Chapter 23

2480 Words
Showing me her middle finger, that's so impolite of her. But I didn't expect her to invite me in their house. She is still a stranger, pero tempting ang sinabi niya. If she truly can give me some information that I need, there's no reason for me to decline. After all, sa weekend pa naman iyon. As the classes continue, the atmosphere feels gloomy and empty. No Asher, no Kimmy, it's just me and my classmates that I did not yet properly acquainted with. Feeling ko, hanggang ngayon ay estranghero pa rin silang lahat sa akin. When lunch break comes, I headed to the cafeteria alone. It feels odd that Kimmy is not around, babbling about random things that even includes the cafeteria's famous kare-kare na lasang chesa naman daw na naihalo sa tae ng kalabaw. What the hell is that? Ni hindi pa nga niya natikman. As I went to the line, I noticed Benjie's group gathered at the table in the center. As expected from famous people, ang ingay ng mundo kapag nariyan sila. At mas maraming nag-aagawan ng upuan at siksikan sa cafeteria dahil nga narito ang mga campus idols. They are not even artists, though. Ganito rin naman ako noon kaya hindi ko sila masisisi. I admired Benjie from a far. It wasn't a bad experience, anyway. Actually, isa ito sa mga pinaka-nakakatuwang moment sa buhay ko. The line moved forward and I put my eyes back to the choices of food. I bought the exact dish that Kimmy has been bad-mouthing about, Kare-kare. Paborito ko ito kaso hindi ako bumibili dahil alam kong nandidiri si Kimmy. Ayaw ko namang sirain ang gana niya sa pagkain por que gusto ko 'to. Considerate din naman akong tao kahit papaano. When I got my order, nakipagsapalaran ako sa paghahanap ng mauupuan. Ang disadvantage lang naman kasi nitong cafeteria na ito, ayaw nilang ilabas namin ang pagkain, e hindi naman din kalawakan ang espasyo para sa lahat ng costumer. Malawak naman na, pero dahil sa populasyon ay nagkakasiksikan na kaming lahat na narito... maliban sa mga nasa gitnang lamesa kung saan madalas yung mga mayayaman at sikat ang umu-okupa. Ikinalat ko ang paningin ko at napansing may dalawang babaeng estudyante ang patapos na sa may gilid. Tumayo ako hindi masyadong malayo mula sa kanila para makaupo ako agad doon pagkaalis nila. May isa pa namang upuan, bale tatlong tao sana ang uupo rito, pero walang nangahas na tumabi. If my memory don't fail me, they are officers of Student Council. Grabe, para akong nasa Mang Inasal na naghihintay na may matapos sa isang lamesa at umalis. I did not wait too long. Nang natapos na sila ay dali-dali akong pumunta rito at inilapag ang tray ko. Pero hindi pa man ako nakakaupo ay may tatlo nang babaeng biglang lumitaw at inilapag ang mga tray nila sa lamesa. Malas. Mga bully pa naman. * * * During my vacant in the afternoon class, I decided to find a peaceful spot to read the new photocopies of our lessons for the proceeding days. Advantage kapag wala si Kimmy, hindi mauubos ang bakanteng oras sa kakadaldal. Naisipan kong pumunta sa hindi masyadong mataong lugar, ang Ceramic Engineering Building. Medyo malayo-layo ang distansiya nila sa Civil kaya medyo pinagpapawisan na ako nang makarating ako sa likuran ng gusali kung saan may munting hardin at mangilan-ilang mga puno. As I expected, no one's staying here. Minsan na rin kaming napadpad dito ni Kimmy nang stress kami sa kahahanap ng tahimik na lugar kaya alam kong walang pumupunta rito. I went straight to the nearest tree and settled myself under it. Mabuti na lang at makapal ang bermuda grass, hindi marurumihan ang suot kong uniporme. Medyo nakakatusok nga lang sa balat, hihi. As I sat down and rummaged in my bag to see for my photocopies. "Felicity." Napatuwid akong bigla kasabay ng panlalaki ng mata ko nang makarinig ako ng boses. I did not expect that someone is here except me. Not to mention, he called my name. And since I'm shocked, the owner of the voice didn't register in my head until he himself showed up in front of me. "K-kanina ka pa ba rito?" I awkwardly asked. Nang hindi siya sumagot ay napipilitan akong tumayo. "Mauuna na ako." "Wait, Fe, saglit." Hinawakan niya ako sa siko kung kaya't napatigil ako. "Sinundan kita. Sinundan kita rito." Hinarap ko siya pagkarinig sa sinabi niya. "May gusto ka bang sabihin?" I innocently asked. Pinilit ko ang sariling umaktong normal kahit na ang dami kong gustong itanong at isumbat sa kanya. "Kung wala, aalis na ako." "Patawad." My heart seemed to skip a beat upon hearing his sincere apology. "Wala kang kasalanan," I chose to answer. "Alam kong ayaw ni Asher na magkalapit tayo, pero puwede bang makahingi ng kaunting oras kahit ngayon lang? Gusto na kitang makausap. I . . . " He ran his fingers on his hair as he looked at me. "I miss you." Sumikdo ang puso ko sa narinig. Yes, Benjie is not the man I love, but he's still handsome in my eyes, and he's still the ultimate crush who made me crazy since the start of college. And a handsome and popular guy like him just said that he misses me. Huminga ako nang malalim at bumalik sa kinauupuan ko. Ipinasok ko ang photocopy sa bag ko at tiningala siya. "Upo ka na. Make sure na mas mahalaga ang pag-uusap nating ito kaysa sa mga lesson na babasahin ko sana." Sa wakas ay nakita ko ulit ang carefree na ngiti ng isang Benjie Verano, ang klase ng ngiti na magpapalaglag-panty sa mga babaeng may crush sa kanya, klase ng ngiti na magsasabing mabait siya at puwede mo siyang lapitan anytime. His smile is very different from Asher, I couldn't stop comparing them to each other. Because Asher seldom smiles, whenever he already do, you will just . . . fall in love. "Nasaan nga pala si Asher?" kapagkuwan ay tanong niya nang makaupo na sa harap ko. "Hindi ko alam. Ang totoo, ilang araw nang hindi ko siya nakita at wala rin akong natanggap na message mula sa kanya." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Pero noong Uni Games . . . , " "Magkasama kami. Pero sa mga sumunod na araw, hindi ko na siya nakita." "At wala kang ideya kung bakit?" "Ang totoo," I fidgeted in on my seat, "her mom found out about us." Benjie went silent for a couple of seconds. "I see," mahina niyang tugon. "Now that explains it. Baka may kinalaman siya sa hindi niyo pagkikita ni Asher nitong mga nakaraang araw." I bitterly chuckled. "Naisip ko rin iyan." Bumaba ang tingin ko sa mga daliri ko. "Alam kong ginusto ko ito, pero Benj . . . " pagak akong natawa, "bakit ang hirap? Ang hirap-hirap." Hindi siya sumagot, at hindi ko rin tiningnan ang reaksiyon niya. Siguro nga pinagtatawanan na niya ako sa loob-loob niya dahil kina-karma na ako sa pan-re-reject ko sa kanya. I chose Asher over him, and this is what I get. "As what you've heard this morning, Camilla was my soul mate." Hindi ko na napigilang mag-angat ng tingin sa kanya nang bigla niyang binago ang usapan. "Sorry, I did not intend to eavesdrop," hingi ko ng paumanhin. "I didn't mind it," he said. "Sa lahat ng dapat humingi ng tawad, ako iyon. I lied to you two times, and as a way of repentance, I'll tell you something I'm sure you never knew." I felt both fear and excitement. "Tell me." Pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay at tumitig aa kawalan. "Nagpa-repaint ako ng pader, hindi dahil gusto ko lang, kun'di dahil naiinis ako sa tatlong salitang nakasulat doon. It says, 'Ikakasal na ako'." I cringed from my seat. "Three-word-sad-story. That sucks," komento ko. Natawa na lang din siya at nagpatuloy. "You see, basagulera si Camilla, pero ayon sa mga kuwento, sobrang bait na siya ngayon kumpara noon, which is hindi halata. May nagawa siyang kasalanan at na-expell. Originally ay sa Vilican siya. She stopped for a year, and started as first year here at Geneva University. So, mas nauna siya satin ng isa taon. But before we can even meet here, ikinasal na sila. Seventeen pa ako n'on." Napahawak si Benjie sa mukha. "Hindi ako makapaniwala. Grabe, hindi ako yung tipong nag-e-enjoy sa iba't ibang babae, okay na sa akin na may soul mate ako. Kung hindi lang sana na-break ang bond namin, hindi ako manliligaw sa 'yo. Kasi, Fe, kontento ako sa kanya." I nodded my head and reached for his hand as sympathy. Ngayon ko lang talaga marinig ang saloobin at iniisip ni Benjie. He's not as shallow as I thought he is. "Nakakainis siya, pero ayaw kong hiwalayan niya ang asawa niya dahil lang gusto niya ako. Hindi ako ganoon kababaw na tao. At ngayong mas nakilala ko siya, turned off na ako bago pa man ako ma-turn on. Seriously, you can't just break up with a person just because you already like someone else. Kahit pa ako yung gusto niya, wala akong tiwala. Uulit lang yun." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. "You're pretty pessimistic. Pinagsasarhan mo na agad ng pinto ang mga taong nakagawa ng mali na para bang wala na silang kalayaan pang magbago." Kumibot ang labi ko at napatango na lang sa huli. "Pero naiintindihan kita." "Salamat," ngiti niya at tiningala ang langit. "Sana may dumating na babaeng puwedeng para sa akin." Malungkot kong tinitigan ang guwapo niyang mukha. Benjie is a good guy. It's not that we don't deserve each other. May mga tao lang na mas lamang sa puso namin, sa puso ko. "Now, let's get serious." Umayos siya ng upo at tiningnan ako nang diretso sa mata. "Have you ever wondered kung kasal na ba o walang balak magpakita ang soul mate mo?" Tumango ako bilang sagot. "It frustrated me, really. Like, paano na? Paano ko malalaman? Baka naghihintay ako sa wala? At ayun nga, patay na pala, di ko man lang nalalaman. Kung di ko nakilala si Asher, habambuhay na akong mangangapa sa kung ano ba talaga." Mariing nagdikit ang mga labi niya. Akala ko ay nagpipigil lang siya ng tawa, pero hindi ko iyon makita sa mga mata niya. He looks serious to the extent that it's making me nervous. "Fe, that's exactly what I want to tell. Kapag ikinasal na ang isa sa inyo, you can't interact with each other through the wall, not anymore. Kunwari, matagal na kaming nag-uusap ni Camilla sa pader. Nang nag-asawa siya, lahat ng laman ng pader niya na pinag-usapan namin, mawawala. Ngayon at kasal na siya sa iba, hindi na kami makakapag-usap sa pader. Kapag susubukan niya akong kausapin, mawawala. Unless, gagamit siya ng ibang kulay ng tinta at hindi itim. Pero siyempre, hindi ko na iyon matatanggap dahil itim nga lamang ang dapat nating gamitin. Sa parte ko naman, mananatili ang mga pinag-usapan namin, pero hindi na iyon madudugtungan pa. Kapag magsusulat ako, mawawala rin. To make it simple, if the bond is already broken, the soul mates can no longer interact with each other through the wall. To the one who betrayed, his or her wall will be cleared, emptied. And to the one who were betrayed on, the writings still remain, but also can no longer write a message for the soul mate." "Ganoon pala? Ngayon ko lang iyan nalaman," gulat kong reaksiyon sa mahaba niyang litanya. My aunt is not fond of talking about this stuff, and we don't actually talk with each other too much. Napaka-limited pala talaga ang alam ko tungkol dito. "Yes, ganoon ang nangyayari. The world is too cruel naman kung sakaling wala man lang tayong palatandaan na wala na pala tayong mahihintay, ano?" "Tama ka." Tumango ako. "So, iyan pala ang gusto mong i-share sa akin. Not bad." "And, Felicity . . . " His voice suddenly became wary as he squeezed my hand. Parang nagbago bigla ang atmospera at may kung anong bumabagabag sa kanya. "That's why I was confused when you told me that you were able to write in your wall, not to mention, may sagot ka pang natanggap. Inisip ko siyang mabuti, at pinili kong huwag sabihin sa 'yo ang iniisip ko. Niligawan pa nga kita at pinagsabihan ng kung anu-ano tungkol sa soul mate soul mate na iyan, dahil ayaw kong mapunta ka sa kanya." My forehead creases from his statement. "Wait, ang gulo? Why were you confused? Hindi naman ikinasal sa iba si Priam. Isa pa, bakit parang natakot kang bigla na mapunta ako sa kanya, e patay na nga? I don't understand." Hindi siya agad sumagot. Nanatili ang mga mata niya sa mukha ko na para bang ito na ang huling pagkakataong matitigan niya ako nang ganito. "Fe, this is my repentance. The truth is my repentance." Narinig kong humugot siya ng malalim na hingi. "The truth, Felicity, the thing that I explained earlier, doesn't only apply to the married soulmates, but also to those who already have no plan in meeting you. Kapag kunwari, bading o bakla o di kaya'y hindi interesadong makipag-meet ang soul mate mo sa iyo, nangyayari din iyong hindi ka na makapagsulat pa sa pader mo. What for? Hindi naman na magiging kayo talaga." Bahagyang tumabingi ang ulo ko at mas lumalim ang kunot sa noo ko. "And what's the connection?" "Fe," he moved from his seat as if he felt uneasy, "the thing is, it . . . it also happens, not only when the soul mate is married or have no intention on showing up, but also . . .when it's dead." Para akong tinakasan ng kulay sa panghuling sinabi ni Benjie. "What?! Then why . . . ?" Slowly, Benjie nodded his head. "Yes, Felicity. Your soul mate is alive. Kaya kita inilalayo noon kay Asher kasi nagseselos ako, at gusto ko akin ka. Because I really think that he really is your soul mate. Asher is your soul mate." Nabitawan ko ang kamay niya dahil pakiramdam ko ay tinamaan ng kidlat ang buo kong katawan sa matinding emosyong lumukob sa akin. Napahawak ako sa aking sentido dahil sumasakit ito sa mga impormasyong nalalaman ko. I should be happy. Of course, I am happy. But why do I feel like something is wrong from the very beginning? "Felicity, one last knowledge you have to know." "M-mayroon pa?" Nanginig bigla ang boses ko. His jaw hardened as his eyes drowned in a total confusion. "The moment na isinilang ka, alam na agad ng magulang mo ang pangalan ng magiging soul mate mo." Hindi ko pa man tuluyang na-a-absorb ang sinabi niya nang muli niya iyong dinugtungan. "Kaya bakit at paanong naging si Priam ang soul mate mo at hindi si Asher? From the start, are these, perhaps . . . Asher's parents fault?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD