Chapter 2

2261 Words
Halos mabitawan ko ang damit niyang hawak ko nang mag-sink in sa aking isipan ang sinabi niya. Could it really be him? My crush is my soulmate? If yes, isn't it too good to be true? Ang hirap naman kasing mag-assume dahil baka umaasa lang pala ako sa maling akala, pero paano kung totoo? "Ang soulmate mo, nakita mo na ba?" hindi ko na napigilang itanong. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko habang mahigpit na nakahawak sa damit niyang nasa kamay ko. Nakita ko siyang dahan-dahang umiling. "Not yet. Pero kilala niya ako. She once mentioned my name on the wall." Pakiramdam ko ay namutla akong bigla. Habang mas tumatagal, nadaragdagan ang mga ebidensiyang siya nga ang soulamate ko. How fortunate can I be? Out of how many people, bilang lang ng daliri ang mga nakakatuluyan ang crush nila. Karamihan, hanggang crush lang, hanggang tingin lang. Pero sa akin, it happened! But is it really enough? Aasa na ba ako rito? What if everything is just a coincidence? Right! I have to gather more evidences. I have to make it clear before I would feel happy about it. "Benj—" Umurong ang aking salita nang tumunog ang smartphone niyang nasa bulsa. "Wait a sec," aniya bago sinagot ang tawag. "Xandra! Hindi na ako naninigarilyo," bungad niya sa kausap saka siya humalakhak. "Malay ko ba, lagi namang sigarilyo ang binabanggit mo sa 'kin kapag tumatawag ka. O ano nga?" Tumigil siya saglit. "Inuman? Saan? Bakit biglaan?" Nangunot ang noo niya habang pinakikinggan ang sagot ng nasa kabilang linya. "Ah, break na kayo ng boyfriend mo at gusto mong mag-celebrate? Game ako riyan!" Muli siyang tumawa saka ako tiningnan at kinindatan bigla. "Yayain mo 'yung mga unggoy sa Vilican, magpapaturo na rin ako ng thesis kay Abo." He paused again. "Ay sa bahay n'yo ba? Kala ko sa bar. Ayos, kahit buong magdamag tayo riyan. Oh sige na, magbibihis ako." He paused for one last time. "Sira. Sige, sige. Bye." Pagkabulsa niya ng phone ay nginitian niya ako. "Aalis ka, kung ganoon?" tanong ko. "Oo, e. Gusto mong sumama?" Agad akong napailing. Hindi ako umiinom ng alak at maliban kay Benjie ay wala akong kakilala roon, baka ma-out of place lang ako. "Sige lang, may assignment akong gagawin." Inangat ko ang shirt niya. "Sa bahay ko na 'to labhan." Pagtingin niya rito ay bigla na naman siyang natawa, kitang-kita ang mga ngipin niyang regular yatang pinapalinis sa dentist sa sobrang puti ang ganda. Ang naniningkit niyang nga mata ang mas lalong nagpa-guwapo sa kanya. Ang bait niyang tingnan, tipong sad boy pero luluhuran. Ano raw? "Akala mo talaga hahayaan kitang labhan iyan? Felicity, may katulong kami sa bahay." Kinuha niya ang damit mula sa kamay ko at tiningnan ako nang diretso gamit ang mga matang maamo na parang tuta. "Excuse ko lang 'yon para sana makasama kita, kaso wrong timing. Bukas na lang ulit. Okay lang ba?" Napalunok ako. Gusto kong mangisay sa kilig. Kaunti na lang magsisisigaw na ako sa sobrang tuwa. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, pero sigurado akong totoo ang lahat ng ito. "Y-yes," nauutal kong tugon. "Magsama tayo bukas." "Good." Umayos siya ng tayo habang nakangisi. "Bukas." Ang pogi! "Ser, ayos na." Pareho kaming nabaling sa nagsalita. May dalawang lalaking papalapit sa amin, naka-bag at may mga gamit pampintura. "Tapos na po? Ah, saglit." Naglabas ng wallet si Benjie habang nakaharap sa dalawa. I think he's giving them their labor. Wait, they're done repainting Benjie's room. That means... "Benjie, aalis ka na mamaya, di ba? Uuwi na ako kung ganoon." Bumaling siya sa akin. "Ha? Aalis ka na?" Tiningnan niya ulit ang wallet niya at inabutan ng pera ang mga trabahador. "Sige, sige." "Bye," tipid kong ani bago naglakad na paalis. "Felicity, bukas, ha?" narinig ko pang sigaw niya nang makalabas na ako. I internally screamed. Nagtatakbo ako patawid sa kalsada dahil kating-kati na akong magsisisigaw. Tuloy ay muntik na akong nasagasaan ng paparating na mustang. Nasigawan pa ako ng driver. Aba, sa bilis niyang magpatakbo, sa bayad ng kabaong na lang siya makikihati. Katabi naman ng crossing ang bahay namin sa pagkakaalam ko pero bakit daig niya pa ang eroplano kung magpatakbo? Ah, basta. Magsasama kami ni Benjie bukas. Is it a date?! Oo nga pala! Muntik ko nang nakalimutan ang plano ko. Kumaripas na ako ng takbo papasok sa bahay, diretso sa kuwarto. Humahangos akong gumapang sa sahig habang hinahanap ang ballpen kong lagi kong ginagamit sa pader ko. Kung saan ko ito naihagis noong huli, hindi ko na alam. Nang makitang nasa ilalim ito ng study table ko ay agad akong nagsulat. Bagong pinta ang kuwarto ni Benjie, siguradong madali niya itong makikita kung sakaling siya talaga ang soulamate ko. Pilit kong pinakalma ang kamay kong nanginginig at nagsulat. "May tanong ako. May lakad ka ba ngayon? Where?" Huminga ako nang malalim, napabuga nang malakas. Alam kong hindi maganda ang pinakauna at huli niyang mensahe sa akin. Ang arogante ng dating at lasang-suplado talaga, pero biglang ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon sa kanya. Siguro dahil may posibilidad na si Benjie nga siya. Benjie is sweet and gentle! I should not hesitate. Napaupo ako sa kama at ikinalat ang paningin. Madali kong makita ang reply niya kung sakali dahil puro itim na tinta ang laman ng kuwarto ko, maliban sa kaisa-isa niyang tugon noong nakaraan. Ngayon at muli kong tinitingnan, halos wala na pala akong mapagsulatan sa pader ko. Sa ibaba kung saan ko isinulat ang tanong ko sa kanya, may kaunti pang espasyo roon. Doon ko na lang isusulat ang susunod kong mensahe kung sakali. "Oh, syet." Halos malaglag ang panga ko nang makitang sa ibaba ng tanong ko ay unti-unting lumitaw ang mga salita sa pulang tinta. "Inuman with friends. Pake mo?" Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kung maiinis ba ako dahil ang bastos ng sagot niya, o maglulundag sa tuwa dahil nalaman ko nang si Benjie nga ang soulamate ko. Aalis siya ngayon papunta sa kaibigan niyang broken, makikipag-inuman. At ito nga, ito mismo ang sagot niya! At doon na nga ako nagsimulang maglabas ng kilig sa katawan. Wala na akong pakialam kung marinig ng kapitbahay, o kahit siya mismo. I screamed from the kasukdulan of my esophagus. Oh my fooking gah! Dream come true! --- "Totoo nga'ng siya talaga? Bakla, ang haba ng hair mo talaga. Mahal sa shampoo!" Pinaghahampas ako ni Kimmy nang maibalita ko sa kanya ang nangyari kahapon. Nasa cafeteria na naman kami at kasalukuyang nagme-meryenda. Sa break time lang naman kami nakakapag-usap ng ganito kaya tinotodo na namin. Kaso sobrang lakas talaga ng boses niya. "Saksakan mo nga ng muffler iyang bunganga mo, agaw-pansin ka nang gaga ka," asik ko. Hindi niya ako pinansin. Lalo pa ngang lumaki ang ngisi niya at napansin kong nasa likuran ko ang atensiyon niya. Nagsimula namang mapatingin din sa kaparehong direksiyon ang mga nasa ibang table, kaya naman lumingon ako. "Felicity." Napaka-guwapo at nakangiting mukha ng isang Benjie Verano ang bumungad sa paningin ko. Napipi ako. Kahapon lang ay magkasama kami at naging normal naman kahit papaano ang heartbeat ko, pero bakit ngayon ay bumabalik na naman sa dati? Yung tipong naghaharumentado na kahit dadaan lang siya malapit sa kinaroroonan ko. Grabe, ibang-iba ang epekto niya sa akin. "Oy, Fe!" narinig kong pukaw ni Kimmy sa pagkakatunganga ko. "Kinakausap ka ni soul— ay este, ni Benjie." I hesitantly looked at him and gave a shy smile. "Ano iyon?" Lumabi siya at namulsa. Tumabingi ang ulo niya at inilapit ito sa akin. Halos mapasinghap ako, lalo na nang marinig ko ang mumunting bulong sa paligid at makaramdam ng mangilan-ilang flash ng camera. Ano pa nga ba? It is one of the most famous students in Geneva University that is standing in front of me right now. Not to mention, he leaned his head closer as if he's going to kiss me. Ang assuming ko, animal. "Nakalimutan mo na? Magsasama tayo ngayon, hindi ba?" aniya, may mapanlokong ngiti sa mukha. "Fe pala ang nickname mo. So innocent. Like you." Nakagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagsidhi ng nararamdaman. Ayaw kong bigla na lang masigaw rito, saka na kapag mag-isa na ako. Kaya naman bago pa ako makagawa ng ingay, dahan-dahan ko siyang itinulak palayo saka ako tumayo. Kinuha ko na ang bag ko at sinenyasan si Kimmy na tumayo na kahit may natitira pa sa kinakain niyang pansit. Bumaling ako kay Benjie. "Ah, ano kasi, we still have classes. Sa uwian na lang mamayang hapon? Bet?" Nagkibit-balikat siya habang nakangiti pa rin. "Anytime you wish, Fe." Umangat ang kamay niya para pisilin ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga." Oh my God! Omg omg omg! "Syet, kinikilig ako gaga ka," bulong sa akin ni Kimmy na halatang pigil din ang kagustuhang magwala na. Benjie signaled his companions to move forward. "Let's go." Isa na namang kindat ang iginawad niya sa akin bago nila kami nilampasan. Nakita ko pa ang hindi magandang tingin ng mga babae sa paligid pero hindi ko na iyon ininda. Ang mahalaga ay ang importante. Benjie and I... we are not 'impossible' anymore. After all these months... Not anymore. --- Benjie and I didn't make it to go out together. May ipinagawa sa akin ang dean pagkatapos ng klase. As a college scholar, I do have tons of responsibilities at school. Sinabihan ko siya nang magkita kami. Marami pa naman daw ang bukas, kaya ayos lang. He even offered to help me to make these things get done as soon as possible, but I declined. This is my duty, I don't want to drag him to this. Kahit soulmate ko siya, kailangan ko pa ring gumawa ng magandang impression sa kanya. Surely, when I turn eighteen, our bond will react already. At gusto kong solid na tuwa ang mararamdaman niya kung nagkataon. Kahit kasi kami ang itinadhana at makakaramdam kami ng pagkagusto sa isa't isa, mas mabuti pa ring may guarantee na responsable ang aming soulmate. Siyempre, kami ang magsasama sa future at magta-trabaho para sa isa't isa. Good impression dapat bago pa kami tumuntong sa stage of getting to know each other. Nang hindi niya ako mapilit, sinabi niyang hintayin na lang niya ako para sabay na kaming umuwi. Umayaw ulit ako dahil ayaw ko siyang istorbohin. Saka na, kapag kami na. Yay, advance mag-isip. Pero ang totoo, nakakapagod talaga ang ginawa ko. Lupaypay ang mga balikat ko nang matapos na ang lahat ng pinagawa sa'kin. Paglabas ko ng gate ng university, nagsimula nang umambon. Pansin ko nga kaninang nangingitim na ang kalangitan, pero ngayon pa talaga siya bumagsak nang tuluyan. Ilang segundo lang at lumakas na nga ang pagpatak ng ulan. Damang-dama ko sa aking balat. Basa na agad ang katawan ko kahit ilang minuto pa lang. Right. Very fortunate. I'm very lucky. Super. Kung kailan pagod, saka naulanan. Hala sige, pasma ang aabutin ko. Malala pa, lalagnatin ako. Mababa pa naman ang immune system ko. Nakakainis na buhay. --- And... it happened. Paggising ko sa umaga, kasing-init ko na ang kaldero namin na kagagaling lang sa stove. Parang nabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Tita is the one who cooked for our breakfast. Kahit sobrang sakit ng ulo ko, pinilit kong bumangon para kumain. Ayaw ko nang abalahin si tita pa. "Hindi muna ako papasok ngayon. Kailangan mo ng kasama rito sa bahay," sabi niya sa'kin habang magkaharap kaming kumakain. "Tita, kaya ko 'to. Hihiga lang ako buong maghapon. Kaya ko 'to," mahina kong tugon. She doesn't need to absent in her work, I already caused her enough trouble in her life. "Sigurado ka?" tanong niya. Tumango ako. "Gamot lang po at pahinga ang katapat nito. May paracetamol po ba tayo riyan? Ah, wala na pala." "Meron. Bumili ka, di ba? Naiwan mo pa sa labas ng pinto." "Po?" Kahit pumipintig ang sentido ko ay nagawa kong bigyan ng atensiyon ang sinabi niya. Itinuro niya ang isang paper bag sa dulo ng lamesa. "Ayan, hindi mo ba iyan binili? May gamot diyan para sa ubo, sipon, at lagnat." Lihim akong napangiti. Was it from Benjie? Kagabi kasi, naikuwento ko sa kanya sa pader ko na naulanan ako. Inamin ko na rin sa kanya na ako ang soulamate niya dahil sinabi ko kung taga-saan ako. My exact message was, "Benjie Verano, alam kong ikaw ang soulamate ko. Sorry kanina, bawi ako bukas. Naulanan nga pala ako. Hopefully ay hindi ako tamaan ng sakit this time. May klase bukas at wala na ring gamot sa bahay. Nga pala, ako ito. Ang babaeng nakatira sa harapan ng bahay ninyo. Ang soulamate mo. Benjie, it's nice meeting you. Finally." I hesitated at first. Pero dala marahil ng kalutangan ng aking isip na dala rin ng sakit ng ulo, itinuloy ko pa rin ang pag-amin. And now, he brought me medicines. He's thoughtful and sweet. Ang suwerte ko sa kanya. Nang unti-unti nang humupa ang lagnat ko at sakit ng ulo, binuksan ko ang phone ko at hinanap ang account niya sa i********:. I sent him a direct message. Nagpasalamat ako sa mga gamot na ibinigay niya. Natulog na ako pagkatapos. Nang magising ako, binuksan ko ulit ang phone ko at nakitang may reply siya sa akin. And as soon as I read his message, I froze. Mainit ang katawan ko, pero pakiramdam ko, nanlamig ako. "Medicine? I didn't give any medicine, Fe. May sakit ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD