CHAPTER 1

1295 Words
ADRIAN POV Ako si Adrian Vergara, Twenty-one years old. Lumaki ako sa isang broken family. Kami lamang ng aking ina ang magkasama sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay na aking kinalakhan, ay nagsikap akong makapagtapos ng pag-aaral. Sa kursong Business Administration. Upang magkaroon kami nang magandang buhay. Pangarap ko ring maging isang Private Investigator. Kaya andito ako ngayon sa bansang Singapore, upang mag-aral, dito sa SEATRO o mas kilalang South East Asia and Training Organization. Habang andito ako sa Singapore, ang kaibigan kong si Jay-zy Cruz, ang siyang kasama, pansamantala sa bahay ng aking ina. At siya ang business partner ko sa aking negosyong mga pangkagamitan sa bahay. Walang iba kung 'di ang, Vergara's Home Furniture. Naisipan kong tawagan ang aking kaibigan. "Hello, Pareng Adrian, kamusta ka diyan?" bungad sa akin ng aking kaibigan nang sagutin niya ang aking tawag. "Okay lang ako. Ikaw, kamusta ka naman?" mabilis kong tugon kay Jay-zy. Narinig kong huminga muna siya bago magsalita. "Okay lang naman ako. Pati na rin si Tita Madel." Si Madel Vergara ang aking ina. Siya ang nagtaguyod sa akin, upang makapagtapos ako sa aking pag-aaral. Ang aking ina, ay isang singlemom. Dahil pinagbubuntis pa lamang niya ako ng iwan kami ng aking ama. "Salamat, pare, sa pagbabantay mo sa aking ina," sambit ko. "Pare, okay lang. Hindi na naman sa akin iba si Tita Madel. Siyanga pala, may nakuha na akong magiging investor natin. Makakapagtayo na tayo ng branch natin sa Manila," masayang pahayag niya. Nakaramdam naman ako nang lubos na kasiyahan. Dahil sa ibinalita sa akin ni Jayz-zy. Matagal ko ng pangarap ang magkaroon ng branch sa Manila. Ang aking negosyo na Vergara's Home Furniture. "Talaga, pare?" paniniguro ko. "Oo, pare, kaya matutupad mo na, ang pangarap mo," masayang sambit ni Jay-zy. "Salamat, pare, kung 'di naman sa pagsisikap mo. Malamang, lugpo na ang negosyo natin," puri ko sa kanya. "Pare, magkasama tayo sa pag-asenso. At pag-uwi mo nga pala. Mag-uumpisa na akong tumutok sa pagiging talent manager ko. Malapit ko nang makuha si Kate Lyn Martinez, bilang isang talent ko," pagtatatapat niya sa akin. Napangiti ako. "Masaya ako, para sa 'yo. Dahil magkakaroon ka na ng sikat na alaga," sambit ko. Dahil hindi ako mahilig manood ng Philippine program, ay hindi ako masyadong familiar sa sinasabi niyang sikat na actress. Pero ganoon paman, ay masaya ako. Para sa aking kaibigan. "Sige na, pare, marami pa akong dapat ayusing mga papeles. Para sa mga pipirmahan ng ating bagong investor," pagpapaalam sa akin ng aking kaibigan. "Okay, pare." At pinutol ko na ang aking linya. Pagkatapos naming mag-usap ni Jay-zy ay naisipan kong pumunta sa Merlion Park. Upang magpalipas ng oras. Kapag wala akong training sa SEATRO, ay ginagawa kong libangan ang pamamasyal. Habang andito ako sa Merlion Park ay may nakabunggo ako na isang babae. Maganda siya at mukang mestisa. Kung titingna mo siya ay para siyang isang dyosa. Dahil sa ganda niyang taglay. "I'm so sorry, miss," hingi ko ng paumanhin. Ngumiti nang pilit ang babae. "Okay, lang. Sa susunod, matuto kang tumingi sa dinadaanan mo!" masungit na sabi ng babae sa akin. Magsasalita pa sana ako nang may isang lalaki ang biglang nagsalita. "Kate, sino siya?" tanong niya sa babae at tumingin sa akin. Nagkibit balikat ang babae. "Hindi ko siya kilala. Nabunggo lamang niya ako. At pwede ba, Art, huwag mo akong tatawaging Kate. Sa harap nang maraming tao." Sabay hila niya sa lalaki na sa tingin ko ay nobyo niya. Nagkibit balikat na lamang ako. Nang nakalayo na ang dalawa'y ngayon ko lamang napansin ang isang maliit na notebook. Pinulot ko ito at tiningnan. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang larawan nilang dalawa. Nakalagay dito ang date ng pagiging magnobyo nila. At nabasa ko ang nakasulat na pangalan, Arthur and Kate Lyn. Napailing ako. "Kapangalan pa talaga niya ang sinasabing sikat na artista sa Pilipinas," sabi ng aking isip. Itinago ko na lamang ang notebook na napulot ko. Isosoli ko na lamang kapag muli kaming pinagtagpo. "Sayang, may nobyo ka na," bulong ko sa aking sarili, na may kasamang panghihinayang. Napakagat labi ako at pinili kong kalimutan ang aking naramdaman para sa babae. Wala akong mapapala, dahil may nobyo na siya. "Bakit ba kasi— sa dinami-raming babae akong nakikita. Sa kanya pa talaga tumibok ang puso ko," sabi ko sa aking isip. Para makalimutan ko ang babaeng nakita ko ay pinagmasdan ko na lamang si Merlion, habang nakakapang-akit ang tubig na inilalabas nito. Mula sa kaniyang bunganga. Ang sabi ng karamihan. Hindi makukumpleto ang pagpunta mo ng Singapore. Kapag wala kang naging picture kay Merlion. Kaya naisipan kong magpa-picture. Habang andito ako sa Merlion Park, ay natanaw ko naman ang Marina Bay. Ang huling lugar na gusto kong puntahan. Nakapamasyal na rin ako sa Garden By The Bay at Marina Bay Sand. Malimit din akong mamasyal sa Vivo City Shopping Mall, na matatagpuan sa HarbourFront Walk. "Kapag ako, ikinasal. Sa Siloso Beach Resort sa Sentosa ko dadalhin ang magiging asawa ko," sambit ko sa aking sarili. Naisipan kong bumili ng ice cream na nakapalaman sa tinapay. "Auntie, how much the bread, with ice cream?" tanong ko sa matandang ale na nagtitinda. "One dollar and fifty cents,"mabilis na tugon ng ale. Ito ang isa pinaka-famous na meryenda sa kalye, dito sa bansang Singapore. At karamihan ang mga nagtitinda dito ay may edad na. Ito ang bansang walang discrimanation pagdating sa matatanda. "Okay, Auntie, I want to buy one. Vanilla flavor, please," sabi ko sa matanda. Mabilis na ibinigay sa akin ng matanda ang binili kong tinapay na may ice cream. Umupo ako dito sa isang tabi at tahimik na pinagmasdan ang kagandahan ng Merlion Park. Habang kumakain ng ice cream. Kahit paano ay naiibsan, ang init ng aking pakiramdam. Dahil sobrang init sa lugar na ito. Bigla kong naalala ang magandang dilag na aking nakita kanina. "Magkikita pa kaya, tayong muli?" muli kong tanong sa aking sarili. Kinuha ko ang notebook na napulot ko at muli kong pinagmasdan ang larawan ng babae. "Napakaganda mo talaga." Sabay tingin ko sa malawak na dagat. Huminga ako nang malalim at muli kong itinago ang notebook na hawak-hawak ko. Isang ngiti ang aking pinakawalan. Totoo nga 'ata ang love at first sight. Dahil biglang tumibok ang aking puso sa isang babae. Ngayon lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Para sa isang babae. Ngunit kailangan ko na ring putulin ito. Dahil may nagmamay-ari na sa kanya. *** Katatapos ko lamang sa training ay naisipan kong pumunta dito sa Botanic Garden upang mamasyal. Naglalakad ako ng muli kong makita ang babaeng nakabunggo ko noong isang araw. Napailing naman ako. Dahil hindi ko dala ang notebook na pag-aari niya. Tumingin ako sa aking paligid at hinanap ng aking mga mata. Ang kaniyang nobyo. Ngunit hindi ko makita, kaya nagdesisyon na akong lapitan siya. "Hi," lakas loob kong bati sa babae nang makalapit ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?!" mataray niyang tanong sa akin. Umiling ako at isang ngiti ang aking pinakawalan. "Bakit naman kita susundan. Nagkataon lamang na nakita kita dito. Kaya naglakas loob na akong lapitan ka," pagtatapat ko. "So, ano ngayon ang kailangan mo sa akin?" muli niyang tanong sa akin. Huminga muna ako nang malalim, bago muling magsalita. "Gusto ko lamang humingi ng paumanhin sa 'yo. Dahil sa pagkakabunggo ko," pagdadahilan ko. Tumango siya sa akin. "Okay lang," matipid niyang tugon at mabilis na tumayo at naglakad papalayo. "Sandali lang!" malakas kong sigaw. Ngunit hindi man lamang niya ako nilingon. Nagkibit balikat na lamang ako dahil mukang mataray at suplada ang babaeng gusto kong makilala. "Ang mabuti pa, Adrian, kalimutan mo na siya," bulong ng aking isip. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pamamasayal dito sa Botanic Garden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD