Chapter 1

2477 Words
I've been moving like a lightning for almost an hour now, I guess. I never thought I can be a superhero. Like Flash! Paano ba naman kasi. Napuyat ako kagabi kakakopya sa notes ni Kimmy. Ayaw kong pinipicturan lang ito gaya ng ginagawa ng iba kong classmates tuwing may kokopyahin kami sa board. Mas madaling mag-aral sa notebook kaysa sa phone. Isa pa, habang nagsusulat ako, natututo ako dahil pumapasok sa isip ko ang mga nababasa ko. At hayun nga, kapag nasimulan ko ang isang gawain, as long as may oras at kaya ko pa, tinotodo ko. Tinatapos ko ora mismo. Hindi ako fan ng procrastination. Pero ang resulta, na-late ako ng gising. Sobrang malas! Nang huli kong tiningnan ang orasan, isa't kalahating oras na lang bago ang unang subject namin. Sapat na sapat na sana kahit isang oras lang, makakaabot pa ako sa klase. Ang kaso, madalas na late nagigising si tita dahil pagod sa trabaho, kaya naman ako ang nagluluto ng pang-umagahan naming dalawa. Medyo malaking oras ang kinakain ng pagluluto, isama pa ang matagalang pakikipagsapalaran sa himpilan ng pampasaherong dyip o tricycle. Basta sa umaga, agawan ng espasyo. Buhay nga naman, oo! Halos hingalin na ako habang isa-isa kong pinulot sa lamesa ko sa kuwarto ang mga gamit ko para sa school. Nagkakanda-duling na ako sa pagmamadali. Balisang-balisa akong lumabas ng bahay. Pakiramdam ko, may mga nakalimutan akong gamit at mga bagay na hindi nagawa, pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para isipin pa ang mga 'yon. At least hindi ko nakalimutang magsuot ng underwear. Patakbo kong binaybay ang kalye Crisologo papunta sa paradahan ng tricycle. Sana palarin ako at walang masyadong pasahero. Bagaman nagmamadali, hindi ko nakayanan ang pagod. Parang babagsak ang katawan ko sa pagod. Mula pa kanina ay wala na akong pahinga. Nakakabanas! Sinipat ko ang aking relo. Fifteen minutes! How can I make it for just fifteen freaking minutes? Wala na. Good bye na lang sa first unit test namin. Partida, terror ang professor namin doon, hindi magawang pakiusapan. Napaayos ako ng tayo kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipigil sa sarili kong maiyak nang may malakas na businang gumulat sa buo kong kaluluwa. Halos mapasigaw at mapatalon ako sa aking kinaroroonan sa sobrang gulat. Nilingon ko ang sasakyan. Walang nasabi ang gulat na naramdaman ko kanina nang makilala ang napaka-pamilyar na kotse sa aking harapan. Paanong hindi ko ito makikilala? Araw-araw ko itong pinapasadahan ng tingin mula sa bintana ng aking kuwarto? Araw-araw ko itong pinapanood na magpatakbo palayo sa akin. Ang mga luha kong nabuo sa gilid ng aking mga mata ay unti-unting umurong. Natulos ako sa kinatatayuan, at lalong na-blangko ang isip ko nang tumapat ito sa akin kasabay ng pagbaba ng bintana sa shotgun seat. "You're my kapitbahay, right? Are you in a hurry? Gusto mong sumabay?" Diyos kong nasa langit, totoo ba ito?! Para akong estatwang laglag ang panga na nakatingin ngayon sa pinaka-guwapong lalaki na nasilayan ko sa buong Geneva. Benjie Verano, one of the most famous students of University of Geneva, a heartthrob, my ultimate crush. Oh my God! Alam niyang kapitbahay niya ako? It means, nakikita niya ako? Hala, hala. Baka lagi niya rin akong sinusubaybayan nang palihim! Like a statue that came to life, my lungs seemed to jump out of my chest when he pressed the horn of his car once again. Mas malakas na ngayon na hindi ko na napigilang mapasigaw. Ano ba iyan?! Nakakahiya namang ganito ang nangyayari sa akin gayong ngayon lang kami mag-usap. "Ey!" Kumaway-kaway siya sa'kin. "May difficulty ka ba sa pandinig? You hear me? Nah?" "A-ahm. Hi." Napatikhim ako, napabuga ng hangin. Hindi ko halos namalayan na pigil-pigil pala ang aking hininga kanina pa. "Hi," tugon naman niya, may bahid na ngiti sa kanyang mukha. Pero base sa aking obserbasyon, iyan 'yung klase ng ngiti na parang pinipigilan niya ang sarili na matawa. Nagmumukha ba talaga akong katawa-tawa? Nakakahiya! "May kailangan ka?" nagawa kong itanong. Muntik ko nang palakpakan ang sarili ko nang hindi ako nautal. Ngumuso siya nang bahagya, umiling. "Mukhang ikaw ang may kailangan. Nakita kitang tumatakbo. Are you in a hurry?" Nang maalala ko ang sitwasyon ko bago siya dumating, bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kamuntikan na akong napamura. "May klase... syet, may klase ako sa 7!" Nakita kong sinenyasan niya akong pumasok. "Then, hop in." Oh, the God of the heavens! Panaginip ba ang lahat ng ito? Hindi na ako nagdalawang-isip at pumasok. Saka ko pilit prinoseso sa aking utak ang lahat-lahat nang masigurong maayos na akong nakaupo. Una, kinausap ako ng lalaking crush na crush ko. Pangalawa, nasa loob ako ngayon ng kotse niya. At pangatlo, malaki ang posibilidad na makaabot ako sa klase. "Oh my God! I hope this is not a dream!" Napatakip ako sa mukha ko at impit na napasigaw. Ganito ako lagi kapag masaya at sobrang kinikilig. Nakarinig ako ng pagtawa sa tabi ko. Doon ay napawi lahat ng tuwa sa mukha ko at napalitan ng hiya. Did I just say those out loud? Really? While Benjie, my ultimate crush, is here?! Ang tanga-tanga ko! This is so embarrassing. Earth, take me. Take me! I'm losing my sanity like I've never been sane! "Para kang 'yung mga babaeng laging naghihintay sa akin sa parking lot ng school paglabas ko ng kotse, o di kaya'y yung nga nakaabang sa labas ng room ko, o sa cafeteria." Sumabay ang bawat salita niya sa malakas na pagtahip ng aking dibdib. Pinagpapawisan ako gayong nakaandar ang aircon ng sasakyan niya. Hindi ko rin halos dama ang katawan ko sa halu-halong emosyon. Grabe, ngayon ko lang ito maramdaman. Pero nang na-realize ko ang statement niya, halos nalukot ang mukha ko. Masyado ba akong naging transparent? Masyado ba akong na-carried away? Masyado ba akong nagmukhang childish na malandi na obviously NBSB? Sa sinabi niya, para lang akong isa sa mga tipikal na kababaihang nagkakandarapa sa kanya. Totoo naman, pero ang pangit pala sa pakiramdam na maisampal sa akin ang katotohanan. I am nothing but a desperate lover, a million in a million. A typical. Common. An easy to get. Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na nagsalita. Thankful na lang ako na nasa loob ako ng kotse ng lalaking gustong-gusto ko. Not all girls who have a crush on him has the chance to get in here. Think positive! "But unlike them, I find you cute." Kasing-bilis ng kisap-mata na bumaling ako sa kanya. My eyes seem to pop out. Nanlalaki, namimilog na nakatitig sa guwapo niyang mukha. He looked at me quickly then returned his eyes on the road. "First time mong masabihan ng cute?" Tumango ako. At lalong record-breaking and absolutely earthshaking, Mister, dahil galing sa'yo! I can't believe this! Parang siya talaga ang soulmate ko. Sana nga po. "Weird. Hindi ko alam kung bulag ba ang mga lalaki o sadyang mahina ang pandinig mo. Someone like you deserves compliments." Hindi ako makapaniwala. Is this really the Benjie that I used to adore from afar? Tinamaan yata ako ng suwerte at biglang nag-krus ang landas namin sa ganitong paraan. Partida, mukhang type niya ako! Or masyado lang akong feelingera just now? "Salamat," tipid kong sagot. "Thank you rin sa ride." Ang hirap magpaka-prim and proper. "Walang anuman." Tumingin siya sa gilid at dahan-dahang itinigil ang sasakyan. "Nasa harap na tayo ng school. May pupuntahan pa ako kaya hindi pa ako papasok. Okay bang dito ka na bumaba?" "Ah, yes! Sure." Itinuro ko ang pinakamalapit na building. "Diyan naman na ang una kong klase. Salamat ulit." Kumindat siya sa akin. "My pleasure." Hanggang sa pagpunta ko sa aking klase ay para akong nakalutang. Himalang tama pa rin kahit papaano ang pinasukan kong kuwarto. Benjie... He's my knight in shining armor. I was able to take the quiz because of him. Dalawang item lang din ang mali ko sa quiz. So far ay ito ang pinakamataas kong score sa subject na ito. Ang laking suwerte talaga ang dala ng araw na ito sa akin. Kaya naman pagpatak ng alas-dose ay kinuwento ko kay Kimmy lahat ng nangyari. Ilang minuto na kaming nakaharap sa mga pagkain pero hindi pa namin sila nakalahati. "Grabe, ang haba ng hair mo, girl!" ani Kimmy, may mga kislap sa mga matang nakatingin sa akin. "May progress iyan, I'm sure! May possibility na siya ang soulmate mo. If ever, jusmiyo, big time na ang friend kong virgin!" Pinanlakihan ko siya ng mata kasabay ng pagtingin-tingin ko sa paligid. "Ang pasmado ng bibig mo talaga, gaga! Nasa cafeteria tayo." Sumubo ako ng kanin at naisip ang sinabi niya. Kung si Benjie nga ang soulmate ko, ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. "Oh, pangiti-ngiti ka riyan? Daydreaming?" Inikutan ko siya ng mata. "Shut up." Ngumisi ako bigla. "Basta ang saya ko. Parang ano, parang hindi totoong nangyari." "Yeah, right." Nagkibit-balikat si Kimmy bago uminom ng tubig. "Feeling ko nga gumagawa ka lang ng kuwento, e." "Hoooyyy." Dinuro ko siya. "Hindi ako kagaya mo na masyadong assumera. Oo nga't patay na patay ako kay Benjie, pero hindi ako aabot sa ganyang state, ano? Duh!" Mapanloko niya akong tiningnan. "Gaga, hindi ako assumera. Pero sige na. Naniniwala na ako sayo. Dali mong mapikon." Itinuloy na namin ang pagkain. Nang matapos, sumaglit kami sa tindahan ng mga inumin at bumili ng tig-isang palamig. Pineapple juice ang sa kanya habang chocolate naman sa akin. "Inumin na natin dito. May twenty minutes pa naman bago ang klase," suhestiyon niya nang akmang tatalikod na ako. "Tara na! Sakto nang maubos natin pagdating natin d'on," pagtutol ko. Tumalikod na ako paalis pero nagulat ako nang may kung sino akong nabangga. Nasa likuran ko kasi ito at ewan ko kung bakit sobrang lapit niya. Sa gulat ay natapon sa kanya ang karamihan sa laman ng inumin ko. Nagkalat ang kulay ng chocolate na palamig sa puting-puti niyang uniporme. "Hala, sorry! Hindi ko si—" natigil ako sa pagsasalita nang mag-angat ako ng tingin at nakita kung sino ito. "Benjie." "Hey, you b***h! How dare you do that to my Benjie?" Isang inis na inis na babaeng mukhang paso ang umentra sa pagitan namin at pinunasan ang damit ni Benjie gamit ang panyo nito. Marami-rami ring napapatingin sa amin lalo na ang mga kababaihan kaya lalo akong nanliit sa hiya. "I'm... I'm sorry," pabulong kong ulit habang nakayuko. Hindi ko matingnan si Benjie sa mukha, ang tanga ko naman kasi masyado! Ang dami ko nang kahihiyang nagawa sa harapan niya. Letchugas! Napansin kong hinawakan niya ang kamay ng babae at pinatigil ito. "It's okay. I have an extra shirt sa locker ko. Palitan ko na lang mamaya." Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin pero pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin. "Sige. Ako na ang mag-uuwi ng shirt mo. Palalabhan ko na lang," she offered. Seriously? That girl is shameless! "Hindi, hindi naman ikaw ang nakatapon. The one who did this is the one who's responsible of washing it." Doon ay napaangat na ako ng tingin. Benjie is directly looking at me with those playful eyes. Hindi siya mukhang galit. Mukha nga'ng wala lang sa kanya ang lahat at natutuwa pa nga sa nangyari. Tinaasan niya ako ng kilay. "What's your name again, my neighbor?" "Felicity," I murmured under my breath. "Felicity..." he repeated. Ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa. "Labhan mo ito pagkatapos ng klase. Got it?" Hindi na niya ako hinintay na makasagot at dire-diretso nang umalis. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya at sa grupong nakasunod sa kanya. What did just... happen? --- Tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay. As usual, hati kami ni Kimmy sa pamasahe kaya lagi kaming magkasamang umuwi. Nasa kabilang kalye lang naman ang bahay nila. "Bye. Huwag kalimutan ang assignment!" paalala ko sa kanya bago kami naghiwalay. Ito lagi ang role ko, e. Makakalimutin kasi siya lalo na kapag assignment. Tsk. I was about to head to our house when I saw Benjie's car stopped in front of their gate. Kadarating niya rin, at ngayon ay nakapamulsa siyang humarap sa akin. Halos matunaw ako sa kilig. Presensiya niya lang, nakakapanginig na ng binti. Ang unfair, masyado siyang guwapo! Hustisya naman. "Halika rito. May lalabhan ka, diba?" nakataas ang mga kilay na paalala niya sa akin. May kinuha siya sa loob ng kotse niya at iwinagayway ito sa harap ko. Ang damit niyang narumihan ko. Hindi na ako nagdalawang-isip. Maliban sa gusto ko siyang makasama, first time ko ring pumasok sa bahay nila. Gusto kong makita ang tirahan ng lalaking matagal ko nang pinapanood lang. "Feel at home. Wala sina mama at papa, gagabihin sila ng uwi. Ang narito lang ngayon ay yung isang taga-luto at yung dalawang lalaki na nagpipintura sa kuwarto ko." Bumaling siya sa'kin na tahimik lang na nakasunod sa kanya. "Do you wanna eat?" Nginitian ko siya. "Sumaglit kami kanina ni Kimmy sa tiangge, busog ako." Tumango siya. "Okay, if you say so." Tatanungin ko na sana kung saan ako maglalaba nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya kanina. "Hindi pa ba pinturado ang kuwarto mo?" "Pinturado," nakakunot-noo niyang sagot. "Bakit?" "Kung nagpa-repaint ka, e paano 'yung mga sulat sa pader ng kuwarto mo? Wala ba kayong conversation doon ng soulmate mo? Wala ba siyang message? Bakit mo tinatabunan ng pintura?" Hindi ko alam pero bigla akong nagtunog-desperada. Hindi ko alam kung malulungkot ako o maiinis. Never in my life that I thought of covering the words in my room's wall, kahit na lahat ng iyon at sulat ko lang din. "Nabasa ko naman lahat ng nakasulat," saad niya habang nagkakamot ng batok. "Pero hindi iyon sapat para burahin mo lahat ng 'yon! Every message in our walls is important." "Exactly, Felicity." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bigla na lang aking pinisil sa pisngi. "Mahalaga sa akin ang bawat mensahe ng soulmate ko, kaya nga nagpa-repaint ako. Baka kasi hindi ko na mabasa ang mga bago niyang message sa dami ng mga nauna nang naisulat." "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Lumayo siya at umayos ng tayo. Nginitian niya ako bago tumingala sa ikalawang palapag ng bahay nila kung nasaan marahil ang kanyang silid. "Ang soulmate ko, hindi yata nagsasawang magsulat para sa'kin." Bumalik sa akin ang mga mata niya. "Sa dami ng mensahe niya, halos mapuno na ang pader ng kuwarto ko ng mga pulang tinta. Nagtataka nga ako. Hindi kaya puno na rin ng sarili niyang sulat ang mga pader niya?" Oh, no. This can't be. Oh my... God.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD