kayo tapos?" "Ah . . . " I looked at the screen of Asher's laptop. "Hindi naman namin ito matatapos ngayon. Bakit?" I don't know but I kind of feel excited on what he's about to say. "Labas sana tayo. May bagong bukas na restaurant malapit sa municipal hall, gusto kitang dalhin d'on." Umaliwalas ang mukha ko sa narinig. "Talaga? I-ti-treat mo 'ko? Sandali, ngayon na ba?" Halata sa boses ko ang excitement. Hindi ko alam kung dahil ba makakasama ko siya o dahil gusto ko lang talagang gumala at kumain. Siguro pareho. "Oo naman." Narinig ko pa siyang tunawa. "Ngayon na. Nasaan ka ba?" "Nasa Good Taste Café." "Dinala ka pala riyan ni Abo? Kasama mo pa ba?" Awtomatikong nabalik kay Asher ang mata ko at nakitang nakatingin na naman siya sa kawalan. Dumaan din ang mata ko sa kape at mga pagkain naming pareho pang hindi nagagalaw, at nakaramdam ako ng pag-aatubiling umalis bigla. Pero kung hindi na ako umalis ngayon, baka gabihin na ako ng uwi mamaya. Nakakahiya din naman kay Benjie na ilang minuto lang ang pagpunta namin doon. "Oo, kasama ko siya." Humina ang boses ko nang sabihin iyon. "Magpapaalam na ako." "Alright. Hihintayin kita. Bye, sweetheart!" His endearment dazed me for a moment. Buti na lang pinatay niya rin ito agad pagkasabi niya n'on. I looked at Asher, hesitant and clueless on how to tell him that I have to leave. "Ah . . . Asher. Ano kasi . . . " Tumango siya nang hindi tumitingin sa akin, hindi pa rin nagbabago ang kawalan ng ekspresyon sa mukha. "Ha?" He turned his empty gaze on me. "Itutuloy ko na iyan sa bahay. You may go." Kahit sa boses niya ay naninibago ako. Para siyang lutang at wala sa sarili. Is he shocked about what happened earlier? I was shocked too, and I felt bad about it. Pero hindi kasi ito ang unang beses na nabastos ako, kaya hindi ako gaanong nagulat, pero sobra pa rin akong nasaktan sa katotohanang marami pa ring lalaking kagaya n'ong bastos na iyon. At kung bakit mas kumakalma ang puso ko ngayon kaysa sa mga naunang pagkakataon, iyon ay dahil sa wakas, may nagligtas sa akin. But I don't know if my mind and heart are tricking me, cause I feel that Asher's going haywire mentally. And I'm worried. Ang kaso, hindi ko rin naman alam ang gagawin. At naghihintay din si Benjie. I forced myself to move. Kinuha ko ang kape at pagkain na para sa'kin at tumayo na. Isinukbit ko ang sling bag ko sa aking balikat at walang imik na iniwan siyang sa lamesa na ngayon nakatitig. Dali-dali akong umalis. Ayaw kong lumingon at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong balikan siya. Ayaw kong mapalapit nang husto sa kahit sino sa kanila ni Benjie habang hindi ko pa nalalaman kung sino talaga ang soulmate ko. Pero kung pagkukumparahin ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko, mas masakit ang mahulog sa kanya. Mas masakit ang mahulog kay Asher. Kahit pa soulmate ko siya. The guard on the exit of the café politely smiled at me as he pushed the door for me. I was about to take my step when something hit my head, something that I am not sure of, but it felt real. Asher . . . Asher is anxious, sad and confused. Napaurong ako sa kinatatayuan. Bakit alam ko ang nararamdaman niya? Does it mean that he really is my soulmate? And why is he anxious, and sad, and confused? On what reason? At kaya ko bang iwan siya sa ganoong estado? Without looking at the guard who seemed to be waiting for me to exit, I turned around and took my steps toward to where I came from. Hinawi ko ang kurtina papasok sa kinaroroonan namin kanina at unti-unti nang bumagal ang aking paghakbang. Hindi ko siya makita dahil nakatalikod ang upuan niya mula sa entrance. Pang-tatlong tao ang capacity ng bawat upuan, foam ito kaya komportable sa pakiramdam, at mataas ang sandalan para hindi marahil maistorbo mula sa mga nasa kabilang lamesa. Dahan-dahan akong lumapit, at nang makita siya ay nakaramdam ako ng guilt. His hands are trembling while he's looking at them above the table. Mukhang kanina pa ito pero sinubukan niyang itago. Inilapag ko ang mga hawak ko sa lamesa, dahilan para mapatingala siya sa akin. His eyes widened. "W-why are you . . . " Tumabi ako agad sa kanya at walang pagdadalawang-isip na niyakap siya. Naramdaman kong nanigas siya sa ginawa ko, pero isiniksik ko lang ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. Nasa pinakadulo kaming parte, mabuti na lang dahil hindi kami makikita. Bahagya ko siyang tiningala at nakita ang gulat niya pa ring ekspresyon. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ramdam ko ang pagtama ng kanyang mainit na hininga sa mukha ko at ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. I shyly moved myself away from him, forcing a smile. "I . . . " I cleared my throat. "I forgot to say thank you." Hindi ko na siya matingnan sa mata, kaya inabala ko ang sarili ko sa mga kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. I reached for them and I felt how cold they are. Para siyang sasabak sa isang paligsahan at sa sobrang kaba ay nanlalamig na ang mga kamay niya. Hinayaan lang niya ako sa ginagawa ko. Hinaplos ko ang mga daliri niya saka ko pinagsalikop ang mga kamay namin. I hope that somehow I can ease the fear inside him, and the sadness he's feeling. Hindi ko siya tatanungin kung bakit nakakaramdam siya ng ganoon, pero gusto ko siyang damayan. I looked at the hand that saved me earlier. Ang kamay na sumuntok sa nambastos sa akin. "First time na may magligtas sa akin, Asher," halos pabulong kong sabi sa kanya, may tipid na ngiti sa aking labi. I looked at him and the usual ferocity in his eyes is back. "It is my first time to punch someone too." I stare at him with mouth agape. "What . . . " He tilted his head as he slightly licked his lower lip. "It is my first time saving someone. My first time feeling so angry that it almost unbelievable for me. It was my first time hurting other person for the sake of someone I do not want to care about before." Shock is written in my face as I tried to digest every single syllable I heard. Nangalumbaba ako. "Maybe . . . maybe because," I took a deep breath, "we're soulmates?" Naghari ang katahimikan pagkatapos ng huli kong sinabi. Nang naglakas-loob akong tingnan siyang muli ay walang kahit anong emosyon ang nababakas sa mukha niya. "Ash—" "We're not." I am startled. "Ano?" "Felicity, we're not soulmates." I gasped. I felt my heart getting heavier every second. "Pero nararamdaman ko," giit ko sa kanya, halos pumiyok na ang boses ko sa tindi ng nararamdaman. "When you kissed me, the pain, it faded away. Nag-iiba ang pakiramdam ko kapag nasa malapit ka. Alam ko ang nararamdaman mo. At . . . at . . . " Nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang mga luha kong nagbabadya nang lumabas. Is he lying? But it seems like he's saying the truth. I just know, he is saying the truth and that confuses me! "You said you know what I'm feeling," aniya. Tumango ako. "What was it?" "You were anxious," I murmured under my breath "sad, and confused." "And that's exactly what I felt." My eyes slowly turned back to him, and for the first time, I saw a gentle emotion in his eyes. "Felicity, I felt anxious because of what happened. Kahit lumipas na ang isang oras, nararamdaman ko pa rin 'yung takot ko nang malaman ang ginawa sa'yo ng gagong iyon." My lips pressed together on the adjective he used for the guy who harassed me. "And . . . and I felt sad because you left just to be with Benjie." Oh my God? "And confused because . . . " his eyes looked down as if avoiding my gaze "I don't know why I feel this way towards you, knowing that you're not my soulmate." Pakiramdam ko nanghina ako sa sinabi niya. Parang napakalaking parte sa aking pagkatao ang nawala. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. "If it's not you, then it is—" "No, it's not," putol niya sa sasabihin ko. Umiling-iling siya. "It's not Benjie either. Felicity, wala sa amin ni Benjie ang soulmate mo. And trust me, I'm telling the truth." W-what . . . ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD