CHAPTER 3 - ADRIAN'S POV

1027 Words
Hindi ko makalimutan ang muling pagtatagpo namin sa Botanic Garden ng babaeng nakabunggo ko sa Merlion Park dahil hindi ko akalain na ang maganda at maamong mukha ng babae ay may nakatago pa lang katarayan. Napangiti na lang ako na mag-isa dahil hindi mawala sa isip ko ang magandang babae na nakabunggo ko. “Oh, pare, anong nginingiti-ngiti mo diyan?” tanong sa akin ni Darren. Si Darren ang naging kaibigan ko rito sa bansang Singapore. Magkaklase kami sa SEATRO at nagkataon din na magkasama kami dito sa inuupahan kong kwarto. Tumingin ako sa aking kaibigan. “Wala, may naalala lang ako,” matipid kong tugon. Tumango-tango si Darren habang nakatitig sa akin. “Pare, hulaan ko! Babae ang naalala mo ‘di ba?” pabirong wika niya sa akin. Kumunot ang aking noo. “Paano mo naman nasabi ‘yan?” “Pare, ang tagal na nating magkasama rito sa Singapore. Pero ngayon lang kitang nakitang ngumiti na mag-isa.” Itinaas niya ang kanyang mga kamay at muling nagsalita. “Habang nagniningning ang ‘yong mga mata.” Sabay ngiti niya. Napailing ako nang dahil sa sinabi ng aking kaibigan. “Pare, ito ang tandaan mo. Kahit kaila’y hindi mo ako makikitang ngumiti nang dahil sa babae. Dahil wala pa sa isip ko ang magmahal,” pabirong sabi ko sa aking kaibigan na naging dahilan naman upang matahimik ako dahil bigla ko na naman naalala ang babaeng nakabunggo ko. “Talaga, pare?” paniniguro ng aking kaibigan na hindi ko agad nasagot dahil kahit ako ay nagtataka na sa aking sarili kung bakit hindi mawala sa isip ko ang babaeng ‘yon. Lumipas ang ilang sandali ay muling nagsalita ang aking kaibigan na si Darren. ‘‘Pare, payo lang, mahirap pigilan ang puso. Kaya kung ako sa ‘yo, susundin ko ang nararamdaman ng puso ko,” mga salitang binitiwan ni Darren na nagpabalik sa aking katinuan. Muli akong tumingin sa aking kaibigan. “Pare, hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatibok ng puso ko,” wika ko na tinawanan lang ng aking kaibigan. Napailing na lang ako at hindi na muking nagsalita pa dahil alam kong hanggang ngayon ay hindi naniniwala sa akin ang aking kaibigan na hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend. Sumapit ako sa edad kong ito na twenty-one na hindi man lang ako nakaranas na magkaroon ng girlfriend dahil buong pagkabata ko ay wala na akong ibang pinangarap kung ‘di ang mabigyan ng magandang buhay ang aking ina. Dahil lumaki ako sa hirap at nakita ko ang sakripisyo na ginawa ng aking nanay upang mapag-aral niya ako. At ang hirap ng buhay namin ang naging hamon sa akin upang magsikap sa aking pag-aaral na sa awa ng Diyos ay nagawa ko naman na makapagtapos sa kursong Business Administration at dahil sa pagsisikap ko ay nagkaroon ako nang sariling negosyo. At ang lahat nang pagsisikap ko ngayon na maging private investigator ay para sa aking pinakamamahal na ina. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang maging isang private investigator. Kaya ngayon na may kakayahan na akong makapag-training ay hindi ko papalampasin ang pagkakataon na maabot ang pangarap ko. KINABUKASAN Narito ako ngayon sa ION Orchard, Singapore at namamasyal nang may nakabunggo akong babae. “I’m sorry, mi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang babae. “Hanggang dito ba naman?! Sinusundan mo ako?!” mataray na tanong ng babae. Umiling ako at ngumisi. “Miss, hindi kita sinusundan! At baka nakakalimutan mo na isa ito sa sikat na pasyalan dito sa Singapore!” tugon ko sa babae. Hindi ako makapaniwala na sa ikatlong pagkakataon ay muli kong makikita ang babaeng gumugulo sa isip ko. "At talagang nagde-deny ka pa!" Sabay irap ng babae sa akin. Gusto kong humalakhak dahil sa sinabi ng babae. Dahil siguradong-sigurado siya sa kanyang sarili na sinusundan ko siya. "Miss, isipin mo na ang gusto mong isipin. Pero gusto kong malaman mo, na kaya ako narito ngayon sa ION, para mamasyal at hindi para sundan ka," sabi ko. "Style mo bulok! Ang sabihin mo gusto mo lang magpa-autograph sa akin!" mataray na tugon ng babae na mas lalong ikinatawa ko. "Autograph? For what?" tanong ko sa babae na halos ikasingkit ng kanyang mata. Nanlilisik ang mga mata ng babae na tumingin sa akin at itinulak niya ako nang malakas. Pagkatapos ay bigla niya na lang akong iniwan na pinagtatawanan ng mga taong nakakakita sa amin. Napabuntong-hininga na lang ako habang sinusundan ko ng tingin ang magandang babae na ilang araw nang gumugulo sa aking isip. Maglalakad na sana ako nang may biglang umakbay sa akin. "Sabi ko na nga ba tama ang kutob ko na may babae ka, eh!" pabirong sabi ng kaibigan kong si Darren. "Sira! Hindi ko siya babae! Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng babaeng 'yon," sabi ko sa aking kaibigan. "Oh, talaga? Pero ang mga mata mo ay nagniningning habang tinatarayan ka niya kanina," muling biro sa akin ni Darren. "Ha! Huwag mo sabihin na kanina ka pa diyan?" tanong ko sa aking kaibigan. Tumango siya. "Oo, kanina pa ako rito at rinig na rinig ko kung paano ka niya tarayan kanina." Sabay halakhak niya. Napailing na lang ako sa aking kaibigan dahil tuwang-tuwa pa siya sa tagpong nakita niya kanina. "Pare, bunganga mo baka pasukan ng langaw!" biro ko sa aking kaibigan na naging dahilan upang tumigil siya sa pagtawa. Tumingin sa akin si Darren. "Pare, pero sa tingin ko talaga, inlove ka! Dahil iba ang ningning ng mga mata mo kanina," seryosong sabi ng aking kaibigan na hindi ko na lang pinansin. Hindi ko alam kung bakit nasabi ng aking kaibigan na inlove ako sa babaeng hindi ko naman Kilala. At paano ako magkakagusto sa babaeng ubod ng taray. Napailing na lang ako nang dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Ngunit nagtataka rin ako sa aking sarili kung bakit hindi siya mawala sa aking isip. Bigla ko tuloy naalala ang notebook na napulot ko noong una kaming nagkabunggo. 'Kung sino ka man? Sana dumating ang araw na makilala kita," bulong ko sa aking isip nang muli kong tingnan ang babaeng papalayo na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD