Chapter 21

2313 Words
Agad kong naramdaman ang hawak ni tita sa aking braso. "Magpaalam ka na sa classmate mo," aniya sa boses na maririnig naming tatlo. Hindi ako makapag-react agad dahil sa gulat, kaya si Asher na ang nagsalita. "Paalis na rin kami po kami pero may dadaanan lang saglit sa parmasya." Tiningnan niya ako. "Kitakits bukas." Nanatili akong kaswal at tinanguan na lang siya. But as we are about to go forth, Asher's mother, Divina, took a step to slightly block our way. Napatigil kami ni tita, at nang makita ang mukha nito ay nakita ko ang saglit na disgusto sa kanyang mukha, reaksiyong agad ding naglaho nang magtama ang aming paningin. She smiled at us, particularly at me, sweetly. "Are you Asher's girlfriend?" Bigla na lang nitong tanong. Nagkatinginan kami ni Asher at halatang clueless din siya sa sinasabi ng ina. Hindi pa ako nakakasagot ay agad na siyang lumapit at hinawakan ako sa magkabilang kamay. "Oh, my sweety. Matagal ko nang gustong magka-girlfriend ang anak ko. Seeing how you treat each other, mukhang dumating na rin ang matagal ko nang hinihintay," she said with a hope in her voice. "Kailan pa?" Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Muli ay napatingin ako kay Asher, at saka ako bumang kay tita, bago ibinalik ulit dito. "Hindi po kami . . . " I don't know what to say. "Mommy, what are you doing?" Sa wakas ay nagsalita na si Asher. "Let go of her hand." I shuddered by the coldness of his voice. Pati ang ginang ay nabigla, pero agad ding ngumiti ulit-halatang pilit. "I'm just happy to see that you are close to a beautiful girl like her. Kaya nga gusto kong malaman kung kayo na ba, because if I am to decide, why not?" Pinigilan ko ang pagkabigla ko. Mabilis kong tiningnan ang reaksiyon ni tita Celia at nakitaan ko ng confusion ang mukha niya. Sino ang hindi mabibigla? This is not what we expected. I mean, Asher has a soul mate. Is she not supposed to be strict, especially that she's the mother? "I'm sorry, am I talking nonsense?" She awkwardly smiled as she slowly let go of my hands. "Are you classmates, then?" "Opo," maikli kong tugon. "What is your name?" "Felicity po. Felicity Reyes." Suddenly, her expression changed. Her face that was masked with a fake smile was taken over with horror. Malinaw pa sa araw ang gulat sa mga mata niya, gaano man niya kagustong itago ito. And in the very moment I saw in her the same expression in my aunt's face when she confirmed Asher's name, a total menace locked my heart. Why . . . why do they have the same reaction? "Ma'am? Are you . . . are you okay?" tanong ko nang parang lalo pang lumalim ang pagtitig niya sa akin. She nodded. Parang wala sa sarili siyang bumaling kay tita. "Are you the mother?" Kaswal na umiling si tita bilang tugon. The coldness in her eyes sent chills to my bones. There is something in there that I don't know, and something that I should find out. "Hindi ko siya anak. Why? Do you wish to talk to her?" Nanlalaki ang mga mata kong humarap sa kanya. "Tita . . . " "Oh," Asher's mom reacted. Halatang hindi nito iyon inaasahan, pero mukhang pabor ito rito dahil bigla itong ngumiti. "I'd love to." "Then I'll go ahead." "Tita," sambit kong muli. Why did she suddenly think of handing me over to Mrs. Divina? Akala ko ba iiwas kami? Ano ang pina-plano niya? Naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko bago bumitaw. "Mauna na ako sa bahay." Saglit niyang tinapunan ng tingin si Asher na nasa likod ko at sa ina nitong nasa gilid. "Return home safely," aniya sa madiing paraan na para bang binabalaan niya ang sinumang maglalagay sa akin sa kapahamakan. Hindi na siya nag-abalang magbitaw pa ng salita maliban doon. Walang-lingon na tumulak siya paalis, iniwan akong walang ideya kung ano ang gagawin o sasabihin. This is unexpected. Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumaling sa akin ang nanay ni Asher. Wala na ang palakaibigang ngiti sa mukha niya. It was just a show off. "Well, then," nagkibit-balikat siya at tiningnan ang anak, "Asher, go and take the medicine. Felicity and I will go to the coffee shop in front of the hospital." Naramdaman ko agad ang braso ni Asher sa balikat ko na para bang ayaw niya akong sumama. "No one's going without me," he said with finality. Kapansin-pansin ang pandidilim ng mata ng ginang, lalo na nang dumaan ang mata nito sa braso ni Asher na nakapalibot sa balikat ko. "Mukhang mas malalim pa ang relasyon ninyo kaysa sa inaasahan ko," aniya sa pormal na tono, hindi mawari kung galit o hindi. "Huwag kang mag-alala, hindi ko siya gagalawin. Puwede ka namang sumunod na, tutal ay hindi naman nagkakasiksikan sa parmasya." Tumalikod ito at nagsimula nang maglakad. Natulos lang ako sa kinatatayuan habang ang braso ni Asher ay hindi pa ako pinapakawalan. Lumingon si Mrs. Divina nang mapansing hindi ako nakasunod. "Felicity, let's go." "I said no." May kilabot sa boses ni Asher nang sabihin niya iyon. Napalunok ako sa lakas ng tension. "Huwag kang mapilit, mommy. Sa lahat ng gawain ninyong hinayaan ko, ito ang hindi ko mapapahintulutan." Nanlamig ang buo kong katawan sa paraan ng pakikipag-usap niya sa ina, para bang kumakapit sa akin ang lamig na dala ng klase ng boses niyang ngayon ko lang marinig. His mom laughed sarcastically, annoyance is evident in her face. "I have an important thing to say to your sweety. It is even more important than your life, so let go." Nakuyom ko ang kamao ko sa walang-halong amor na pahayag niya. Parang hindi niya anak ang kausap, parang hindi sila mag-ina. I wonder what kind of chaos do they have in their relationship. Naalala ko ang malamig at galit sa mga mata ni Asher nang minsang nabanggit ang mga magulang niya. I think, their relationship is even worse than I can ever imagine. I heard Asher chuckled. "Almost everything to you is more important than my life, mother, so I don't really trust that statement anymore." Galit nang naglakad pabalik ang ginang. "Listen to your mother, you rascal!" nanggagalaiting saad niya. Binitawan ako ni Asher at bahagyang inilapit ang mukha sa ina. "Watch your language in front of my girl, mother. And what is it that you want to tell her, anyway?" "Hah, you sure you want me to tell her now? Here?" Asher shrugged his shoulders. "Go on." Nanliit ang mga mata ni Mrs. Divina. "Then pretend you're not here. I will only talk to her." Bumaling ito sa akin, at sa segundong nagtama ang aming mga mata ay nakaramdam ako ng takot at babala. There's something in the atmosphere that tells me to go away, but I am frozen on my feet. She crossed her arms on her chest and looked at me. "I assume this isn't your first time to hear this, and I am not the first one to tell you, perhaps you yourself have been telling it to yourself as well, so I will just get it straight. You and my son are not soul mates, so you should not have any relationship further than a friendship." Dumaan ang kirot sa dibdib ko. Of course, what should I expect? Masyado na akong tanga para paniwalaang natutuwa siya sa akin. "If that's what you're going to say, we bette—" "Shut your mouth, Asher," nagngingitngit ang mga ngipin niyang asik sa anak. "You're not a part of this conversation." Bumaling itong muli sa akin. "Do not forget, Felicity. Your soul mate, my older son, is dead. Huwag kang gahaman. Hindi por que kapatid niya ay titirahin mo na rin. No, have some dignity, please." Napakapit ako sa braso ni Asher nang pakiramdam ko ay nanghina bigla ang mga tuhod ko. Her words, they are like a double-bladed sword ripping my insides, twisting my flesh. She is too harsh, harsher than Asher when I first met him. By the way, how did she know who my soul mate is? "Mom, you're already disrespecting her! I won't let y—" "Asher . . . " mahina kong banggit sa pangalan niya. Bumaling sa akin ang nag-aapoy sa galit niyang mga mata. Simple lang akong umilimg, senyales na ayos lang ako, na huwag na lang niyang sagutin ang ina. Hinarap ko si Mrs. Divina at ginawaran ng pormal na ngiti. "Ma'am, I understand what you're trying to do, I can see your good intention. Nagmamalasakit ka lang para kay Asher at sa magiging anak niya, at natutuwa ako roon. Gusto ko ring may magmalasakit na ina sa akin, pero wala ako n'on. Pero, Ma'am, sa tingin ko ay may nakakalimutan kayo." "Nakakalimutan?" she asked with an arched brows. "Habang iniisip ninyo ang mga magiging apo ninyo, nakakalimutan n'yo ang mas mahalaga—ang anak niyo mismo." "And how can you say that? I'm doing this for him and for his family." "Pero hindi po siya masaya." I glanced at Asher. "Ask him who his happiness is, and he will immediately say it's me." Umismid ito. "Happiness is not important. This is for his future family's safety!" "Aren't we living to be happy? Ma'am, siguro hindi ka masaya. Pero hindi nga ba, kung puwede lang, gusto mong maging masaya sa buhay mo? We also want it. Asher loves me, not his soul mate. Sa akin siya masaya, though nakapagtataka kung bakit at paano samantalang hindi naman kami ang itinakda. Pero hindi na iyon mahalaga. We love each other, that's it." Her lips were pressed together, seemingly suppressing herself to yell at me. I saw a clear frustration and a total wrath in her eyes. "You say that because you're young! Wala kayong alam sa totoong buhay. Happiness? Love? Hah!" Tumawa siya nang mapakla, puno ng galit ang mga mata. "Yes, I wanted to be happy! So, I married Asher's father because he's my happiness, and I love him." Nagulat ako nang nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. "Mommy—" "You two, listen!" she thundered. "You see this?" Inangat niya ang kamay niyang nabendahan. "I got this from the accident this morning. Naglasing ako at nagwala dahil sa away namin ni Diego. At hindi iyon ang una. Araw-araw, gabi-gabi, kung anu-ano lang ang pinagsasagutan namin. Now tell me," she bitterly looked at us, "where's the happiness I've been wishing for? Where's the love? Nasaan ang mga pinaglalaban ninyong pagmamahal at kasiyahan? Nasaan?!" "M-Ma'am . . . " Natutop ko na lang ang bibig ko sa tindi ng aking nararamdaman. Hindi ko alam, hindi naman kami iisa. Magkaiba kami, pero bakit natatakot ako? Bakit ako nasasaktan nang ganito? "And you know the reason why?" Her face because expressionless, and the anger in her eyes was replaced by pain. "Because Diego is not my soul mate. I married someone who is not for me. And I'm saying this, not just to warn you about the danger of prioritizing love and happiness over anything, but to also tell you that I will never ever let you two to be together." That was her last words before she turned and walked away. * * * Point of View of Celia Montano What I did is quite uncalled, and I know that Felicity did not expect it at all. Wala rin naman akong balak na gawin iyon, pero kung patuloy silang iiwas, baka hindi ito matatapos. Sana nga lang, mapatunayan na ang dapat mapatunayan. Medyo naiinip na akong maghintay ng susunod na mangyayari, dahil anuman ito ay may nakahanda na akong hakbang. Hinaplos ko ang mga letra't salita na nakasulat sa pader ng pamangkin ko. She may think that I do not know a lot about her, but this wall revealed a half of who she is. Little did she know, I'm constantly checking her room whenever she's around. I check her things without her knowledge. Alam kong may privacy siya, pero bilang tumatayong nanay, kailangan kong maging aware sa kanya kahit na hindi kami masyadong nagsasama. And these walls, it shows how much good and alive she is as a person. And she reminds me of someone in the past. Alam kong sa kaloob-looban, malungkot si Felicity. She never really felt the meaning of her name, she never had the felicity I've been wishing to give her. Mukhang nagmana siya sa akin. Hindi kami masaya, yun ay kung iba-base namin ang lahat sa kung gaano kalungkot ang kinahinatnan ng buhay namin. Pero ang totoong kasiyahan, hindi iyan kusang dumarating, kun'di pinipili. Happiness is not something we can ask, but something we should choose. Tumalikod ako at lumabas sa kuwarto niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagsara ng kanyang pinto nang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng sala at pumasok ang kanina ko pa hinihintay. Nagtama ang aming paningin, at ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata ang nagbigay kasagutan sa katanungang nasa aking isip. "Felicity . . . " Hindi siya umimik. Nilapitan ko siya at niyakap, at doon ay tuluyan na niyang pinakawalan ang sakit na pilit niyang kinikimkim. Hinaplos ko siya sa likod. Ang tunog ng iyak niya, ay kagaya ng pag-iyak ko noong mga panahong ako rin ang nasa kalagayan niya. Pero hindi ko hahayaang matulad siya sa akin. Ang bagay na hindi ko nagawa, ay siyang itutulak kong gawin niya. "Patawad, pero hindi ako nagsisising pinakausap kita sa kanya. Ngayon alam mo na ang totoo niyang intensiyon, at hindi iyon pagkakamali. Hindi kita naalagaan nang maayos, pero sinasabi ko sayo, magtiwala ka sa akin." Sinisiguro kong hindi mapupunta sa wala ang mga luha mo, aking pamangkin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya habang pilit nilalabanan ang sarili na madala sa pag-iyak. Humanda kayo. Darating ang araw, kayo naman. Kayo naman ang iiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD