Chapter 10

2333 Words
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang tinanong kay Asher ang tungkol sa kapatid niyang si Priam. Kung nasaan ito at kung kailan at paano ko ito makikita. Nothing of these are answered, he didn't even tell me why he is the one showing instead of him. Pero sa dami ng tanong ko, wala siyang ibang isinagot kun'di, "Tinatamad akong magsalita." Hindi ko naman mapipilit na magsalita ang ayaw. Isa pa, ayaw kong masira ang moment namin kakahanap sa taong hindi ko naman talaga gustong makita. Because this person with me right now, is all that I want. Oo, Asher lang sapat na. Aside from that, he came here not to talk about this soulmate whatsoever, but to make me forget the reason of this sadness. Alam niya raw na malungkot ako kaya gusto niya akong pasayahin. Luh, ang weird. The reason of my sadness wants to make me happy. The pretty irony. Pero siyempre hindi ko naman puwedeng sabihin na siya ang dahilan kung bakit ako malungkot, at ayaw ko ring mag-usisa tungkol sa nakita ko sa i********: dahil wala naman akong karapatan. He gave me choices on what I want to do this afternoon. Mamasyal, kumain, o manood. I chose the latter. Now, I see myself sitting beside him inside of a dark cinema. Dalawampung minuto na ang lumipas mula nang nag-start ang movie, pero mas marami pa akong panahong ginugol sa panonood sa kanya kaysa sa mismong pelikula. Sa tuwing tumatama ang liwanag ng screen sa mukha niya, feeling ko siya ang nag-iisang bida. Pero maliban sa nakakatuwa siyang pagmasdan, hindi rin ako maka-focus sa pinapanood namin dahil takot ako sa horror. Si Kimmy naman kasi! Sabi niya noon sa akin, isa raw sa mga biggest turn on para sa mga lalaki ay yung matapang na babae. Naniwala naman ako. At kahit pa man totoo, nasobrahan ko na yata to the extent na nagsisisi na ako. Sayang yung ticket na binili ni Asher para sa'ming dalawa. Doon na lang sana kami sa mas magandang movie, hindi rito sa punyetang horror na ito. Ayoko na lang mag-talk. Half-closed ang mga mata ko habang tumutugtog nang may thrill ang background sound, kasabay ng unti-unting paglapit ng bida sa may bintana kung saan napansin niyang may padaan-daang anino. Napakapit ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko at mariing inipit ang pang-ibabang labi sa pagitan ng aking mga ngipin habang palapit nang palapit ang focus sa bintana. Inaasahan ko na ang susunod na mangyayari, pero halos tumalon pa rin yung puso ko palabas ng dibdib ko nang biglang bumulaga ang duguang babae na may gilit sa leeg at labas ang isang mata. Sinabayan pa nito ang malakas na tili ng bida nang dakmain ng multo ang kanyang leeg palapit dito. Napatingin ako kay Asher. Para lang siyang bato sa tabi ko na hindi pa yata gumalaw mula kanina. Gusto ko mang magmukhang matapang pero hindi ko na kaya. Kumapit ako sa kanya para itago ang mukha ko sa gilid ng kanyang braso dahil mukhang hindi siya tinatablan ng takot. Pero sa segundong dumapo sa kanya ang kamay ko ay napatalon siya sa kinauupuan at napasigaw sa gulat, ang mga mata ay nanlalaki at dinig na dinig pa ang kanyang paghinga. Hindi naman gaanong malakas ang sigaw niya pero sigurado akong narinig iyon ng mga nasa katabing upuan, ang mga nasa harapan at likuran. "W-what?!" asik niya sa akin, namumula ang mukha. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa gulat o dahil sa hiya. Mabilis akong umiling habang mariing magkadikit ang mga labi. Ibinalik ko sa screen ang mga mata kong halos maluha na dahil sa kakapigil sa sariling mapahagalpak ng tawa. Susmaryosep! Mukhang mas takot pa siya sa akin! His reaction was priceless, gusto ko na lang mamatay sa pagpipigil ng tawa. Ayoko na talaga. "CR lang ako," I excused. I didn't wait for him to respond. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa kanya. Paglabas ko ng sinehan ay doon ko nailabas ang tawa na kanina ko pa pinipigilan. Napapatingin na sakin ang mga nakakasalubong ko pero hindi ko talaga kayang kumalma. Nagpupunas ako ng luha nang napagpasyahan kong bumalik na. Gusto ko lang talagang ilabas ang tawa ko. Masyado na akong insensitive kung pagtawanan ko siya habang nariyan siya. "So, did you enjoy?" Binabawi ko na ang sinabi ko. Syet, mukhang nahuli pa rin ako. Nag-iinit ang mga pisngi kong hinarap siya. Nakasandal siya sa salaming dingding na daanan papasok habang nakapamulsa ang mga kamay. Gaya ng dati, seryoso ang mukha niyang nakaharap sa akin. "O-oy," nauutal kong sambit, hindi makapa ang sasabihin. "Kanina ka pa riyan? Bakit ka lumabas?" "Kanina pa ako," tipid niyang tugon. Pilit na ngiti ang pinakawalan ko. "H-hindi ikaw ang pinagtatawanan ko, ha? Promise! Normal lang naman ang ganoong reaksiyon. Hindi yun nakakatawa. Promise talaga!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay na parang nanunumpa bago ko na-realize kung anong klaseng kabaliwan ang sinabi ko. "I-I mean . . . " Ang tanga-tanga! Nahuli ako sa sarili kong salita. Umayos nang tayo si Asher at naglakad palapit. Ako naman ay hindi mapakali sa kinaroroonan habang palinga-linga kuno sa paligid. Tumayo siya sa harapan ko, ilang dangkal lang ang layo mula sa akin. "Tara na." At saka niya ako nilampasan. "Teka." Sa tangkad niya at laki ng hakbang niya ay halos tumakbo na ako para lang maabutan siya. "Saan tayo?" "Kakain." Sumabay ako sa gilid niya. "Pero wala pa sa kalahati yung pinapanood natin." "Natatakot nga ako," iritado niyang pag-amin dahilan kung bakit muli na naman akong natawa. This time, hindi ko iyon pinigilan. Tumawa ako nang tumawa habang sinusundan lang siya. I heard him tsk-tsked. Nakita kong namumula na ang tainga niya kaya naman lalo pa akong napahalakhak. Laughtrip! Takot naman ako pero bakit ang epic ng reaksiyon niya? May mga time na natatakot ako sa kanya dahil ang tahimik at seryoso niya, pero ngayon, para siyang tutang ang sarap yakapin na lang. Wala siyang imik sa tabi ko. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglakad hanggang sa nasa likuran na naman niya ako sa sobrang bilis niya. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at bahagyang hinila-hila. "Galit ka?" nakalabi kong tanong. "Asher, you mad? You mad, Asher?" Bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at bahagya itong inangat para magtama ang mga mata namin. Ang lapit niya to the point na napalunok na lang ako. Naalala ko bigla ang halik na pinagsaluhan namin kanina na siyang nagpainit na naman sa mukha ko. Diyos ko po. "We came here because you were sad, didn't we?" he asked as his voice sounded hoarse in my ears. "And if I'm the reason of your laughter then why would I get mad?" My heart beats fast for his heartfelt statement. Hindi ko magawang magsalita. Binitawan niya ang baba ko at kinuha ang kamay ko. Bahagya niya akong hinila para magsabay kami sa paglalakad. A bittersweet smile crept in my lips as I felt him intertwined our fingers. Bakit kaya minsan, kung ano pa ang hindi pag-aari ay siya pang mas masarap i-keep? Kung sino pa ang gusto ay siya pang hindi para sa'yo? "What particular food do you wanna eat?" kapagkuwan ay tanong niya. Hindi ko na kailanga'ng mag-isip. "Palabok," sagot ko agad na para bang kusa itong lumabas sa bibig ko. Nakakunot ang noo niyang bumaling sa 'kin. "Of all the food in this world, why palabok?" Mahina akong natawa. "Of all my possible soul mates on earth, why not you?" Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. He looked at me with a glint in his eyes. The emotion has passed by so quickly, it almost didn't appear. His hand slightly squeezed mine before turning his gaze away. "I'm just kidding," I murmured, trying to stop myself from slapping my face. Sobrang shunga nga naman, oo! "There's a fast food chain here that serves palabok only." Tumango na lang ako kahit na hindi siya nakatingin. We are about to move forward when a familiar group of people took our attention. Nasa harapan sila pero hindi namin mapapansin kung hindi sila lumapit. "Abo!" tawag ng lalaki kay Asher. Naaalala ko pa siya. Siya yung driver noon ng sasakyan noong hapon na gusto akong isama ni Benjie sa house party ng isa sa mga barkada niya. We both looked at them who are obviously eyeing at us with curiosity. Nakasuot pa silang lahat ng uniporme ng Vilican University. Baka katatapos lang ng klase nila. Malapit lang kasi ang campus nila rito, pinakamalapit sa lahat ng college university sa Geneva. "May Saturday class nga pala kayo. How pitiful," ani Asher at nakipag-fist bump sa isa sa kanila. "Yabang, kala mo di nang-iwan," umiingos na singit ng isang babae sa may gilid. Isa ito sa mga nakita ko noon sa loob ng sasakyan. "Ayos ba sa new school mo? Marami bang magagandang girls?" tanong ng papalapit na isa pa. "Laro tayo ng basketball bukas. Wala na akong balita d'on kay Benjie." Ang totoo, kanina pa ako pigil ang hininga rito habang pinagmamasdan sila. They're quite famous and have a big number of followers on i********:. Mga sikat yata silang lahat na magba-barkada. A lot of girls want to see them all in person and get near as much as possible, and here I am, standing in between them. "Hindi ko pa nakausap si Benjie. Saan ba ang punta niyo?" "Nasulatan ni Xandra ng permanent marker ang bag ni Aro kanina kaya kami narito kasi bibilhan niya ng bago," sabi ng isang may highlight na red ang buhok. "Siyempre, ang mahal kaya nito," depensa ng lalaking halos kasingtangkad ko lang, hawak-hawak niya ang puting bag na may malaking diagonal line sa harapan gawa ng marker. "Yabang," ingos nung si Xandra. "Ang mahal-mahal ng bag, iisang ballpen lang naman ang laman. Bulok pa nga." Nagtawanan sila sa sinabi nito. Gusto ko ring matawa pero baka bugahan ako ng apoy ng tinawag nilang Aro. "E kayo? Anong ganap?" baling nung driver noon sa amin. "Oy, parang familiar ka," pansin niya sa akin. "Hindi ba bf mo si Benjie?" tanong ni Xandra na sa mga kuko naman nakatingin. "Oo nga. Magkasama kayo noon tapos kinuwento ka niya sakin one time nang nag-cha-chat kami," segunda ng lalaking may red sa buhok. Mukhang nasa sasakyan din ito noon pero hindi ko nakita. "Hindi ko siya boyfriend," pagtatama ko na lang sa akala nila. "Ah, o-kay." Sa wakas ay tiningnan ako ni Xandra. "Pero sure naman na hindi si Asher ang boyfriend mo." I was taken aback by her question that sounded more as an statement. Nag-iwas ako ng tingin. "She's my sister-in-law," Asher announced. "They are not yet married but . . . yeah." Nalasahan ko ang disgusto niya sa sariling salita. Hindi ko alam kung ayaw ba niyang soulmate ako ng kapatid niya o masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-ano. Mukhang nagulat sila sa narinig. "She's Priam's?" asked the driver guy, eyes are widened. Tumango lang si Asher. Pawang hindi makapagsalita ang mga barkada niya. "Pero magkasama kayo," anang isa sa kanila na ngayon lang nagsalita. "Pinapasyal ko lang siya, she's not an ongoing person," Asher stated. "That's . . . that's . . . nice," Aro muttered. "But . . . uh." Bumaba ang tingin nito sa kamay naming magkahawak. I looked at them and they seem to be looking at our hands as well. Suddenly I felt the urge to remove my hand from Asher's grip but he tightened it. "Nga pala, Abo," lumapit si Xandra "Krisha is asking—" "I'll talk to her later," Asher cut her sentence. "Sige na, mauna na kami. Usap na lang tayo sa group chat." Hindi na siya naghintay pa ng sagot at hinila ako palayo sa kanila. Naramdaman ko ang tension doon kanina bago kami umalis, at hindi na ako magtataka kung damang-dama niya ang nanlalamig kong kamay. Why do I have this feeling that we are doing something forbidden? Yes, we are not soulmates but it's not as if we are going to marry despite knowing that we should not. Magkasama lang kami, at masaya kami. Is it really that bad to follow what we want for a while? "We're here," Asher informed me, his face seemed to be carrying a burden he is trying to forget but can't. Pinilit kong ngumiti at pinasigla ang atmospera. "Yey, matagal na nang huli akong kumain ng palabok. I'm craving!" I cheerfully said while pulling his hand as we enter. Humahapdi ang puso ko pero hindi ko ipinahalata dahil ayaw kong masira ang moment naming dalawa. Ang kaso, hindi ko yata kayang itago dahil malalaman pa rin namin ang nararamdaman ng isa't isa. He didn't say anything. But when we're on the line to give our order, I felt his hands wrapped around me from behind. Para kaming mag-jowa na naglalambingan. Little did they know, we are just sweet with each other but our relationship has no label. Instead, it's complicated. "You're in pain," bulong niya malapit sa aking tainga. Sabi ko na nga ba at malalaman niya. "And I am, too." As he mentioned, like a lightning strike, my head is already filled with the thought that Asher is in pain. It's frustrating! Alam namin ang nararamdaman ng isa't isa pero hindi kami ang nakatadhana. I have no idea why is this happening. "Asher, ang hirap," mahina kong tugon habang nakahawak sa braso niyang nakapalibot sa aking baywang. "I will do my best to fix this. Something is missing, Felicity. I promise, I'll do everything to know the reason of this conflict." He slightly kissed my shoulder. "Would you wait for me?" I didn't say anything. "Can you wait for me?" ulit niya. Mariin akong napapikit at dahan-dahang tumango. "Then don't let other guy get to you any closer. Not even Benjie." Napalabi ako habang pigil-pigil ang ngiti. Para siyang boyfriend na nagseselos sa wala. "Felicity?" Tumango ako, natatawa sa kakulitan niya. "Not even Benjie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD