Chapter 7

3042 Words
Hindi ako tinantanan ni Kimmy hangga't hindi ko kinu-kuwento sa kanya ang nangyari. Kaya nang uwian na ay napagpasyahan kong sabihin na sa kanya ang lahat, kasama na rin ang pagpapakita sa kanya ng kuwarto ko. So here she is, wandering around my tiny four-cornered room, unbelievably looking at my walls. "Grabe, girl. Di ko in-expect na halos sakop mo pala ang pader mo." I scowled. "This is the reason why I didn't want to take you here." Tinapunan niya ako ng tingin, unfazed of my reaction. "Gaga, no offense. Ang ibig kong sabihin, ang suplado niya." Well, I couldn't agree more. Ilang taon din akong nakaramdam ng frustration sa soulmate ko. Hindi naman sa atat na atat na akong makilala siya at makipag-loving loving, gusto ko lang namang may makausap minsan. Lalo na kapag nag-be-breakdown ako, gusto ko ng mapagsabihan maliban kay Kimmy. Wala lang. Kahit minsan sinasabi ko sa sarili kong okay lang ako, may mga panahon din namang hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko. No one is always fine. No matter how happy we are in the eye of people or how strong we might think of ourselves, there's always that moment that we want to admit we are weak. That we are sad. And we want to cry. Nga lang, mahirap siyang labanan pero madalas ay mas mahirap siyang ipakita. Lalo pa kung alam natin sa sarili nating walang pakialam ang iba sa nararamdaman natin, mas nakakasakit iyon. So oftentimes I just keep it to myself. Because even this guy beyond my walls is not interested in who I am and what I was saying. Habang nakatingin si Kimmy sa mangilan-ilang pulang salita ay humilata ako sa kama at tumingin sa kisame. "Posible nga bang si Asher ang soulmate ko?" Hindi umalis si Kimmy sa kinatatayuan. "Base sa lahat kuwento mo, walang-duda. Though medyo confusing kasi parang may chance na si Benjie nga, pero sa sinabi mo pa lang na nag-iiba ang pakiramdam mo kapag nandiyan siya, tapos nawala 'yung sakit sa dibdib mo nang halikan ka niya, siguradong siya na nga." "Hay, 'di ko na alam." Nagpakawala ako ng buntonghininga. Ipinikit ko ang mga mata ko at muli na namang bumuntonghininga. "Magtigil ka nga. Problematic ka masyado e nasa dalawang 'yun lang naman ang pagpipilian kung sino talaga. Partida, guwapo pareho. Pero . . . " naramdaman ko siyang umupo sa gilid ng kama, "mas guwapo si Asher. I like his vibe, nakikita ko na ang chemistry ninyo, girl." Now that I think about it, they are both a heartthrob but posses different vibes. Si Benjie 'yung tipong guwapo na good boy, samantalang si Asher ay guwapong bad boy. Kung sa mood naman, masayahin si Benjie, at seryoso naman yung isa. When it comes to sports, ang vibe ni Benjie ay pang-varsity player talaga, specifically with those sports where one is exposed in exercising lower and upper extremities with girls cheering on bleachers. On the other hand, Asher's vibe is of those who are into mind games where he only sits as he let his brain work. Lastly, if it's about profession, Benjie can be that friendly professor that everybody loves, or a DJ happily talking behind speakers, or a bartender who makes the costumers get addicted in him more than in the alcohol he serves. And Asher, obviously, that ever-dangerous lawyer or prosecutor who can't be tamed by higher-ups, or be fooled with money. He can be that respected and unapproachable chief executive officer of a prestigious company. These two are friends, but they vary in many aspects. At kung ako ang tatanungin kung sino ang mas gusto ko . . . ewan, hindi ko alam. "Ano kaya kung tanungin mo na lang sila?" ani Kimmy sa paraang parang napaka-bright ang idea niya. "Para namang gan'on kadali," ingos ko. "O edi hintayin mo na lang na pumuti ang buhok mo kakahula kung sino sa dalawa ang soulmate mo. Ako ba ang naghihintay? Ikaw, diba? Kaya bahala ka riyan." Napailing na lang ako. Wala talaga siyang silbing kausap. * * * This would be the second time that I am with Asher. Alone. Just a mere thought of that makes me feel edgy yet gives a feeling of excitement. Kanina ko pa iniisip kung ano ang una kong gagawin kapag nakita ko siya, o kung ano ang una kong sasabihin. Alam ko naman na kahit anong paghahanda ay wala ring silbi dahil mawawala lahat ng ito sa pagkakataong makikita ko na siya, but I just can't help it. At least I am trying to ready myself for the possible scenarios. Lagi akong mukhang tanga sa harapan niya, wala na akong nagawang maganda. Earlier, he sent me a message request on i********:, giving the name of the place where we're going to meet and the exact time we should start. Ngayon, kasalukuyan na akong nasa loob ng tricycle papunta sa binanggit niyang pangalan ng lugar—Good Taste Café. Nakita kong papunta na kami sentro. The usual scenario in an urban area, people look so busy, cramming and almost running to and fro. High buildings are everywhere, and the noise of the crowd filled the air like a canopy of water during a hail storm. Ang ingay ng mundo. Lahat ay okupado sa buhay. Minsan napapaisip na lang ako kung ano nga ba ang dahilan at narito ako. Sa taas ng nilipad ng karamihan, nanliliit ako. Tiningala ko ang mga gusaling mistulang nagpapataasan, pinasadahan ko ng tingin ang mga sasakyan sa kalsada na animo'y nagpapagandahan. Napa-buntonghininga ako. If you are rich, are you happy? They say that money is everything, money is happiness itself. I can't wait to find the answer myself. Dahan-dahang tumigil ang sinasakyan ko. "Dito na po," the driver informed as I took a step outside. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap ang café na tinutukoy ni Asher. Kung bakit ba kasi hindi na lang sa school, bukas naman doon kahit walang klase basta't hindi holiday. "Ah, manong, alam mo ba kung saan dito 'yung Good Taste Café?" tanong ko sa driver bago pa ito magpaandar. Itinuro niya ang nasa likuran ko mismo. "Salamat." Kung saan-saan ako tumingin, sa likuran ko lang pala. Tumayo muna ako nang ilang minuto sa harapan ng magarang gusali bago ako tumulak papasok. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng iba't ibang klase ng kape na humahalimuyak sa buong looban. My God. Napaka-cozy sa pakiramdam. This feels even better than home. Though nagtaka ako kanina kung bakit dito sa tindahan ng kape ang napili ni Asher, ngayon ay mukhang alam ko na ang dahilan. Inilabas ko ang phone ko at tiningnan ang oras. It's exactly two o'clock in the afternoon, I'm on time. Medyo marami-rami naman ang tao, pero hindi kagaya sa Mang Inasal o Jollibee na sobrang ingay at siksikan. Napansin kong may mga nagbabasa pa habang nagka-kape, at mayroon ding nakaharap sa kanilang laptop at mukhang gumagawa rin ng activity. Wala sa parteng ito si Asher. I went to the other parts of the café, expecting to see him somewhere, but my eyes didn't see any Asher around. Alam ko na agad kung narito siya. Who can ignore the presence of a perfect figure, anyway? He's that kind of guy who can stop you from walking even in the middle of a crowded street and make your head turn towards him. Teka nga, why am I complimenting him this much? After all, si Benjie pa rin ang crush ko. Yeah, si Benj pa rin. "Ma'am?" Kinuha ng isang babae ang atensiyon ko. Nakasuot siya ng uniporme kagaya ng ibang empleyado rito at nakatali ang buhok niya't nabalutan ng hairnet. "Bakit po?" "Kayo po ba si Ma'am Felicity Reyes?" Tumango ako. "Dito po, Ma'am. May naka-reserve na table para sa inyo." She maneuvered me to the deeper part of the area. May hinawi siyang kurtina at bumungad sa akin ang mas komportableng parte ng café. Sa labas kasi kung saan kami nanggaling ay nakikita ang mga dumadaang tao at sasakyan dahil sa salamin nitong dingding. Dito ay hindi. Sementadong pader na napinturahan ng peach na kulay ang pumapalibot sa lugar kung saan may humigit-kumulang dalawampung lamesa. There's also a soft melody being played from the speakers, as if it's totally a different place. Sinundan ko lang ang babae hanggang sa nakarating kami sa pinakadulo kung saan halos hindi na dinig ang mumunting ingay mula sa mga nasa ibang lamesa at tanging ang malamyos na musika ang umaabot sa pandinig. Sa tingin ko ay mas mahal ang bayad dito kumpara sa kabilang dako ng kurtina. "Dito po," aniya at iminuwestra ang lamesa. Dahan-dahan akong lumapit dito at umupo. Akmang aalis na siya nang pinatigil ko siya sa tanong ko. "Teka lang. 'Yung nagpa-reserve nito, nasaan?" She politely smiled at me. "Mr. Sullivan will be here soon." Wow, englishera naman pala. "Dito ba sa café na 'to, puwedeng tumambay kahit hindi mag-o-order ng kahit na ano?" For a moment she didn't speak, until she nodded her head. "May equivalent na bayad kada oras." "Dito sa kinaroroonan ko ngayon, mahal ba ang bayad?" "Doble po sa bayad ng mga table sa labas." "Okay, salamat," sagot ko at iginala muli ang tingin sa paligid. Asher then paid for us already. Sweet. I took my phone out to read the pending light novel in my downloads when I felt a sudden tingle in my belly and an obvious change of my heartbeat. Hindi ito kagaya noon na masakit, pero ramdam ko pa rin ang pagbilis. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. The cue didn't betray me. Mula sa mahaba at malawak na daan ay nakita ko ang lalaking hinihintay ko. He's wearing a checkered polo with colors white, blue, and black, sleeves are folded up to his elbow. For the bottom, nakasuot siya ng black denim jeans at itim na sapatos. With his looking-almighty presence, I feel as if I'm just a piece of insect. How can he look cool and handsome in just a simple outfit? Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang naglalakad palapit sa akin, pansin kong pati ang mga kababaihang kasalukuyang may ka-date ay umiikot ang ulo sa direksiyon niya. At habang nakukuha niya ang atensiyon nila, nasa akin naman ang mga mata niya. Hehe. Gusto ko na lang sumigaw bigla. Asar! Sa isa niyang kamay ay may hawak siyang bag na sa tingin ko ay laptop ang laman. Inilapag niya ito sa lamesa at nanatili namang nakakubli ang bibig ko sa katahimikan. He opened the bag and my assumption is confirmed when I saw him taking the laptop out. Wala siyang imik na binuksan ito habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa guwapo niyang mukha na seryosong nakatingin sa screen. Well, lagi naman siyang seryoso. I'm in the midst of familiarizing the details of his face when he turned his eyes to me. Gulat akong napaayos ng upo at nag-iwas ng tingin. "I'm doing this alone." Nabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? "Akala ko dalawa tayo?" tanong ko, nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko. Is he tricking me? Then why am I here? Nakita kong kumurap-kurap siya. "Why are you hurt?" "Ha?" I asked, clueless. Hurt? Who? Wait . . . "Bakit alam mong nasasaktan ako?" Hindi nakatakas sa akin ang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. Kung kanina ay bahagyang lumamlam ang mga mata niya, ngayon naman ay bumalik na naman ito sa pagiging bato. "Halata naman sa reaksiyon mo," tugon niya, ang mga mata ay nasa screen ulit. "Gagawin ko ito mag-isa dahil kaya ko naman. This isn't something I should be asking for help." "T-then . . . " "Sa'tin ito, dalawa tayo rito. Malinaw na ba?" paliwanag niya nang nakatingin ulit sa akin. "My parents asked me to do something this afternoon, pero tinatamad ako." Itinukod niya ang mga kamay sa lamesa at pinagsalikop ang mga palad. "That's why you're here. I told them that I have an important project to finish with someone as soon as possible. But I don't really need your help." Natulala na lang ako habang nakatitig pa rin sa kanya. Ang haba ng sinabi niya, hindi pa rin ako makapaniwala dahil sanay akong tahimik lang siya. However, my attention wasn't in his words, but in his face. Kailan ba ako masasanay sa mukha niya? Siguro kahit buong maghapon akong nakatitig sa kanya ay hindi ako magsasawa. Napahawak na lang ako sa leeg ko at pinilit bumaling sa ibang direksiyon. Sa totoo lang ay naninibago ako sa ganitong ganap. Buong buhay ko ay sa akin nakasalalay ang responsibilidad sa ganitong mga activity. Sanay akong sa akin nakaasa, sa akin lahat. Pagod, oras, utak, minsan kahit gastos, ako. Now, someone just told me that he doesn't need my help, that he will do the project alone without removing my name as his partner. Just . . . wow. I love the feeling. Gumalaw ako para sumandal sa likod ng upuan nang biglang tumunog nang malakas ang tiyan ko. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla hanggang sa nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. Hindi ko matingnan nang diretso si Asher nang mapansing nag-angat siya ng tingin, hudyat na narinig niya ang lapastangan kong tiyan. Lupa, kainin mo na ako. Punyeta. "May gusto kang kainin?" Asher asked in a baritone voice. "I will get some food for us." Akmang tatayo na siya nang bigla ko siyang pinigilan. "Hindi, ako na lang! And it's also my treat, since ako ang gutom." His forehead puckered. "Sit." Umiling ako nang ilang beses at tumayo na. "Seryoso, ako na. Ituloy mo na lang iyang ginagawa mo, kaya ko naman." Then I gave him a smile saying that it's really okay. Saglit niya akong pinagmasdan hanggang sa nakita kong inilabas niya ang kanyang wallet. "Here," aniya habang iniaabot sa akin ang isang libo. Umiling ulit ako. "Sabi kong treat ko, e. Ikaw na nga ang nagbayad dito, tapos ikaw pa ang gumagawa ng project natin, this is nothing." "No, I didn't pay any—" "Mag-order na lang ako ng kahit na ano, ha? First time ko rito, e." Nagsimula na akong humakbang paalis. "Hey, tak—" "Chill!" Nag-thumbs up ako bago nagmamadaling umalis. May hiya pa naman ako sa katawan. Ayaw kong abusuhin siya por que siya ang lalaki. Kahit pa mayaman siya, hindi iyon sapat na dahilan para gumastos siya para sa'kin. I went to the counter and lined up. Medyo marami-rami na ang nakapila kumpara kanina. Sa katabing pila ay may grupo ng mga kalalakihan na sa tingin ko ay ka-edad lang din namin. When I looked at their uniform, I saw the logo of La Universidad Católica de Geneva. Ah, catholic students. Ibinalik ko ang tingin sa harapan at tiningala ang listahan ng mga pangalan ng kape at pagkain na sine-serve nila. I moved forward and felt that I am slightly being pushed by another group of people gathered behind me. Narinig ko pa silang nag-uusap lahat at nagtatawanan. Hindi naman ganoon kaingay, pero naiirita ang tainga ko. Bahagya akong nagtapon ng tingin at nakitang iba ang uniform nila. Hindi ko na inabalang tingnan kung saang unibersidad sila nabibilang. Nang ako na ang nasa counter, saglit pa akong nag-isip kung ano talaga ang bibilhin ko. Kung ano ang nakita kong pinakamadaling bigkasin ay siya na lang plinano kong bilhin. Akmang ibubuka ko na ang bibig ko para sabihin ang order ko nang bigla akong nakaramdam ng kamay na humahaplos sa aking pang-upo. Hindi ko pa man nalilingon kung sino ito nang bigla itong pumisil dahilan para manlaki ang mata ko. My face burnt with horror as my trembling body automatically faced the male students behind me. Ang ilan ay nagtitinginan at nagsisikuan, pero ang lalaking nasa likuran ko mismo na siyang maaaring salarin ay kumindat lang sa akin. Nakarinig ako ng pagbungisngis sa likuran na para bang pinagtatawanan lang nila ang ginawa ng kasama. "B-astos ka," nanginginig ang boses kong wika, pero ngisi lang ang iginawad nito sa akin. "Miss? Your order please?" dinig kong sabi ng babae sa counter, pero hindi ko nagawang gumalaw. Kumukulo ang dugo ko, at sa tindi ng galit ko ay gusto ko na lang umiyak bigla. "What's happening?" Halos mapaigtad ako sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaking paparating. Mas lalong nangilid ang luha ko nang makita siya, pero sa loob-loob ko ay naramdaman kong may kakampi ako at magiging okay ako. I raised my shaking hand as I pointed out the guy behind me. "H-he . . . squeezed my butt. He sexually harassed me." Mas lalong lumapit si Asher sa amin, nagsimula nang magtinginan ang mga tao sa loob. "What? Who harassed who?" Huminga ako nang malalim, pinapakalma ang sarili. "Binastos niya ako. P-pinisil niya ang pang-upo ko," naiiyak na ulit ko sa nangyari. The guy innocently looked at me as if he's done nothing wrong. "Ano? Wala kang ebi—" His last words was blown away when a loud sound of a punch on his face took over the silence, together with the scream from people who witnessed it. Tumilapon ito sa sahig at halos magsumigaw sa sakit habang hawak-hawak ang parte ng pisngi niyang nasuntok. My eyes grew big as I saw Asher's face. He's fuming with anger, his eyes seemed to pop out while the veins in his face started to turn evident. Parang kidlat na nilapitan niya ulit ang lalaki. "I'd rather put you in a hospital than in jail, you piece of s**t!" Hindi ko alam kung paano ko nagawang lumapit sa kanila at pinigilan ang kamay ni Asher na muli na namang dadapo sa mukha ng lalaki na putok na ang labi. "Tama na, Asher. Let him go. Please," bulong ko habang hinahaplos siya sa likod at pinapakalma. Narinig ko ang mabibigat niyang hininga at marahas na binitawan ang kuwelyo ng lalaki na ngayon ay halata na ang takot sa mukha. "Sir Asher? Ano po ang nangyari?" nag-aalalang tanong ng bodyguard na mukhang hindi agad natunugan ang nangyayaring gulo. Naramdaman ko ang panginginig ni Asher sa galit, ang nakakuyom niyang kamao ay halatang naninigas at handang-handa nang manuntok muli. Itinuro niya ang lalaki, at sa nakakatakot na boses ay sinabi niya, "Take that bastard away. Now!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD