Chapter 22

2679 Words
It's exact midnight. Eight hours have passed since I got home from hospital. Asher never left me a message, and never did I also sent. Alam ko, hindi lang ako ang nasasaktan at nahihirapan. Alam kong mas mabigat ang dinadala niya. Maliban sa tadhana, magulang niya mismo ang tumututol. Isa pa, halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ng ina, na hindi pala mag-soulmate ang mga ito. Is it the reason why we're cursed? If yes, then why are his parents still complain of our relationship? We already had enough. At aware silang kasalanan nila, bakit pa humahadlang? I don't think these thoughts would bring me to sleep, kaya bumangon ako at lumabas para pumunta sa kusina. Naglabas ako ng tasa para magtimpla ng gatas. They say that milk contributes to a better sleep. I'm in the midst of pouring a water on it when I heard slow footsteps approaching my hearing. Hindi ko agad iyon pinansin at tinapos ang pagbuhos ng mainit na tubig sa aking tasa. Nang umikot ako patungo sa daan pabalik ng kuwarto, halos mabitawan ko ang hawak ko sa sobrang gulat. Who wouldn't be?! In the middle of the night, a figure of a girl with long black hair is leaning on the wall, arms are crossed over her chest, and eyes on me. Buti na lang, nag-sink in agad sa akin ang maganda niyang mukha na parang kagigising na kontrabida. "Mukhang hindi ka makatulog," aniya sa boses na ramdam ko ang lungkot. "Nagising ba kita, tita?" It seems like we are both unable to sleep because of burden, pero hindi ko alam kung paanong sobra siyang apektado sa kung anumang nangyayari sa akin. Or maybe, she has another burden in her chest she can't share to anyone. "Hindi pa ako nakatulog." I knew it. "Gusto mo rin ba ng gatas? Ipagtitimpla kita." Umiling siya. "Binili ko lang iyan para sayo. Hindi ako mahilig." Tumalikod siya at naglakad na pabalik, sumunod naman ako dahil magkatabi lang ang kuwarto namin. I was about to enter my room when she took my attention. "Fe . . . " Hinarap ko siya. "Po?" Pinihit niya ang seradura ng pinto niya at bahagyang itinulak ito. "Ang kuwarto ko . . . gusto mo bang makita nang malapitan?" Something inside me stirred up upon hearing her question. Wala sa sariling napatango lang ako at sinundan siya papasok. I never had the chance to see her room closely. Kapag nadadaanan ko at saktong nakabukas ang pinto, iyon lang. As I entered, I roamed my eyes around. Hindi masyadong malaki ang kuwarto namin, kaya mabilis mapuno ng mga sulat ang pader namin. Sanay akong nakikita ang kuwarto kong punong-puno ng sulat, but what I saw almost took my breath away. "Oh my God." Tita Celia chuckled lowly—tawa na sobrang nostalgic pakinggan. Pinagmasdan ko lang siyang lumapit sa pader niya at haplusin ang mga pulang sulat, ang pader niyang mistulang naligo sa dugo dahil sa dami ng mga salita. Patong-patong ang mga ito, parang pinaglaruang pagsulatan ng maraming vandal students. Ang pinagkaibahan lang, matino naman ang mga sulat, pero sadyang sobrang dami na halos hindi na sila maintindihan. "Sese, wala sina mama ngayon. Puntahan kita?" "Exam niyo pala bukas. Good luck. I love you." "Di mo sinasagot tawag ko, Sese." "Happy graduation! Sorry, hindi ako nakapunta." "Sese? Sese? I miss you, Sese." "Pssttt" "Sese kooooooo" "Gusto na kitang makita." "May pupuntahan tayo bukas. Sunduin kita, ha?" "Oy, Sese? Labyu Sese." Kumalabog ang dibdib ko nang mabasa ang ilan sa mga ito. Why . . why am I . . . Ipinilig ko ang aking ulo, iwinawaksi ang boses ni Asher sa isip ko. Why am I hearing Asher's voice? Why?! "T-tita?" Kinuha ko ang atensiyon ni tita para sana tanungin kung bakit niya naisipang ipakita sa akin ito, pero nagulat ako nang pagharap niya ay namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Tita, bakit . . . " "Pasensiya ka na, Fe. Hindi ako kasing-tapang ng tita Celia na inaakala mo." "Tita." Walang lumabas sa bibig ko kun'di iyon lang. Hindi ko alam ang sasabihin. Habang mas tumatagal na nakakasama ko nang ganito si tita, mas nagiging misteryo siya sa akin. Umupo siya sa kanyang kama at binuksan ang cabinet ng lamesa na nasa tabi nito. "Pero may isang pangyayari sa buhay ko na kinailangan kong maging matapang, at nagawa ko nga." She took a picture frame from the opened cabinet and motioned me to sit next to her. Naglakad ako palapit pagkatapos kong ilapag muna ang gatas ko sa sahig, at nang makita ko ang hawak niyang litrato ay bahagya akong napataas ng kilay. Tita Celia smiling sweetly beside of an unfamiliar guy is weird. Hindi siya ganyan sa paningin ko. Hindi ako sanay. "Alam kong marami kang hindi alam tungkol sa akin, pero ito . . . " hinaplos niya ang litrato, "ay ang isa sa pinakamalaking parte ng aking pagkatao." Tiningnan niya ako at kita pa rin ang kinang ng luha sa kanyang mga mata. "Felicity, once upon a time, I have a husband." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni tita. Tama nga siya, marami akong hindi alam, pero hindi ko ito inaasahan! Akala ko, hindi na siya nag-asawa. Knowing that she was married is the most surprising information I've heard. Though matagal na akong nagtataka kung bakit hindi kami pareho ng apelyido. I took my surname from my mom, and they're siblings. No wonder. "His name is Ryan. We got married, but . . . " a sad smile crept on her lips, "after two months, he died." What? It's too quick. "Bakit po namatay?" "Cancer." Tumango-tango ako. I suddenly felt bad for tita. The death of loved ones are unbearable. The aftermath can emotionally kill, the grief is too much to bear. "So that's when you became brave, tita? Kinailangan mong maging matapang dahil sa pagkawala niya?" Tumawa siya nang mahina. "Oo naman. Siya na lang at ang mama mo ang meron ako n'on, tapos nawala pa siya. I really needed to be strong. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko." Ibinalik niya ang mata sa litrato. "Kinailangan kong maging matapang noong pinakasalan ko siya." Bahagyang tumabingi ang ulo ko para isipin ang maaaring dahilan. "Dahil ba may cancer na siya noon at alam mong hindi na siya magtatagal?" Muli na naman siyang tumawa, pero mas may laman ngayon. "Tama rin, pero hindi ulit iyon ang tinutukoy ko." "Eh?" I saw a smile on her lips, a smile that carries a lot of memories. "Your tito Ryan . . . is not my soul mate." Pakiramdam ko, tumigil ang pagpitik nang puso ko sa narinig ko. Of course, she's joking. Imposible iyan. Not my tita. She is not like that. She is not like me. "Tita, joker ka talaga," natatawa kong tugon, pero hindi siya umimik. Nanatili ang mga mata niya sa litrato at kita ko ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak niya rito. "Tita, bakit . . . ?" Sumikdo ang puso ko nang bigla siyang nagpunas ng luha dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng mga ito. Doon ko napagtanto na hindi nga siya nagbibiro. At pakiramdam ko, sobrang sakit ng kuwento at alaala sa likuran ng litratong ito. "I-ito ang dahilan kung bakit pilit kong kinalimutan ang lahat, at hindi nag-kuwento sa 'yo ng anumang tungkol sa akin kasi, masyadong mabigat." At narinig ko siyang humikbi. Sinusubukan niyang pigilan ang sarili habang tinatakpan ang bibig. It feels like her pain is ripping my heart as well. Napayakap ako sa kanya. "Tita, sorry. Hindi mo naman kailanga'ng i-kuwento pa. Naiintindihan ko." Natigil na siya sa paghikbi pero patuloy pa rin ang pagbasa ng luha sa kanyang pisngi. "Kaya hindi kita hinusgahan nang sinabi mong hindi mo soul mate si Asher pero nakita ko kayong naghahalikan, dahil ako mismo ay nagpakasal sa hindi para sa akin." Her words, they are hindering my breathing. They're too heavy to hear, too painful to think of. My aunt . . . what did really happen? "Hindi kami itinadhana, alam naming pareho iyon." Humina na ang boses niya at nakita kong unti-unti nang tumitigil ang kanina'y bumubuhos niyang mga luha. "But I risked everything." Pumiyok ulit ang boses niya at tiningala ang pader niya, pader na puno ng sulat ng lalaking dapat sana ay para sa kanya. "And I didn't regret choosing him." Ang tagal naming natahimik pareho. Basa na ang litrato ng luha, pero hinayaan lang namin iyong pareho. We let the minutes pass by, thinking of nothing but an expanse of unknown. We are both drowned in our own thoughts that we are unable to put anything into words. Mayamaya, hinarap niya ako. "Fe, pareho tayo ng sitwasyon. Parehong-pareho na para bang naulit lang ang kasaysayan. Pero hindi ko gustong pareho tayo ng pipiliin." Ngumiti siya pero kitang-kita ko ang pait at lungkot sa mga mata niya. "Gusto kong sundin mo ang tadhana. Pakiusap, gawin mo ang bagay na hindi ko nagawa." Nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa aking dibdib. "Tita, gusto mong tigilan ko na si Asher? Why can't I just be like you?" naluluha kong tanong. Unti-unti ay nakita ko siyang umiling. "Don't be like me, that's why I'm asking you to choose Asher. Fight for him. Sundin mo ang tama. Ang puso at isip mo, iisa ang sinasabi. Sundin mo iyon." Bigla akong naguluhan. "Pero tita, akala ko ba ayaw mong pareho tayo—" "Felicity, someday, you will understand what I truly mean. Sa ngayon, inumin mo na iyang gatas mo nang makatulog ka na. Huwag kang masyadong mag-alala, tutulungan kita." Tumayo siya at kinuha na ang tasa ko at inabot ito sa akin. Once again, she smiled sadly. "I turned blind for all these years. But now, I'm choosing you. I'm choosing your mom, and . . . I'm choosing him once again." * * * University Games has ended like it was just a passing dawn. Since that particular incident in the hospital, Asher and I never met anymore. I never got a message from him, and I never saw him attend the rest of the days of the Uni Games as well. And about what tita have said that time, I did not truly understand her. Mas lalo pa akong naguluhan, at mas lumalim pa ang misteryong nakikita ko sa kanya. But, after all, I'm just going to trust her. Tita ko siya at alam kong nagmamalasakit siya. Alam kong seryoso siya sa sinabi niyang tutulungan niya ako. Today is Monday, and we're back to school. And Asher . . . he's nowhere to be found. Miss ko na siya. Ang mga 'good morning' niya, mga pangungulit niya, mga nakakaasar niyang ngiti minsan, at mga panahong tumititig siya gamit ang seryoso niyang mga mata. I just miss him as he is. Even just his mere presence, the sound of his breath, or his melodic laughter. I see that my love for him grew even more. Unfortunately, I don't know where this love will take me. Nasaan kaya siya? Sumuko na ba siya sa aming dalawa? Pinagbawalan ba siyang lumabas ng bahay? Pinarusahan ba siya? Ang dami kong katanungan sa isip, mga katanungang hindi ko alam kung mayroon pa bang kasagutan. "Benj, bakit ayaw mo? Tayo naman talaga ang mag-soul mate, e! Bakit ayaw mo na sa akin? Are you betraying me?!" Napatago ako sa mga halaman nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Break time ngayon at mag-isa ako dahil may family gathering na pinuntahan si Kimmy kaya absent siya. Dito sana ako mag-me-meryenda sa hardin na ito sa silangang bahagi ng paaralan dahil hindi masyadong ma-tao, tapos ito bigla ang maaabutan ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Camilla? Who's betraying who? Hindi ba ikaw ang nagpakasal sa hindi mo soul mate bago pa tayo magkakilala?" "I told you, it was a mistake! Fixed marriage lang iyon!" "It's not, Camilla! Pinakasalan mo ang asawa mo dahil nagustuhan mo siya at masyado kang atat por que legal age ka na. Ngayon at nakilala mo ako, ayaw mo na sa kanya? At ano, hihiwalayan mo pa talaga kung kailan kasal na kayo! Shame, Camilla. Please." Oh my God. Kung ganoon, ito ang rason kung bakit sila nag-aaway noon n'ong lalaki. She likes Benjie! "But we're still soulmates! Hindi mo iyon mababago." "No, Camilla." Bejie's voice was serious, I suddenly felt chills. "The bond between us already wore off the moment you married someone else. Pasensiya na, may iba akong gusto. At kahit pa man wala, hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo." Lalo akong napayuko nang maramdamang dadaan sa kinaroroonan ko si Benjie. Nakita ko siyang naglakad sa gilid ko, at nang akala ko ay hindi ligtas na ako, bigla siyang humarap sa kinaroroonan ko. Nagtama ang mga mata namin at halos mabuwal ako sa gulat. I saw shock in his eyes, pero agad ding napalitan ng lungkot. Tumalikod siya at itinuloy ang pag-alis. Ilang minuto muna akong natulos sa kinaroroonan ko bago ko napagdesisyunang tumayo na. Sinilip ko si Camilla na nasa isang upuan at napansing umiiyak siya. Hindi ko alam kung anong dahilan at bigla ko siyang nilapitan. Isang matalim na tingin ang agad kong natanggap nang napansin niya akong nakatayo sa tabi niya. I ignored it. Hinalughog ko ang bag ko at inilabas ang panyo ko. Inabot ko ito sa kanya. "Hindi ko pa ginamit." Nagtaas-kilay siya kahit na luhaan. "So? Get lost, bitch." Umurong ang dila ko sa naging tugon niya. Ang talas ng dila, walang modo, mukhang walang nagpalaking magulang. Akmang ibabalik ko na sa bag ko ang panyo nang bigla niya itong hinablot mula sa akin at ipinunas ito sa kanyang mukha. "Ikaw siguro ang gusto ni Benjie," maanghang na sambit niya nang hindi tumitingin sa akin. "Si Asher ang gusto ko," diretsa kong wika. "Ang pangit mo, sa totoo lang," umiismid niyang saad. "Pero mukhang gusto ka rin ni Asher. Boyfriend mo na?" Dahan-dahan akong lumapit sa upuang medyo nakaharap sa kanya at umupo roon. "Hindi puwede, may soul mate siya. Ang kapatid niyang patay na ang soul mate ko." Muli na namang umikot ang mata niya. "Babaero naman pala." "Hindi niya gusto yung soul mate niya," depensa ko agad. "Puwede ba yun? Duh!" She crossed her arms and glanced at me. "E paano mo naman kasi nasabi na 'yung kapatid niya ang soul mate mo?" Umayos ako ng upo. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-kuwentuhan sa kanya tungkol dito. Hindi naman kami close, at ang sama ng ugali niya. Siguro, ganito na ako ka-desperada. "Yung mga sulat ko sa pader ko, sa kuwarto ng kapatid niya napupunta. So, hindi siya ang soul mate ko." Biglang nangunot ang noo niya sa narinig. "What? Paanong . . . " She tilted her head, and suddenly turned silent as if she's thinking something complicated. Mayamaya ay bigla siyang tumayo. "Naiihi ako." Muli niyang pinunasan ang mukha niya. After drying her face, she gave the handkerchief back. Pinigilan kong ipakita na hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. "Ah, binabalik mo?" I stupidly asked. "Bakit, dapat ba talagang labhan ko muna? Inuutusan mo ako?" mataray niyang singhal. Wala sa sariling napailing ako. "H-hindi naman." At kinuha ko na ang panyo. What an unbelievable vermin she is! Akmang aalis na siya nang bigla siyang tumigil at nilingon ako nang bahagya. "Saan ang bahay ninyo?" "Magkaharap lang ang bahay namin nina Benjie," I answered hesitantly. "Alam ko ang bahay nila. Weekend, susunduin kita sa bahay ninyo." "Ha?" gulat kong tugon. "Saan tayo pupunta? Bakit?" "Sa mansion namin," she arrogantly answered. "May gusto lang naman akong ipakita na baka makatulong sa iyo riyan sa soul mate soul mate na iyan. Kung ayaw mo, e 'di hindi. Kasingganda ko pa ba ang mamimilit sa pangit, duh." She started walking away, and though her words are vulgar, I couldn't help but to smile. "Camilla!" I called her out. She paused. "Sige, sunduin mo ako. Salamat." She did not reply. Nagpatuloy lang siya sa pag-alis, at muntik nang malaglag ang panga ko nang makita siyang nakatalikod habang nag-mi-middle finger sa akin. That girl!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD