CHAPTER 2

1101 Words
KATE'S POV Hindi ako makapaniwala na ang bilis kong ibinigay ang aking sarili kay Arthur Montecillo, dahil sa labis na pagmamahal. Siya ang lihim kong karelasyon. Dahil pareho kaming may iniingatan na career sa Pilipinas. Kaya napagdesisyunan namin na ilihim ang aming relasyon. At dito sa bansang Singapore, ang ginawa naming tagpuan. Kasalakuyang katatapos lamang namin magniig ni Art, nang mabasa ko ang mensahe sa kaniyang cellphone. Hindi ako makapaniwala na may ibang babae siya. Pagkatapos kong ipagpaubaya ang aking sarili. "Ilan ba kaming babae mo? Na ikinakama mo?" lakas loob kong tanong kay Arthur. Nagtagis ang mga panga ni Arthur. "Kate, ayoko ng away, okay. Kaya, p'wede ba? Tigilan mo na ako, ng mga kaseselos mo! Lalaki ako— at may pangangailangan. Hindi ko kayang tiisin ang ilang buwan. Para ibigay mo sa akin 'yon! And believe me, ikaw ang mahal ko!" inis na tugon sa akin ni Arthur. Wala na akong nagawa kung 'di ang tumahimik. Nang ligawan ako noon ni Arthur, ay alam kong kilala siyang playboy. At maraming babae ang umiyak sa kanya. Ang akala ko, sa oras ibigay ko sa kanya ang aking sarili'y magbabago siya. Ngunit hindi pala. Niyakap ako ni Arthur. "Huwag ka nang malungkot. Hindi ako seryoso sa kanila," paglalambing niya sa akin. "Kung hindi siguro ako isang artista. Gagawin mo rin akong, isang parausan, na katulad nila," walang buhay kong saad. Minsan ay napapaisip ako. Kung ano bang nakita ko kay Arthur. Upang mahalin nang labis. Napailing si Arthur. "Ang mabuti pa siguro ay tapusin na natin ang bakasyon natin dito. Dahil alam kong— hindi mo ako titigilan ng kaseselos mo!" galit niyang pahayag at mabilis siyang nagtungo sa banyo upang maglinis ng kanyang katawan. Lumipas ang ilang oras ay nakapag-ayos na siya ng kanyang gamit. "Art, huwag ka na munang umalis," pagpigil ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti nang pilit. "Kate, sinira mo na ang mood ko. Madalang na nga tayo magkasama. Pagkatapos, 'yang pagiging selosa mo! Ang pinapairal mo!" At tuluyan na niyang nilisan ang kwarto naming dalawa. Sa tuwing magbabakasyon kami ni Arthur, ay palagi kaming nag-aaway. At katulad nang nangyari ngayon. Malimit niya akong iwan. Manhid na ang damdamin ko. Sa mga ginagawa ni Arthur na pananakit sa akin. Minsan nga, ay tinangka kong makipaghiwalay sa kanya. Ngunit hindi siya pumayag at nangako na magbabago na siya. Lumipas ang oras ay naisipan kong mamasyal dito sa Botanic Garden. Habang nagmamasid ako sa magandang tanawin dito, ay may isang lalaki ang nagsalita. "Hi," bati sa akin ng isang lalaki. Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko noong isang araw. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?!" mataray kong tanong. Umiling siya at isang ngiti ang kaniyang pinakawalan. "Bakit naman kita susundan. Nagkataon lamang na nakita kita dito. Kaya naglakas loob na akong lapitan ka," pagtatapat niya sa akin. "So, ano ngayon ang kailangan mo sa akin?" muli kong tanong sa kanya. Huminga muna siya nang malalim, bago muling nagsalita. "Gusto ko lamang humingi ng paumanhin sa 'yo. Dahil sa pagkakabunggo ko." Tumango ako sa kanya. "Okay lang," matipid kong tugon at nagdesisyon na akong lisanin ang lugar na ito. Mabilis akong tumayo at naglakad papalayo sa isang lalaking ekstranghero. "Sandali lang!" malakas niyang sigaw. Kahit narinig ko siya'y hindi ko na siya pinag-aksayahan pa ng panahon. Simula nang maging nobyo ko si Arthur, ay naging suplada at mataray na ako. Sa mga lalaking gustong magpakilala sa akin. Nang nakalayo na ako sa lalaking ekstranghero ay pasimple ko siyang nilingon. "Sayang, may boyfriend na ako. G'wapo ka pa naman," bulong ko sa aking sarili na may kasamang panghihinayang. *** Bago ako umuwi ng Pilipinas, ay naisipan kong pumunta dito sa Sentosa. From Vivo City ay sumakay ako ng express train upang makarating sa Mount Faber Station. Upang i-explore ang pagsakay sa cable car at makita ang kagandahan ng Singapore. Nang nakapila na ako ay may nakita akong mag-patner na sobrang sweet. Halos makaramdam ako ng inggit sa aking kalooban. "Kung hindi kami nagtalo ni Art, sana ay kasama ko siya dito," bulong ko sa aking sarili. Bigla akong natauhan nang biglang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. At nakita ko ang pangalan ni Mister Jay-zy, ang magiging bago kong talent manager. "Hello, Mister Zy," bungad ko nang tanggapin ko ang kaniyang tawag. Narinig kong huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Hello, Kate, kumusta ang bakasyon mo?" tugon niya sa akin. Napailing ako at ngumiti nang pilit. "Okay lang naman po, Mister Zy. Bakit nga po pala kayo napatawag?" balik kong tanong sa aking talent manager. "Kate, hindi na ako, magpapaliguy-ligoy pa. Tumawag ako dahil, gusto kong ihanda mo ang sarili mong— sagutin ang mga tsismis na binabato sa 'yo," seryoso niyang sabi na ikinagulat ko. "Po! Tsismis?" paninigurado ko. "Yes, tsismis nga. Tama ang narinig mo. At kailangan mong sagutin 'yon. At patunayan kung 'di totoo. Dahil kung hindi. Masisira 'yang iniingtan mong career," seryosong pahayag ni Mister Zy. Napailing na lamang ako. Dahil sa aking narinig. Kung hindi ako nagkakamali. Paniguradong tungkol ito sa relasyon namin ni Art. "Tungkol saan naman po, Mister Zy?" muli kong tanong. "We'll, sinasabi lamang nilang may relasyon kayong dalawa, ni Arthur Montecillo. May nakakita raw sa inyo, diyan sa Singapore," pagtatapat niya sa akin na ikinabingi ko. Dahilan upang hindi ako makapagsalita. "Oh, bakit natahimik ka? Huwag mo sabihing totoo? Ang tsismis tungkol sa inyong dalawa ni Arthur," muling litanya ng aking manager. Huminga muna ako nang malalim bago muling magsalita. "Mister Zy, hindi po totoo 'yon," pagtanggi ko. Hindi ko p'wedeng sabihin ang totoo. Tungkol sa aming dalawa ni Art. Dahil nangako kami sa isa't isa, na kahit anong mangyari ay walang aamin sa aming dalawa. "Sigurado ka ba? Alalahanin mo. Ako na ngayon, ang manager mo. Kaya dapat, ay wala kang ililihim sa akin. Ako lamang ang makakatulong sa 'yo, upang lusutan. Ang mga tsismis na ibinabato sa 'yo ng mga media," muling salita ni Mister Zy. "Opo," tanging sagot ko. Pagkatapos ay pinutol ko na ang aking linya. Bigla akong napaisip, dahil sa mga sinabi sa akin ng bago kong manager. Ngayon din ako naniniwala sa kasabihang 'walang lihim ang 'di mabubunyag.' Kailangan kong panindigan ang sinabi ko tungkol sa amin ni Art. Kailangan na naming mag-ingat ni Art sa susunod na magbakasyon kaming dalawa. "Ang hirap maging artista," sa loob-loob ko. Nang pasukin ko ang mundo ng showbiz ay hindi ko lubos maisip, na pati personal kong buhay ay kailangan nilang alamin. Kaya pati relasyon ko'y wala ng privacy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD