Chapter 24

2972 Words
My heart seemed to burst out. The beating won't calm down, and my breathing is literally unstable. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sa sobrang tuwa, natakot ako. What Benjie told me bothers me that I don't already know what to exactly feel. But, after all, he's not lying again, is he? Should I believe him? Dalawang beses nang hindi siya nagsabi ng totoo. Yet this time, wala akong makitang dahilan para magsinungaling siya ulit. Dahil paniwalaan ko man o hindi ang impormasyong binanggit niya, wala siyang mapapala. Pero dahil sadyang mahirap paniwalaan at sobrang nakakabigla, parang nagdududa ako. There's only one way to find out. I have to talk to tita. Magkasalungat na magkasalungat ang sinabi ni Benjie sa nangyari kay tita. Her room is still filled with red inks, when in fact, she married another man. Akala ko ba, mawawala lahat ng laman na sulat sa pader ng sinumang lumabag? I didn't know how was I able to get home. Para akong lumulutang. My mind seemed to be filled with smoke, and I cannot think straight. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako sa mahabang upuan dahil kanina pa nanginginig ang mga paa ko. I stayed sitting for like an eternity, until my mind slowly absorbed what I truly have heard. To make it all short, my soul mate is alive. Hindi, kailangan ko munang kumpirmahin. Una, kausapin ko si tita tungkol sa pader niya. I looked at the clock hung on the wall, its hands are pointing to 5:30. Thirty minutes more and my aunt will be home. Again, I looked at my phone. I couldn't stop myself from texting Asher anymore. I sent him a message, asking how he is. Just a single day him seemed so dull, like I can see nothing but a shade of gray. Ngayon ko lang mas na-realize kung gaano ako nahulog sa kanya nang mas malalim pa kaysa sa inaakala ko. It feels so blue without him around. Nasaan ka na ba, englisherong abo? Inilapag ko ang phone ko sa upuan at napatitig sa nakasarang pintuan ng kuwarto ni tita. Something is pushing me to go and check it, and so I did. Hindi ko sigurado kung ni-lo-lock niya ba ito. I never tried entering without her permission, and never did I plan in doing so. Ngayon pa lang. Nang pinihit ko ang seradura, hindi na ako nagulat na bukas ito. Kahit ako ay hindi rin naman nag-lo-lock ng pinto sa kuwarto. Nang makapasok ako ay agad kong binuhay ang ilaw. Gaya ng dati, pader na halos nabalot na ng pulang tinta ang bumungad sa akin. Nilapitan ko ito at pinasadahan ang mga letra. Why? Why did they not disappear? If what Benjie told me is right, then aunt's wall must have been cleared. What should I do? I have to find out something! Dali-dali akong lumabas at pumasok sa kuwarto ko nang may naisip akong ideya. I took my black marker from my bedside table and returned. Umabot pa sa minuto hanggang sa makakita ako ng espasyo na puwede kong pagsulatan. Lumapit ako rito. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang pinag-iisipan ang gagawin ko. Sana nga tama si Benjie. Sana nga tama siya. Nanginginig ang mga kamay kong inilapit ang marker sa pader. I was about to write something when I heard my aunt's voice from behind. Sa gulat ko ay aksidenteng nasulatan ko ang pader at naglikha ito ng kaunting guhit. "Fe, bakit ka nasa kuwarto ko?" Napaharap ako agad, hindi alam ang isasagot. I trespassed my aunt's room to find out something instead of just asking her directly. Anumang excuse ang sabihin ko, lalabas pa rin akong bastos. And knowing my tita, she only accepts the truth. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak ng marker, bago ito napunta sa pader na nasa likuran kong banda. As if a cue, I remembered that I accidentally made a stroke on it. I turned around to see it, and to my surprise . . . I didn't find any. It disappeared. Malakas ang tahip ng aking dibdib na humarap kay tita na ngayo'y parang wala sa sariling nakatitig lang sa pader. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na siya kailanga'ng sagutin, mukhang alam naman na niya. Ang dapat kong gawin ay lumabas na, pero kinapalan ko ang mukha ko at hindi gumalaw sa kinaroroonan ko. Alam ko, tita has a lot of explaining to do. It's not her obligation to tell me everything, and I have no right to demand it from her. Sadyang hindi ko na kayang ipikit ang mga mata ko at piliin na namang maghintay sa rebelasyong walang kasiguruhan kung kailan darating, o kung darating pa ba. "Dapat daw, wala na itong laman," mahina kong wika, patagilid na nakatingin sa pader. "Pero mukhang hindi nagtutugma ang nalaman ko sa kung ano ang totoo." Hindi nagsalita si tita. Mayamaya, naglakad siya palapit sa upuang nasa tabi ng kama at inilapag ang mga gamit niya. "Itim ang ginagamit na tinta para makausap ang soul mate. Pero kapag kinasal ka sa iba, lahat ng isusulat mo sa pader, mawawala. Pero . . . hindi mawawala ang sulat hangga't hindi itim." Nagtataka akong napatingin sa kanya. She removed her coat. "Oo, lahat ng narito, mga hindi-mabilang na pulang sulat, lahat sulat ko." Gulat kong ikinalat ang paningin ko sa loob ng kuwarto niya. Lahat ng ito . . . isinulat niya?! Pero bakit? Everything here is in the point of view of her soulmate! Is it just an imaginary one? "Tita, gusto kong malaman ang lahat," may pagmamakaawa sa boses ko. Walang anumang tinanggal niya ang mga damit niya at tahimik na nagpalit ng suot, hindi alintana ang presensiya ko. Mayamaya, humarap siya. "Hindi mo naman kailanga'ng malaman ang lahat. Ang nalaman mong kaalaman, totoo iyon. Anumang narito sa pader ko ay walang kinalaman doon, at wala ring kinalaman sa 'yo." Humalukipkip siya. "At base sa kaalamang iyan, na hindi mo na makakausap pa sa pader ang soul mate mo kapag kasal o wala na ito, mukhang alam mo na nga ang totoo." Nag-init ang sulok ng mga mata ko, at bago ko pa man mapigilan ay napasalampak ako sa sahig at tahimik na napaiyak. My hand went on my chest and hardly gripped my shirt as I couldn't stop sobbing. "K-kung gan'on . . . siya nga talaga." Napatakip ako sa bibig ko, nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbuhos. "Si Asher nga." With my blurry eyes, I saw tita's feet getting closer. Nang naramdaman ko ang kamay niyang tumatapik sa likod ko ay lalong lumakas ang iyak ko, mas naging mabigat at masakit. "But, tita, why?" I asked in between my sobs. "Why am I not as happy as what I'm supposed to be? W-why?" She hugged me tightly and I cried inside her embrace. "Why is it so hard?" Why is it so hard? Why can't we be together when we're meant to be? Is love supposed to be this difficult? And above all, where the hell is he? Where is my Asher Sullivan? "Fe, alam ko ang nararamdaman mo." Pumiyok ang boses ni tita, pakiramdam ko ay nagpipigil lang siya upang huwag maiyak, upang patatagin ang loob ko dahil walang maidudulot ang pagiging mahina. "Hindi ko lang ito basta naiintindihan. Alam ko mismo." Seconds passed, and even without looking, I know that tita is already crying as I felt her tears slowly wetting my shoulder. Why do I feel like we are sharing the same pain, the same experience? Tita . . . what did truly happen to you? "Basta huwag mong kalilimutan ang sinabi ko, Fe. Gagawin ko ang lahat para sumaya ka. Remember what I said? Pinipili kita, ang mama mo," hinaplos niya ang gilid ng ulo ko, "at siya. Pipiliin ko kayo . . . nang paulit-ulit." Now that I noticed, sinong 'siya' ang tinutukoy niya? * * * Weekend came and there is no sign of Asher being around. I also didn't expect that Camilla would keep her promise. Hindi ko inakalang masusubukan kong sumakay sa loob ng kotse ng isang malditang mayaman at pinakasikat na cheerleader ng Geneva University. "Bakit di ka umiimik?" kapagkuwan ay tanong niya sa masungit na paraan. "First time mo bang sumakay sa kotse?" Nangasim ang mukha ko sa sinabi niya. Ang harsh naman po. Paano ba ako makakapaghiganti sa kanya kahit kaunti lang? Ah, alam ko na. "Ikatlong kotse na itong nasakyan ko. Ang ikalawa ay yung kotse ni Asher." Nagtaas-kilay siya. "Ang una?" "Kay Benjie." Gusto kong palakpakan ang sarili ko nang makitang nalukot ang mukha niya sa narinig. Serves you right. Hindi masyadong nagtagal ay nasa harapan na kami ng isang mansion na may mataas na gate. I expected her family to be rich but not to this extent. Grabe, baka kasinglaki lang ng banyo nila ang buong bahay namin. Isang katulong ang nagbukas ng gate. She drived through the parking lot as we entered. "Feel at home. Mag-ingat din sa madulas na sahig, hindi ka pa naman sanay sa tiled floor," pagbibigay-alam niya pagpasok namin sa bahay nilang may mataas na double-door na gawa sa mamahaling kahoy. Ang gaspang talaga ng dila nito, buti na lang mahaba ang pasensiya ko. I looked around the house. It is so grand, mukhang mas mahalaga pa sa buhay ko ang mga gamit dito. Taliwas sa hitsura ng labas ng mansion, the interior looks archaic. The decorations look like antiques. Minsan na rin akong nakapunta sa exhibit ng mga antigong dekorasyon at kagamitan. They really are historically beautiful. The ambience gives off the atmosphere of a museum, or an abandoned inn that was recently renovated. The insides are made up of brown shades-walnut and gingerbread. Eerie, yet warm. Cozy yet strange. "Wala kang kasama maliban sa mga katulong ninyo?" naisipan kong itanong. Parang napaka-tahimik kasi masyado, halos nag-e-echo pa ang mga yabag namin at dinig na dinig ito. Namaywang siya at bahagya akong nilingon. "Wala ka sana rito kung meron. I can't even invite my friends here. Anyway, let's get to the main purpose why I took you here." Tumingala siya kung kaya't napasunod din ang tingin ko sa itaas kung saan mararating lang gamit ang paikot-ikot na engrandeng hagdanan. "Follow me." Sumunod lang ako sa kanya at nalamang may elevator pala sila. Astig. "Sigurado akong hindi mo pa alam 'to. Bakit mukhang ang konti ng alam mo tungkol sa mga bagay-bagay ukol sa soul mate? Wala ka bang mapagtatanungan man lang?" Nagkibit-balikat ako. "Si tita lang naman ang kasama ko, at hindi pa kami masyadong nag-uusap." "Ah." Tumango-tango siya. "Kawawa ka naman." Pagbukas ng elevator ay agad kaming lumabas at nakasunod lang ako sa kanya nang dumiretso siya sa pinakamalapit na kuwarto mula sa elevator. Tumayo siya sa harapan ng pintuan nito. "This is my brother's. Nag-tour sila ng fiancé niya sa Korea kaya wala sila. At iyon naman," itinuro niya ang katabing kuwarto kung saan ilang hakbang pa mula rito, "ay sa kapatid naming babae, ang panganay. She's a stewardess, halos isang taon ko nang hindi nakikita." "Grabe, sobrang occupied ang pamilya mo. I bet your parents are at work." She sniffed, annoyance is evident in her face. "Workaholic people, that's why we are this rich. Pero tingnan mo ang paligid." Nakahalukipkip niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. "What are their efforts for? Nag-ta-trabaho lang ba sila para mapagod at ma-stress? Kasi maliban sa pera, walang naidudulot ang pagiging busy nila sa buhay. I don't think they are happy, though." Natahimik ako pagkarinig ng sinabi niya. At first, I just saw Camilla as a spoiled bratt kid who never cared about others but herself. Isang anak na laging kinukunsinti. Now, I see the reality. It seems like no one was really there to teach her manners, or maybe, it's her kind of rebellion. Camilla is not happy. Lalo kong napatunayan na hindi pera ang magbibigay ng totoong kaligayahan. "Bakit ka natahimik?" pansin niya. "Sa reaksiyon mo, parang naaawa ka sa akin. Duh, Felicity. Mas nakakaawa ka, ano?" Umikot ang mata niya at biglang binuksan ang pinto ng kaharap naming kuwarto. Awtomatiko akong sumunod nang pumasok siya, at hindi ko napigilang mamangha sa lawak nito. Kumpletong-kumpleto ang mga gamit, puwede nang tumira dito. Pero hindi ang disenyo at mga kagamitan ang kumuha sa atensiyon ko, kun'di ang mangilan-ilang sulat sa pader. "Ang dumi ng pader. Kung ako lang, hindi ako magsusulat sa pader dahil ang cheap tingnan. Napilitan lang ako noon dahil nakakahiya naman kay soul mate kung wala akong pasabing ikakasal na ako." Natikom ko na lang ang bibig ko. Kung makita niya lang sana ang kuwarto ko . . . "Pero okay na rin na may sulat siya. Iyan din naman ang ipinunta natin dito." "Ha?" Nagtataka akong napatingin sa kanya. She didn't respond. Dumiretso siya sa kama at hinaplos ang isang human-sized Teddy Bear. "My brother loves Teddy Bears. He's almost obsessed. Nangongolekta 'yun ng pagkarami-rami, puno yung isa pang kuwarto rito ng mga binili niya at iniregalo sa kanya. At ito," tinapik niya ang nasa harap, "ay galing sa fiancé niya. May sentimental value 'to sa kanya. My future sister-in-law is poor, lalo na nang high school sila. But then, she saved money from her allowance and part time jobs to be able to buy this bear as her graduation present to my brother. Kaya sobrang halaga nito. Kunin mo na lahat, sirain mo na lahat, huwag lang ito." Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi habang ini-imagine ang nakakatuwa nilang love story. "How sweet and romantic." "Yeah right," ingos niya. "Nasaan nga pala ang asawa mo?" bigla kong naalala. "Ewan. Huwag mo nga siyang banggitin," naiinis niyang tugon at tinapik ulit ang Teddy Bear. "Buhatin mo ito." Napamaang ako. "Ha? Bakit?" Inirapan niya akong bigla. "Do as I say na lang, okay?" Wala akong nagawa kun'di sumunod. Pagkabuhat ko ay nauna na siyang lumabas, at sumunod naman ako habang yakap-yakap ang Teddy Bear na halos kasing-bigat ko na yata. Nakasunod lang ako hanggang sa nasa harapan na kami ng pintuan ng kuwarto ng ate niya. "Dito ka muna sa gilid ng pinto," utos niya at saka pumasok. May kung ano siyang hinanap sa loob at mayamaya'y bumalik na na may hawak na G-string panty. "Para saan iyan?" naloloka kong tanong. "This," she spread the panty in front of me, "is no doubt the most valuable thing inside this room. Para kay ate, ha? Ito ang pinakaimportante. Kaso, ulyanin. Bago pa niya ma-realize na naiwan niya ito ay nakalipad na ang eroplano." My lips are parted, my eyes are locked on the panty Camilla is holding. "Pero bakit?" Bigla siyang napangisi. "Na-love at first sight siya sa nakita niya sa bar na lalaki. Naka-one night stand niya, kaso pagkagising sa umaga, wala na si Mr. Tirador." Lalong umawang ang bibig ko. "At ano ang connect sa panty?!" Bigla niyang hinampas nang mahina ang panty sa ulo ko. "Shunga ka ba? Siyempre, ito ang gamit niya noon. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin niya ang lalaking iyon. That was only a year ago, though." Oh my God. I can't believe this. "At bakit mo nga pala sinasabi ang mga ito? At ito," iginalaw ko ang yakap kong Teddy Bear na mukhang bumibigat na, "para saan ito?" "That!" She pointed me. "That is exactly what I'm gonna show you." Binigyan niya ako ng espasyo sa daan habang may ngisi sa kanyang mukha. "Pasok ka." Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero tumalima na lang ako. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, agad ko nang napansin ang paglitaw ng mga sulat sa pader ng kuwarto ng ate niya. Nang basahin ko ang ilan ay nagulat ako at halos mabitawan na rin ang Teddy Bear na buhat-buhat ko. "Bakit narito ang mga sulat sa kuwarto ng kuya mo?!" halos pasigaw kong naitanong. "I'll answer that later. Iwan mo iyang bear dito, tapos bumalik tayo sa kuwarto niya." Dali-dali siyang nag-martsa palabas. "Come on, quick." Patakbo akong napasunod. Nang makapasok kami ulit sa kuwarto ng kuya niya, nagulat ako nang makitang wala na ang mga sulat sa pader niya. "Bakit nawala?" hindi ko mapigilang itanong. Sa halip na sagutin ako ay itinuro niya ang marker sa ilalim ng lampshade na nasa lamesang hindi masyadong malayo mula sa pintuan. "Kunin mo iyan at magsulat ka sa pader." Hindi na ako nagtanong. Tumalima ako at nagsimulang magsulat. But just a few seconds of writing, the black ink disappears. Nawawala ang mga isinusulat ko. Kunot-noo akong napatitig sa pader. "Bakit?" Naramdaman ko ang presensiya ni Camilla sa tabi ko. "Walang sulat sa pader ni ate dahil nawawala ang anumang isusulat niya. Meaning, it's either nakapag-asawa na yung soul mate niya, or patay na. Ngayon, ang sagot sa tanong mo ay ito." Nag-martsa siya papunta sa kama, umupo roon at pinag-krus ang mga paa paharap sa akin. "Ang mga sulat daw sa pader ay mahalaga, kasinghalaga ng kuwarto, kasinghalaga ng gamit na mahal na mahal mo. Your room and the words in your wall always go together. At sa kuwarto mo, mayroon kang isang gamit na sobrang iniingatan, o sobrang gustong-gusto mo. Ngayon, kapag lilipat ka ng kuwarto, you can take the messages in your wall with you by simply putting that special thing you possess to where you wish it to be." Itinaas niya ang panty na hawak niya. "This is the most important thing for my ate, at dinala ko siya rito. Now, the walls are hers. Iyong Teddy Bear ni kuya, nasa kabila. And as you saw, the words that were here relocated. Gets?" What the . . . "So," tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin, "pakitanong kay Asher. Sure ba siyang sa kanya ang kuwartong tinutulugan niya? Baka naman may sumabotahe sa kanya? What do you think, Felicity?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD